<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, November 05, 2008

Yasmien Kurdi: Care ko!

May eksena sa pelikulang Saan Darating ang Umaga? na naka-one-piece swimsuit si Maricel Soriano, tinanong namin si Yasmien Kurdi kung ano naman ang isusuot niya sa beach scene ng TV remake ng movie na pagbibidahan niya sa GMA-7?

Hindi pa nakukunan ang eksena at alam niyang may beach scene.

Kung ano ang gusto ni Direk Maryo J. delos Reyes, susundin niya, kaya abangan ang pagtu-two-piece ng young actress.

Pumayag na rin si Yasmien na magkaroon ng kissing scene kay Dion Ignacio, kaya maraming aabangan sa kanya rito.

Kumportable siyang kapareha ang young actor at pagbigyan natin if she’s trying to forget JC de Vera and their loveteam.

Kaya lang, maiintriga na naman si Yasmien dahil tinawag na “that person” si JC nang tanungin about her former loveteam.

Sabi rin nito, baka hindi si JC ang ayaw na siyang makatrabaho. “Baka, it’s the other way around.”

“Care ko” naman ang sagot niya nang may magbanggit na sina JC at Rhian Ramos na.

Bakit daw kailangan niyang malaman ’yon, pero nilinaw na friends sila ni Rhian at textmates pa.

Sa November 10 na ang pilot ng SDAU at for 16 weeks, mapapanood si Yasmien na excited muling magkaroon ng regular soap after four months at excited sa bagong ka-loveteam.

“Napi-pressure ako dahil sa movie, ang payat ni Tita Maricel. Ita-try ko ang best ko para magustuhan ito ng viewers at para mataas ang ratings,” pangako ni Yasmien.

Samantala, adik din sa Twilight saga si Yasmien at three na sa four books ni Stephenie Meyer ang nababasa. Favorite niya ang Twilight at Eclipse dahil puno ng action.

“I love Edward Cullen (lead sa Twilight) at gusto ko sa role niya si Chace Crawford (si Nate Archibald sa Gossip Girl), pero okay na rin si Robert Pattinson dahil pianist siya,” bawi nito.

Hindi makakapanood ng celebrity premiere ng movie si Yasmien dahil sa taping ng SDAU.

Sa first day na lang daw siya manonood at bumili na siya ng 12 tickets sa Rockwell.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites