<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://draft.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, January 31, 2008

Richard Gutierrez at Jewel Mische updates

OBVIOUS na obvious ang kakaibang closeness nina Richard Gutierrez at Jewel Mische sa katatapos na taping ng birthday special ng huli na A Handsome Journey sa One Esplanade.

Sabagay, ilang beses na rin namang inamin ni Richard na ang Kamandag co-star ang babaing pinaka-close sa puso niya ngayon.

Ang haba ng hair ni Jewel, ’no?

Anyway, bukod sa belated celebration ng birthday ni Richard at ng twin brother niyang si Raymond Gutierrez, siyempre, masaya rin ang atmosphere at very festive dahil sa pananalo sa ratings ng Kamandag ng GMA-7 laban sa Lobo ng ABS-CBN nu’ng Lunes ng gabi (33.1 as against 27.7 percent).

So, double celebration ’yon, kumbaga, para kay Richard, sa pamilya niya, mga kaibigan at kasamahan sa trabaho sa Siyete.

Simple, pero “fantabulous” naman ang dating ng special, lalupa’t kung iisipin na ilang sikat at bigating mga artista ang bumati, huh!

Nariyan si Marian Rivera, leading lady ni Richard sa Valentine movie ng Regal Entertainment at GMA Films na My Bestfriend’s Girlfriend, na showing na sa Feb. 13.

Idagdag pa ang equally interesting VTR greeting ng dalaga ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion sa kambal at ang pagbati ni Anne Curtis sa ex-BF na si Chard.

Contrary to earlier balita, hindi lang dumaan si Ruffa Gutierrez sa naturang taping-cum-party. Nagtagal siyempre ito para makisaya sa nakababatang mga kapatid, hitsurang taga-ABS-CBN siya at taga-GMA ang dalawa.

Sabi nga, blood is thicker than network war! Hehe!

Of course, maraming highlight ang event, pero standout sa mga nagsidalo ang lie detector test portion na ginawa kina Richard at Raymond.

Maraming na-reveal, pati na ang pag-arte ni Raymond sa Sugo.

Anyway, ang ilan sa Kapuso stars na nakisaya sa birthday celebrators ay sina Richard Gomez, Alessandra de Rossi, Joyce Jimenez, Mark Anthony Fernandez, Ana Roces, Ehra Madrigal ata marami pang iba.

O siya, abangan n’yo na lang ang airing ng TV special na A Handsome Journey sa Linggo, Febuary 3, sa Sunday Night Box-Office ng Kapuso Network, okay? [source of news]

Labels: ,


Continue Reading...

Direk Joyce Bernal comments on Palos

Ayaw mag-comment ni Direk Joyce Bernal na ang Palos ang itinapat ng ABS-CBN sa dinidirehe niyang Marimar ng GMA-7 dahil kaibigan niya ang mga taga-Dos at crush niya si Jake Cuenca.

Ayaw din niyang ma-pressure at gusto ang katapat na show dahil action din ang pinanggalingan.

“Nagkaroon lang ako ng reality check na dapat, ’wag kampante, ayusin ang trabaho at ’wag kang epal na akala mo dikit ka kay Lord. Pero, kinikilig ako sa Coffee Prince,” sabi niya, na ikinatawa namin.

Wedding scene nina Sergio (Dingdong) at Angelika (Katrina) ang isa sa mga eksenang kukunan ni Direk Joyce that day at bago mag-shoot, tumawag sa kanya ang six-year-old daughter niyang si Liam.

Nag-long-distance ito para sabihing ’wag ipakasal sina Sergio at Angelika at nakikipagpustahan pa ang bagets kung ano ang mangyayari.

Obvious na gusto ng viewers ang highlights ng Marimar dahil last Tuesday, nakakuha ito ng 42.8 percent.

Ano pa ang ma-i-expect ng viewers sa teledrama at paano ito magtatapos?

“We’re running seven to eight weeks na lang at compressed na ang story. Maraming shifting, maraming babaligtad at ’di na alam kung sino ang kakampi.
“Utakan na ito, parang psywar. Kung ako ang masusunod, ang gusto kong ending, ikasal sina Marimar at Sergio at ’yun naman ang pinaka-goal nila. “Gusto ko sa Mexico sila ikasal at original plan ’yun, ayaw ko, baka sa Mexico, Pampanga o sa Vigan kami mag-shoot. Hindi kami nag-out-of-the-country, hindi talaga ako pang-abroad,” wika niya.

Ang Dyesebel ang next project ni Direk Joyce sa Channel 7 at March na ang start ng taping and by April, iere na sila.

Hindi pa rin nagbabago ang statement nitong si Marian ang perfect for Dyesebel.

“Na-i-imagine ko na siyang si Dyesebel, kung paano lumangoy at pati buntot, iba ang nakikita ko sa kanya. Pati boobs niya, may sariling buhay, perfect talaga. Perfect backdrop naman, Batanes, at ang dagat, sa Batangas. Perfect location sana ang Palawan, pero malayo.”

Kinulit namin si Direk kung sino na si Dyesebel, pero wala pa raw final choice ang Siyete. Iyong original choice lang ang alam niya, pero napalitan na at hindi na rin niya sinabi kung sino.

Basta, tiyak na matutuwa ang viewers sa napiling gumanap sa Dyesebel. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jeremy Marquez hahabul-habol kay Alessandra de Rossi

WALANG sampalang naganap kina Alessandra de Rossi and Jeremy Marquez.

Napakaagang tuma-wag ni Alex sa amin na umiiyak dahil nasaktan si-ya sa naisulat na sinam-pal niya raw si Jeremy sa Davao nang nagkasama sila for the Nivea challenge. Ang pinakamasakit kay Alex, parang pinalabas na siya ang haghaha-bol sa kanyang ex-boyfriend gayung for the past two years since they split up, si Jeremy ang walang tigil sa kaka-text sa kanya para balikan niya.

Hindi rin niya sinampal si Jeremy sa beach, dine-mo ni Alex kung paano ni-ya ginising ang ex-boyfriend nang nakatulog ito sa beach the night prior to the said incident of sampalan.

Alex will never do such publicly at pinatunayan ito ng mismong editor ng Yes Magazine na gumawa ng artikulo sa www.pep.ph. Nasaktan si Alex dahil parang binaligtad siya sa naisulat tungkol sa kanya.

Dahil dito, nagpalit na naman ng number si Alex.
[source of news]

Labels:


Continue Reading...

No reconciliation for Rufa Mae Quinto and Erik Santos

WHO will be Rufa Mae Quinto’s date on Valentine’s Day? Will Erik Santos’ send her roses or chocolates for old time’s sake?

“I will be working on February 14,” says Rufa Mae. “Wala po akong date sa araw na yon.” Rufa Mae together with Nyoy Volante, will hold a special Valentine concert billed All In Love, on February 14 at the Manila Hotel. Rufa says she wants to give more time and attention to her singing. She has been doing comedy, drama, hosting and lately, movie producing. “I really love to sing. I want to focus on my singing this year.” Rufa released an album many years ago with the carrier single Ocean Deep. “Sana masundan.” The concert produced by Daisy Romualdez will also feature Rico Puno and Sam Milby.

On February 8, Ai ai de las Alas, together with Ogie Alcasid and Verni Varga topbills in the Valentine concert My Funny Valentine at the Crowne Plaza Hotel Ballroom. “My funny Valentine pero may kasosyalan,” says Ai Ai of the show. Produced by Annabelle Rama, directed by Al Quinn with Gerry Matias as musical director, My Funny Valentine is hosted by Ruffa Gutierrez and Raymond Gutierrez. It is for the benefit of the Asilo Medalla Milagrosa.

Erik together with Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go and Christian Bautista headline the Ol 4 Luv concert at the Araneta Coliseum on February 13. The concert touted as a showcase of champions, features another champ - comedian Pooh who is a special guest. “Kantahang todo na ito,” says Erik. “Siyempre with Pooh as special guest, may tawanan din,” he adds. Ol 4 Luv tickets are available at ticketnet-9115555. Erik is also a special guest in Martin Nievera’s concert XXV at the Araneta Coliseum February 1.
[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Richard, sinurpresa ni KC

Binigyan ng belated birthday party ng GMA ang Gutierrez twins na sina Richard at Raymond nu’ng Martes nang gabi sa One Esplanade Place (SM Central Business Park, Seaside corner Bay Boulevard, Pasay City).

Nu’ng Enero 21 ang 24th birthday ng kambal, pero dahil pareho silang busy ay hindi sila nakapagpa-party. Isinabay na rin sa nasabing dinner party ang taping ng TV special ni Richard na A Handsome Journey (na ipapalabas sa Linggo, Pebrero 3, sa GMA pagkatapos ng Fulhaus).

Sosi ang ambience sa party, na dinaluhan ng mga nagmamahal kina Richard at Raymond. Punong abala siyempre ang parents nilang sina Tita Annabelle Rama at Tito Eddie Gutierrez, at naroon din ang mga kapatid nilang sina Ruffa, Elvis, Ritchie Paul at Ramon Christopher.

Present din ang bigwigs ng GMA (minus Ma’am Wilma Galvante na nasa Amerika), Mo­ther Lily Monteverde, Tito Douglas Quijano, Mr. Ben Chan, atbp.
Pagdaan sa table namin ng fashionistang ate ng kambal na si Ruffa ay tinanong siya ni Tito Jun Nardo kung meron din ba siyang spot number sa TV special ni Richard.

Sey ni Ruffing, “No! I’m with ABS-CBN, I’m just a guest! I’m just supporting my brother! Ha! Ha! Ha!”

Biniro rin ni Tito Jun si Ruffa na malamang si Yilmaz (Bektas, Turkish ex-husband niya) ‘yung naririnig naming kau-kausap niya sa celfone.

Natawa ang Ruffing at nag-explain na ‘yung mga bading niyang alalay ang tinatawagan niya dahil biglang nawala ang mga ito at iniwan siyang mag-isa.

***
Bukod sa birthday ni Richard ay sine-celebrate din ng pambatong ma­tinee idol ng Siyete ang 7th anniversary niya sa showbiz (nagsimula ang bilang nu’ng mag-Click siya, hindi isinama ‘yung pag-aartista nila ni Raymond nu’ng mga paslit pa sila).

Bukod doon ay bale victory party na rin daw ‘yon ng telefantasya niyang Kamandag na pa­tuloy na namamayagpag sa ratings (at hindi natinag ng tumapat na bagong show sa kabila) at promo na rin ng upco­ming Valentine movie ni Chard with Marian Rivera na My Best Friend’s Girlfriend.

Applauded ang Justin Timberlake opening dance number ni Richard. Bukod sa ganadong magsayaw si Chard ay halatang well-rehearsed ang kanyang number dahil hindi siya nagkamali ng steps at kabisado niya ang sinasayaw niya.

May isang segment na si Richard Gomez ang nag-intro at kapagkuwan ay nagkaroon ng mini-fashion show na nagsi­rampa sina Alessandra de Rossi, JC de Vera, Bubbles Paraiso, Michelle Mad­rigal, JayR, Ehra Mad­rigal, Wendell Ramos at Francine Prieto.

Huling rumampa nang sabay sina Goma at Chard. Ang gandang tingnan ng dalawang Richard: isang dati at isang kasalukuyang heartthrob ng Philippine showbiz.

Sina Janno Gibbs at Ogie Alcasid ay kinantahan si Richard ala ‘Sobrang OJ Pare’ portion nila sa SOP to the tune of Harana ng Parokya ni Edgar.

Naki-sing and dance din si Chard kina Bianca King, Rhian Ramos, Chynna Ortaleza at Isabel Oli. Si Joey de Leon ay nag-intro rin ng segment.

Kuwento ni Tito Joe­y, nu’ng 5 y/o ang kambal ay nakatrabaho niya ang mga ito sa pelikulang Knock, Knock, Who’s There?.

That time ay bungi pa raw si Raymond. Nang magbinata na si Richar­d ay si Tito Joey ang nakasama niya sa unang TV guesting niya sa GMA na Kakabakaba.
Idol at mentor daw ni Chard ang batikang comedian-TV host.

***
May dance number din si Richard kasama ang Kamandag girls na sina Maxene Magalona, Ehra Madrigal at Jewel Mische.

Mukhang ‘special’ yata talaga si Jewel dahil iba ang kanyang outfit samantalang terno ang kumikinang na mini-dress na suot nina Max at Ehra.

Cute ‘yung portion na ininterbyu ni Raymond ang twin brother niya. Napaamin ni Mon si Chard na mas takot ito sa daddy nila kesa kay Tita Annabelle.

“Kasi si mommy, palaging galit, kaya sanay na ako. Si daddy, minsan lang, kaya ‘pag naga­lit si dad, lahat kami, tiklop, pati si mommy,” natatawang sey ni Chard.

Dream daw niyang magkaroon ng sariling pamilya in the future, pero idiniin niyang ‘in the future’ at hindi ‘in the near future’.

Lahat ng characters na ginampanan niya sa TV ay memorable sa kanya, pero pinaka-unforgettable for him ang kanyang Mulawin karakter na si Aguiluz “because that was really the beginning for me!”

Ikinatuwa si Richard ang dalawang ‘surprise girls’ na nagbigay sa kanya ng VTR message. Ang una ay ang ex-girlfriend niyang si Anne Curtis, na nagsabing ang first impression niya kay Chard ay super-mayabang. Pero nang magkatrabaho na sila noon sa Nuts Entertainment ay mabait daw pala ito at very simple guy.

Nai-share din ni Anne na “very maalaga” si Chard at “can be very sweet if he wants too.” Hindi makalimutan ni Anne nu’ng mag-on pa sila nito na nag-away sila, tapos ay nag-iwan si Richard ng mga rosas sa condo niya.

Kinantiyawan ni Raymond ang tawagan noon nina Chard at Anne na ‘Baby Booboo’ dahil co­rny raw.

Sey ni Chard, sweet ang dating no’n kay Anne at kinikilig ito sa mga ginagawa niyang pag­la­lambing.

Ang pangalawang surprise girl ay si KC Concepcion na nali-link din ngayon at balitang crush ni Richard.

Mabilis at parang nagmamadali si KC sa kanyang VTR message kaya wala kaming gaanong naintindihan. Very safe ang greeting ng dalaga kay Chard.

Ang pinakamasayan­g portion ay nang sumailalim sa ‘lie detector test’ ang dalawang birthday boys. Si Raymond ang nagtanong kay Richard, tapos ay bumuwelta rin ng tanong si Chard kay Mon.

Sa ending ng show ay nag-lead ng toast si Tito Eddie para sa kanyang kambal. Si Richard pala ang ‘kuya’ dahil nauna siyang lumabas nang 3 minutes bago si Raymond.

Larawan ng isang very proud father si Tito Eddie dahil sa success ng kanyang mahal na kambal. Tinaas niya ang hawak na kopita at nagdayalog ng, “Ang tagumpay ko, kayo!” na very Empera­dor commercial nilang mag-aama.

Ang huling mensahe ni Richard nu’ng gabing ‘yon para sa kanyang mga Kapuso ay, “I love you, guys! I will always stay by your side, no matter what!” na tinugon ng lahat ng isang masigabong palakpakan. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, January 30, 2008

Billy Crawford type ng mga French

Pabalik na kami ng Maynila galing Portugal pagkatapos naming mag-ikot nang ilang araw sa Madrid, Barcelona at Paris.

Sa lahat na napuntahan namin, Paris pa rin ang wagi dahil kakaiba ito kumpara sa ilang bahagi ng Europe na napuntahan namin.
Sa mahigit isang araw na pag-iikot namin sa Paris, napatunayan naming sikat doon si Billy Crawford.

Kilala siya ng táxi driver na sinakyan namin. Pati ang receptionist ng hotel na tinuluyan namin ay fan ni Billy at bumibili raw siya ng CD nito.
Type na type daw nila si Billy dahil bukod sa magaling mag-perform ay natutuwa sila sa pagsasalita nito ng French dahil iba ang accent.

Ang pagkakaalam namin, nasa Amerika pa si Billy. Pêro tiyak na may babalikang career pa raw ito sa Paris dahil type na type siya ng mga European.
***
Pagbalik namin ng Maynila ay paghandaan na raw ni Manay Lolit Solis ang rejoinder ng counter-affidavit na isa-submit niya sa Pebrero 6.
Natutuwa si Manay Lolit dahil marami sa mga alaga niya ang nagbigay ng suporta sa kanya.

Pati ang ilang mga artista ay nagbigay ng suporta sa Startalk host at willing silang magbigay ng tulong kung kinakailangan.
Hindi raw kailangan ni Manay Lolit ng witness mula sa mga kaibigang artista.
“Tatlo lang na witness ang gusto ko. Sana, mag-witness sa akin sina Yul Servo, Eric Quizon at Rustom Padilla!” tili ni Manay Lolit.

Hindi niya ipinaliwanag kung bakit ang tatlong nabanggit ang gusto niyang mag-witness. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Rhian Ramos willing to audition for Dyesebel role

WILLING namang mag-audition si Rhian Ramos sakaling magpatawag ang Siyete ng try-out para sa magiging bida ng upcoming serye na Dyesebel.

Actually, okay din daw sa kanya ang proyektong Captain Barbell Meets Darna dahil matagal na niyang type gumawa ng isang action series.

Kung papalaring makuha ang Dyesebel role, hindi na mamumroblema si Rhian sa paglangoy dahil bata pa lang siya’y properly trained na ng isang swimming coach.

Hindi rin magiging problema ang sinasabing pagta-topless ng lead karakter na sirena, dahil willing itong magpaka-daring, although hindi pa nagpapaalam sa tita niyang si Ida Henares, GMA Artists Center head.

Given the chance to be in any of the two shows, aminado si Rhian na magiging masaya siya dahil halos lahat naman ng proyekto ng GMA ngayon ay napaka-juicy.

Wala rin daw problema sakaling kontrabida man ang ibigay na papel sa kanya ng management.

Katuwiran ng dalaga, “I’m not really the one to choose a role for myself because I trust management that they’d choose a role na babagay sa akin. If they say it’s okay, I’d do it. Kahit contravida role, because contravidas have strong characters.”

Anyway, since malapit na ang Valentine’s Day, inusisa si Rhian ng press kung ano ang balak niya sa Araw ng mga Puso.

Pero giit niya, siya at ang mga dating kabarkada ay “sooo anti-Valentine,” lalo na nu’ng early teenage years nila’t wala namang mga lovelife.

Imbes na Valentine’s Day ang i-celebrate, ginagawa raw nilang “Friendship Day” ang February 14, at sila-sila na lang ang nagde-date.

Sa ngayon, wala pang definite Valentine plan si Rhian, although nang tanungin kung ano ang type niya, sinabi nitong gusto niya ng dinner date.

Mas maganda raw makatanggap ng dinner invitation kesa rosas o tsokolate dahil mas nakakapag-usap nang masinsinan ang isang pareha habang kumakain. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

‘Lobo,’ nagapi ng ‘Kamandag’!

BUKOD sa curiosity sa pagbabalik-telebisyon ni Angel Locsin sa bagong home studio na ABS-CBN 2, ang isa pang inabangan ng karamihan ay ang resulta ng showdown ng comeback vehicle niyang Lobo (opposite Piolo Pascual) at ng Kamandag ng ex-screen partner na si Richard Gutierrez sa GMA-7.

Sa natanggap naming ratings data ng katatapos na banggaang “Gr8 January 28, 2008” ng Dos at “Fortified Telebabad Block” ng Siyete, nagapi ng Kamandag ang dapat sana’y mabangis na Lobo by 5.4 points sa rating na 33.1 percent as against 27.7.

Ganito rin ang naging kapalaran ng dalawa pang ABS shows na kasabay nitong nag-pilot nu’ng Lunes ng gabi. Hindi umubra ang Kung Fu Kids (26.6 percent) sa Zaido (28.9) at ’di hamak na naging mas “madulas” si Marimar (36.8 percent) kesa sa dalawang Palos (23.6).

Maging ang Maging Sino Ka Man ay nilampaso ng Koreanovela na Coffee Prince sa ratings na 13.3 at 31.2 percent, respectively. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

LJ Reyes walang boobs kaya ayaw mag-pose sa FHM

HINDI na magpu-pose sa FHM si LJ Reyes.

Sa mga naghihintay kung kalian magpapa-sexy ang second First Princess ng StarStruck na isang Amazona ngayon sa pa-patapos ng Zaido Pulis Pangkawalakan, stop hoping anymore dahil hindi na niya ito gagawin.

Ayaw talaga ni LJ na gawin ito noon pa man at maging ng kanyang pamilya kahit pa ang GMA Artist Center na ang nag-suggest nito.

Nagbago na rin ang suhestiyon ng Artist Center, hindi na rin in-advise kay LJ na sundan sina Katrina Halili at Iwa Moto sa pagpapa-sexy.

Biro ni LJ, hindi naman talaga siya makakalaban kina Katrina at Iwa dahil wala siyang boobs. Isa pang biro ng mga kama-anak ni LJ sa States, kung magkano raw ang ibaba-yad ng FHM sa kamaganak nila, tatapatan na lang nila.

Marami ang madi-disappoint sa balitang ito. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera gets a break!

THREE days magta-time-out sa taping ng Marimar si Marian Rivera dahil pupunta sa Bangkok, Thailand, to shoot her latest endorsement.

Isang brand ng shampoo ang bagong endorsement ng actress at sa nabanggit na lugar kukunan ang TVC. Aalis siya sa February 1 at hanggang Feb. 3 siya roon.

Wish siguro nito’y makapamasyal man lang kahit ilang oras, pero malabong mangyari ito’t kailangan niyang umuwi agad at importanteng eksena sa teledrama ang kukunan.

Sabay nito, busy sila ni Richard Gutierrez sa promotion ng Valentine movie ng Regal Entertainment at GMA Films na My Bestfriend’s Girlfriend at may mga naka-schedule silang mall tour bago ang premiere night sa Feb. 10 at regular showing sa Feb. 13.

Dahil sa TVC shoot sa Thailand, hindi makakasama si Marian sa cast ng Bahay Kubo na pupunta sa Singapore, dahil ipalalabas sa Singapore Film Festival ang nasabing pelikula.

Sabay na sabay ang schedule ng dalawa.

May sagot pala si Marian sa mga ipinahayag ni Angel Locsin sa presscon ng Lobo na nahihiya siya (Angel) na pinagkukumpara sila.

Dahil doon, hindi raw niya alam kung magkakailangan sila ’pag nagkita.

Sabi ni Marian: “Hindi na kailangang magkailangan pa kami, dahil ako ang unang papansin sa kanya ’pag kami’y nagkita. Tungkol naman sa sinabi niyang mas maganda ako, na tisay ako at morena siya, may kanya-kanya kaming beauty at pareho kaming maganda.”

Samantala, sa Marimar mamayang gabi, ikukuwento ni Angelika (Katrina Halili) kay Monica (Sheena Halili) kung paano niya pinatay si Esperanza (Bing Loyzaga).

Nagkaroon naman ng confrontation sina Marimar at Corazon (Manilyn Reynes) dahil napapabayaan ng una si Cruzita dahil laging lasing.

Aalis sa Aldama mansion si Corazon at kasunod nito’y mahuhulog si Cruzita sa hukay. Magbabago ng isip si Sergio at gustong mag-backout sa deal nila ni Angelika.
[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Patrick Garcia nagsawa agad kay Jennylyn Mercado

MUKHANG totoo nga ang mga haka-hakang iiwanan ni Patrick Garcia si Jennylyn Mercado matapos niya itong mabuntis.

Kung dati ay gustong pakasalan ni Patrick si Jennylyn, iba na ang sitwasyon ngayon. Mabuti na lang at napagpayuhan sila na huwag pabigla-bigla sa kanilang desisyon.

Kung sinasabi naman ng ermat ni Patrick na susustentuhan nila si Jennylyn at ang magiging anak nila, pero walang live in, palagay namin ay tama rin na ganun ang nangyari.

Kung magli-live in silang dalawa, ano ang katiyakan na ang nangyari ay hindi na mauulit? Isa pa, magiging masama silang example sa mga kabataan, dahil magsasama sila kahit na hindi kasal.

Oo nga at may anak sila at pinananagutan naman nila pareho iyon, pero mas masama naman kung dahil lamang sa nakalimot silang minsan, eh, kalilimutan nila ang katotohanan na ang pag-aasawa ay mas maraming kakabit na responsibilidad maliban sa pagkakaroon ng anak.

Ang pagkakaroon ng anak ay isang bahagi lamang ng pag-aasawa, hindi iyon lamang ang dahilan ng pagsasama ng dalawang tao.

Isipin ninyo, kung magpapakasal sila dahil lamang sa magkakaroon sila ng anak at dumating ang panahon na maramdaman nila na hindi na pala sila in love sa isa’t isa, ano ang mangyayari?

Matutulad sila sa ibang mga artista na nagpakasal tapos maya-maya lamang ay hihingi na naman ng annulment?

Kung hindi pa sila sigurado sa sarili nila, talagang hindi pa sila dapat magpakasal at kung hindi pa naman sila desididong pakasal hindi sila dapat na magsama.

Baka masundan pa ang anak nila, lalo lang lumaki ang responsibilidad na hindi pa naman sila tiyak kung talaga ngang mapapanindigan nila. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, January 29, 2008

Regine Velasquez tinawag na 'Chita' si Ogie

LAST Sunday ay tinawag ni Regine Velasquez ang kanyang mahal na si Ogie Alcasid na ‘Chita’ on the air sa programang SOP.

Matapos kasing magpakita ng isang sayaw sa kanyang dance album si Marian Rivera, pinuri ito ni Ogie on the air. Ikinagalit yata ‘yun ni Regine kahit pabiro lang ang pagkaka-bigkas ni Ogie.

Nasabi tuloy ng mga baklitang reporters na nasa loob ng studio, baka raw nagselos si Regine sa obvious na paghanga ni Ogie kay Marian.

Bata at napaka-seksi naman kasi ng alaga ni Popoy Caratativo kaya siguro nakaramdam ng insecurity si Regine.

So, dahil sa selos ng Asia’s songbird, bigla niyang tinawag na ‘Chita’ si Ogie.

Ang Chita po ay isang uri ng unggoy.

Hindi lang namin alam kung gaanong sakit ang naramdaman ni Ogie sa itinawag sa kanya ni Re-gine.

Ang nakita lang namin, biglang uminom ng purified water si Ogie at nag-isip nang malalim. Sa tingin pa namin, biglang nagsikip ang dibdib nito sa sa-ma ng loob sa kasintahan. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Dingdong Dantes denies gay benefactor

ITINANGGI at tinawanan lang ni Dingdong Dantes sa Showbiz Central last Sunday ang tsismis na may gay benefactor siya at galing dito ang ipinambili ng ipina-raffle sa press sa binigay na Christmas party.

Sariling pera raw ang ibinili niya ng napakaraming regalo at tsina-challenge ang mga nag-iisip na may gay benefactor siya at tiniyak na mapapahiya ang mga ito.

Hindi ito nagbakel sa sinabing “I’m all clean, you can check the record” para ipakitang wala siyang itinatago. Ibinalita na rin nitong he’s coming up with something big, something na hindi niya ini-expect, pero dumating sa kanya.

Sinagot naman ni Mark Anthony Fernandez na hindi ang break-up nila ni Claudine Barretto ang naging cause ng matindi niyang depression before.

Napariwara raw siya dahil hindi siya nag-ingat at dahil masyadong experimental. Ipinakita rin nito ang tinakpang tattoo niya sa paa na dating pangalan ni Claudine ang nakasulat.

Nag-deny si Cristine Reyes na nanliligaw sa kanya si Willie Revillame, pero sumigaw ito hindi pa man tinatanong. At least, inamin niyang lumalabas sila, pero grupo raw at kasama pa niya si Ara Mina.

Sila lang daw ang napapansin, dahil tinutukso sila.

Nagpakita rin ng pictures ng baby ni Camille Prats na si Nathaniel Caesar na isinilang niya ng normal delivery.

Masaya ring ibinalita ng actress na ikinasal sila ni Anthony Linsangan sa Los Angeles noong January 5 at may planong church wedding sa December.
[source of news]

Labels:


Continue Reading...

JC de Vera, walang b-day gift kay Yasmien

HINDI nakita ni Yasmien Kurdi ang amang Lebanese na si Mark nang pumunta siya sa Middle East nu’ng January 13.

Hindi na pala tumuloy ang aktres sa Lebanon at sa Dubai naglagi dahil alam niyang may kaguluhan doon ngayon.

Pero, nagkausap naman sila ng father niya, na nangakong dadalaw sa ’Pinas sa susunod na buwan.

Kuwento ni Yasmien: “Sobrang saya ko nu’ng makita ko uli ang mga kababata ko. Ngayon lang kami uli nagkita.

“January 24 lang ako umuwi, kasi nga birthday ko kinabukasan. Nanood lang ako ng concert ng My Chemical Romance.

“Mag-isa akong nanood. Nagsuot pa ako ng photographer’s pass para lang makalapit sa mga idolo kong sina Gerald at Michael.

“Siyempre, nagpapirma ako ng autograph at nagpa-picture sa kanila. Hindi ko kasama si JC (de Vera).

“Ewan ko kung nasa’n si JC. Wala pa nga siyang regalo sa birthday ko, eh. Sa February pa kami magte-taping ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita.

“Pero bago ’yon, pupunta muna ako ng Singapore sa Feb. 1. Hanggang Feb. 3 ako roon para sa premiere night ng Bahay Kubo.

“Sa Feb. 19 at 25, may concert naman ako sa San Francisco at Las Vegas, respectively,” ani Yasmien. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jeremy, sinampal ni Alessandra

Kung masaya at maaksyon ang katatapos na Ni­vea celebrity event sa Pearl Farm ay mas bongga at mas makulay ang sidelights sa nasabing beach resort sa Davao.

Naisulat na namin dito nu’ng Biyernes ang pag­babati ng dating magkasintahan na sina Alessandra de Rossi at Jeremy Marquez.
Sa welcome party nu’ng Huwebes nang gabi ay hindi namin nakitang nagsayaw na magkapareha ang dating magsyota.

After ng party ay nakatuwaang mag-swimming ng mga celeb sa kalapit lang na Mandaya pool. Si Jomari Yllana ang nagpasimumo ng pagtalon sa pool nang nakadamit, tapos ay ang dami nang nagsunuran.
Nu’ng nasa tubig na sila ay kanya-kanya nang ‘blocking’ ang magkakapareha at meron nang mga nagmu-‘moment’ sa pool, kabilang doon sina Alex at Jeremy na nagyayakapan at swit-switan.

Sa chill out party kinabukasan nang gabi sa Malipano island, iba’t ibang bebot ang kasa­yaw ni Jeremy, habang si Ale­x ay mostly kapwa niya girls ang kasayaw sa dancefloor.

Maya-maya ay ang ex-sweethearts na ang magkapartner at magkadikit ang mga katawan nila habang sumasayaw. Itsurang magsyota ulit ang dalawa na nagyaya­kapan at buong ningning na naghahalikan!

***
Kinaumagahan ay may bagong eksena sina Alex at Jeremy. Bago nagsimula ang sports activities ay kumubli ang dalawa sa isang malaking bato sa may dagat at doon ay ‘kinompronta’ ni babae si lalake.

Mukhang may kung anong pinagtatalunan ang dalawa na dahilan para mag-init ang ulo ni Alex at bigyan nito ng kaliwa’t kanang sampal si Jeremy.

Sa pagkakaalam namin ay nakunan ng came­raman ng Startalk ang nasabing eksena. Nang mapansin ni Alex na may mga photographer na rin na nakatunog sa away nila ni Jeremy at kinukunan sila ng pictures ay pasimpleng itinaas ni Ale­x ang mga daliri niya at ‘nginaratan’ ang mga photog!

Buong araw na tila wala sa mood si Alex. Habang nagaganap ang iba pang games sa Malipano island ay may kung anu-anong pasaring pa si Ale­x na ewan kung sino ang pinatatamaan.

Naringgan itong nagdayalog na naiirita raw siya dahil maraming ‘buwaya’ sa paligid.

Kinagabihan sa awards dinner and final party sa Maranao poolside ay isa si Alex sa mga nakatuwaang tumalon sa swimming pool after mag-perform ng banda.
Isang manipis at mahabang summer dress ang suot ni Alex na nu’ng mabasa ay pinipigaan niya, kaya lumilitaw ang suot niyang bikini.

Katabi namin ng upuan si Jeremy kaya nakita namin habang pinagsasabihan nito ang wetlook na si Alex na magpalit na ng damit dahil lumilitaw na ang kanyang dibdib sa kapipiga at kahihila ng kanyang damit.

Katwiran ng Alex, wala siyang boobs na lilitaw kaya okey lang. Napailing na lang si Jeremy nang hindi siya sundin ng dating nobya.

Maya-maya ay magkadikit na naman ang dating magsyota. Nang mapansin ni Alex na kinukunan siya ng TONITE photographer na si Boy Borja ay tinawag niya pa ito at saka siya nagpakuha habang hinahalikan niya sa pis­ngi si Jeremy, na napansin na­ming tila naaasiwa sa pinaggagagawa ng tipsy nang si Alex.

Obvious na in love na in love pa rin si Alessandra kay Jeremy. After the party na halos lasing na ang lahat ay hindi raw makita si Alex.

Nang matagpuan ito ay nakahandusay sa CR, nagsusuka at iyak nang iyak habang panay ang sabing mahal na mahal niya si Jeremy! [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Monday, January 28, 2008

GMA7 prepares special episodes!

ABS-CBN starts airing its three new shows tonight and GMA7 is not taking this sitting down. The network has prepared special episodes for its Telebabad shows this entire week that will be significant turning points in their stories.

In “Zaido: Pulis Pangkalawakan,” Carmela (Diana Zubiri) returns to the Galactic Force with the thought of rescuing her beloved Gallian (Dennis Trillo) from danger. But upon her return, she finds Gallian marrying Ariana (also portrayed by Diana in a dual role).

As she hears Gallian accept Ariana as his wife, Carmela can only quietly cry for her lost love.

What Gallian doesn’t know is that Ariana plans to kill him right on their wedding night. FInd out tonight if she’d succeed in her evil plan. Tonight’s episode also sees the rise of the ruthless force of the Kuuma as it starts to destroy Earth and launch its attack on the Galactic Force. Who will be their hapless victims?

In Kamandag, Alicia (Eula Valdez) helps Lucero as Talim (Mark Anthony) thinking he’s the real Kamandag who’s her long lost son. But Lucero, who just tried to abduct Lily (Maxene Magalona), only plans to use her against her real son, Vergel (Richard Gutiererz). Monday’s episode also sees the first appearance of acclaimed actress Sunshine Dizon as the fire-breathing Ragona, a new intriguing character.

In the country’s highest rating show, Marimar, Sergio (Dingdong Dantes) agrees to marry Angelika (Katrina Halili) to stop her from implicating Marimar (Marian Rivera) in the murder of Esperanza (Bing Loyzaga). To make the situation even more bittersweet for Marimar, Angelika grants Sergio’s wish to spend one last night with Marimar. Sergio and Marimar engage in passionate lovemaking, with Sergio professing his love for Marimar.

After the tearjerking scenes in Marimar, viewers will laugh in the episode of Coffee Prince with the continuing love-hate relationship of Arthur (Gong Yoo) and Andie (Yoon Eun-Hae). After Arthur threw Andie out of the Coffee Prince last week, they will be talking to each other again. Will this be enough for Andie to return to the Coffee Prince or will she forever turn her back on the coffee shop and on its moody owner as well? How will Arthur cope with his developing feelings for Andie and with the idea that he could be turning gay? Something will also happen to Arthur’s grandmother that will greatly affect him. So don’t miss these great shows tonight after “24 Oras.” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera at Katrina Halili, bati na talaga

BATI na talaga sina Marian Rivera at Katrina Halili, dahil sa dance number nila sa SOP kahapon, may eye contact na’y nagngingitian pa sila.

“Kat” (for Katrina) at “Yan” (for Marian) na rin ang tawagan nila.

Naikuwento rin ng una na nagbabatian na sila sa taping ng Marimar, sabay kumakain at nagtsitsikahan. Bumabawi sila sa mga araw na sila’y nagdededmahan at walang time sa isa’t isa.

Harinawa’y hindi maging daan ang mga susunod na matitinding eksena ng teledrama para bumalik sila sa dedmahan mode, na ang staff ang nahihirapan.

Gaya this Monday, iga-grant ni Angelika (Katrina) ang request ni Sergio (Dingdong Dantes) to be with Marimar for one last night. Napaka-romantic, intimate at passionate ng love scene ng dalawa at umiiyak pa si Sergio dahil sobrang mahal si Marimar at ipararamdam nila ito sa mga halik at yakap.

Pero, kailangan niyang magsakripisyo para hindi ito makulong.

Samantala, may natanggap kaming e-mail galing kay Marylou Gallienne ng Calgary, Alberta, Canada. Solid Marian, Dingdong at Marimar fan ito mula nang makapanood ng episode sa YouTube.

Na-hook at nag-subscribe sa GMA Pinoy TV at habang nagli-labor noong December 28, 2007, nakatutok pa rin siya sa teledrama.

Ang request nito sa GMA-7, patuloy na bigyan ng projects sina Marian at Dingdong. Ayaw naming mag-spoiler, basta matutuwa kayo sa mga susunod na mangyayari. [source of news]

Labels: ,


Continue Reading...

Richard Gutierrez gustong magdirek ng movie

Mukhang seryoso na si Richard Gutierrez sa plano niyang magprodyus at magdirek ng pelikula.

Noong Sabado’t Linggo ay um-attend ang bida ng Kamandag sa Filmma­king and Producing se­minar ni Dov Simens (ibinotong America’s #1 Film Instructor ng National Association of Film Schools, at nagturo sa USC, NYU, UCLA at mahigit 18 iba pang major universities & film schools around the world).

Nag-off si Richard sa taping ng Kamandag at promotions nila ni Marian Rivera ng My Bestfriend’s Boyfriend noong Sabado dahil mula 9:00AM hanggang 6:30PM ay nandoon si Richard sa seminar.

Kahapon ay nagpunta siya sa seminar ni Dov bago um-attend ng SOP.

Sa pag-uusap namin kahapon ni Richard ay nabanggit niyang basta magkaroon siya ng matagal-tagal na off ay mag-e-enrol siya ng filmmaking.

Marami na siyang concepts ng mga pelikulang gusto niyang gawin.

“Hindi ko pa naiisip kung sino ang unang gusto kong i-direct. Depende pa sa unang project na gagawin ko in the future,” kuwento niya.

Napagkuwentuhan naman namin ang pelikula nila ni Marian at excited siya dahil may mga miyembro ng global fans club niya mula sa Amerika ang uuwi ng Pilipinas para manood ng My Bestfriend’s Girlfriend.

Thankful din si Richard dahil patuloy na humahataw sa ratings game ang ‘ahaserye’ niyang Kamandag (kung saan kasama na si Sunshine Dizon). [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, January 27, 2008

Magandang samahan nina Ogie, Regine at Michelle mahirap paniwalaan

Mahirap man paniwalaan, napakaganda ng samahan ng dating mag-asawang Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren at Regine Velasquez. Katunayan, nang malantad ang relasyon nina Ogie at Regine ay nagmukhang mang-aagaw ng asawa si Regine, si Michelle pa mismo ang nagtanggol kay Regine na kanyang kaibigan.

Mahaba-haba ring panahong naitago nina Ogie at Regine ang kanilang relasyon, although hindi naman ito nailihim sa kaalaman ng marami habang nanahimik si Michelle sa Australia kasama ang dalawa nilang anak ni Ogie na sina Leila at Sarah.

Marami noon ang nagtatanong kung paano nati-take ni Michelle na kasama ni Ogie ang bago nitong karelasyon kapag dumadalaw ang singer-composer sa Australia.

Sa maikling panahon na nakilala namin si Michelle nung kami’y nasa OctoArts pa kung saan nagsimula at umusbong ang love affair nila ni Ogie, kilala namin ang kanyang pagiging selosa. Pero sadyang mabait, mapagmahal, malambing at pasensiyoso si Ogie, ang mga katangian na madaling makapukaw ng attention sa mga babae kaya siguradong naiintindihan na rin ni Michelle ang mga nangyari sa kanila.

Sa Pilipinas ikinasal sina Ogie at Michelle na amin pang nasaksihan. Para mapakasalan ni Ogie si Regine, kailangang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Michelle sa bansa. Hindi marahil ito magiging problema sa parte ni Michelle dahil may basbas siya sa relasyon ng dati niyang mister at kaibigang si Regine. May mga balita naman na may bagong karelasyon na rin si Michelle sa Australia pero hindi naman nagpapabaya si Ogie sa kanyang obligasyon sa kanilang dalawang anak ni Michelle. Bukod sa aspetong pinansiyal, dinadalaw din ni Ogie ang kanyang mag-iina sa Australia may ilang beses sa loob ng isang taon.

Bukod sa pagkakaibigan nina Michelle at Regine, close din si Regine sa mga anak nina Ogie at Michelle. Kaya huwag tayong magtataka kung dumating ang panahon na ikasal sina Ogie at Regine ay maging abay pa si Michelle at kasama sa entourange ang mga anak nina Ogie at Michelle.

Samantala, natutuwa si Ogie dahil nagiging paborito siyang kunin ng concert producer-talent manager na si Annabelle Rama sa mga pinu-produce nitong shows. Katunayan, isa na naman si Ogie sa mga featured performers sa pre-Valentine show ng Royale Era Productions na pag-aari ng Gutierrez Family na pinamagatang My Funny Valentine kung saan makakasama ni Ogie sina Vernie Varga at AiAi delas Alas at kung saan naman may special participation si Diana Zubiri. Ito’y gaganapin sa Crowne Plaza Ballroom sa Pebrero 8 sa ganap na ika-7:30 ng gabi na ididirek ni Al Quinn. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Janvier Daily updates

Regular reader kami ng Kuwan, ang Internet blogspot ng direktor at award-winning writer na si Jun Lana.

JANVIER DAILYIlang beses na naming inilabas noon ang mga nakakaaliw pero may kirot sa puso na mga kuwento ni Jun.

Of course, humingi kami ng permiso kay Jun na ilabas sa diyaryo ang nilalaman ng kanyang mga blog at pumayag naman siya.

As a matter of fact, natuwa siya dahil lalong dumami ang bilang ng mga bumibisita at nagbabasa sa kanyang blogspot.

Si Jun ang producer, direktor at sumulat ng kuwento ng Roxxxanne, ang pelikula na ipalalabas sa Indie Sine ng Robinson’s Galleria sa February 2, 2008.
Dahil malapit na ang showing ng Roxxanne, kailangan ng publicity para sa mga bida ng pelikula, sina Sheree, Jay Aquitania at Janvier Daily.

Biggest break ni Janvier ang Roxxanne pero bago pa man ito ipalabas, nauna nang lumabas at kumalat sa Internet ang kanyang nude photo.
Bilang producer at direktor ng Roxxxanne, gusto ni Jun na marami ang manood ng kanyang pelikula at kailangan din na magkaroon ng mga publicity ang mga artista niya.

Pinadali ni Jun ang trabaho ng mga entertainment writer dahil siya na mismo ang nag-interbyu kay Janvier…
***
Kinausap ko si Ihman (manager ni Janvier) at ipinagpaalam ko kung pwedeng ma-interview ang alaga niya para sa promo ng Roxxxanne. Ganito talaga pag indie, writer-director-producer noon, reporter ngayon.

Tipidity productions ito kaya ako na rin ang kumakarir sa publicity. Pero sabi ko magiging brutal ang mga tanong ko. At ayoko ng mga sagot na pa-cute. Kung kumalat na sa internet ang nude pic mo, magpapa-cute ka pa ba?

Nakita na ng mga tao ang titi mo. Ano pa ang pwede mong itago? Pero magugulat kayo, dahil marami pa.

Sa mababasa n’yong interview, makikita n’yo kung paano hinubaran uli ni Janvier ang sarili niya.

At kung ako ang tatanungin n’yo, ito ang pina­kamatinding paghuhubad na pwedeng gawin ni Janvier sa buong buhay niya.

JL: Eto Janvier, babasahin ko sa ‘yo ang isang comment na iniwan sa blog ko tungkol sa latest post ko sa ‘yo. Hindi ko ito pinayagang ma-publish, pero tinago ko para makita mo.

Eto ang comment: “Pahada naman ‘yang si Janvier eh. Tsupain ko yan.” Tanggap mo na bang pag nakikita ka ng mga tao, ang unang pumapasok sa isip nila sex? (Halata kong medyo uneasy si Janvier, ngumiti lang.)

JD: Hindi naman po siguro.

JL: May iba ang tingin sa ‘yo, naglalakad na titi. Tanggap mo na ba ‘yun?
JD: Trabaho lang naman para sa akin ang paghuhubad, Direk. Kung ano ang isipin sa akin ng mga tao, wala na akong magagawa.
JL: At siyempre, sasabihin mo sa akin, naghuhubad ka para maiahon sa hirap ang pamilya mo.
JD: Para po sa Mama ko. Lahat ng ginagawa ko, para sa kanya. Hindi po biro ang pinagdaanan niya para lang mapalaki kami ng maayos.
JL: Gaya ng?

(Hindi agad sumagot si Janvier, parang naninimbang
kung ano ang pwedeng sabihin.)

JD: Nung bata pa po ako, bigla kaming nilusob ng crew ng ‘Magandang Gabi Bayan,’ pinagbintangan nilang bugaw ang nanay ko.
JL: Sino daw ang binubugaw niya?

JD: Kami pong mga anak niya. Ang totoo, naghahanap lang siya ng mag-i-sponsor sa studies namin, pa’no walo kaming magkakapatid, hindi niya kami mapag-aral lahat. Pero akala ng mga tao binubugaw niya kami.
JL: Sino naman ang mga malisyosong taong yan, at nireport pa talaga ang nanay mo sa ‘Magandang Gabi Bayan’?
JD: ‘Yung mga kasama po namin sa kalye.
JL: Kalye? Anong kalye?
JD: Sa Ermita, Direk. Minsan sa UN Avenue… sa Luneta. Kung saan kami abutin ng gabi.
JL: Teka, naguguluhan ako. Tumira kayo sa kalsada?
(Napatingin ako sa manager ni Janvier sa tabi ko. Hindi ito umiimik.)
JL: Seryoso ka ba? Wala kayong bahay? Wala kayong kamag-anak na pwedeng tirhan?
JD: Taga-Surigao po ang Mama ko, wala siyang pamilya dito. Ang Papa ko naman po, taga-Laguna.
JL: O, e ba’t hindi kayo tumira sa Papa mo?
JD: Siya po ang tinatakasan namin. Lagi po kasi kaming binubugbog. Lalo na si Mama. Muntik na niyang mapatay si Mama.
JL: Ilang taon ka nung mapadpad kayo sa Ermita?
JD: 4-5 po.
JL: Gaano kayo katagal tumira sa kalsada?
JD: 11 na po ako nung kunin ako ng MYRC.
JL: Ano ‘yun?
JD: Juvenile center po.
JL: Teka, 6 years kayong nakatira sa kalsada? Lahat kayo? Paano kayo nabuhay?
JD: Nu’ng nagtagal po, nag-squatter kami sa estero sa may UN. Tapos nag-waitress ang Mama ko sa Ermita. Kaming magkakapatid, kung anu-anong trabaho. Ako po, nagbenta ng diyaryo.
JL: Buti hindi kayo nababagansya?
JD: Maraming beses, Direk. Ang pinakamatindi nu’ng naghahanap kami ng matutulugan sa Ermita Center, umalis sandali si Mama, pagbalik niya isinasakay na kami sa mobile ng mga pulis. Pinagbabato ni Mama ‘yung presinto para pakawalan kami.
(Tumigil sandali sa pagkukuwento si Janvier, parang iiyak.)
JD: Pinakawalan kami ng mga pulis pero si Mama ang pinagtripan nila. Binugbog nila, tapos hinubaran, saka kinulong. Pagkatapos po nun, madalas nang magkaroon ng breakdown si Mama.
JL: Anong klaseng breakdown?
JD: Minsan bigla na lang po siyang iiyak, magwawala, tapos maglalakad nang nakahubad sa Ermita.
JL: Anong ginagawa n’yo?
JD: Susundan po namin siya hanggang mapagod siya. Basta makatulog siya, OK na siya paggising niya.
JL: Buti sa kabila ng lahat ng ‘yan, hindi kayo nagkahiwa-hiwalay?
JD: Nung 11 po ako, du’n dumating ang MYRC. Ang pakilala sa Mama ko, social worker sila. Pag-aaralin daw kami. Pero juvenile center pala, ginawa akong katulong, tagaipon ng kaning baboy. ‘Yung ibang kapatid ko, pinagkukuha ng ibang ampunan. May napunta sa Kapatiran, ‘yung iba sa Asilo.
JL: Ba’t hindi kayo kinuha ng Mama mo?
JD: Wala po siyang trabaho noon. Kung ba­bawiin niya kami, magugutom lang kami. Pero ako, nung isang beses na bumisita si Mama, pagkaalis niya, tumakas ako, hinabol ko siya.
JL: Janvier, hindi ko kaya ang pinagdaanan mo. Talo pa ang episode ng Magpakailanman. Pa­ano nabuo uli ang pamilya mo? Paano kayo nakaahon sa hirap?
JD: Direk… sasabihin ko po sa inyo pero off the record.
Sa mga ikinuwento ni Janvier, eto lang pwede kong i-reveal:
Nang magkapera sila, sa kagustuhang ma­kapag-aral, gumamit siya ng fake diplomas (hindi siya nakapag-elementary at high school) para matanggap sa isang university, kung saan hindi lang siya basta nakapasok, naging basketball varsity player din siya. Habang nagkukuwento si Janvier, may isang tanong na hindi maalis-alis sa isip ko:
JL : Janvier… sa dami ng pinagdanan mo… wala bang nang-molestiya sa ‘yo… nang-abuso?
(Matagal bago nakasagot si Janvier. Parang nag-iisip. Kahit ako naging uncomfortable, iniwasan ko ang tingin niya, nagkunwaring busy sa pagtatype sa laptop.)
JD: Wala po. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Pinoy Idol updates

Noong Martes ay ipinatawag ni Ma’am Wilma Galvante (SVP for Entertainment ng GMA 7) sina Raymond Gutierrez (host), Ogie Alcasid, Jolina Magdangal at Wyngard Tracy (judges) ng Pinoy Idol.

Kinongratulate ni Ma’am Wilma ang apat dahil maganda ang feedback sa kanila ng staff ng Pinoy Idol. Wala raw nag-umarte sa apat nang magkaroon sila ng three-day shoot/audition sa Cagayan de Oro.

Kahit mahirap ang shoot/audition nila ay hindi kinaringgan ng reklamo sina Raymond, Ogie, Jolens at Wyngard.

Simula noong Huwebes ay nasa Batangas ang grupo ng Pinoy Idol at pati sa ancestral house ng pamilya ni Ogie ay nag-shoot sila.

Nang magpunta sila sa kapitolyo ng Batangas ay hindi nila inabutan doon si Gov. Vilma Santos dahil nasa Nasugbu ang actress/politician at nag-distribute ng health cards.

Malamang na sa Abril na magsimulang mapanood sa Siyete ang Pinoy Idol. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Yasmien Kurdi latest news

NABISITA ni Yasmien Kurdi sa Dubai ang mga barkada niya noong siya’y estudyante sa Middle East. Umalis siya noong Jan. 13. Natuloy din ang pag-ab-road niya para makasama ang mga kababata sa Dubai. Bumalik lang siya last Thursday ng madaling araw. Kinabukasan, Jan. 25 ay 19th birthday niya.

Ayon kay Yasmien, halos ayaw na niyang bumalik sa Pilipinas dahil matagal na rin silang hindi nagkikita ng kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan na mga naka-base sa Dubai.

Pero, napilitan siya dahil sa taping niya ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita kung saan muli silang magtatambal ng kanyang rumored suitor na si JC de Vera.

Pupunta rin siya sa Singapore sa Feb. 1 hanggang 3 pa-ra sa premiere ng Bahay Kubo roon.

After that, may nakatakda siyang concert on Feb. 19 sa Las Vegas, at isang siyudad sa California, USA. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, January 26, 2008

Diana Zubiri no date on Valentine's Day

Noong isang gabi ay ipinalabas sa Chika Minute segment ni Pia Guanio sa 24 Oras ang interbyu ni Lhar Santiago kay Diana Zubiri kung saan ay inamin ng sexy actress na wala siyang ka-date sa Valentine’s Day.

Pagkatapos ipalabas ang VTR interview ni Diana, sunud-sunod na ta­wag ang natanggap ng GMA 7 newsroom. Mga kalalakihan ang tumatawag at nagpiprisinta sila at baka pwede raw na sila na lang ang maka-date ng sexy actress sa Valentine’s Day.

Maging si Lhar ay nakatanggap din ng mga tawag mula sa mga la­laking kaibigan at nagpiprisinta rin na sila na lang ang maka-date ni Diana sa Valentine’s Day.

Knowing how busy Diana is, baka wala rin siyang panahong makipag-date sa Valentine’s Day. Kapag nagtapos ang Zaido ay ilalagay naman siya sa Babangon Ako’t Dudurugin Kita.

Kung ako sa mga gustong maka-date si Diana, manood na lang sila ng My Funny Valentine show ni Diana sa Crowne Plaza Hotel sa Pebrero 8 dahil may special opening dance number ang sexy actress sa show na ito nina Ogie Alcasid, Ai Ai de las Alas at Verni Varga.

Noong presscon ng My Funny Valentine ay ayaw kumain ni Diana dahil gusto raw niyang seksing-sexy siya sa ope­ning dance number niya sa show na ‘yon.
Sa mga gustong maka-‘date’ si Diana sa nabanggit na show, puwede ka­yong bumili ng tickets sa Royale ERA Entertainment office sa #53-C Annapolis St., Greenhills

San Juan o tumawag kayo sa 727-25-34 or 36. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Rhian Ramos updates

RHIAN Ramos becomes the third exclusive artist of GMA Films.

Prior to the first press con of Regal Films and GMA Films Valentine offering this Feb. 13, ang My Best Friend’s Girl Friend na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez and Marian Rivera, nandoon si Rhian together with her mother Clara Ramos Ho-well.

Some thought she is part of the movie directed by Mark Reyes, but she is not.

Pumirma lang kasi si-ya ng exclusive movie contract sa GMA Films at nag-kataong mayroong presscon doon ang My Best Friend’s Girl Friend.

In the presence of GMA Films Project Director and GMA VP for Program Management Joey Abacan and GMA Films president Annette Gozon-Abrogar, si Rhian ang pangatlong exclusive artist ng GMA-7 pagkatapos pumirma ng exclusive contract sina Richard and Iza Calzado. Now, do we hear it right, Noel Ferrer, that the fourth artist to be signed will be Dingdong Dantes?

Isa pang pumirma ng three picture deal kamakailan with GMA Films ay si director Joey Reyes. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn Mercado and Patrick Garcia updates

MATAPOS ang isyu tungkol sa kontrobersyal na pagbubuntis, heto’t in the news ulit si Jennylyn Mercado.

How true ba itong nabalitaan naming inaban-dona na umano siya ni Patrick Garcia kahit pa buntis ang aktres?

Ito ang usapin kama-kailan tungkol kina Jen at Pat, ayon pa sa chika, bihira na lang daw silang nag-kakasundo ngayon. May ganitong kaganapan?

Siyempre, naglilihi at malamang ay hindi ito ma-intindihan ni Patrick kaya hayun, ang ending away at bati ang relasyon nila hanggang nauwi na sa hiwala-yan blues.

May mga nagtatanong kung baka bumalik daw si Patrick sa dating bisyo nito na pagsusugal?

Ito kasi ang pinag-aa-wayan umano nila ni Jen dahil type nga ng aktor na maglaro sa on-line casino. Pero, napag-alaman na-ming hindi na rin daw naglalaro si Patrick ngayon. Ganoon?

Eh, baka nga individual differences lang talaga nilang dalawa ang hindi ni-la pinagkakasunduan kung kaya’t nagbabu na sila sa isa’t isa. Komento pa ng ilan, kulang daw sa lambing si Jen.

Eh, at least kay Jen niya hinahanap ang lambing at hindi sa kung kaninong kandungan, di ba?

Na-pag-a-laman pa rin namin na hin-di na-turalesa kay Jennylyn ang pagiging malam-bing, hindi raw si-ya ang tipong pa-sweet sa dyowa.

Well, sana ay magkaayos pa sina Jennylyn at Patrick kung talagang mahal nila ang isa’t isa.

Pero, kung ang anak nila ang magiging dahilan ng kanilang pagka-kalapit, unfair ito for them.

A child should not be the reason for a couple to work things out, dapat ay kusa itong manggaling sa kanila.

Bilib din kami sa ti-bay ni Jen. Survivor ta-laga ang Kapusong ito. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Hero Angeles pipirma na ng kontrata sa GMA 7

Binigyan na ako ng go signal ng kapatid ni Hero Angeles na si Henry na i-negotiate ito sa Kapuso Network kaya naman iprinisinta ko ito kay Ms. Wilma Galvante, isa sa mga bossing ng GMA 7 at maganda naman ang naging resulta.

Aware si Ms. Wilma sa kakayahan ni Hero at sinabi pa nito na alam daw niya na mahusay itong artista kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.

Kaya one of these days ay papipirmahin na niya ito sa kontrata. Baka magkaroon ito ng serye.

Natutuwa naman si Hero na mabalikan ang kan­yang pinag-umpisahang trabaho.

Ang maganda kay Hero, bukod sa pagiging isang mahusay na artista ay marunong din itong magsulat ng istorya at mag-direct. Magiging asset siya sa GMA 7. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Yasmien ginawan ng prayer ng Pastor

BARCELONA - Nandito na kami sa Barcelona at enjoy kami ng mga kasama ko kesehodang ibinalita sa CNN na may mga pinaghihinalaan na terorista na hinuli sa lugar na puntahan ng mga turista. Terorista, turista. Magka-rhyme huh?

Anyway, kahapon ang 19th birthday ni Yasmien Kurdi kaya belated happy birthday sa kanya. Lalong bumongga ang career at matupad na ang kanyang dream na maging super seksi ang mga birthday wish ko kay Yasmien.

May isang masugid na tagahanga si Yasmien na nagpadala sa akin ng sulat with matching prayer para sa kanyang idol na hindi na maawat ang pagsikat. Hindi raw maawat o!:

Dear Ms. Lolit Solis,

Good Morning!

To tell you frankly I don’t like you before espe­cially during the MMFF scandal. Hindi ko inakala na darating ang panahon na magugustuhan ko kayo simple because of my love for Yasmien Kurdi.

I am an avid follower of Drama Princess Yasmien Kurdi and I would like to thank you for taking care of her career. I don’t have anything to offer to you except my undying support for her.

I am Ruby Baybay from Tagaytay, 42 yrs old, a mom of three and a wife of a minister. I am not a Born-Again Christian nor a Baptist. We are Protestants UCCP (United Church of Christ in the Philippines ).

At my age I never thought that I would love an actress this deep especially. Yas is an INC member. I consider her my daughter kahit hindi ko pa siya nakikilala personally.

I always read your article at PSN. I may not agree all the time but I enjoy mga pang-ookray mo sa mga artista. Last December, gusto ko sanang magpa-greet since my birthday is December 26.

Kaya lang parang mga binabati mo lang iyong nagpapadala ng gifts sa iyo. (Walang katotohanan ‘yan noh! - Lolit) Wala naman akong maibibigay na gift alam mo naman maliit lang salary ng mga pastor kaya hindi na ako nag-email.

Now I gather my guts to send this e-mail hoping that you will print this coz it’s Yasmien’s birthday. Ipinagawa ko pa ito sa husband ko, nung una hindi ko sinabi para ito kay Yasmien dahil baka hindi niya ito gawin.

Alam niya na I adore Yasmien so much at alam din niyang nagpo-post ako sa thread ni Yas sa iGMA. Kaya lang lagi niyang tanong sa akin “What do I get from it?”

Napapansin ba naman daw ni Yasmien iyong mga postings ko sa thread at nagpapasalamat ba raw si Yasmien sa akin?

Frankly speaking, I don’t care as long as I love what I am doing at hindi ko rin talaga alam kung bakit ganito ko kamahal si Yas. I consider her my daughter kahit 1 yr older lang siya sa oldest son ko since I got married at the age of 22.

I am very happy sa lahat ng achievements ni Yas from SS days till now. She strive very hard kaya naman ngayon nare-recognize na rin ang talent niya. I am not saying that she’s a saint but I love her just the same.

Kaya naman inamin ko na kay Pastor kung para kanino talaga itong pinagawa kong prayer. And I am so delighted dahil wala akong narinig kahit na anong reklamo from him, he just smiled at me and wrote this prayer. This is very special to me dahil ngayon lang talaga ako nagpagawa ng prayer sa husband ko para sa isang artista.

DEAR GOD OF LIFE:

As YASMIEN celebrates her birthday, may she find herself closer to you, the source of her life.

Continue to bless and strengthen her, O God. Keep her healthy to enable her to cope up with her daily activities
and the demands of her profession.

May she continue to find happiness in the midst of intrigues and make her work enjoyable,
even as she strives to spread love

and kindness not only to her fans but to others as well.

As she continues her faith journey,
steady her course with your guiding hands,
O loving God and carry her in your arms whenever she grows weary and falters
in her steps.
May she find you a sturdy companion as she travels down the road for your glory

and honor. AMEN.

fr: lovers29

[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Friday, January 25, 2008

HINDI naman pala binasted ni Diana Zubiri si Ian de Leon

’Yan ang nilinaw ng dalaga nang makausap ng press sa presscon ng My Funny Valentine, ang pre-Valentine concert na produced ng Royal Era Entertainment ni Annabelle Rama.

Sabi ni Diana, paano niya babasterin si Ian, eh, never namang nanligaw sa kanya ang Zaido co-star? Pero, inamin niya na paminsan-minsan ay lumalabas sila kasama ang iba pang mga kaibigan.

Naging item sina Diana at Ian dahil nga madalas makitang magkasamang gumigimik kung saan-saan. Dagdag paliwanag pa ng sexy star, naging close talaga sila ng binata nina Christopher de Leon at Nora Aunor sa set ng Zaido, pero hanggang pagkakaibigan lang ang relasyon nilang dalawa.

Sa tantiya niya, isang taon na siyang loveless mula nang makipag-break sa relihiyosong non-showbiz boyfriend. Three years daw tumagal ang relasyon nila ng lalaking pumalit sa puso niya kay Vhong Navarro.

Sa ngayon, although maraming nanliligaw, aminado si Diana na enjoy siya sa pagiging single. Hindi rin daw siya nagmamadaling magkaroon ng sariling pamilya dahil unang-una, bata pa naman siya. Pangalawa, may mga pamangkin siya na kung ituring ay anak-anakan niya.

Isa pa, bisi-bisihan siya sa showbiz career, dahil bukod sa Bubble Gang at Zaido, join din ang beauty niya sa bubuksang teleserye ng GMA-7, ang Babangon Ako’t Dudurugin Kita.

May mga raket pa si Diana on the side, gaya nga ng special participation sa My Funny Valentine, kung saan makakasama niya sina Ogie Alcasid, Ai-Ai de las Alas at Verni Varga.

Actually, wala pa siyang ideya kung ano ang kakantahin nila ni Ogie, pero ngayon pa lang, super excited na siya sa gagawin nilang pagdu-duet.

Kung sabagay, may ample time pa namang maghanda ang dalawa para sa kanilang number, dahil sa February 8 pa nakatakdang i-stage ang My Funny Valentine sa ballroom ng Crowne Plaza Hotel.

Ang naturang show nga pala is for the benefit of the Asilo Medalla Milagrosa at sponsored ng Bench, Calayan Surgicenter, Emperador Brandy, Kisses and Co., Met Thatione, Philosophy at GMA Network.

Para sa tickets, tawag lang sa 727-2534/727-2536 or 0927-8298259. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Paratang ni Donard Nojas, itinanggi ng GMA

Narito ang reaksyon ng GMA Network sa mga paratang ni Donard Nojas:
“GMA Network strongly denies the accusations made by Mr. Donard Duane L. Nojas that RGMA Bacolod hired ABS-CBN’s informant Toto Aliguin or anyone to look for pa­nel homes in Bacolod City and that it conducted special operations to increase its ratings.

“These accusations come from a disgruntle­d former employee of RGMA. Nojas, a former Program Director of RGMA-AM Bacolod, was terminated on March 30, 2007 for violation of company policies, serious misconduct, gross neglect of duty, and loss of confidence.

“Nojas was found guilty of sexually haras­sing a female station reporter and anchoring a program in a competing radio station, among other offenses against the company.” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Ogie, gustong lumigaya si Michelle

Inamin ni Ogie Alcasid sa presscon ng My Funny Valentine (Pebrero 8, Crowne Plaza Hotel) na napapagalitan siya ng kanyang lawyer tuwing masyado siyang nagiging open tungkol sa kanilang dalawa ng girlfriend niyang si Regine Velasquez.

Hindi pa raw kasi annulled ang kasal nila ni Michelle van Eimeren dito sa ating bansa.

“Pero divorced na kami sa Australia,” pag-amin ng singer/comedian.
Sa tanong kung nagli-live-in na ba sila ni Regine, sinabi niyang may sari­ling bahay ang kanyang girlfriend at siya naman ay nakikitira ngayon sa bahay ng kanyang mga magulang sa may Magallanes, Makati.

“Iyung dating bahay kasi na tinitirhan ko, inuupahan ko lang ‘yon noon at ginive-up ko na,” paliwanag niya.

Sa tanong kung totoo bang may iba nang boyfriend si Michelle, sinabi ni Ogie na hangad niya ang kaligayahan ng ina ng dalawa niyang anak.

“Gusto ko siyempre na maging masaya si Michelle, pero I cannot say anything regarding her lovelife. Siya na lang ang tanungin ninyo.

“Basta okey naman ang set-up namin, lalo na sa mga bata,” paliwanag niya.
‘Yung bahay raw nila sa Australia ay nasa pa­ngalan ni Michelle at ng mga bata at naka-loan lang daw ‘yon.

Sa My Funny Valen­tine show na prod­yus ni Annabelle Rama ay nangako si Ogie na mas marami ang kakantahin niya kumpara sa naunang dalawang show niya under Royale ERA Entertainment.

Sinabihan din ni Bisaya si Ogie na kumanta ng medley at maghanda ng extra songs dahil tiyak na maraming sisigaw ng “More, more”.

Natutuwa si Ogie kapag sinasabi ni Bisaya na favorite siya nito.
Kasama ni Ogie sa My Funny Valentine show sina Ai Ai delas Alas, Dia­na Zubiri at Verni Varga.

Ang sponsors ng show na ito ay ang Bench, Cala­yan Surgi­centre (Drs. Manny Pie), Empera­dor Brandy, Kisses & Co., Met Tathione, Philosophy Spa by Mikhaela at ang GMA 7.

For ticket inquiries, call 727-25-34 or 36. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Bianca King payag gamitin ni Jean

Hindi suplada ang mestisang si Bianca King. Matapang kasi ang pagkamestisa ni Bianca kaya nagpapakamalan siyang suplada.

Hindi pinapatulan ni Bianca si Jean Saburit na nagsabing bad influence siya sa anak nitong si Nicole Anderson.

BIANCA KINGAng mahalaga kay Bianca ay ang pagkakaibi­gan nila ni Nicole.
Bilang respeto sa na­katatanda ay hindi pi­napatulan ni Bianca ang mga patutsada ng ina ni Nicole, kahit pa naaapek­tuhan ang pamilya niya.

Ang pinagkakaabalahan ni Bianca ay ang trabaho niya sa sinenobelang My Only Love (napapanood tuwing ha­pon sa GMA 7 kasama sina Mark Herras, Rhia­n Ramos, Ke­vin Santos, Tess Bomb, Rita Avila at iba pa). Hin­di rin masabi ni Bianca kung ginagamit ang pangalan niya for publicity.

Okay lang sa kanya iyon as long na hindi libelous ang mga pinagsasabi tungkol sa kanya ng ina ni Nicole. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Angelika dela Cruz nagka-amnesia kay Keempee

HINDI raw maalala ni Angelika dela Cruz na nagkaroon sila ng kaugna-yan noon ni Keempee de Leon nung time na nagtatrabaho pa siya sa GMA7 bilang teenager.

Naganap ang pagdidenay na ito ni Angelika sa taping ng Kung Ako Ikaw sa Amadeo, Cavite nang maging celebrity guest ang aktres na nagbabalik-Kapuso.

Nagkita sina Angelika at Keempee sa taping at hindi maalis na tuksuhin ang dalawa. Eh, ano ba talaga kasi ang totoo sa kanila?

Hindi kaya nagka-amnesia lang si Angelika kaya hindi niya matandaan na nagkaroon sila ng kaugna-yan noon ni Keempee?

Tampok din sa episode na ito bilang mga manggagawa ng kape sina Lovi Poe at Patricia Ysmael .
[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, January 24, 2008

Prada shoes ni Regine pikit-matang binayaran ni Ogie

Masaya ang naging Pasko ni Ogie Alcasid. Ang rason – buo ang kanyang pamilya as in literal na buo dahil napunta sila ng Australia ni Regine (Velasquez) para makasama ang ex-wife niyang si Michelle at dalawang anak na sina Laila and Zarah.

At nag-stay sila sa iisang house.

“Maganda kasi ang ipinatayong bahay ni Michelle, parang separate din ‘yung room ko kasi sobrang laki ng bahay,” kuwento ni Ogie the other night sa presscon ng kanyang Valentine concert, My Funny Valentine na produce ni Tita Annabelle Rama with Diana Zubiri, AiAi delas Alas and Verni Varga sa Crowne Plaza on February 8.

Hindi na raw marunong mag-Tagalog ang dalawang anak niya. As in wala nang Tagalog accent. “Naku binilhan ko nga ng Tagalog books, pero hindi na nila alam basahin,” sabi ni Ogie.

Wala naman daw problema sa mga anak niya si Regine. In fact, tanggap na ng mga bata ang set up nila ni Regine. Pero ayaw pa niyang pag-usapan ang tungkol sa kasal nila dahil hindi pa nagga-grant ang annulment case he filed sa bansa. Sa case kasi ni Michelle, granted na ito sa Australia kaya wala na silang problema doon. “Mabilis kasi ang process ng annulment doon, para ka lang bumili ng diploma. Ganun kabilis,” he said.

Pero ayaw magkuwento ni Ogie kung may bago na bang boyfriend si Michelle sa Australia. “Ayokong magkuwento, ‘wag na lang.”

Basta say ni Ogie, maganda ang nangyari sa kanila ng dating asawa. “She looks happy at very very proud ako kung anuman ang nangyari sa amin,” he added.

Matagal din nga namang panahon na itinago-tago ni Ogie ang tungkol sa kanila ni Regine. “Ang sarap ma-in love. Kasi noon naman talaga, priority ko sila, I really wanted na maayos ang bahay nila bago ang sarili ko.

“Nagpapasalamat ako sa patience ni Regine,” pahabol ni Ogie nang tanungin nga siya kung bakit kahit alam na nang lahat ang tungkol sa kanila, ayaw pa rin nila parehong umamin.

Thankful din siya sa mga anak nila dahil lumaki raw itong mga responsible. “From the start, alam na nila ang nangyayari,” he added.

Sa darating na September, darating dito ang dalawa niyang anak kasama si Michelle para manood ng kanyang 20/20 concert sa Araneta Coliseum.

Speaking of Regine, last Sunday pala ay galing sila ng Hongkong para sa isang special event. Eh magsa-shopping daw sila. Walang dalang rubber shoes si Regine so pinuna niya ang suot nitong heels. “Sabi ko sa kanya, mag-rubber shoes na lang siya. Ibili ko raw siya. So akala ko Nike shoes lang naman.”

Pero sosyal si Regine. Prada rubber shoes lang naman ang pinabili ng girlfriend. “Hindi ko na inisip kung magkano. Bumunot na lang ako,” sabi ni Ogie na dini-demonstrate pa kung paano siya bumunot para bayaran ang mamahaling rubber shoes ni Regine para gamiting pang-shopping nila sa Hongkong.

Sosyal din ang gift niya sa songbird last Christ­mas, Cartier lang naman na pink. Tinanong pa raw niya ang mga saleslady sa isang high end store kung magugustuhan ‘yun ni Regine.

Tinatanong naman daw siya ng girlfriend kung ano ang gusto niyang gift. Eh para raw siyang bata dahil mga robot ang gusto. So ang ending binigyan siya nito ng PS3. “Yun kasi ang mga gusto ko.”

Iniiwasan din muna nilang mag-show together dahil pakiramdam nila ay masyado pang mainit ang mata sa kanilang dalawa. Besides may ginagawa raw silang pelikula.

At ayaw pala ni Regine na nalalasing siya kasi pag-umiinom daw siya, masyadong mataas ang tolerance niya sa alcohol so ang tagal talaga bago malasing.

At kung selosa ba si Regine: “Hindi pinapakita na nagseselos siya, pero mako-kosensiya ka,” sabi ni Ogie.

Siya naman daw, noon grabe ang nararamdaman niyang selos dahil ‘di pa nga sila umaamin. Pero siyempre, ayaw umamin ni Ogie kung sino ang pinagselosan. Though common knowledge na sina Robin Padilla at Piolo Pascual nakaramdam ng sobrang selos ang singer/actor. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Ogie at Michelle, divorced na!

GALING sa meeting ng Pinoy Idol si Ogie Alcasid, saka dumeretso sa interview sa kanya para sa My Funny Valentine, ang pre-Valentine concert ng Royale Era Entertainment na gagawin sa ballroom ng Crowne Plaza sa February 8.

Ibinalita nitong sa April at hindi sa June ang airing ng PI at excited silang panel of judges at si Raymond Gutierrez for this.

Third time na ni Ogie sa show ni Annabelle, na kaya siya kinukuha, dahil request ng tao.

Excited ang boyfriend ni Regine Velasquez na makasama si Verni Varga na idol pala niya at si Ai-Ai de las Alas.

Hindi nito sinagot kung tumataas ang talent fee niya tuwing kinukuha siya ng Royale Era at ang importante, nag-i-enjoy siya’t maraming taong nanonood.

Kung sasama si Regine, sa Iloilo sila mag-i-spend ng Valentine’s Day at may show si Ogie roon. Hindi na talaga sila mapaghiwalay at kararating nila ng Hong Kong for a show.

Tsika ni Ogie, sa shopping nila, naka-heels si Regine at kaya pala’y magpapabili ng rubber shoes na akala niya’y sa Nike.

Nagulat na lang siya nang sa Prada sila pumunta at ’di na inalam kung magkano ang binayaran, basta marami siyang dinukot sa bulsa.

Bawal magsalita si Ogie about their marriage plans para mapadali ang annulment proceedings nila ni Michelle van Eimeren, pero divorced na sila sa Australia five months ago pa.

Magiging masaya siguro sina Ogie at Regine kung sa 38th birthday ni Songbird sa April 22 ay puwede na silang magpakasal.

Sa tanong kung puwede pang manganak si Regine, sabi ni Ogie: “I hope so. I-pray natin at gusto ko kambal agad. Puwede ’yun sa in vitro.”

Ang For the First Time ni Kenny Loggins, theme song ng Up Close and Personal, ang kanta ni Ogie kay Regine at kinanta nito ang lines na bagay na bagay sa kanila. Sana magamit ang song sa gagawin nilang movie sa GMA Films, ’no.

Ibinalita na rin ni Ogie na isang major concert sa Araneta Coliseum sa September 27 niya isi-celebrate ang 20 years sa showbiz. Billed 20/20 ang concert with 20 guests na kumanta ng kanyang compositions. Rowell Santiago directs. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Francine Prieto sued by jeweller

FRANCINE Prieto was shocked when she learned an “alajera” is suing her for not paying some pieces of jewelry that she allegedly purchased.

“It’s my mom who she’s dealing with and my mom said bayad lahat ng alahas na kinuha sa kanya so we’ll just see each other in court,” she says.

“My mom is willing to show her all the checks given to her as payment. Dahil ako ang mas kilala, ako ang kinasuhan. I’m confident my name will be cleared easily.”

As of now, Francine is just too happy for the good feedback she’s getting as Reyna Kuran, the queen of the cats, in “Kamandag.” In this 10th week of the show, she has many fight scenes as the cat queen. She figures in a fight with Haring Budog (Johnny Delgado) and she sees Alicia (Eula Valdez) fleeing through the secret passage of their kingdom, Ambugraw, so she follows her and stabs her. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Carlo Aquino still in love with Maja Salvador

CARLO Aquino is still in love with Maja Salvador but insists that he is not courting her anymore.

“I courted her before pero nang sabihin niyang huwag ko na lang ituloy dahil gusto niyang mag-focus sa kanyang career, I stopped. “We continue to remain friends. We now go out but always in the company of friends. She knows what I feel for her and for now, we are simply friends. I am not pressing her for an answer and she is free to entertain other suitors. Siguro kung mararamdaman kong there is nothing to hope for eh saka ko ibabaling ang pagtingin ko sa iba,” the 22-year-old talent of Viva Artists Agency headed by Verionique del Rosario Corpus divulged.

Carlo has proven his worth as an actor with a string of fine performances on films and television. Just about the only role he hasn’t played yet is a gay one. In fact, it may take a long while before he sinks his teeth into such characterization.

“If you ask me, I don’t mind playing a homosexual. I almost did in the recent episode of Maalaala Mo Kaya pero umalma ang Viva. They felt hindi pa raw tamang panahon para gampanan ko ang ganitong uri ng role. Ang nangyari sa episode sa MMK ay nagkaroon ng shifting of roles between Jiro Manio and me. Sa kanya ibinigay ang gay character role at ang addict brother of Jiro ang ginampanan ko,” he explains.

Carlo is currently seen in “Maging Akin Ka Lamang,” GMA7’s Sine Novela. He plays the role acted before by the late Jay Ilagan. In preparation for the role, he watched the tape of the Viva movie which also starred Christopher de Leon and Lorna Tolentino. Did he copy the mannerisms of Jay for the TV version?

“I observed how Jay moves his feet quite often at ito lang po ang aking kinopya. The rest of the acting bit is all mine.”

As the vocalist of the band Kollide, Carlo is also busy promoting its carrier single, “Alaala.” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Diana Zubiri bokya sa lalaki

HINDI pala titigil sa trabaho si Diana Zubiri pagkatapos ng kanilang Zaido Pulis Pangkalawakan ni Dennis Trillo sa Telebabad after 24 Oras.

Kung magtatapos ang taping nila for the said show by February 4, ngayon pa lang, nagpi-prepare na siya para sa kapalit nito dahil join din siya sa napakala-king cast ng isa sa bagong primetime soap ng GMA na Babangon Ako At Dudurugin Kita.

May special appearance sa Valentine show na My Funny Valentine this February 8 (Crowne Plaza Hotel) nina Ogie Alcasid, Ai Ai delas Alas and Vernie Varga si Diana.

Zero ang lovelife ni Diana. Wala raw siyang time for boys. Kaya nga nagtataka siya kung bakit tinatanong pa rin ang tungkol dito gayung after her last boyfriend, wala na raw siyang time for herself kaya paano pa siya magkakaroon ng karelasyon?

Sayang, kung kailan mas gumaganda at mas sumiseksi si Diana saka naman zero ang lovelife. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, January 23, 2008

Patrick ‘di na tumatawag, nagi-text: Jennylyn pinababayaan na!

Things are happening so fast (and furious?) for Patrick Garcia and Jennylyn Mer­cado.

Nabalitang buntis si Jen, on the same day when she tested positive ay nagbalak silang magpakasal under civil rites at Makati City court, however, it got foiled.

So, ano’ng bago? Isang text message from a concerned friend of Jen was sent to Startalk reporter Baby Briones. At kung paniniwalaan ang sumbong ng kaibigan ng young actress, all of Jen’s fans will turn furious!

Of late, madalas daw umiiyak si Jen, not because of the usual dizzy spells or early pregnancy blues. Hindi raw kasi siya dinadalaw o tine-text man lang ni Pat upang kumustahin ang kanyang kalagayan. Once, naglambing daw si Jen sa syota ng type nitong pagkain. Ang sagot daw ni Pat: ‘‘Eh, di bumili ka ng pagkain!’’

If true, this is not going to help Jen nurture an already living thing inside her womb. Kawawang bata. This yet to be born child is already in suffering.

Teka, I thought he was man enough to take on a responsibility? [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Pinoy Idol audition starts!

Nagsisimula nang magpa-audition sa mga probinsya ang Pinoy Idol na ihu-host ni Raymond Gutierrez.

Bumibilib ang staff ng Pinoy Idol kay Raymond dahil nakatutok ito sa audition.
Kung 100 ang nag-audition, 100 din ang na-interview ni Raymond na aplikante. Doble pa iyun dahil ini-interview rin niya ang magulang ng bawat bata.
Kahit halatang pagod na, hindi nagrereklamo si Raymond.

Marami pa silang iikuting mga probinsya para sa audition ng Pinoy Idol kasama ang tatlo pa nilang judges na sina Ogie Alcasid, Jolina Magda­ngal at Wyngard Tracy.

Aabangan ang pagsisimula ng Pinoy Idol sa summer! [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Dennis Trillo makes peace with Carlene

DENNIS Trillo has made the right decision when he started to exert an effort to make peace with Carlene Aguilar, the mother of his love child Calyx. Now, whenever he wants to see his son, he can do so.

But on the possibility of reconciling with Carlene as, you know, lovers again, has not been talked about. Our source said he’d rather be friends with Carlene again, then who knows? The important thing now is, he can live in peace and perform his duties as a father to Calyx and work for the boy’s future.

Meanwhile, Dennis’ teleseries, “Zaido,” is three weeks to go to its ending. What is next for him is still in the hands of GMA7, after his concert in California this summer together with Marian Rivera. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

EAT BULAGA, STILL THE NOONTIME SHOW TO BEAT

THE year has just started but the country’s top noontime show, “Eat Bulaga,” has already given away more than P2 million as their opening salvo in the “Itaktak Mo O Tatakbo” game segment. Four needy families got richer and the first one is studio contestant Reynaldo Luces, Jr. of Antipolo City who won P500, 000 on the first day of 2008, amid a festive mood and booming cheers from the audience.

His lucky Globe homepartner Marita Alfaro of Malolos, Bulacan, also welcomed the year with the same amount. “Satisfied na nga ako sa P60,000,” said Reynaldo, ready to grab Bossing Vic’s offer at the start of the game. “Hindi ko akalaing mas susuwertihin pala ako’t mananalo ng half million.”

On January 3, Evangeline Asuncion of Mexico, Pampanga and her homepartner Marife Larraquel of San Jose del Monte, Bulacan took home P600, 000 each.

“Nanalo na ako ng P100,000 at happy na sana ako,” says Evangeline. “Yun pala, mas malaki pang cash prize is waiting for me sa jackpot round kaya sobrang happy ang pamilya ko.”

This back-to-back good news is another proof to the show’s unfailing effort to help its viewers, as a way of thanking them for their loyalty. The "Eat Bulaga" family is more than happy to be able to lend a hand to these contestants, as well as the tens of thousands of other winners in their former game segments: “Laban o Bawi,” “Meron o Wala,” and “Lottong Bahay.”

In its 28 years, the show is proud that its game portions got only praises from the public and were never accused of any hanky-panky. “The success of ‘Itaktak Mo’ is a clear indication of the Pinoy audience’s solid trust in Philippine TV’s longest-running variety show,” adds ‘Eat Bulaga” producer Malou Choa Fagar. “With its list of winners and approving viewers getting longer every day, "Eat Bulaga’ has proven that when it comes to bringing cheers and touching lives, it is still the noontime show to beat.” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera touched by Katrina’s gestures

MARIAN Rivera is glad that her alleged tiff with Katrina Halili is over.

“Hindi naman talaga kami nag-aaway, hindi lang kami magkabatian,” she says. “But I was really touched nang padalhan niya ako ng cotton candy habang nagte-taping kami and later, may gift pa siya sa aking blouse na long sleeves.

“I really appreciated her gesture. Mas mabuti rin naman ‘yung maganda ang working relationship namin dahil nagtutulungan kami para mas mapaganda ang ‘Marimar’ everyday. Nakakatuwa kasi patuloy kaming number one. Mara-ming mga pari ang nagkukuwento sa akin na tuwing may bibinyagan silang bagong babies, lagi raw Marimar ang pangalan. Ibig sabihin, ganun talaga ka-popular ang show. Nang mag-shoot naman kami at a memorial park in Pampanga, dumagsa ang napakaraming tao and kami ni Dingdong Dantes, we had to personally request them to keep quiet at huwag maging problema sa taping namin. Kahit isinara na ang gate ng park, marami pa ring ibang dumating hanggang sa gumabi na.”

She’s confident that her first big movie, “My Best Friend’s Girl Friend,” with Richard Gutierrez will similarly be supported by her fans. “Iba naman ito kaysa ‘Marimar’. Nagka-movie na ako before, ‘Pamahiin’, na ghost ang role ko. This time, I’m a modern young woman at marami kaming nakatutuwang eksena ni Richard in my role as a girl na ipiniprisinta niyang new girlfriend para pagselosin ang ex niya (Ehra Madrigal).” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Gimik ng GMA-7 effective

Matindi at sunud-sunod ang ginagawang tesntimonials ng mga Kapuso stars hindi lamang sa kanilang istasyon ng tv kundi pati sa radyo na rin. Lahat sila ay nagsasabi kung bakit sila nagtitiwala sa GMA. Natural lang ito. And actually, isa itong magandang gimik dahil alam naman nila kung ano ang nagiging epekto ng sinasabi ng mga testigo ng ABS-CBN na nandadaya sila sa ratings.

Hindi sapat iyong halos tuwi-tuwina ay inilalabas nilang statement ng presidente ng kanilang kumpanya, at ng kanilang mga abugado. Talagang mas may batak ang mga artista ang siyang nagsasalita.

Mabuti naman at isinama nila sa nagbibigay ng testimony si Kuya Germs. At least, na-realize nila ngayon kung gaano siya kahalaga.

Si Kuya Germs ay hindi isang superstar, pero isa siya sa mga kinikilalang institusyon sa entertainment industry.

Dito sa entertainment industry, sino ba ang makaka-kontra sa sinasabi ni Kuya Germs? Tumagal na siya ng maraming dekada sa industriyang ito at hanggang ngayon nakukuha niya ang respeto ng mga tao sa industriya.

Marami na rin naman kasing nagawa si Kuya Germs para sa industriyang ito, pinaka huli na nga iyang itinatag niyang Walk of Fame doon sa Libis, at saka iyong kanyang kampanya para ang Quezon City, nga ngayon ay kabilang sa sampung pangunahing lunsod sa Asya, ay matawag na City of Stars.

Kung si Kuya Germs nga naman ang magsasalita pabor sa GMA 7, sino nga ba ang makakatutol sa anumang sabihin niya?

Tingnan nga ninyo, kahit na sa abroad ang lahat ng lugar na mapuntahan ni Kuya Germs nakukuha ng Pinoy TV. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Acting ni Angelika dela Cruz mas lumalim

Sa muling pagbabalik ni Angelika dela Cruz sa GMA7, sana maging maayos na ang career ng batang ito. Mga 10 years na ang nakararaan nang sumulpot sa telebisyon ang isang mestisang bata na bukod sa mahusay sumayaw ay marunong ding kumanta -- ito si Angelika.

Sa paglipas ng panahon, sari-saring pagsubok sa isang kabataan ang dumating sa buhay ni Angelika. Natuto na rin siyang umibig at nakaranas ng ganda ng mundo, ngunit dumating sa buhay niya ang pasakit ng pag-ibig.

Dinaanan niyang lahat nang ito at muling tumayo. Iyan naman ang dapat sa buhay. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang nakaaangat. Dapat ay matutunan rin ng tao kung paano tumanggap ng mga dagok sa buhay.

Sabi ni Pacman, mga suntok sa buhay. Gaano ka man karaming ulit na tinamaan, ang pinag-uusapan ay kung gaano mo tinanggap ang mga ito at paanong sa bawat pagbalandra ay tatayo at tatayo kang muli upang ipagpa- tuloy ang paglaban.

Kung tutuusin, mas mabuti nga na bata pa lang ay dumarating na ang mga hamon sa buhay ng isang tao, sapagkat sa bawat dagok ay isang ma-buting leksyon ang natututunan.

Ito si Angelika, sa pa-mamatnubay at pagmamahal ng kanyang ama, na kasama niya at come rain or high water.

Hindi lang bilang ama, kundi bilang manager rin ni Angelika, kaya marahil kahit tila naging masa-limuot ay tuloy pa rin ang dalaga sa kanyang career.

Wala na ang slim na patpating sweet Angelika, sapagkat ngayon ay napakaganda na ng hubog ng katawan ng batang ito na puwedeng itapat sa mga very sexy stars natin nga-yon.

Sana ay ipagpatuloy ng GMA-7 ang pagpapalu-tang na muli sa career ni Angelika. Dumaan na ang daluyong sa kanyang buhay. Ngayon ay hanapbuhay na lang. Ang lalim ng kanyang pagiging aktres ang dapat halukayin nga-yon ng mga Kapuso. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, January 22, 2008

Richard Gutierrez hina-harass ng ex-GF

Ilang araw na ring pinag-uusapan ang tungkol sa umano’y bugbugan isyu kung saan sangkot si Richard Gutierrez.

Nu’ng Linggo sa The Buzz, nagbigay ng paha-yag si Ruffa Gutierrez at bilang depensa sa nakababatang kapatid, sinabi ni Ruffa na walang bugbugang naganap.

Ang mga larawang kumakalat ngayon at nasa pahayagan ay kuha raw sa fight scenes ni Richard sa fantaserye nito na Kamandag sa GMA-7.

Eh, bakit nga ba may isyung hinarass daw si Richard at may binugbog ang kapatid?

Say ni Ruffa, nangyari daw ito sa isang exclusive party ng kaibigan nilang si Tim Yap, nagkayayaan sila sa Embassy (isang bar na naisa rin sa may ari si Tim).

Bago sila nagpunta roon, sinabi na ni Ruffa na gusto na raw niyang umuwi at hindi na lang sila sasama ni Richard. Naisip ni Ruffa na baka may ibang outsider na manggulo sa party.

Sinigurado naman umano ni Tim kay Ruffa na walang ganitong kaganapan na mangyayari. They were having fun daw sa loob ng nasabing bar at biglang sinabihan na lamang sila na may mga taong nangha-harass kay Richard sa labas. Siyempre, natakot din si Ruffa para sa kapatid.

In fact, pinapasok pa raw sila sa isang kuwarto by themselves para mapalayo sa gulo.

Habang nagbibigay ng pahayag si Ruffa, binasa rin niya ang statement ng kaibigang si Tim thru text na nagsasabing hindi kinukunsinti ng management ng Embassy ang nangyaring insidente kay Richard at mananagot ang kung sino mang may gawa nito sa aktor.

Sa mga binitiwang salita ni Ruffa, mukhang may kinalaman pa ang ex-girlfriend ni Richard sa nangyari, huh? Apparently, hanggang ngayon ay hina-harass nito ang aktor.

Ganoon?

Mariing sinabi ni Ruffa na tantanan na ang ka-patid niya dahil he has moved on at may bago itong crush na taga-ABS CBN. Sino kaya? [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Oyo Sotto ’di nakaiskor kay Nadine

SPEAKING of Nadine Samonte and Oyo Sotto, sila ang killer question yesterday sa Showbiz Central.

Nanghingi ng killer question sa amin si Doc of Showbiz Central para kay Nadine na siyang isinalang kahapon sa segment nina Rufa Mae Quinto and Mo Twister.

We gave them one but we like the question used, kung ano ang naging dahilan ng breakup nina Nadine and Oyo. Akala nga namin hindi sasagutin ni Nadine dahil binabasa niya pa lang ang question, pinagpapawisan na raw siya.

Pinaamin kasi si Nadine ng relasyon nila ni Oyo na never nitong in-admit at pati na rin ang cause of breakup.

For the first time, sa bibig mismo ni Nadine lumabas na naging mag-on nga sila ng five months during their Dito Sa Puso Ko days.

Maganda ang naging sagot niya sa cause of break up ha, nirespeto raw kasi ni Oyo ang pagka-babae niya if you get her drift.

For that, saludo kami kay Oyo for being a gentleman and kay Nadine na rin for keeping her virtue intact.
[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Monday, January 21, 2008

Marian Rivera, mahilig sa bata

MAY soft spot pala sa bata si Marian Rivera.

May isang fan ng Ma-rimar ni Marian sa Telebabad ng GMA after Kamandag ang dinala sa set last week courtesy of another GMA-7 show, Kapuso Mo Jessica Soho.

Umiyak agad si Ma-rian pagkakita sa bata ka-si may sakit ito. Agos ang luha ni Marian at niyakap agad ang young fan niya. Nag-promise siya na ipagagamot niya ito personally.

It’s those who help who are blessed kaya kita niyo naman kung gaano ka- successful ngayon ang alaga ni Popoy Caritativo.

Bukod sa number one ang first solo primetime soap niya, may first Valentine movie na rin ang aktres from GMA Films and Regal Films na My Bestfriend’s Girlfriend opposite Kapuso station’s number one male lead Richard Gutierrez.

Feb. 13 ang showing nito. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Isabel Oli, obsessed kay Polo

Malaking challenge para kay Isabel Oli ang ibinigay sa kanyang role sa Sine Novela presents Maging Akin Ka Lamang kung saan ginagampanan niya ang role na unang tinampukan ni Lorna Tolentino at nagpanalo sa kanya ng best actress awards.

Sabi nga ni Isabel, lalo raw siyang ninerbyos dahil medyo mature na ang role na kanyang ginagampa-nan. Dahil obsessed siya kay Polo Ra-vales, kulang na lang daw ay reypin niya ang sexy actor. Siya ka-si ang agre-sibo sa kanilang love scene.

Mabuti na lang daw, puwedeng dayain nang konti ang eksena kaya naman medyo nakahinga nang malu-wag si Isabel.

Pero, just the same, nakakapanibago pa rin daw ang role na kanyang ginagampanan sa serye.

Dahil kailangan gla-morosa siya at maganda sa kanyang role, nag-hire si Isabel ng sarili niyang make-up artist at stylist para alagaan ang kanyang itsura sa series.

At her own expense ito, huh, kaya duda namin baka walang masyadong matirang talent fee sa kanya after ng Maging Akin Ka Lamang. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Crush ni Richard Gutierrez, lumilipad

Kahapon sa The Buzz ay ipinahayag ni Ruffa na may isang taga-ABS-CBN 2 na crush ng kapatid niyang si Richard Gutierrez.

Ang clue ni Ruffa, ‘lumilipad’ ang crush ng kanyang kapatid.

Hindi ba ‘lumipad’ si KC Concepcion noong birthday celebration ng inang si Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum?

Si KC ba ang tinutukoy ni Ruffa?

Anyway, ipinagtanggol ni Ruffa si Richard sa isyung nagkaroon ng gulo ang kanyang kapatid sa The Embassy bar.

Ayon kay Ruffa, hindi nagsisimula ng gulo ang kanyang kapatid. Madalas daw na prino-provoke ng ibang mga tao si Ri­chard.

Lalaki ang kanyang kapatid, kaya natural lang na ipagtanggol nito ang sarili.

***
In-announce na kahapon sa Showbiz Central na si Raymond Gutierrez ang napili ng GMA 7 management para mag-host ng Pinoy Idol, ang Philippine franchise ng American Idol.

Mula Miyerkules hanggang Sabado ay nasa Cagayan de Oro si Raymond para sa auditions ng Pinoy Idol.

Noong una ay ayaw pang ipaalam ng mga taga-Siyete na si Raymond na nga ang Philip­pine counterpart ni Rya­n Seacrest, pero dahil birth­day celebration kahapon sa Showbiz Central, nag-decide sila na i-announce na ang tungkol doon.

Ayon kay Raymond, he’s proud and happy na sa kanya napunta ang pagho-host ng Pinoy Idol.

Aware kasi si Raymond na maraming may gustong mag-host ng show na ‘yon, pero siya ang napili ng big bosses ng Siyete para mag-host ng nabanggit na show.

Siyanga pala, happy birthday today kina Raymond at Richard! [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, January 20, 2008

Dingdong maraming demand: Tumangging pumirma ng kontrata sa GMA

Si Dingdong Dantes ang ini-expect naming pipirma ng exclusive contract sa GMA Films noong January 16, pero si Rhian Ramos ang aming naabutan. Sa pagtatanung-tanong, nalaman naming nagkaproblema sa kampo ng actor, dahil may mga nire-request ito at para ‘di masayang ang oras, ang young actress na ang inunang papirmahin ng kontrata.

Ang hindi pa namin natatanong ay kung muling mag-o-offer ng movie contract ang GMA Films sa actor o hindi na? Sayang kung mabubulilyaso ang plano nina Annette Gozon-Abrogar at Joey Abacan kay Dingdong, dahil lang sa mga request na hindi agad maibibigay. Naibalita pa naman ng actor na gagawa siya ng pelikula kasama sina Marian Rivera at Iza Calzado to be directed by a very good TV and movie director. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Alfred Vargas dates new girl

WHO’S that girl is what some people were asking about the date of actor Alfred Vargas during the MMFF awards night at SM Mall of Asia. This was the first time Alfred has been spotted with a date after he broke off with LJ Reyes.

A very reliable source said that the non-showbiz girl belongs to the well-known Quisumbing clan, two years younger than Alfred and a college friend. And yes, she is very, very pretty.

The fact that Alfred started dating again is a sign that he is seriously looking for someone whom he would like to spend the rest of his life with.

Alfred is one of the few prize-catch bachelors in the stable of GMA contract stars. Just like Richard Gutierrez and Dingdong Dantes, he is financially stable with investments in food business.

With the acting nomination he got from “Banal,” Alfred will soon be seen with Iza Calzado in a drama anthology which would replace Magpakailanman. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jacky Woo ipo-promote sa ‘Pinas ang movie nila ni Jennylyn Mercado

Nakatakdang dumating sa bansa ang Asian action star na si Jacky Woo sa bukas (Enero 21), para mag-promote ng Half-Blood Samurai, ang pelikulang pinagbibidahan niya kung saan tampok si Jennylyn Mercado bilang kan-yang leading lady.

Kilala si Jacky Woo sa dedikasyon niya sa paggawa ng world-class action movies sa iba’t ibang bansa sa Asya.

Una siyang naakit sa talento at kabaitan ng mga Filipino noong una siyang dumating sa bansa para makipag-meet sa staff ng international movies na Apocalypse Now at The Platoon.

Dahil dito ay nabuo ang produksyon ng pelikulang Total Aikido, ang unang Philippine-made movie ni Jacky Woo kung saan kasama niya ang mga Filipino stars na sina John Regala, Aya Medel at Tony Ferrer.

Naging matagumpay ang Total Aikido at dahil dito ay gumawa pa si Jacky Woo ng ilang pelikula sa bansa.

Ilan sa mga kilalang pelikulang ginawa o nilaba-san niya sa Pilipinas ay ang 2003 Metro Manila Film Festival entry na Alab ng Lahi kasama sina Robin Padilla, Eddie Garcia, Raymond Bagatsing, Anne Curtis, Princess Punzalan at ang Japanese superstar na si Yoshuke Natsuki.

Kasama rin siya sa 2004 Metro Manila Film Festival entry na Panag-hoy sa Suba with Cesar Montano and Juliana Palermo at ang 2005 horror-comedy blockbuster na Is-piritista: Itay , May Moomoo! starring Vic Sottoa .

Tampok din si Jacky Woo sa pelikulang Hustler (co-produced at co-starring nila ni Robin Padilla noong 2003), Dudurugin Ko Pati Buto Mo (2002), ang internationally-released na Shwo Lin Jiang Shi (English title Shaolin vs. Evil Dead) noong 2004, at ang sequel nitong Shaolin vs. Evil Dead 2: Ultimate Power noong 2006.

Nakatakdang ipalabas sa bansa ang Half-Blood Samurai ngayong Pebrero. Kasama nina Jacky Woo at Jennylyn dito sina Gabby Eigenmann, Paolo Paraiso, Nina Jose, Pocholo Mon-tes, Yoshuke Natsuki, at Cesar Montano (sa isang cameo role).

Sa pagdating ni Jacky Woo sa bansa, lalabas si-ya sa GMA-7 shows na SIS (Jan.24 live episode), Unang Hirit, Eat Bulaga, Master Showman, Bubble Gang, Startalk, Showbiz Central, SOP, Takeshi¢s Castle, at sa Q-11 program na Sweet Life. May mall tour din ang cast ng Half-Blood Samurai sa SM San Lazaro sa Enero 23 at sa SM Valenzuela sa Jan. 24. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Mark Herras naimbiyerna sa pag-deny ni Marian Rivera sa relasyon nila

HE said she said ang mangyayari ngayon kina Mark Herras and Marian Rivera.

Sa presscon ng Regal Films and GMA Films Valentine movie My Girl Friend’s Best Friend, Marian insisted na tatlo lang ang naging boyfriends niya and all were non-showbiz.

Isa nga sa mga ‘yun ay ang inilabas namin dito, ang basketball player and model Ervin Vijandre. Naitanong namin kay Marian kung naging mag-on ba sila ni Mark, and she insisted na muntik lang dahil hindi niya ito sinagot nang may nangyaring hindi maganda sa pagitan nila.

Nagkita kami ni Mark Friday night sa Station 168 Internet Café at biniro namin siya na idinenay siya ni Marian.

Si Mark daw kasi ang nagkuwento mismo sa isang manunulat na naging sila nga.

Natawa na lang si Mark, at tipong naimbiyerna, at ang sagot niya ay a-appear siya sa Startalk (yesterday ito) for his own side of the story.

Oh well, may kani-kaniyang buhay at proyekto na naman ang dalawa, so sana let it go na lang kung anuman ang naka-raan nila.

Another old news kasi ito na hindi naman magagamit by anyone. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, January 19, 2008

Jackie Manzano at ‘miracle baby,’ sa Pebrero uuwi

SABI ni Anjo Yllana, sa rami ng papeles na kailangang ayusin para sa “miracle baby” nila ni Jackie Manzano, malamang na February na ito makauwi ng bansa.

“Ngayong January sila dapat uuwi, pero sangkatutak na papeles ang aayusin. Kukuha pa ng passport ang baby,” dagdag ni Anjo.

Hindi pa kasama rito ang napakalaking binayaran nila sa San Francisco California Hospital, kaya naman ganu’n na lang ang pasasalamat ng actor-TV host sa mga kaibigang nagdasal at nagbigay ng tulong.

Maluha-luha si Anjo nang ikuwento ang pagkikita nila ni Jackie sa California kasama ang tatlo pa nilang mga anak.

Hirap na hirap daw si Jackie sa rami ng nakatusok sa katawan niya. Gustuhin man daw nilang “magpatali” na ito, hindi puwede dahil mahina pa ang katawan.

But the good news is nakaligtas si Jackie sa pagsilang sa ikaapat na anak.

Another good news ay ang paggaling ng panganay nilang may epilepsy.

“Natalo man ako nu’ng election, ang kapalit nama’y kaligtasan ng asawa ko at paggaling ng panganay namin,” sey ni Anjo

“Kunin na nila ang lahat sa akin, huwag lang ang pamilya ko. Kung dati’y puro trabaho at pagkita ng pera ang nasa isip ko, ngayon, pamilya muna. Pangalawa na lang ang career at pulitika,” dagdag pa ng Eat Bulaga co-host. [source of news]

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites