<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, December 08, 2008

Desperadas 2 exciting entry sa Metro Manila Film Festival

Kaaliw si Mother Lily Monteverde. Round two pa lang yata ng laban nina Manny Pacquiao at Oscar dela Hoya sa delayed telecast ng GMA 7 , nagti-text na si Mother. Nanalo raw si Manny at nanalo siya ng three thousand dollars as in almost 150,000 in peso sa pustahan. Sobrang naging loyal kasi ang Regal produ kay Pacman kahit na ang karamihan sa Pilipino sa Las Vegas ay pumusta kay Dela Hoya. Sa ringside nakaupo si Mader kaya lalo siyang na-excite.

Anyway, anytime now ay darating na si Mother para tutukan uli ang kanyang mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival - Desperadas 2 at Shake Rattle and Roll.

Feel na feel na kasi ang excitement sa kapaligiran dahil sa Desperadas 2, ang surprise hit last year sa MMFF. Nag-no. 3 sila noon samantalang habol lang sila - January 1 na sila pumasok sa mga sinehan.

Pero sure si Mother na mas papatok ito dahil mas katakam-takam sina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, Marian Rivera at idagdag pa ang character ni Ogie Alcasid na babae ang role mula ulo hanggang paa.

Kaya naman nananabik na ang kalalakihang pagpantasyahang uli ang magagandang mukha, makikinis na balat at malulusog na dibdib ng apat na aktres. Imagine, bihirang mapagsama ang klase ng apat na aktres gaya nina Ruffa, Rufa Mae, Iza at Marian sa isang movie na noong shooting nga ay pati sa pagmi-make up ay nagpapatalbugan.

Aminado ang mga staff ng pelikula na nagkaproblema sa shooting schedules ang mga bida at dumaan sa butas ng karayom bago natapos ang pelikula, pero ma­­gan­da naman daw ang naging produkto ng pelikulang dinirek ni Joel Lamangan.

Pero kung pinagpapantasyahan sila ng mga kakalakihan, nai-excite naman ang mga kababaihan sa mga bidang nagpapatalbugan mula sa damit, bag, make-up, sapatos, hairdo, accessories at kung anik-anik pa na puwede nilang gayahin pagkatapos nilang panoorin ang pelikula.

Pati nga proper make-up at pang-aakit sa mga boys, feel ding malaman ng mga babaing umiidolo sa apat na isa sa inaabangan sa pelikula.

Eh, sa trailer pa lang ng Desperadas 2, fashion kung fashion ang eksena ng mga female stars. Pabonggahan sila ng suot na damit at obvious na may kanya-kanya sila ng stylists para hindi magkasapawan ang isa’t isa sa kanila. Mga branded din ang mga ginamit nila.

But of course, more than sa pagpapantasya ng kalalakihan at pag-iidolo ng kababaihan kina Ruffa, Rufa Mae, Iza at Marian, nariyan din ang magandang bonding ng apat na magkakapatid lalo na pagdating sa kani-kanilang problema sa buhay.

Hindi lang pagpapaseksi at pagpapaganda ang mapapanood sa festival entry ng Regal dahil binusisi ni Roy Iglesias ang story nito at premyado ang lahat ng taong nasa produksyon.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites