<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, December 28, 2008

Iza Calzado inggit kay Karylle

Natsitsismis na lilipat sa ABS-CBN si Iza Calzado and next year na raw ito mangyayari at para malaman ang katotohanan tungkol dito, ipina-text namin siya sa ka-close niyang reporter para sa kanya mismo manggaling ang kumpir­masyon o pagtanggi sa isyu.

Kung totoong balak niyang lumipat, kailangan niyang hintaying matapos ang Pinoy adaptation ng All About Eve na pagbibidahan nila ni Sunshine Dizon dahil naka-commit na siya rito. If true, hindi na rin matutuloy ang plano ng GMA-7 na after the said soap, bibigyan uli siya ng soap na siya ang nasa title-role.

Kung totoong lilipat nga sa Dos si Iza, dahil kaya gusto niyang sundan ang pinsang si Karylle na Kapamilya talent na o dahil gusto niyang matupad ang matagal ng pangarap na makapareha si Piolo Pascual?

Hindi na tinext ng reporter si Iza dahil nasagot at itinanggi na ng actress ang tungkol dito sa isang presscon ng Desperadas 2. Happy daw siya sa Ch. 7 at wala siyang rason para lumipat, saka ang kontrata niya, hindi lang sa network, pati sa GMA Films.

Samantala, nang makausap namin si Iza sa premiere night ng Fuschia at nang tanungin tungkol sa All About Eve, ibinalita nitong naurong ang taping nila at hindi niya alam kung bakit. Sa nakita naming scheduled airing ng mga bagong soap ng network, March eere ang All About Eve at ipapalit sa Luna Mystika, kaya naman pala naurong ang taping nila.

[via]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Sana ibigay sa kanya ang "Rosalinda". She deserves the role, and it's perfect for her.

2:53 AM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites