<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, December 18, 2008

Iza Calzado, ayaw magpakasal

May kanya-kanyang highlight ang female cast ng Desperadas 2 sa presscon na ginawa sa Imperial Palace Suites ng Regal produ na si Mother Lily Monteverde.

Ang una, ’yung pagtataray ni Ruffa Gutierrez sa isang beteranang reporter na muling naungkat, pero tinawanan na lang ng actress.

Ang pag-iyak nga ni Marian sa isyung buntis siya at si Dingdong Dantes ang ama.

Ang pag-amin ni Iza Calzado na hiwalay na sila ng non-showbiz boyfriend niyang si Gerry Garcia.

Tinanong namin si Iza kung ano ba talaga ang dahilan ng breakup nila?

“Puwede po bang ibalato n’yo na lang sa akin ’yan? Pagdating po kasi sa personal life, ayokong magsalita. Hayaan n’yo, ’pag handa na ’ko, sasabihin ko rin sa inyo ang dahilan ng paghihiwalay namin,” esplika ni Iza.

Sunod na kinulit namin ang tatay niyang si Lito Calzado.

“Actually, ang alam ko, niyaya na si Iza nu’ng lalaki na magpakasal. Ang takot ko at ni Iza, baka ’pag kasal na sila, patigilin siya ni Gerry sa pag-aartista. Malabo ’yun mangyari kung si Iza ang tatanungin,” sagot ni Lito.

“Thirty-five na ’yung guy, kaya gusto nang mag-asawa. Ayaw pa ni Iza, marami pa siyang pangarap sa buhay. Conservative pa naman ang pamilya nu’ng lalaki.

“Walang third party. Natatawa nga ako dahil pati si TJ (Trinidad, leading man ni Iza sa Desperadas 2) pinagbibintangan,” dagdag pa ng padir ni Iza.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites