<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, December 16, 2008

Hindi ako buntis! -- Marian Rivera

Masayang nagsimula ang presscon ng Desperadas 2 kahapon sa Imperial Palace Suites, pero malungkot at kontrobersyal itong nagtapos sa pamamagitan ng pag-iyak ni Marian Rivera, isa sa mga bida ng pelikula, habang sinasagot ang issue na diumano’y buntis siya kay Dingdong Dantes.

Marian was asked once and for all to clarify kung totoo bang buntis siya at dito na nagsimula ang “highlight” ng presscon.

“Ano ang gusto n’yong isagot ko riyan, daanin ko rin sa smile para kontrobersyal ako?” simulang sagot ni Marian na umani agad ng atensyon simply because everybody knows na si Karylle ang kanyang pinapatutsadahan.

Last Sunday kasi, tinanong si Karylle sa The Buzz kung naniniwala siyang buntis si Marian at ngiti lang ang naisagot ng young singer-actress.

“Hindi ako buntis, okay?” mariin, pero dahan-dahang bigkas ni Marian na mala-Nora Aunor ang dating.

“Napakaraming blessings na dumarating sa buhay ko at hindi ko hahayaang mangyari ’yan sa buhay ko. Masyado pang maaga para mangyari ’yan at hindi na ako bata at lalong hindi ako tanga para magpabaya ako,” patuloy pa niya.

She was asked kung ano ang naramdaman niya nang dumating sa kanya ang naging reaksyon ni Karylle sa The Buzz.

“Nung lumabas ’yan, ’yung mga malapit sa buhay ko, tumawag din. Okay lang ’yung mga sagot niya sa iba, ang problema lang, ’yung huling sagot,” Marian said as she started crying.

“Para sa akin kasi, may malisya. Puwede namang sumagot siya na ‘hindi ko alam’ dahil kung ako ang tatanungin kung may babae na nabuntis o kung anuman, sasagutin ko na ‘hindi ko alam’ o ‘wala ako sa posisyon para sagutin ‘yan.’

“Pero ngumiti lang siya (Karylle) na parang nambibitin siya. Aaminin ko sa inyo, na-offend ako,” humahagulgol pa ring sabi ni Marian.

“Nasaktan po ako. Na-offend ako, kasi puwede naman siyang sumagot na hindi, eh, bakit kailangang ’yun ang sabihin niya?

“Kung ’yun ’yung way para pag-usapan siya, pabayaan ko na lang po siya. Kung du’n po ang ikaliligaya nila, na manapak sila ng tao, na manakit sila ng damdamin, bahala na ang Diyos sa kanila.

“Basta ako, ayoko nang magsalita. Basta ang masasabi ko sa inyo, hindi ako buntis. At if ever man na buntis ako, ako mismo, sasabihin ko ’yon sa inyo.

“Pasensiya na po kayo, ayoko na pong magsalita dahil nakakahiya po sa mga kasama ko rito. Imbes na Desperadas ang pag-usapan, ito po ’yung pinag-uusapan.

“’Yun lang po, na-offend po ako, nasaktan po ako. Thank you po,” very emotional at umiiyak pa ring pahayag ni Marian.

Hanggang sa matapos ang kanyang statement, hindi pa rin mapigilan ang pag-iyak ni Marian kaya naman pati si Mother Lily Monteverde (producer ng Desperadas 2), lumapit na sa kanya sa presidential table at inalu-alo siya.

Natahimik naman ang lahat ng female co-stars niya na sina Ruffa Gutierrez, Iza Calzado at Rufa Mae Quinto, pati na ang iba pang nasa presidential table habang nagkakagulo naman ang press at photographers sa harapan para makunan ang pag-iyak ni Marian.

Hindi na rin nagsalita pa ang young actress para sa parting shot at nang matapos na ang presscon, nagmamadali siyang umalis dahil may commitment pa raw.

For sure, lalaki pa ang isyung ito, kaya abangan na lang natin ang mga susunod na mangyayari sa Karylle versus Marian issue.

(Actually, sinubukang kunan ng reaction ng Tonight si Karylle pagkatapos ng Desperadas 2 presscon kahapon via phone, pero aniya, nakapangako na siya sa isang TV host-broadsheet editor na hindi magpapa-interview sa iba.

(Ayaw daw niyang sirain ang pangakong iyon, kaya humingi siya ng dispensa. Nang banggitin namin ang naging scenario sa presscon, na na-offend nga si Marian sa ngiti niya sa The Buzz, ang tanging nasabi ni Karylle ay ‘okay.’

[via]

Labels:

5 Comments:

Anonymous Anonymous said...

ang korni naman netong si marian para sabihing na-offend sya sa ngiti ni karylle sa tanong kung buntis sya.

ewan kung masasabing magaling umarte ang kumag o OA lang.....hehehehehe

12:43 PM  
Anonymous Anonymous said...

cnav nya na matagal pa mangyari yan at di na xa bata...it means may posibility nga na may ngyayari sa kanya...kanino? kay dingdong? kasi dapat ang cinagot nya..."bakit ako mabubuntis e la naman ako karelasyon" or "la naman ako naging ka sex para mabuntis!".....see it means may ngyayari pa rin..kahit d xa buntis

7:24 PM  
Anonymous Anonymous said...

CNO BA NAMAN ANG TANGANG TAO ANG AAMIN SA KAHIHIYANG NAGAWA NYA YUNG KAY KARYLLE-DINGDONG BREAK-UP NGA DBA?.....SAKA PARA TUMIGIL NA ANG USAPAN SA KANILA DAPAT CNAV NYA NA..."MALABONG MABUNTIS SYA DAHIL LA XANG KARELASYON" E DI MERON NGA DI BA?

7:26 PM  
Anonymous Anonymous said...

o kaya sinabi nalang nya na nde sya nabuntis kce sobrang liit ng etits ni dingdong at prang naghahalkay bebe lang un...........hehehehehe

12:15 AM  
Anonymous Not Anonymous said...

You people are damn stupid.. Why don't you try auditioning in an Artist Center to prove that "I'm a better actress than Marian"? Prove yourselves first judging a person... Everyone can be a "plastikada".. Even Karylle can.. well, duh?!
By the way, what's up with "Anonymous said..."? Why don't you write your name? Well I'm NOT Anonymous... The name is Adonis Sernero. Then you stupid people, we'll remain stupid because you act like children commenting an ACTRESS through internet? What a stupid thing..! You tell it in front of her! Duh?! Stupid people should LEAVE the Earth..

9:12 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites