<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, December 09, 2008

Marky Cielo sa Mountain Province ililibing

BIGLAAN ang pagkamatay ni Marky Cielo nitong Linggo ng umaga sa kanilang bahay sa Mission Hills, Antipolo City.

Natagpuan siya ng kanyang ina na walang buhay ganap na ika-6 ng umaga. Dinala kaagad siya sa hospital, pero huli na at pumanaw siya dakong alas-10 ng umaga.

Kahapon (Dec. 8), nasabi ng mother ng aktor kay Carmina Villarroel na may ipinagtapat si Marky na isang mabigat na problema noong gabi bago siya namatay. Payo raw ng ina kay Marky kinakailangang harapin nito nang maa-yos ang problema and face the consequence.

Ayaw sabihin ng mo-ther ni Marky kay Carmina kung ano ang problemang ‘yon ni Marky na maaaring isa sa mga dahilan ng kanyang ma-agang pagkamatay. Very personal daw kasi.

Kahapon (Dec.7) ay agad pumunta sa bahay ng pamilya ni Marky ang dalawang executives ng GMA-7 na sina Lilybeth Resonable, assistant vice president for entertainment drama at Yda Henares, head ng Artist Center ng network.

Kasalukuyang luma-labas si Marky sa soap na LaLola bilang ka-love team ni Lovi Poe.

Sa interview ng Sis host na sina Janice at Gelli de Belen, nasabi ni Lovi na may charity work sila ni Marky. Dapat ay magkasama raw sila nitong Sunday morning.

‘Di dumating si Marky at may nagsabing na-ospital ito. Later, ibinalita sa kanya na patay na ang kanyang leading man. Noon na raw humagulhol ng iyak si Lovi. Bago pa dumating ang kabaong na paglalagakan ng mga labi ni Marky, nasa hospital na siya para makiramay sa mga naulila ng aktor.

Ayon pa sa mother ng yumaong aktor, dadalhin sa Mountain Province ang bangkay nito sa Wednesday (Dec. 10) ng madaling araw.

Ibuburol sa bahay ng kanyang lolo, at doon na sa bayan nila sa Mt. Pro-vince ililibing si Marky.

Nitong Linggo ng ha-pon, nagkaroon ng seremonya ang mga kamag-anak ni Marky sa Mt. Pro-vince. Nagsunog sila ng baboy bilang alay sa pag-yao ng kababayan nilang magaling at napakabait na artista.

* * *

SOBRANG lungkot din ang nadama ng program manager ng GMA-7 na si Rams David nang mabalitaan niya ang pagkamatay ni Marky Cielo.

Magkasama pa sila nito na tumanggap from Star Awards for TV ng parangal na Best Youth Oriented Program para sa kani-lang nakaraang show na Boys Next Door.

Si Marky ang isa sa mga pangunahing characters ng Sunday afternoon soap ng Kapuso network.

Nitong Monday ng gabi, naka-schedule sina Marky na mag-guest sa Walang Tulugan hos-ted by German Moreno at para na rin mag-taping ng special show para sa birthday ng Birhen ng Manaoag.

Maraming magagandang sinabi ang mga ka-samahan ni Marky tung-kol sa yumaong aktor. Lahat ay nagsasabing sobrang bait ni Marky. Professio-nal sa kanyang trabaho at friendly sa lahat.

Sa amin ding entertainment reporters ay napakabait ni Marky. Hindi niya kami nakaliligtaang batiin kapag kanyang nakakasalubong saan mang lugar.

Huli naming nakausap si Marky nitong Star Awards for TV sa SMX Mall of Asia .

Sobrang mami-miss ka namin, Marky. At saan ka man naroroon ngayon, maging matiwasay ka sana.

[via]

Labels:

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

anu ba talaga ang totoong nangyari ba....sa aking nababasa para may something na malaking problema..parang nka buntis siya yata???!!!!kaya nag pakimatay daw????????

7:06 PM  
Anonymous Anonymous said...

cguro nga naka buntis c marky...tapos gulong gulo cya...

10:15 AM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites