<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, December 08, 2008

Dasal at privacy, hiling ng pamilya ni Marky

NAHALUAN ng lungkot at pagkabigla ang panonood namin ng Pacquiao-Dela Hoya fight kahapon nang tanungin kami ng aming kapitbahay kung totoong sumakabilang-buhay na ang young actor na si Marky Cielo.

Tinext daw kasi siya ng pamangkin niyang kapitbahay nina Marky sa Mission Hills, Antipolo City, at sinabing pumanaw na nga ang StarStruck 3 discovery.

Sa pagtse-check sa People’s Tonight sources, nakumpirma namin ang balita, although ang unang pasabi, ayaw pang magbigay ng pahayag ng pamilya ukol sa maagang pagkamatay ni Marky.

Dagdag na tsika pa ng pamangkin ng kapitbahay namin, narinig nilang sumisigaw ang ina ng actor na si Mildred bandang alas-nuwebe ng umaga.

Nakita rin daw nilang itinatakbo si Marky ng mga magulang sa ospital at pagbalik, may dala-dala nang barong ang ina ng actor.

Base sa sketchy details na natanggap namin, bangungot umano ang sinasabi ng pamilya na dahilan ng pagpanaw ng 20-year-old actor.

Pero dahil tikom ang bibig nila at tumangging magbigay ng pahayag sa press, hindi tuloy ma-verify kung true ang umiikot na balitang may suicide note na nakita sa banyo kung saan natagpuang nakahandusay si Marky.

Wala ring direktang sagot na maibigay ang ilang sources na pinagtanungan ng People’s Tonight.

Kaya, hiningan namin ng pahayag ang GMA Artist Center, talent arm ng GMA-7 at nagma-manage sa career ni Marky. Narito ang kabuuan ng GMAAC statement: “Bandang alas-10 kaninang umaga (meaning, kahapon), sa Antipolo Doctors Hospital, dineklarang DOA ang young actor at StarStruck Nationwide Invasion Sole Survivor na si Marky Cielo.

“Ayon sa paunang salaysay ng kanyang ina na si Mildred Cielo, natagpuan niyang nakahandusay ang kanyang panganay na anak sa kanilang tahanan sa Antipolo, Rizal, at agad niya itong isinugod sa ospital.

“Sa ngayon, hinihintay pa nila ang resulta ng imbestigasyon ng sanhi ng pagpanaw ni Marky bago magbigay ng opisyal na pahayag.”

Ang pamilya Cielo ay tubong-Mountain Province at may lahing Igorot.

Napamahal si Marky sa mga tagahanga dahil sa kanyang maamong mukha, mahusay na pag-arte at pagsayaw.

Huli siyang napanood sa Startalk, SOP at La Lola. Siya rin ang tumatayong youth spokesperson ng DoH.

“Bukod sa mga panalangin, humihiling ang pamilya Cielo ng privacy sa matinding dagok na ’to sa kanilang buhay,” nakasaad pa sa GMAAC statement.

Ang mga labi ng aktor ay nakalagak sa St. Peter’s Chapel sa Quezon Ave., QC.

[via]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Ahlcyn Casane said...

sana makumpirma na kung ano talaga ang sanhi ng pagkamatay ni Marky. :0(

5:29 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites