<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, February 29, 2008

Dingdong Dantes at Karylle, madalas mag-away?

Gaano kaya katotoo ang balitang break na sina Dingdong Dantes at girlfriend nitong si Karylle? May balitang madalas umanong mag-away ngayon ang (dating) magkasintahan kaya nagdesisyon na lamang sila para wakasan na ang kanilang relasyon kaysa patuloy silang mag-argue. Si Marian Rivera kaya ang dahilan?

Sa totoo lang, sa mga nakakapanood ng top-rating at malapit nang magtapos na Marimar laluna sa mga kissing scenes nina Marian at Dingdong, tiyak na ikaka-insecure ito ng sinuman sa ka-relasyon ng dalawang bida.

Maganda ang chemistry nina Marian at Dingdong kaya silang dalawang muli ang magtatambal sa Dyesebel na unang ginampanan ni Edna Luna na dinirek ni Gerry de Leon nung 1953. Ginampanan din ito nina Alice Dixson at Charlene Gonzales.

Kung si Katrina Halili ang main contrabida sa Marimar, mukhang si Mylene Dizon naman ang magpapahirap nang husto kay Marian sa Dyesebel.

Dahil hindi pala si Marian ang gaganap na Darna sa Captain Barbell Meets Darna, maraming fans ni Nadine Samonte ang nakikiusap na kay Nadine na ibigay ang role na Darna. Pero tahimik pa rin hanggang ngayon ang mga taga-GMA-7 tungkol dito. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jolo, araw-araw magregalo kay Lovi

Mabuti’t hindi nalulusaw ang beauty ni Lovi Poe sa katititig ni Jolo Revilla. Sa presscon ng Kaputol ng Isang Awit, hindi maalis ang tingin ng huli sa dalaga at kulang na lang, ibulsa niya ito.

Between them, mas in-love yata si Jolo kesa ang aktres, kaya ’pag sinagot siya nito sa birthday niya sa March 15, tiyak na magpapa-party siya sa tuwa.

Sweet-sweetan ang dalawa’t kahit tapos na ang Valentine’s Day, may regalo pa rin si Jolo kay Lovi araw-araw.

“Petty stuffs lang naman para malaman niyang mahal ko siya,” say ng lovestruck na actor.

Kontrabida pala ang role rito ni Lovi at ninerbyos siya, pero hindi halata sa napanood naming trailer.

Challenge para sa kanya ang role ng isang very ambitious and total brat singer, dahil opposite sa ugali niya sa tunay na buhay.

Sa Monday na ang premiere ng bagong Sinenovela ng GMA-7 na maglulunsad kina Lovi at Glaiza de Castro bilang mga bagong “Prinsesa ng Drama.” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Sachie Sanders inagawan ng bf ni Iwa Moto

Among the three Viva Hot Babes na nasa presscon kahapon ng Pinoy Kamasutra 2 video ng Viva Entertainment, si Sachie Sanders ang may mainit na issue dahil ayon sa kanya, inagawan siya ng boyfriend ni Iwa Moto.

Ang current non-showbiz boyfriend daw ngayon ni Iwa ay ex ni Sachie at dahil sa young actress kaya sila naghiwalay.

“Three years kaming nag-live-in,” kuwento ni Sachie. “Pero, babaero siya talaga noon pa. Noong una, sabi niya, friend niya lang si Iwa. Kami pa that time.

“Pero, marami ang nagsasabi sa aking nagde-date sila, nakikita sila kung saan-saan at nagpapalitan sila ng text messages.

“Alam ni Iwa na boyfriend ko siya at nakikita niya kami, nagkikita-kita kami dahil may common friends kami. Pero, hindi ko alam kung bakit nagawa pa rin niya ito sa akin,” sabi pa ni Sachie.

May instance pa raw na nahuli niya sa bahay ng kanyang ex-boyfriend si Iwa. Nang dumating daw siya, biglang nagtago sa kuwarto ang young actress.

“Kinatok ko siya, sabi ko, ‘lumabas ka riyan, huwag kang magtago riyan dahil hindi kita uupakan,’ pero hindi siya talaga lumabas. Umiyak na lang ako nu’n sa mama ng ex-bf ko,” kuwento pa ng Viva Hot Babe.

Nito lang daw Enero nangyari ang lahat at ngayong wala na sila ng boyfriend niya, nababalitaan niyang lantaran na ang relasyon nito kay Iwa.

Unti-unti na raw siyang nakakapag-move on at ang message niya kay Iwa, “Sana maging masaya siya, pero hindi niya puwedeng sabihin sa akin na break na kami dahil kahit kami pa, nandiyan ’yung nagte-text kayo, so, what goes around comes around, ’yun lang ang masasabi ko sa kanya.”

Hindi raw siya magtataka kung i-deny ni Iwa lahat ito.

“Ide-deny niya talaga, dahil siyempre, bait-baitan siya, eh,” say pa ni Sachie.

So, ahas ba ang tingin niya kay Iwa?

“Hindi, anaconda,” sagot ng Viva Hot Babe.

Si Sachie, sa mga hindi pa nakakikita, ay kahawig ni Iwa in person, lalo na ang matang mala-Haponesa at ang pouting lips.

Samantala, sa Pinoy Kamasutra 2, may breast exposure si Sachie at love scene with Myles Hernandez na siyang bida ng nasabing video. Kasama rin dito ang isa pang Viva Hot Babe na si Hazel Cabrera.

Matatandaang ang Pinoy Kamasutra 1 ay pinagbidahan ni Katya Santos.

Mabibili na ang Pinoy Kamasutra 2 sa video stores. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Pinoy Idol latest

NANOOD kami sa grand audition ng Pinoy Idol na gina-nap sa SMX ng Mall of Asia last last Saturday. At aming nasaksihan kung gaano kahigpit or let’s say ‘kataray’ ang isa sa judges ng bagong TV reality ta-lent search ng GMA-7 na si Wyngard Tracy.

Napanood namin sa ‘very private’ audition room kung papaanong ‘binalatan’ ni Wyngard ang isa sa mga nag-audition sa Pinoy Idol, at masasabi naming halos ipahiya na niya ang mga naga-audition. ‘Yung isang babaing nag-audition ay naiyak pa nga sa matinding nerbiyos.

The brother nga of GMA’s Pinoy Popstar Kids champ na si Rita Iri-ngan, na nag-audition din, ay halos walang boses na lu-mabas sa bibig nang bumanat ito ng kanta dahil din mara-hil sa sobrang nerbiyos kay Wyngard.

Pero, ang two judges naman na sina Ogie Alcasid at Ida Henares ay napakababait. At kung sila lang marahil ang masusunod, halos lahat ng naga-audition ay kanilang tatanggapin.

We also felt the tension at nerbiyos na naramdaman ng bawat nag-audition.

At masasabi naming ‘yun lang talagang confident sa kanilang looks and talent, na talaga namang mga potential Pinoy Idol, ang nakapasa sa panlasa at binotohan ng “yes” nina Wyngard, Ogie and Ida.

So, expect na matin-ding performances ang ipapakita sa manonood ng Pinoy Idol wannabes kapag nagharap-harap na sila sa ka-nilang matatawag na ‘final moment.’ [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, February 28, 2008

Mark Herras at Rhian Ramos very close

Marami na ang nagdududa sa closeness ngayon nina Mark Herras at Rhian Ramos.

Dati pa man ay close na sila nang magsama sila sa My Only Love, pero siguro naman, pwede ring ma-develop dahil sa madalas silang nagkikita.

Nu’ng Biyernes ay marami ang nagtaka at nasa GMA 7 si Rhian kung saan nandu’n si Mark na nagri-rehearse para sa SOP.

Wala raw rehearsal si Rhian at nakabantay lang siya kay Mark. Nang tinanong si Mark na kung siya ba ang binabantayan ni Rhian, parang kaswal lang ang sagot niya na may lakad sila.

Nang in-interview na si Mark tungkol kay Ynna Asistio, hindi na ito nagku-comment dahil nandu’n si Rhian at nakikinig.

Maaaring namamalisyahan lang ang closeness ng dalawa, pero lalong lumakas ang duda ng karamihan dahil sa last taping ng My Only Love nu’ng naka­raang linggo.

Kinunan ang kanilang wedding scene, at nu’ng nag-“kiss the bride” na raw sila, tapos na ang eksena at sumigaw na ng “cut” ang direktor, tuloy pa rin ang halikan nila.

Sa party kinagabihan, silang dalawa ang magkasama at nag-e-enjoy sa party na parang ayaw pang umalis ni Mark na kaila­ngang maglagare ng taping sa Joaquin Bordado.

Kapag tinatanong mo ngayon si Mark tungkol sa kanila ni Rhian, ngiti lamang ang sagot niya. [source of news]

Labels: ,


Continue Reading...

Jolo Revilla parating nakatitig kay Lovi Poe

Sabay naming in-interview sina Jolo Revilla at Lovi Poe sa presscon ng Kaputol ng Isang Awit at batay sa kanilang body language, mas in-love ang young actor o baka, ayaw lang pahalata ng dalaga.

Laging nakatitig si Jolo kay Lovi habang ini-interview na para bang ayaw niya itong mawala sa kanyang paningin. Sa solo interview nila, sinundan pa rin niya ng tingin ang actress kahit saan magpunta at nang kantahin nina Lovi at Glaiza de Castro ang theme song ng kanilang afternoon soap, very proud itong nakatitig (na naman).

Birthday ni Jolo sa March 12 at ‘secret’ pa ang birthday gift sa kanya ni Lovi. Kung ang young actor lang ang papipiliin, gugustuhin nitong ang matamis na “Oo” ni Lovi ang iregalo nito sa kanya. Ito’y kung hindi pa sila on!

Seloso raw si Jolo at halata ito sa sagot na “Trabaho yun at wala akong magagawa,” nang tanungin kundi ba siya nagseselos sa kissing scene nina Lovi at Marky Cielo. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Pinoy Idol - dinagsa ng libo-libong aplikante

Dinagsa ng mahigit labinlimang libong aplikante ang SMX Convention Center ng SM Mall of Asia noong nakaraang Huwebes sa mga nagnanais mapabilang sa pinakaaabangan, pinananabikan at pinaka-engrandeng pagbubukas ng Manila auditions ng Pinoy Idol.

Matiyagang nag-abang at pumila ang mga nag-audition sa Metro Manila at karatig probinsya para ipakita ang kanilang natatanging galing at husay sa harap ng mga hurado.

Hindi nila ininda ang init ng araw at gutom mapasama lamang sa patimpalak na ito.

Isa sa kwalipikasyon ay ang pagkakaroon ng edad mula 16 hanggang 28, ngunit hindi ito inalintana ng karamihan at patuloy na sinubukan ang kanilang suwerte.

Kailangan ding magdala ng mga aplikante ng original at photocopy ng kanilang birth certificate, original at photocopy ng isang valid ID, 3R full body photo at 3R close-up photo.

Ang mga aplikanteng wala pang 18 ay kinakailangang humingi ng permiso sa kanilang mga magulang, at magdala ng original at photocopy ng valid ID para makasali sa auditions.

Susunod na madarama ang Pinoy Idol mania sa Northern Luzon, dahil sa auditions na gaganapin sa Stadia Dagupan ngayong Huwebes, at sa susunod na Huwebes, Marso 6, sa SM Clark.

Muling matutunghayan ang host na si Raymond Gutierrez at ang mahuhusay na hurado na sina Wyngard Tracy, Jolina Magdangal at Ogie Alcasid sa huling dalawang bahagi ng regional auditions ng Pinoy Idol.

Pag-aari ng Fremantle ang franchise ng Idol, na patuloy na kinagigiliwan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ilan sa mga bansang tumatangkilik nito ay United Kingdom, United States of America, Australia, Singapore, Canada, France, Germany, Indonesia, Vietnam at Norway.

Simula ngayong Abril, matutunghayan na ang pinakamalaking talent search sa GMA-7. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Regine Velasquez sumama ang loob nang hindi kinuha sa Kaputol ng Isang Awit

HINDI totoong nagtampo sa GMA-7 si Regine dahil ang ibibigay lang na soap sa kanya ay pang-hapon. Gusto raw kasi ng Asia’s Songbird ay sa primetime siya, tulad halimbawa ng malapit nang ipalabas na Kaputol ng Isang Awit na pinagbibidahan nina Glaiza de Castro at Lovi Poe.

Ayon sa aming source ay never inialok kay Regine ang Kaputol na labis daw ipinagdamdam ni Regine.

Ang una raw pinag-alukan nito ay si Jolina Magdangal, pero balitang tinanggihan ito ni Jolens dahil nata-nguan na niya ang Pinoy Idol at naging very busy na siya sa talent search na ito bilang ikatlo sa judges na kinabibilangan nina Wyngard Tracy at Ogie Alcasid..

Ang natuloy sa Kaputol ng Isang Awit ay sina Glaiza bilang role ni Sharon Cuneta noon sa movie version, at si Lovi sa dating role ni Gary Valenciano.

By the way, mayroong special participation si Jennylyn Mercado sa Kaputol ng Isang Awit. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Dingdong Dantes Bench photos, shocking!

PAGKARAANG mag-pose ni Dingdong Dantes sa cover at pages ng Cosmopolitan Magazine noong isang taon, at pagrampa niya sa Cosmo’s Bachelor Bash last Sept. 6, at nagpaka-daring sa top-rating na Marimar, the former TGIS teen- actor bares anew sa ilulunsad nang malalaking billboards ng Bench Apparel ni Ben Chan.

Yes, Dingdong is the next Bench mode.

Ayon sa aming (hot) source, tiyak daw na pag-uu-sapang muli si Dingdong sa ginawa niyang photo shoot para sa Bench sa Subic Bay kamakailan lang.

Ito na rin yata ‘yung si-nasabi ni Dingdong na “something big is going to happen on March.”

It’s really something big, ayon sa aming source, dahil kakaiba raw talaga ang photo shoot ni Dingdong para sa Bench.

Ikagugulat daw ng mara-mi ang pagpapaka-daring ni Sergio Santibañez (Dingdong’s role in Marimar) ka-pag inilunsad na ang malalaking billboards ng actor sa buong Metropolis (at ilang key cities sa buong bansa) partikular na nga sa kahabaan ng EDSA kung saan naka-takdang i-display ang billboards ni Dingdong.

Sa kuwento ng aming source, sa rami ng magagandang poses na ginawa ng actor tila nahihirapang mamili ang management ng Bench kung alin ang ilalabas. Kung ang source daw namin ang papi-piliin, pina-kagusto niya ‘yung naka-brief lang si Dingdong nakadipa at nakaharap sa dagat.

Isa pang gustung-gusto raw ng kausap namin ay ‘yung photo ni Dingdong kung saan naka-draw string lang ito.

“Ang ganda ng mga ku-ha,” ani kausap namin. “Wa-la kang itatapon sa kanyang photos.

Walang dudang si Dingdong nga ang maituturing na hottest actor sa kasaluku-yang henerasyon.

After this, lalong iingay ang kanyang pangalan, at la-lo n’yong iilusyunin si Dingdong.

Kung tama pa rin ang di-nig namin, magkakaroon ng launching at unveiling ang Bench billboards ng aktor sa March 8.

Kasama na rin si Dingdong na rarampa sa pinapla-nong Bench fashion show sometime in July. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Kaputol ng Isang Awit updates

Kung si Glaiza de Castro lang ang masusunod, ayaw na niyang magpa-doctor at patingnan ang bukol sa likod ng ulo dala ng pagkadulas sa taping ng Kaputol ng Isang Awit.

Wala naman daw siyang nararamdaman and in fact, kinabukasan after the presscon, may taping na naman siya.

Umalis na kami sa presscon at ’di namin alam kung nakinig si Glaiza sa payo ng press na magpa-doctor at patingnan na rin ang pasa sa left arm na dala pa rin ng pagkakadulas at pasa sa upper lip, na kagagawan ni Marky Cielo, pero kasama rin sa eksena.

Biggest break ito ni Glaiza sa GMA-7 at ginagawa niya ang lahat para hindi ma-disappoint ang management at ang viewers. Pressure sa kanya na role ni Sharon Cuneta sa original movie ang ginagampanan at dagdag na pressure ang magiging rating nito.

Alam ni Glaiza na may mga hindi pabor na sa kanya ibinigay ng Channel 7 ang project at challenge sa kanyang ipakitang kaya niya ang trabaho.

Ang husay sa acting at galing kumanta ang panlaban niya sa mga hindi bilib sa kanya.

Sa March 3 na magsisimulang umere ang Kaputol ng Isang Awit sa Dramarama sa Hapon block, sa ilalim ng direksyon ni Mike Tuviera.

* * *

Kasama rin sa cast ng Kaputol ng Isang Awit si Snooky Serna as Vina (mother ni Glaiza). Mag-asawa sila rito ni Tirso Cruz III, na sa first movie niyang My Heart Belongs to Daddy, ay gumanap na kanyang ama.

May tattoo ng samurai woman sa right back si Snooky, nakisabay daw siya sa kanyang mga anak. Wala siyang lovelife at bukod sa series ng GMA-7, busy sa kanyang Integrated Medicine course.

Two-year course ito sa Open University ng Sri Lanka at sa March, graduate na siya at isa na siyang certified herbalist.

Bukod doon, kaya rin niyang gumamot through’ accupunture, accupressure at iba pang holistic healing.

She was encouraged by a friend na owner ng holistic center to take up Integrated Medicine at tulong na rin niya ito sa mahihirap na Pinoy na can’t afford magpa-doctor.

After graduation, ipa-practice ni Snooky ang kanyang napag-aralan. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Patrick Garcia, not ready to be a father

AYON kay Jennylyn Mercado, wala na talaga sila ng boyfriend niyang si Patrick Garcia.

In fact, kahit na nga inaalok sila ng educational plan ng ermat ni Patrick para sa kanyang magiging anak, parang nabale wala pa iyon.

Nauwi pa sa hindi maganda ang usapan ganoong sa palagay naman namin ay magandang hangarin iyon, dahil pinag-iisipan nila ang magiging kinabukasan ng bata bago pa man ito ipanganak.

Lumalabas na sumasama ang loob ni Jennylyn dahil wala nang panahon sa kanya si Patrick ngayon, at nagbigay pa raw iyon ng “no comment” na pahayag sa tv tungkol doon sa tsismis na baka hindi siya ang ama ng dinadala ni Jenneylyn.

Intindihin muna ninyo itong mabuti, ha. Maaaring sabihin ninyo na nasa tamang edad na si Patrick, pero ang isang bata na lumaki nang ganyan sa showbusiness at sabihin nating simula pagkabata ay pampered, at hindi naman talaga handa sa ganyang sitwasyon ay hindi ninyo maaasahang sumagot nang tama rin all the time.

Hindi naman siguro niya inaasahan na ihaharap sa kanya ang ganoong tanong, at ang bata sa showbusiness, basta hindi handa sa isasagot nila, natural lang iyong sagot na “no comment”. Iyon ang pinaka-convenient na sagot, eh.

Aminin na natin na maaaring umiiwas din si Patrick, dahil nasaktan din naman siya sa mga sinasabi ni Jennylyn sa tv laban sa kanya.

At saka kung natatandaan ninyo, kung hindi nga lang nagdalawang-isip din ang judge noong magpunta sila sa korte para magpakasal, eh, di sana ngayon ay problema na nila ang annulment dahil hindi pala sila magkakasundo talaga.

Sa ganyang sitwasyon talagang play safe muna ang lalaki.

Palagay namin, ang mga nagiging aksyon ngayon ni Patrick ay natural lang. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, February 27, 2008

Philippine TV Ratings Mega Manila

Overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 nu’ng BIYERNES (Pebrero 22):

SiS 12.2% vs. Boy and Kris 9.1%;
Takeshi’s Castle 16% vs. Game Ka Na Ba 14.6%;
Eat Bulaga 22.5% vs. Wowowee 15.7%;
Daisy Siete 22.5% at Maging Akin Ka Lamang 17.8% vs. Prinsesa ng Banyera 10.9%;My Only Love 16.7% vs. Pinoy Movie Hits 10.6%;
Soon Ae 12.2% at Hana Yori Dango 14.1% vs. Wheel of Fortune14.9%;
24 Oras 30.5% vs. TV Patrol 22%;Joaquin Bordado 36.6% vs. Kung Fu Kids 22% at Lobo 20.3%;
Kamandag 36.2% vs. Palos 16.8%;
Marimar 44.3% vs. Maging Sino Ka Man 13.3%;
Coffee Prince 34.3% at Bubble Gang 20.2% vs. Maalaala Mo Kaya 13.4%.

SABADO (Pebrero 23):
Takeshi’s Castle 18.3% vs. Game Ka Na Ba 11.7%;
Eat Bulaga 27.4% vs. Wowowee 14.6%;
Startalk 18.4% vs. Entertainment Live 11.2%;
Wish Ko Lang 16.7% vs. Cinema FPJ 14.1%;
Pinoy Records 14.6% vs. Volta 14%;
Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? 25.1% vs. 1 vs.100 18.7%;
Bitoy’s Funniest Vi­deo 33.5% vs. TV Patrol 19.8%;
Kapuso Mo Jessica Soho 35.5% vs. XXX 20.6%;
Imbestigador 28.3% vs. Fit ‘n Rite 10.7%;
Nuts Entertainment 15.3% vs. Sabado Movie Special 9.1%;
Sine Totoo 8.3% vs. Sports Unlimited 3.2%.

LINGGO (Pebrero 24):
Takeshi’s Castle 11.5% vs. Ka Pete Na 7%;
SOP 16.1% vs. ASAP 15%;
Kapuso Sine Special 22.9% vs. Your Song 8.6% at Love Spell 8.4%;
Showbiz Central 16.8% vs. The Buzz 13.1%;
Kap’s Amazing Stories 24.8% vs. TV Patrol 13.3%;
Tok Tok Tok 29.1% vs. Rated K 16.8%;
Mel and Joey 29.4% vs. Goin’ Bulilit 18.2%;
All Star K 25.4% vs. Sharon 11.6% at That’s My Doc 11.8%;
Fulhaus 20% at Sunday Night’s Box Office 13.2% vs. Sunday’s Best 8.9%.

LUNES (Pebrero 25):
SiS 12.7% vs. Academy Awards 11.5%;
Takeshi’s Castle 19.8% at Eat Bulaga 25.8% vs. Wowowee 16.3%;
Daisy Siete 21.4% at Maging Akin Ka Lamang 16.8%;
My Only Love 15.7% vs. Prinsesa ng Banyera 14.6%;
Soon Ae 12.7% vs. Pinoy Movie Hits 13.8%;
Devil Beside Me 12% at Hana Yori Dango 13.2% vs. Wheel of Fortune 17.9%;
24 Oras 34.1% vs. TV Patrol 23.3%;
Joaquin Bordado 40.2% vs. Kung Fu Kids 22.7%;
Kamandag 38.3% vs. Lobo 23.7% at Palos 20.1%;
Marimar 43.9% vs. Maging Sino Ka Man 14.7%;
Coffee Prince 32.1% vs. Marrying a Millionaire 10.7%;
Kung Ako Ikaw 16% vs. Bandila 7.6%.

Labels:


Continue Reading...

Joey de Leon album "Kagat-labi"

Tiyak na iintrigahin ang nine-cut album ni Tito Joey under EMI Records titled Kagat-labi. Obviously, sa pamagat pa lang, it’s indirectly intended as a slur against the dancers of the rival program of Eat Bulaga.

Even more telling is another song titled Walang Daya. May lyrics kasi roon referring to numbers 0 and 2, U Tube and Ferrari. Pero sa kabuuan ng kanta, ang ibig ipakahulugan ng nagsasalita nu’n ay wala siyang daya kung magmahal.

So, will this spark another parunggitan between him and his fellow host in another program?

What I know is that still in the said album, kagigiliwan ng mga bading ang isang awitin doon na pinamagatang Luhod with a melody tulad ng Sugod (ng grupong Sugar Free nga ba?). Tinatayang magiging Pambansang Awit daw ito ng mga kafatid sa pananampalataya.

Kapansin-pansin ang pagkakaroon ng ‘double entendre’ o double meaning sa mga kantang nabanggit. And only a Joey de Leon get away with it. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

JC de Vera at Yasmien Kurdi sa Babangon Ako’t Dudurugin Kita

Nakaka-two weeks taping na sina JC de Vera at Yasmien Kurdi ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita nang makausap namin ang actor. Kabado ang dalawa’t ang show nila ang papalit sa Marimar na outstanding ang ratings mula simula hanggang sa pagtatapos nito sa March 14. Sa March 24 naman ang pilot ng BAADK.

Role ni Bembol Roco ang ginagampanan ni JC at ang role ni Christopher de Leon sa movie version ay napunta kay Marvin Agustin. Pero, sabi ni JC, magkakaroon ng magandang twist kung paano mapupunta sa kanya si Yasmien.

Samantala, i-wish nating makapasa si JC sa kukuning exam sa UP sa March 1 para makapasok sa kanilang Open University. ‘Pag sinuwerte, sa next semester, Associate in Arts student na siya. Three years siyang humintong mag-aral mula nang mag-graduate ng high school sa Colegio de San Agustin, kaya excited siyang maging student uli. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Marian is Dolphy’s next leading lady

MARIAN Rivera is elated to be the first “Dyesebel” on TV. This enduring tale of a beautiful mermaid, that started with Edna Luna in the Gerry de Leon 1953 big screen version, will start on March 17 after “Marimar” ends on March 14 with a special live telecast.

“Panay ang training ko ngayon sa swimming kasi I don’t want to use a double for my underwater scenes,” she says.

And because her teamup with Dingdong Dantes was such a hit in “Marimar”, Dingdong will again play her leading man in Dyesebel, the role of Fredo originated by the late Jaime de la Rosa. Joyce Bernal will direct them once again.

Marian will really be very busy as she is also the personal choice of Dolphy to be the leading lady in the first movie he’s doing with Vic Sotto. This will be a co-production of Vic’s own M-Zet Productions, Dolphy’s RVQ Productions and APT Entertainment of Mr. Tony Tuviera, to be directed by Tony Reyes who directs all Vic’s movies, including the hit “Enteng Kabisote” franchise.

“I’m excited to work with the country’s two top comedy kings,” Marian gushes.
[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Regine Velasquez to do a remake of a hit Koreanovela

WALANG Regine Velasquez na nag-appear sa SOP nu’ng Linggo. Bagkus, ang boyfriend nitong si Ogie Alcasid lang ang dumating. Live mang nagpa-interview si Regine sa The Buzz, isang source ang nagsabi sa aming may inihahanda nang soap para sa kanya ang GMA-7 na ilalagay sa primetime slot.

Ililinya raw si Regine sa drama para sa remake ng isang hit Koreanovela.

Hindi pa alam ng source namin kung anong klaseng Koreanovela ito o kung anong title. Basta, isa raw itong hit sa Pilipinas.

Siyempre, tulad ng Marimar, siguradong kasasabikan din daw ang local version nito.

* * *

NAPAG-ALAMAN din namin sa isang source na mali ang kumalat na balitang ang Kaputol ng Isang Awit ang in-offer ng Siyete kay Regine.

Never daw inalok kay Regine ang nasabing afternoon soap, kundi kay Jolina Magdangal. Pero, nag-beg daw si Jolens dahil mas pinili ang pagdya-judge sa Pinoy Idol.

* * *

KUNG maraming bagong developments sa career ni Regine, hindi pahuhuli ang BF niyang si Ogie.

Ang latest na nasagap namin mula sa isang reliable source ay may bago itong programang gagawin sa GMA-7.

Isa raw itong game show na pinamagatang The Big Show. Locally-produced daw ito.

Bukod sa TV work, inaasikaso rin ni Ogie ang anniversary concert, 20-20, na gagawin sa Araneta Coliseum sa September 27. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera at Dingdong Dantes tandem, sure win

Isa ring sure win talaga ang tandem nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. So, tuloy na pala ang paggawa ng dalawang ito ng fantaseryeng Dyesebel? Kering-keri ito ni Marian, siya lang ang bagay na maging sirena, with her looks, charm and wit. May kakaibang ganda kasi ang mga mata ni Marian na bagay sa mga fantasy at drama eklabu.

Mapang-akit ang da-ting ni Marian, hindi siya mukhang pipitsuging sexy star lang kung kaya’t kahit magpa-sexy siya gaya ng ginagawa niya sa Marimar, lumulutang pa rin ang ganda niya.

How much more sa Dyesebel na ito, di ba?

May ilan ngang kilay ang tumaas nu’ng uang mapabalitang sina Nadine Samonte at Rhian Ramos ang gaganap bilang Dye-sebel sa Siyete.

Hindi naman sa walang ‘K’ ang mga ito pero may babagay din sa kanilang karakter. Hindi nga lang pang-Dyesebel ang dating nila.

Ayaw ni Dingdong ng ganyan. [source of news]

Labels: ,


Continue Reading...

Tuesday, February 26, 2008

Cristine Reyes, di naramdaman na tinigasan si Paolo

Pinaghandaan ni Cristine Reyes ang mga eksena niya sa pelikulang Ate at pakiramdam niya ay naipakita niya rito na may ibubuga siya sa pag-arte. Gustung-gusto raw niya ang role niya kaya pinagbutihan niya.
Kumpara sa Ate Ara Mina niya ay mas marami silang love scenes ng leading man nila sa movie na si Paolo Paraiso.
Sinabi namin kay Cristine na umamin si Paolo na ‘tinablan’ sa maiinit nilang eksena.
“Talaga? Hindi ko alam, hindi ko naramdaman! Ha! Ha! Ha!” tawa ng dalaga.
“Compliment ba ‘yon? Actually, naging professional si Paolo, eh! I mean, hindi ako nakaramdam ng pambabatos sa kanya. And I think, hindi ako na-take advantage. So, okey naman!”
Nu’ng Pebrero 1 ay nag-expire na ang kontrata ni Cristine sa GMA Artist Center at magmi-meeting pa raw ulit sila para malaman kung ano na ang lagay niya sa Kapuso network.
“Ayokong magsalita ng kung anu-ano dahil gusto ko, kung ano ‘yung pag-uusapan namin, kami lang ang may alam. Tapos, saka ko na po ilalabas kung anuman ‘yung napag-usapan, respect na lang din sa GMA.
“Wala po munang kukuha sa akin right now hangga’t hindi ko pa naki-clear sa GMA kung ano talagang status ko.
“Basta, naghihintay lang po ako. Kung saan po may work, doon ako!” hirit ni Cristine.
Sa Marso 5 ang showing ng Ate exclusively at SM Cinemas. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Marian at Dingdong, ipinaglaban ni Joyce sa GMA-7 bosses

PORMAL nang ipinaalam ng GMA Network sa Showbiz Central na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sina Dyesebel at Fredo sa Dyesebel.

Pagkatapos ng last taping day ng Marimar sa March 6 o 7, magti-training na ng swimming ang actress para sa underwater scenes niya at sasabak sa sariling preparasyon ang actor.

Natuwa si Marian sa Regal dahil binigyan siya ng DVD copy ng Dyesebel ni Alice Dixson para kanyang mapanood. Sabay na silang manonood ni Dingdong para magkaroon ng idea kung paano tumakbo ang istorya nito.

Nag-fitting na ng buntot si Marian na inabot ng two hours, mag-i-expose siya ng skin at handa siyang mag-topless.

“Sa pictorial pa lang, nag-topless na ako, topless kung topless ito, pero hindi malaswa ang dating. Hindi papayag ang GMA-7 na lalabas ako na ikapapahamak ko o mababastos ako,” say ni Marian.

Alam din ni Marian na bata ang tina-target na viewers ng Channel 7 para sa Dyesebel at magbabantay ang MTRCB, kaya sexy, pero hindi malaswang sirena ang mapapanood. Excited na siya kung ano ang gagawin ni Direk Joyce Bernal para mas gumanda ang serye.

Samantala, sa March 14 na magwawakas ang Marimar at live ang ending nito. At least, hindi man natuloy sa Mexico, sa ibang paraan tatapusin ng GMA-7 ang pag-iibigan nina Marimar at Sergio. [source of news]

Labels: ,


Continue Reading...

Jennylyn Mercado ’di gagamitin ang apelyido ni Patrick

MERCADO ang apelyido na gagamitin ng anak nina Jennylyn Mercado and Pat-rick Garcia.

This time, we really felt for Jennylyn sa interview ni-ya sa Showbiz Central last Sunday.

Kung ano man ang tampo namin sa kanya noon, ka-kalimutan na namin lahat da-hil truly, awang-awa kami sa kalagayan niya ngayon na dati naman talaga naming close.

Totoo ang sinabi niya sa Showbiz Central, napakara-mi niyang ginibap for Pat-rick.

Notwithstanding the insurance and education plan na ibibigay ng pamilya ni Pat-rick Garcia sa baby, isusunod ni Jennylyn ang apelyido ng magiging anak nila sa kanya, hindi sa mga Garcia.

Balitang okey lang din ito sa mga Garcia. We really hope na makabalik siya pagkapa-nganak and hope her Half Blood Samurai makes it ka-hit papaano.

Showing na ang Half Blood Samurai sa March 5. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Monday, February 25, 2008

Cristine Reyes walang delikadesa

Hindi maganda ang ipinapakita ni Cristine Reyes.

Alam niyang sensitive pa ang isyung lipatan ng network at ratings ng GMA 7 at ABS-CBN2, pero panay ang guesting niya sa mga programa ng Dos.

Ang palusot niya ay nagpu-promote ng pelikulang Ate nila ni Ara Mina.

Nu’ng isang Linggo ay sa The Buzz siya live na nag-guest na hindi man lang ipinaalam sa GMA Artist Center.

Nitong nakaraang Sa­bado ay nasa Wowowee siya na ikinagulat din ng mga taga-GMA 7.

Parang walang delikadesa at respeto ang babaeng ito na dumalo pa nu’ng Biyernes nang gabi sa birthday party ng GMA boss Mam Wilma Galvante.

Iyun pala, kinabukasan ay mapapanood mo siya sa kabilang istasyon.

Pwede sigurong ha­yaan na ang paglipat niya sa ABS-CBN 2 kung atat na atat na siyang layasan ang Siyete. Hindi siya malaking kawalan sa GMA 7.

Hindi ko alam kung impluwensya ito ng kanyang Ate Ara dahil kilala kong mabait at may respeto pa rin sa GMA 7 ang ate niya.

Sana, maganda ang kinalabasan ng pelikulang pinu-promote niya na ngayon pa lang ay naramdaman kong matutulad sa kapalaran ng Green Paradise niya. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Topless Marian Rivera, tanggap ng non-showbiz BF

MISMONG si Marian Rivera na ang nag-confirm na siya na nga ang gaganap sa title role na Dyesebel.

Did you know na tulad sa Marimar, si Dingdong Dantes din ang makakapareha ni Marian sa Dyesebel?

Si Joyce Bernal din ang magdidirek ng bagong seryeng ito.

Nakausap namin si Marian nang ipakilala siya bilang pinakabagong image model ng clothing line na Karimadon.

According to owner Josie Go, the brand’s name was culled from the first syllable of her children’s names, Karen, Richard, Mauricia and Don Dexter.

Ani Marian tungkol sa Karimadon: “Noong baguhan pa lamang ako sa showbiz, nilapitan ko sila. Nakiusap ako kung puwedeng i-provide nila ako ng damit for my TV shows, pictorials and personal appearances.

“Buong puso nilang pinagbigyan ang kahilingan ko, kahit na nu’ng mga panahong ’yon, hindi pa tiyak na magiging bida ako sa isang teleserye.

“Ngayon, they’ve chosen me to be their image model. Hindi lang ako happy, kundi excited din.

“I like wearing their clothes because they are comfortable, wearable and feminine.”

* * *

ACCORDING to Marian, she will go topless in Dyesebel if need be.

What has her boyfriend, reportedly somebody not from showbiz, got to say about her decision?

“He understands,” sagot ni Marian.

The actress said she will do anything – and everything – for her career.

Naaalala niya when in one scene in Marimar, Direk Joyce told her na kailangan niyang mahiga sa kabaong. Isasara ito’t ilalagay sa hukay saka tatabunan ng lupa.

“Walang angal na narinig sa akin si Direk Joyce. Kaya, more excited ako with Dyesebel dahil ayon kay Direk, marami itong bagong ipakikita,” saad ni Marian.

Hanggang March 14 na lang pala ang Marimar. Pero, hanggang first week pa ng March ang taping nila.

In between tapings and other commitments, massive ang pag-aaral ng swimming ni Marian.

Desidido kasi siyang kahit sa most difficult scenes bilang Dyesebel, hinding-hindi siya magpapa-double (referring to bit players sa showbiz who substitute for the bidas sa mga difficult na eksena). [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Marian, Richard tuloy na sa Barbel at Darna

Nang simulan ng Kapuso network ang plugging ng mga forthcoming shows ay kabilang ang Captain Barbel Meets Darna at naging palaisipan kung sino si Darna dahil si Angel Locsin ay naglipat-bahay na.

For a while ay nabanggit ang mga pangalan nina Iza Calzado, Katrina Halili, Cristine Reyes at Rhian Ramos para sa papel ng bagong Darna.

Pero nang pumatok sa takilya ang My Bestfriend’s Girlfriend na showing on its second week at tinatayang mahigit P100M ang ma-giging gross sa box office, luminaw na ang balitang si Marian Rivera na ang gaganap sa Pinoy superheroine na likha ng Komiks King na si Uncle Mars Ravelo.

Although hindi pa nag-verify sa’min ang isang member ng GMA Creative Team, sa ngiti niya’y parang na-confirm na na-ming totoo ang balita. Kung paanong si Rhian naman daw ang bagong Dyesebel na karakter din sa nobela ni Uncle Mars.

Nang makausap nga namin itong si Rhian ay sinabi niyang wala pa si-yang alam. Pero kung pamimiliin daw siya’y parang mas type niya ang Darna role dahil mas maaksyon ito.

Laging nasa tubig at may buntot kasi si Dyesebel at nagiging human lang na may paa at nasa kati pag nahaplos ang mahiwagang kabibe. “Pero kung ano po ang ibigay sa’kin ng network, magpapasalamat din ako,” sabi ni Rhian.

Meanwhile, hanggang Marso pa ang Marimar ni Marian at Kamandag ni Richard. Patapos naman ang My Only Love ni Rhian.
[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, February 24, 2008

Marian, Dingdong magsasama muli sa ‘Dyesebel’

MISTULANG nag-fashion show si Marian Rivera sa launching niya as the celebrity endorser/image model ng Karimadon, dahil limang beses siyang nagpalit ng damit para ipakita ang mga bagong design.

Nakikita na rin nating isinusuot ng actress ang mga damit ng Karimadon sa Marimar, pictorials at TV guestings.

Two-year contract ang pinirmahan ni Marian bilang endorser at posibleng ma-extend pa’t nakita naming gustung-gusto siya ng may-ari na si Josie Go.

Naglalakihang billboards ng actress ang nakikita ngayon sa Metro Manila at naka-display ang mga litrato niya sa mga branch ng clothing line nationwide.

Bukod sa talent fee, franchise ng Karimadon ang hiningi ni Marian at kung maaayos, sa SM Mall of Asia ito ilalagay.

Ang mommy daw niya ang mag-aasikaso nito para ’di na umalis ng bansa at makasama na niya rito.

Samantala, ayaw pangunahan ni Marian ang GMA Network, kaya kahit naglabasan nang siya si Dyesebel at kahit nag-pictorial na, ayaw pa ring kumpirmahin.

Pati ang balitang si Dingdong Dantes pa rin ang kanyang makaka-pareha at gaganap sa role ni Fredo ay smile lang ang sagot ng actress.

Malapit nang matapos ang Marimar, kaya ayaw nang palakihin ni Marian ang isyung war na naman sila ni Katrina Halili at nagde-dedmahan na naman sila sa taping.

Mabuti at hindi naaapektuhan ang rating ng telenovela sa on and off friendship ng dalawa. [source of news]

Labels: ,


Continue Reading...

Pagpapakita ng puwet ni Robin inabangan nang husto

NAKA 40% plus ang rating ng Joaquin Bordado last Tuesday night kung saan ipinalabas ang pagtakbo nang nakahubad ni Robin Padilla.

Marami ang nag-abang sa eksenang ito kaya expected na ang mataas ng rating for that episode. Aba, nakamamangha ang kaseksihan ni Robin. First time din ni Robin na magpakita ng behind sa kanyang soap opera. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn Mercado di tinanggap ang offer na insurance policy ng nanay ni Patrick

Tinawag na ill-timed o wala sa tiyempo ni Jennylyn Mercado ang sorpresang pag-aalok ng ina ni Patrick Garcia ng educational plan at insurance policy para sa isisilang nitong anak. The offer, which seemed to be a matter of life and death, was made the day after Patrick appeared on The Buzz (Feb. 17) gayong noong Valentine date nila ni Jen, it was, in fact, the actor’s idea that either of them should stop granting any more interviews.

What added insult to injury was Patrick’s statement on The Buzz that he was willing to take on the res­ponsibility if no man stepped for­ward para sabihing siya ang ama ng dinadala ng nobya. Lu­ma­laon, this is not helping Patrick ‘deodorize’ his image, at patuloy na bumabaho ang kanyang reputasyon.

Tinanggap na ni Jen that her boyfriend reneged on his promise, pero hayun siya sa The Buzz bending the rule he himself decreed. And as if to undo their son’s caper, kinabu­kasan ay tinext daw si Jen ni Mommy Bing, who needed her presence very badly. Pinapipirma daw kasi si Jen sa mga papeles as an acknowledg­ment na tinanggap niya ang educational plan at insurance policy.

Realizing her fragile condition, however, kinaila­ngan daw ni Jen na magpasama sa kanyang mana­ger. At the meeting, Jen was sandwiched by two hot­heads. Of the two pre-need plans, ‘yung educa­tional lang ang tinanggap ni Jen, but she stressed with full conviction na hindi financial support mula kay Patrick ang hinihingi niya, but rather her boyfriend’s emotional help.

But what was more telling in Jen’s interview was her quiet resignation from all this. Sa ginagawa raw ni Patrick, ito na rin ang nagbuyo sa kanya to finally put her foot down (after spreading her legs). Buo na ang loob ni Jen that it’s time to let go.

“Gusto ko nang sumaya. I want to move on” were the words of Jen. If only for her firm resolve (wish ko lang, totoo), napalampas ko na ang kasabu-sabunot na kagagahan at kaplastikan ni Jen noon. Indeed, now is the time to get her sane mind back.

And how? Focus on the baby more than pursuing Patrick. I-relegate na ni Jen ang aniya’y iresponsab­leng ama ng kanyang baby to the annals of her romantic history.

It’s about time she opened a new chapter in her life. And I can’t wait to read every happy page of it. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

GMA 7 on Regine Velasquez issue

May official statement ang GMA 7 tungkol sa isyu kay Regine Velasquez. Ang Corporate PR ng GMA 7 ang nagpadala sa mga entertainment writer ng statement ni Mama Wilma:

GMA Network values Regine Velasquez as an exceptional and professional artist. It is true that in the past several weeks, there have been continuous discussions between Regine, Cacai Velasquez-Mitra, her manager and the officers of the network.

We are thankful at this point there is now a more open communication and clear cut projects mapped out to suit both the network’s programming plans and Regine’s schedule. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, February 23, 2008

ABS-CBN pilit na dine-delay ang libel case na isinampa ng Kapuso Network

MAY natanggap kaming statement mula kayAtty. Dick B. Perez VP - Legal ng GMA-7 at naisip naming maraming gustong makabasa nito. Naririto ang naturang statement:

ABS-CBN’s move to inhibit QC-RTC Judge Henri Jean Paul Inting will again delay the libel case filed by GMA Network against ABS-CBN.

This is the second time in a little over a month that ABS-CBN asked a judge to inhibit himself from trying the said case. It will be recalled that ABS-CBN also moved for the earlier inhibition of Judge Samuel Gaerlan – resulting in a two-week delay in the hearing of the case and allowing ABS-CBN to air daily attacks versus GMA Network in ABS-CBN’s TV and radio prog-rams.

Judge Inting, after hearing the testimonies of witnesses from both sides, earlier issued a TRO preventing ABS-CBN from repeatedly airing reports branding GMA Network as the manipulator of TV ratings in the Philippines over its radio and television programs.

In his order granting the TRO, Judge Inting said, “If ABS-CBN’s continuous airing of the alleged defamatory statements, which are now the matter of a civil complaint in court, will not be restrained, then it may undermine the right of GMA Network to a fair trial and due process.”

Eight days after the TRO was issued, ABS-CBN filed a hostile motion for inhibition and called Judge Inting biased.

GMA Network opposed the motion arguing that getting an unfavorable ruling is never a reason to seek the judge’s inhibition.

Nevertheless, Judge Inting inhibited himself.

GMA Network will continue its fight to protect the Network’s integrity and hard-earned reputation through a fair trial.

Atty. Dick B. Perez
VP - Legal

[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Cristine Reyes nasulot ni Paolo Paraiso kay Dennis Trillo

NakaTUtuwang ka-usap itong si Paolo Paraiso.

Walang pasikut-sikot sumagot ang aktor kung kaya hindi boring ang interbyu namin sa kanya. Sa presscon ng Ate ( ipapalabas sa March 5 exclusively at SM Cinemas) kung saan parehong na-ka-love scene ni Paolo ang magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes, nalaman din namin na ‘yung role pala ng seksing aktor ay supposedly for Dennis Trillo.

Apparently, hindi ito ang nangyari dahil nga sa nangyaring iskandalo ki-na Cristine at Dennis dati.

Okey lang kaya ang feeling ni Paolo na second choice lang siya sa Cristine, Ara movie?

Anyway, wagi talaga si Paolo. Aminado siyang adventurous siya at mas cool sa aktor kung older ang girl na kanyang ma-giging karelasyon.

Sa chikahan namin with Paolo, tinanong siya kung between Ara and Cristine, sino ang type ni-ya.. “ah, si Cristine. Kasi we share the same views at saka I find her really pretty. Pareho kaming goals in life and we get along well.”

Dahil sa mga sinabi ni Paolo, agad naming sinundan ng katanungan ang binata kung bakit hindi niya niligawan si Cristine gayung attracted pala siya rito?

Hmmn, may kinalaman kaya ang mga isyu tungkol sa ligawan portion nina Willie Revillame at Cristine?

“Hindi ko alam kung totoong nanliligaw si Willie. Nanliligaw ba? Eh, sabi lang, si Cristine ay nangu-ngulit daw.”

Nabanggit ni Paolo minsan ay dumalaw sa set ng pelikula nila si Wil-lie, ito ay dahil kay Cristine siyempre. Binati naman daw siya ng TV host, pero hindi na knows ni Paolo kung nagtagal ba si Willie or what.

Nilinaw din ng aktor ang tungkol sa isyu sa ka-nila ni Katrina Halili. Aniya, hindi totoong may itinatago silang re-lasyon ng seksing aktres, although totoong nagka-lapit sila dahil sa Marimar.

Sa ngayon ay hindi pa type ni Paolo na magkaron ng isang seryosong relas-yon that will lead eventually to marriage.

Mas gusto raw ng binata na i-maximize ang pagi-ging bachelor niya nang sa ganoon ‘pag nag-asawa na siya ay sa iisang babae na lamang daw siya titigil at iibig.

Hopefullly.

Well, lahat naman ganyan ang sinasabi, di ba? [source of news]

Labels:


Continue Reading...

GMA at ABS-CBN, tabla na sa nationwide TV ratings

Tumabla na sa nationwide TV ratings ang GMA Network, patunay lamang sa tuluy-tuloy na pagsulong nito.

Ayon sa AGB Nielsen NUTAM (National Urban TV Audience Measurement) survey na itinala noong Pebrero 10-16, tinapatan na ng GMA ang total day people ratings ng ABS-CBN.

Parehong nagtala ng 7.6% ang magkalabang istas­yon.
Pagdating sa nationwide total day house­hold ratings, 0.8% ang lamang ng ABS-CBN noong Pebrero 10-16. Nakapagtala ang ABS-CBN ng 16.6% samantalang 15.8% ang naitala ng GMA.

Sa people audience share, bumaba ang lamang ng ABS-CBN mula 1.6% noong Pebrero 3-9 sa 0.3% noong Pebrero 10-16.

Pati ang lamang sa household audience share ng ABS-CBN ay bumaba mula 2.5% hanggang 2.1%.

Anim sa sampung nangungunang programa nationwide ay mula sa GMA.
Ang phenomenal primetime series na Marimar (Marian Rivera) ang nanguna sa listahan. Nasa ikatlo at ikaapat na puwesto ang Kamandag (Richard Gutierrez) at Joaquin Bordado (Robin Padilla).

Pasok din ang Bitoy’s Funniest Videos (Michael V), Kap’s Amazing Stories (Bong Revilla), at Kapuso Mo, Jessica Soho sa top 10 overall programs.

Sa Total Urban Luzon, patuloy ang pagiging dominante ng mga programa ng GMA. Labing-anim sa top 30 programs ang mula sa Kapuso at ang unang anim na pwesto ay nakuha ng mga programa ng GMA.

Marimar, Kamandag at Joaquin Bordado ang tatlong pangunahing programa.
Sa North/Central Luzon, 21 sa 30 nangungunang programa ay mula pa rin sa GMA. Okupado ng mga programa ng GMA ang unang walong pwesto. Marimar, Kamandag at Joaquin Bordado pa rin ang tatlong nangungunang programa.
Nagkaroon din ng makabuluhang pagtaas ang ratings ng GMA ma­ging sa South Luzon, Urban Visayas at Urban Mindanao.

Patuloy ang GMA sa pagpapalakas ng signal at pag-i-improve ng mga pasilidad nito sa probinsya lalo na sa Katimugang bahagi ng bansa.
[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Sa bakasyon nila sa Bangkok: Ogie ‘nabitin’ kay Regine

Dumating na kahapon mula sa Bangkok si Ogie dahil kailangan siya sa audition ng Pinoy Idol sa Mall of Asia.

Bale-wala kay Ogie ang madaling-araw na flight from Bangkok to Manila dahil mas importante sa kanya na maka-join sa audition ng Pinoy Idol.

Bitin ang bakasyon ni Ogie sa Bangkok dahil hindi sila masyadong nakapamasyal ni Regine.

Hindi naman pure vacation ang ipinunta nila roon dahil nag-show pa rin sila doon ng kanyang girlfriend. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Friday, February 22, 2008

Charlene Gonzales kinabahan sa TVJ

Simula sa February 29, 7:00 p.m., mapapanood na si Charlene Gonzales bilang bagong host ng Proudly Filipina ng Q-11. Sa kanyang unang episode, na-interview nito sina Tito, Vic and Joey at ang mga babaing nasa likod ng tagumpay ng TVJ at Eat..Bulaga—sina Helen Gamboa, Pia Guanio at Eileen Macapagal at Malou Choa-Fagar ng TAPE, Inc.

Sabi ni Charlene, she waited 16 years para matupad ang dream niyang ma-interview ng kompleto ang TVJ at ang lady love ng mga ito.

“Without any offense, it’s a known fact that they are a living legend, institution na sila at medyo kinabahan ako. But they were so accommodating and I’m very happy, naging open sila sa pakikipag-usap sa akin. I can’t thank them enough,” sabi ni Charlene.

Ang concept ng show ang isa sa mga rason kung bakit tinanggap ni Charlene ang offer ng Q-11, magpi-feature ito ng inspiring stories ng mga Filipinas at bihirang dumating sa gaya niyang host ang mga ganitong tipo ng show.

Para kay Charlene, proudly Filipina ang mother niyang si Elvie Gonzales na mag-isang pinalaki sila ng kanyang kapatid, at ang manager niyang si Ethel Ramos na parang nanay na rin niya kung ituring.

Sabi rin pala ni Charlene, sa Proudly Filipina muna siya magko-concentrate at ayaw munang pag-usapan ang posibilidad na mapasama siya sa Dyesebel. Pero mapapanood siya sa Grand Coronation Night ng Bb. Pilipinas sa March 8, bilang anchor. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Bb. Pili­pinas 2008 on Saturday

Dalawampu’t apat na dalaga ang kandidata sa Bb. Pili­pinas 2008, na ang koronasyon ay sa Marso 8, Sabado, sa Araneta Coliseum.

Ang mga ito ay sina:
#1 EIZZA RANCESCA LIM, 23 y/o, nagtapos sa Ateneo de Manila University, nagtatrabaho sa isnag mobile applications provider.

#2 PATRICIA FERNANDEZ, 22 y/o, nagtapos ng speech coomunication.
#3 TONI ALYESSA HIPOLITO, 18 y/o, 2nd year MassComm student sa Colegio de San Lorenzo, taga-QC.

#4 KARLA PAULA HENRY, dating guest services associate sa Marco Polo Hotel ng Cebu.

#5 MARIA KRIS­TELLE LAZARO, 22 y/o, registered nurse, nagtapos sa St. Luke’s College of Nursing-Trinity University of Asia.

#6 EVANGELINE MAY CASTILLO, 24 y/o, registered medical technologist mula Tarlac City, nasa 3rd year ng pag-aaral para maging doktor na espesyalista sa reconstructive surgery.

#7 JENNIFER BARRIENTOS, 22 y/o, nag-aral ng Tourism sa UST, nagtrabaho sa Holiday Inn at Macau Star World Hotel, taga-San Mateo, Rizal.

#8 DANIELLE KIRSTEN MURIEL CASTAÑO, 18 y/o, taga-QC, nagpaplanong mag-aral ng nursing sa susunod na taon

#9 KATHLEEN PHYLLIS GUERRERO, 25 y/o, CPA mula UST, law student nga­yon sa Ateneo de Manila University

#10 ARVIN GAIL ARIOLA, 17 y/o, BS Commerce student sa FEU.
#11 GIANNE MICHELLE LAUDATO, 24 y/o, AB Psychology student sa DLSU Bacoor.

#12 JAYSEL ARROZAL, 17 y/o, taga-Valenzuela, Tourism Management student sa UE.

#13 TABETHA JO FRICK, 17 y/o, taga-Pasacao, Camarines Sur, English Liberal Arts student sa Naga College Foundation.

#14 KAREN GOLAR, 24 y/o, company nurse, taga-Bayawan City, Negros Oriental.
#15 JANINA SAN MIGUEL, 17 y/o, Mass Comm student sa UE.
#16 MARGARITA GUTIERREZ, 24 y/o, Economics graduate sa DLSU, law student sa Ateneo de Manila University, part-time model.

#17 LADY LOU GARIDAN, 21 y/o, Information Management graduate sa University of Southern Mindanao sa North Cotabato, teacher.

#18 ELIZABETH JACQUALINE NACUSPAG, 24 y/o, Tourism graduate sa CEU, part-time model.

#19 PATRICIA FRANCISCO, 17 y/o, HRM student sa Perpe­tual Help College ng Panga­sinan, taga-Tagudin, Ilocos Sur.

#20 ROXANNE TADIQUE, 21 y/o, CPA mula DLSU, high school valedictorian.
#21 KARLA CRISTINA GARCIA, 21 y/o, registered nurse mula Marilao, Bulacan, graduate sa St. Paul QC.

#22 MA. ANN KATHLEEN LABUNG, 22 y/o, Community Health Nurse, part-time model.

#23 AGATHA FONTANILLA, 21 y/o, freshman medical student sa FEU-NRMF (Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation).

#24 RIZZA LIZ CATIGAN, 21 y/o, registered nurse mula Bacolod, Negros Occidental.


Para sa tiket, tawagan ang TicketNet sa tel.# 911-5555. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera , ayaw matawag na taga-salo lang ni Angel

NOW it can be told na si Marian Rivera na ang Dyesebel at hindi si Rhian Ramos. Pero bago in-offer sa una ang Dyesebel, inalok muna siyang mag-Darna.

Sabi ni Popoy Caritativo, manager ni Marian, natakot ang actress na gumanap sa papel ni Darna dahil baka raw sabihin ng mga tao na taga-salo na lang siya ng iniwang roles ni Angel Locsin.

“Ayoko po kasing masabihang taga-salo lang ako ng projects ni Angel. ’Di ba, sa kanya dapat ang Marimar? Everybody knows na si Angel ang dating Darna,” say ni Marian.

“Just the same, nagpapasalamat ako sa GMA-7 sa pag-aalaga nila sa akin.

“Nauunawaan po nila kung bakit kailangan kong tanggihan ang Darna.

“Marami kaming talents sa Siyete at alam kong marami rin ang naghahangad na maging Darna. Nandiyan naman si Katrina (Halili), na very vocal na gusto niyang lumipad.

“Nandiyan din sina Iwa Moto, Nadine Samonte, Rhian, atbp.,” patuloy ng leading lady ni Richard Gutierrez sa blockbuster Valentine movie na My Bestfriend’s Girlfriend.

Speaking of MBFG, hindi inisnab, kundi late lang dumating si Marian sa idinaos na thanksgiving/victory party sa Imperial Palace Suites kamakailan.

Humabol ang aktres dahil galing pa raw sa pictorial ng Dyesebel sa may GMA studios.

Anyway, nais ipaabot nina Marian at Popoy ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumangkilik sa MBFGF at sana raw, magkaroon pa ito ng part 2. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Dennis Trillo special kay Cristine Reyes

SA presscon ng Ate kahapon, inamin ni Cristine Reyes na totoo ngang nag-date sila ni Dennis Trillo noong nakaraang Valentine’s Day.

Unexpected daw ang pangyayari dahil ang balak lang niya that day ay magtulog sa bahay nang biglang nag-text sa kanya si Dennis.

“Actually, late na nga ’yun. Katatapos ko lang mag-jogging and pagkaligo ko, matutulog na sana ako. Tapos biglang nag-text, ‘ano ang ginagawa mo?,’ ‘pagod ka na ba, gusto mo bang lumabas?’ Sabi ko, ‘sige.’”

Nag-dinner lang daw sila somewhere in Makati at nagkumustahan. Wala raw balikan o anuman at hindi rin naman daw nagpaparamdam si Dennis.

“Alam din naman kasi niya na sa ngayon, ayoko munang magkaroon ng relasyon dahil unang-una, gusto ko munang asikasuhin ang career ko. Siya, established na siya, ’di ba?

“Sinabi ko naman ’yun sa kanya, eh. Sabi ko, kung magiging tayo, tayo talaga,” sabi ni Cristine.

Kinantiyawan ang young actress na para yayain siya ni Dennis na maka-date nu’ng Valentine’s Day, ibig lang sabihin ay special siya sa aktor.

“Well, I feel good naman kung ganu’ng special ako sa kanya dahil kahit papano, special din siya sa akin,” sabi pa ng isa sa bida ng Ate.

Tungkol naman sa status niya sa GMA-7, ani Cristine ay wala pa ring bagong development maliban sa nag-expire na ang kontrata niya sa GMA Artists Center noong Feb. 1.

Nagkaroon na raw sila ng meeting ng management at magkakaroon pa uli ng isang pag-uusap at dito na pag-uusapan ang tungkol sa hanging question kung magre-renew ba siya o hindi.

“Sa ngayon kasi, hindi pa po ako sigurado, eh. Ayoko pong magsalita nang tapos dahil gusto ko, pagkatapos naming mag-usap, saka na lang ako maglalabas ng detalye.”

Aminado naman siyang may offer sa kanya ang ABS-CBN, pero gusto raw muna niyang makausap ang Kapuso management bago siya magdesisyon.

Kung ano ang offer ng Kapamilya ay ayaw na ring idetalye pa ni Cristine.

Samantala, showing na sa March 5 ang Ate sa lahat ng SM Cinemas. Bukod kina Ara at Cristine, kasama rin sa movie sina Eddie Garcia, Paolo Paraiso, Ian Veneracion, Eva Darren at Rochelle Barrameda mula sa direksyon ni Lore Reyes. [source of news]

Labels: ,


Continue Reading...

Jennylyn Mercado, kumalas kay Patrick Garcia

AS of press time, nagdesisyon na si Jennylyn Mercado na ipagpatuloy ang buhay nang wala si Patrick Garcia, ang boyfriend niya’t ama ng kanyang dinadala.

Umiiyak na sinabi ni Jen nang makapanayam namin siya last Wednesday na matagal daw siyang naghintay kay Pat at umasa na maaayos din ang lahat sa kanilang relasyon.

Pero, mula raw nang mabuntis siya, wala man lang daw effort ang aktor para suportahan siya emotionally and financially although aniya, at this point in time, hindi mahalaga ang pinansyal na aspeto.

“Ang presence niya ang kailangan ko, ’yung love niya, ’yung pag-aalaga niya, ’yung suporta niya. Pero, hindi ko ’yun nakikita sa kanya,” umiiyak na pahayag ni Jen.

Matagal na raw ganito ang sitwasyon at kung magkita man sila, wala naman daw silang pinag-uusapan tungkol sa kanilang relasyon.

Oo nga raw at magkasama sila last Valentine’s Day, pero wala naman silang napag-usapan at ang tanong pa raw sa kanya ni Patrick ay “is the baby still there?” dahil medyo maliit pa ang kanyang tiyan.

Masamang-masama rin ang loob ni Jen sa napanood niyang pahayag ni Patrick sa The Buzz, kung saan ay tinanong ito tungkol sa tsismis na hindi ito ang ama ng kanyang dinadala.

No comment ang sagot ni Patrick, na para kay Jen, senyales na nagdududa rin mismo sa kanya ang boyfriend.

Tinanong din ang aktor ng hypothetical question na kung sakaling isang araw, malaman niyang hindi siya ang ama, ano ang gagawin niya?

Ang isinagot ni Pat, siya pa rin ang tatayong ama until somebody comes along para umako.

“Alam naman niya ang totoo. Sa aming dalawa ito, pero bakit ganu’n ang sagot niya? Sana man lang, sinabi niya na sigurado siya na kanya ang baby,” say ni Jen.

Nasasaktan din ang young actress sa nasabing akusasyon na hindi niya malaman kung saan galing.

“Parang ano ba ang tingin nila sa akin? Bakit may ganyang issue? Ang sakit-sakit para sa akin niyan,” umiiyak pang sabi ng young actress.

Sa ngayon, pipilitin na raw niyang alisin sa buhay niya si Patrick.

Hindi niya sigurado kung bibigyan pa niya ng karapatan ang aktor sa kanyang baby matapos ang mga sinabi nito. [source of news]

Labels: ,


Continue Reading...

Richard, Marian 2008 Box-office King and Queen

IT’S confirmed, My Bestfriend’s Girlfriend ang top-grossing Valentine movie produced by GMA Films. Co-produced with Regal Films, mahigit P50 million ang gross nito after four days of release.

Masayang-masaya naman si Richard Gutierrez dahil tinangkilik ng mga tao ang unang tambalan nila sa pelikula ni Marian Rivera.

Sobrang happy rin ang producers dahil sa magandang turn-out ng mga mo-viegoers para panoorin ang pelikula.

Umaasa ang mga producer na mas lalo pang madaragdagan ang kita ng BFGF in the days to come.

Puwedeng lumaban para maging box-office king si Richard ‘pag nagtutuluy-tuloy ang magandang kita sa takilya ng BFGF. Box-office queen naman si Marian ‘pag nagkataon.

Dahil sa super-success BFGF, balitang sobrang naiinggit daw si Angel Locsin kay Marian Rivera. Nakapagsabi pa nga raw ito na sana ay hindi muna siya umalis sa GMA-7 at ginawa muna niya ang kanilang tambalan ni Ri-chard. Dapat kasi ay si An-gel ang ka-love team ni Chard sa BFGF. [source of news]

Labels: ,


Continue Reading...

Ogie Alcasid at Regine Velasquez, labanan tonight

MAGANDA ang labanan tonight nina Ogie Alcasid and Regine Velasquez.

Well actually, hindi sila magkakatapatan kung mali-late ng tapos ang pinakaboritong Korean novela ngayon na Coffee Prince sa GMA Tele Babad at kung maaga namang magtatapos ang guest appearance ni Regine sa anthology ng kabilang station.

But if it will happen, it’s Ogie and the rest of the Bubble Gang versus his girlfriend.

Ano ang papanoorin ng dalawa? Wala, dahil nasa Bangkok sila he he he.

Anyways, special guest ng Bubble Gang tonight sina Dennis Trillo who is in rare appearance in a co-medy show, Chariz Solomon na nagpakitanggilas sa My Best Friend’s Girlfriend and Pauleen Luna. Ii-spoof tonight ang commercial Rexona ni Robin Pa-dilla in seven versions plus the Coffee Prince na Copy Prince with Michael V as Angie and Diana Zubiri as his ‘bossing.’

Bukod dito, may spoof din ang Fear Factor na Poor Factor. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, February 21, 2008

‘Walang maaaring pumigil sa ‘yo Regine’

Isa sa mga narinig kong dahilan kung bakit iniisip mong lumipat sa kabilang istasyon ay ang kagus­tuhan mong mag-grow pa ang iyong career. I find this kind of reasoning quite untrue dahil pakiram­dam ko, napakaganda ng oportunidad na ibinigay sa iyo ng GMA 7 para ma-accomplish mo ito, Regine Velasquez. Hindi ka lamang isang concert artist sa SOP, sinubok na rin ng network ang talino mo sa paghu-host and you passed this with flying colors naman. Pagdating naman sa acting depart­ment, nasubukan mo na rin namang umarte sa isang isang serye. Kung kulang pa ito, ang kaila­ngan lamang siguro ay magsabi ka and what you require will be given to you. Ganyan ka kamahal ng network.

Mas hinangaan pa siguro kita kung sinabi mo na lamang na mas maganda ang offer sa iyo ng kabila, kung hindi man sa TF ay sa programa. Baka nga naman sabay-sabay kang ilalagay sa isang musical and acting shows, maiintindihan ko pa.

Of course, I’m taking sides dahil baka hindi lamang alam ng management ang gusto mo. In this case, dapat ipinaalam mo sa kanila. Kung hindi personally, puwede naman through your manager.

Malaki ka nang artista. Ang tanging magagawa mo na lamang ay i-maintain ito as long as you can. Kilala ka na rin as an actress, naipakita mo nang hindi ka pipitsugin.

In fairness, hindi ko makita yung sinasabi mong growth na mahahanap mo sa iyong paglipat. Pero, reyna ka ng kagustuhan mo. Walang maaring pumigil sa iyo. But you should have thought of a better alibi than what you’ve offered. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Richard Gutierrez meets Sharon Cuneta

WE asked Richard Gutierrez if it’s true that Angel Locsin told him when they saw each other: “Ibinebenta kita sa kabila (meaning, ABS-CBN).”

“She did, pero parang playtime lang ‘yun, biruan lang at hindi seryoso,” he says. “At bakit naman ako lilipat kahit saan when I’m perfectly happy and contented with GMA-7. Hindi ako nawawalan ng show at pelikula. ‘Kamandag’ now is rating very high and our movie, ‘My Best Friend’s Girlfriend’, is a big hit, so there’s no reason for me to think of moving anywhere.”

Now that he’s being linked to KC Concepcion, what does his leading lady in “Kamandag”, Jewel Mische, say about this? Is she jealous? “Wala, bakit naman siya magseselos. Walang dahilan.”

Did he ask the permission of Sharon Cuneta to formally woo KC? “I met her na, she’s very nice and very sweet!”

Does that mean he has visited KC at home and this is where he met Sharon?

It took a while before he answered. “Sa akin na lang siguro ‘yun. Basta na-meet ko na siya a few times. Mabait siya. Kung liligawan ko naman si KC, hindi ko itatago. Naghihintay pa lang ako ng right timing.”

Do we have to wait for Valentine’s Day again before he comes up with a new movie? “Hindi na siguro. I heard itutuloy na raw yung thriller na dapat ginawa ko last year, ‘Dagaw’. I’m really excited kasi this one is not a romance like the type of movies I usually do and it’s the first time for me to be directed by Chito Roño. Sana nga, matuloy na this time.” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Iza Calzado insecure kay Marian Rivera

AYON sa ilang mga baklitang intrigera sa bakuran ng GMA-7, na ewan namin kung bakit unti-unti nang napupuno ng mga ganitong alanganin ang gender, naiinggit diumano si Iza Calzado kay Marian Rivera na bida sa Marimar dahil mas priority daw ngayon ng Kapuso network si Ms. Rivera.

Sina Iza at Marian, sa aming palagay, ay hindi dapat intrigahin ng mga bading na nasa GMA-7 dahil may kanya-kanya naman silang talento. Si Marian, sa aming pagkakaalam, ay hindi marunong kumanta samantalang si Iza ay potential singer at may international movie.

Dati ay ang istasyong ABS-CBN lamang ang pinamumugaran ng mga bading at mga tibo (tomboy po). Maging ang Siyete ay unti-unti na rin palang pinaghaharian ng mga baklang mapanira sa mga artista at sa media personalities na hindi nila katsika.

At ang latest na intriga ngang ikinakalat ng isang baklang mayabang na Kapuso pa naman ay nainggit daw si Iza kay Marian.

Oo nga pala, may mga tunay na lalaki at babae rin po sa GMA-7 na kung umasta ay mga bakla.

Kung minsan nga’y mas “baklang-bakla” pa sila sa mga dugong berde at higit pa silang mga intrigero’t intrigera.

Na kung may mga taong (movie reporters o mga ka-opisina nila) na sa tingin nila ay threat sa kanilang paghahari-harian sa GMA-7 ay agad nilang sinisiraan sa management.

Back to Iza and Marian, sa aming obserbasyon ay pinag-aaway ang kampo nina Iza at Marian para masira ang mga ito sa GMA-7 management at TV viewers.

Maging mapag-obserba po tayo para maiwasan ang mga maling panghuhusga. [source of news]

Labels: ,


Continue Reading...

Regine sa Thailand mag-iisip kung lilipat sa Dos

LALONG lumikha ng ugong ang balitang paglipat ni Regine sa ABS-CBN nang umiyak siya sa programang SOP last Sunday.

Pero isang source ang nagsabi sa amin na kaya umiiyak si Regine sa SOP ay dahil undecided pa siya sa paglisan nito sa GMA 7, particularly sa SOP, dahil sa magandang ipinakita sa kanya ng Kapuso network. Diumano’y ang gumagambala kay Regine ngayon ay ang super gandang offer daw ng Dos. At dahil undecided pa rin si Regine, magbabakasyon muna raw ang pamilya nito sa Thailand .

So far, wala pang bagong programa si Regine sa GMA 7. Ang balita namin, ang Celebrity Duets nila ni Ogie Alcasid ay pagkatapos pa ng Pinoy Idols, na magsisimula pa sa April. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, February 20, 2008

News reporter ng GMA inirereklamo ng mga Muslim

A Muslim-dominated community in Taguig is composed of avid and rabid viewers of GMA 7: Patok na patok doon ang mga teleserye on its primetime slot except for news programs 24 Oras and Saksi. And why?

Recently, I met a Muslim brother named Asis (any relation to you, Salve dear?), a physical therapist in a government hospital with two wives, but he has a more important information than his bio-data.

Kilalang on-cam field reporter ng GMA si Marisol Abduraman who does her job with so much flair, no doubt. Ang kaso, everytime Asis and his Muslim brothers see her on TV, agad nilang inililipat ang channel. Ang dahilan: Marisol, to think that she embraces the Muslim faith, violates their law on proper dressing.

Sey ni Asis: “She (Marisol) has to wear her hijab (’yung nakataklob na tela sa ulo) even if she’s delivering her news reports. The only time that I saw her wear it was when Ramadan ended, before and after, hindi siya nagsusuot nu’n. Kaya pag nakikita namin siyang nagre-report sa TV, we switch to Channel 2.”

Through this column, nais iparating ng ating mga kapatid na Muslim ang panawagan nila kay Marisol, although hindi naman itinanggi ni Asis ang napakalaki nilang paghanga na may kaanib sila sa kanilang relihiyon na nasa larangan ng pamamahayag.

Samantala, pinuri naman ni Asis ang I-Witness feature ng kaibigang Sandra Aguinaldo many months back tungkol sa mga Muslim men and their wives. Mas naipaunawa raw kasi ni Sandra sa ating mga Pinoy ang culture ng ating mga kapatid sa Mindanao sans prejudice nor judgment. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Regine Velasquez: The network war is hurting artists

Regine Velasquez is hurting. And it’s not because she and boyfriend Ogie Alcasid are having a lovers’ quarrel. She’s hurting because the ongoing network war is putting artists like her in an awkward position. It’s positioning them right smack in the middle of the war they should have nothing to do with in the first place.

Just as painful, it’s depriving her and fellow artists the chance to work together and help shore up a flagging industry.

“The two giant networks (ABS-CBN and GMA 7) must complement and help each other,” she muses. “Our industry is a small one and it is dying. Now’s the time to join our hands instead of fighting each other.”

Regine was speaking at the presscon for ABS-CBN’s Maalaala Mo Kaya, which she will topbill with Albert Martinez this Friday, Feb. 22 (after Maging Sino Ka Man). And no one stood up to disagree with her.

It’s because her comments hit home, and it hit home with so much force and pain, one could almost hear a collective “ouch!” after Regine spoke her mind.

This must be the reason why she has opted to remain a freelancer until now, offers from ABS and GMA notwithstanding.

“I don’t want to be tied down to a contract so I can work with other artists, other producers,” she goes on. “I’ve been wanting to do that for a long time now.”

Regine thinks she is also speaking for her fellow artists, who she says, are just too happy to be working with each other, network war or not. In fact, she adds, they are just waiting for the right time to perform together in one dream project.

“After all,” Regine points out, “we artists have nothing to do with ratings. We shouldn’t get involved with the network war.”

They should instead focus on improving their craft and grow as artists. That’s why Regine is thankful to GMA (her contract with the network has expired) for allowing her to guest again on Maalaala, where she returns to dramatic acting as a tormented wife hounded by family problems.

Her director, Jeffrey Jeturian admits he had qualms about working with her at first. He hasn’t seen any of her movies. But he changed his mind after working with Regine for the first time.

“She’s got a certain style in delivering a line, yung simple lang pero it’s so heartfelt it stays with you,” he says.

Production manager Ginny Ocampo adds, “Whenever her schedule permits, we really make an effort to find a very good material for Regine. She’s very open to offbeat roles, even ones that deglamorize her.”

Regine’s first guesting on Maalaala, where she acted opposite Piolo Pascual, was so powerful she won a Best Actress trophy from the Star Awards for TV because of that.

She sunk her teeth into the mental retardate role up to the point where Regine worked as teacher aide in a school for special children for the role. Regine also interviewed a friend who teaches special kids.

Now that’s what Regine means when she says she goes where the challenge — not necessarily the money — lies. She admits showbiz is her bread and butter. But the decision as to what network will get her services doesn’t hinge on who the highest bidder is.

“I’m not greedy,” she explains. “At hindi ako nasisilaw sa pera. You can always earn money. What’s more important is your dignity as a person. You can’t buy that.”

Now, for the ticklish question: Is Regine dilly-dallying about signing up with ABS-CBN because Ogie, a GMA talent is preventing her from doing so?

Regine admits she is considering her boyfriend’s feelings allright. As it is, their hectic schedule hardly gives them time to see each other. If Regine signs up with ABS, she just might not see her boyfriend as much as she wants to anymore. And she will miss him like crazy the way she does when she is abroad performing.

But the final decision, she insists, will be hers and hers alone. It will not be that of other people, who don’t understand and this early are calling her an ingrate if she signs up with ABS.

Meanwhile, Regine is tickled pink at the fact that the two giant networks are dangling offers before her. And they’re not giving her a deadline so far. They’re allowing her to think long and hard before making her decision.

Now, which network will finally get Regine’s precious nod? Your guess is as good as mine. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Bubble Gang this Friday - don't miss it!

WHAT’S on GMA7’s "Bubble Gang" this Friday? Gags are about favoritism. In one segment, guests Dennis Trillo and Pauleen Luna are parents who play favorites to their children. In another, Michael V and Ogie Alcasid are drivers who refuse to take a passenger (Rufa Mae Quinto) who wants to get home early to watch "Kamandag" and "Marimar."

Have a laugh with some nursery rhymes: Diego Llorico has his own version of “Paa, Tuhod, Balikat, Ulo and “Nanay, Tatay.” There’s a spoof of a Koreanovela, "Copy Princess," where Michael V plays Angie and Diana Zubiri plays her boss.

Watch as Jun Loyspada speaks on what really happened between him and Mabalos in Wakwakan village.

Other gags to see are how three men, Wendell Ramos, Tonio Aquitania, Boy 2 Quizon, are able to sell the EDSA Shrine to a dumb friend played by Michael V. Also watch the spoofs on the TV reality show, "Fear Factor" where the taong grasa, Don Miguel (Michael V), Don Herminio (Ogie), and his daughter Maura (Maureen Larrazabal) face a challenge to eat macaroni, lechon and steak.

Other segments include Gusto Kong Maging Bata, Paningit, Sexona, and Lolo Yabang. Don’t miss the longest running gag show Bubble Gang on GMA7. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Polo Ravales pinagsabay sina Jean at Niña

GRABE si Polo Ravales at pinagsabay i-date sina Jean Garcia at Niña Jose sa isang Japanese resto sa may T. Morato, Quezon City.

Ang alibi nito’y after ng rehearsal nila ni Niña for the March 1, Rubirubi@Boyz.Com show sa Zirkoh, Greenhills, nagkayaan silang lumabas with his friends.

Habang nasa bar, tumawag si Jean at hinanap siya, kaya pinapunta niya ito sa bar. Mabuti’t walang away at sabunutang nangyari sa two girls, na we’re sure, nagparamdaman.

Inalam ni Polo kung may magre-react kung liligawan niya si Jean, who is more than 10 years his senior. Natawa ito sa sagot naming mag-ingat siya kay Jennica Garcia na unang nag-a-approve sa nagiging boyfriend ng ina.

Titindi pa ang tsismis kina Polo at Jean dahil magkapareha sila sa Love is All that Matters ng Regal at marami silang kissing scenes.

Itinanggi ng actor na nanliligaw siya sa actress at walang malisya ang paghu-holding hands nila at pag-a-attempt na magyakapan.

Ang description nito kay Jean ay “pinaka-best friend ko, but there is no romance.” Ewan!

Samantala, ayaw mag-comment ni Polo sa nabalitang gap nina Nadine Samonte at Isabel Oli sa taping ng Maging Akin Ka Lamang. Basta, sobrang happy siya sa ratings nito at wish na ma-maintain nila ang magandang ratings up to the end. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn Mercado at Patrick Garcia updates

Nakakaumay na ang isyu sa pagitan nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia.

Sa totoo lang, naiintindihan namin si Patrick kung bakit pati siya ay napapagod na rin sa media attention na ibinibigay sa isyung ito when in fact, sila mismo ni Jen ang unang dapat umayos ng gusot nila.

Nasabi na rin ni Jennylyn na hindi na sila nagkikita ni Patrick at wala na silang komunikasyon.

Pero pasa-saan ba't magtatagpo pa rin ang landas ng mga ito 'pag ipina-nganak na ang batang ipinagbubuntis ni Jen.

Ang tanong ng lahat, in love pa ba sila sa isa't isa? [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Richard maraming karibal kay KC

Sa victory party ng My Bestfriend’s Girlfriend ay pinutakti si Richard ng mga tanong ng press tungkol kay KC Concepcion.

Inamin ni Richard na pinanood niya ang labas ni KC last Friday sa Maalaala Mo Kaya and for a beginner raw ay na-impress siya sa galing na ipinakita ni KC sa pag-arte. Tinext nga raw niya si KC para i-congratulate ito pagkatapos niyang panoorin ang MMK.

Sa pangungulit din ng press ay inamin din ni Richard na nagbigay siya ng gift kay KC noong nakaraang Valentine’s Day.

Pero ayaw naman niyang sabihin kung ano ‘yun. Basta nagustuhan daw nang husto ni KC ‘yung regalo niya.

Ayaw rin niyang tukuyin kung pumunta ba siya sa bahay nina KC para ibigay niya nang personal ang kanyang Valentine’s gift dito.

Ayaw niyang sa kanya manggagaling ang mga detalye. Hahayaan na lang daw niya na si KC na lang ang magkuwento kung maiinterbyu ito ng press. Naku, umiral na naman ang pagka-gentleman ni Richard!

Hindi naman daw kaya magselos si Jewel Mische dahil niregaluhan niya si KC last Valentine’s Day? “Walang dapat pagselosan si Jewel!”nakangiting tugon ni Richard.

* * *

Sa interview ng press kay KC Concepcion para sa MMK episode nito, nabanggit ni KC na naghihintay lang daw ito na ligawan siya ni Richard kasi hanggang ngayon ay wala pa naman daw ginagawang hakbang ang binatilyo ni Tita Annabelle.

Sagot ni Richard,”I don’t want to rush things. Gusto ko kasi proper timing. Special kasi si KC. She’s a nice person, very talented, intelligent. She has a great personality. I want to take my time to get to know her better.”

Eh, sa totoo lang, napaka-popular at napakaganda ni KC na sa dami ng suitors nito ay baka maunahan na siya ng iba. “Well, that’s the risk I’m willing to take. As of now naman we often call or text each other. Busy lang kasi ako nga-yon with work kaya hindi ko siya mapuntahan as much as I would like to,”pahayag ni Richard.

Na-meet na rin daw niya si Sharon Cuneta ng ilang beses at wala raw siyang masasabi sa kabaitan ng mommy ni KC. Kung ang pag-uusapan naman daw ay ang mommy niya na si Tita Annabelle, super boto raw talaga ito kay KC.

Gustung-gusto raw ni-yang makasama si KC sa movie kaso exclusive raw siya sa GMA Films kaya hindi siya puwedeng gumawa sa Star Cinema.

Possible lang daw ‘yun kung gagawa si KC sa GMA Films kasi wala pa naman daw pinipirma-hang kontrata si KC sa ABS-CBN. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, February 19, 2008

Gian & Sheree: The baby is the ‘sign’

The Year of the Rat is turning out to be a “productive” year as far as showbiz folks are concerned.

The year was kicked off by Camille Prats who gave birth to her and husband Anthony Linsangan’s first child in L.A. (The sweethearts made sure that they got married before Camille gave birth.)

A few weeks later, Jennylyn Mercado announced that she was pregnant with her and boyfriend Patrick Garcia’s love child. (The sweethearts are on the “warpath,” prompting Patrick’s parents to send Patrick to the States to give him time to cool off but not to escape responsibility.)

The other day, Gian Carlos (the hemophiliac runner-up of GMA 7’s reality-TV talent search StarStruck) and girlfriend Eda Nolan (of Star Magic, sister company of the rival channel ABS-CBN), also admitted that they are expecting their own love child.

Not to be left behind, Gian Magdangal (runner-up to Mau Marcelo in the Philippine Idol search on ABC 5) and Sheree (formerly with the Viva Hot Babes) will also be parents sometime in April.

To paraphrase the late Vice Pres. Emmanuel Pelaez when he survived an assassination attempt, “My God, what’s happening to ‘em showbiz idols?”

“Sheree and I were asking for a sign if we were really meant for each other,” said Gian. “I wanted a sign if she was really the girl for me.”

“And then I got pregnant,” said Sheree who was already into her fifth month in December last year when she found out that she was on the family way.

“It wasn’t the sign that we expected but we took it as a sign anyway,” said Gian.

“It came by accident,” explained Sheree, “but we don’t regret it.”

Because, according to Sheree, her “monthly” is irregular, she never suspected that she’s pregnant until she was twice hospitalized for ulcers in December.

“My doctor asked me, ‘Are you sure you’re not pregnant?’ I said, ‘I’m sure,’ because I was taking contraceptives. Back home, I started taking the prescribed medicine for hyperacidity but I continued throwing up.”

“So I told her to take a pregnancy test,” said Gian.

“I bought five pieces of the pregnancy test,” said Sheree, “and they were all positive.”

Already of age, the sweethearts have been going steady for more than a year.

“But we’ve known each other for more than eight years,” revealed Gian. “We first met at The Trumpets for which we did musicals.”

They parted ways. She had a few boyfriends and he had his own share of girlfriends (among them Aiza Marquez). They met again during the Philippine Idol search when Sheree was invited as a dance guest. She was free and so was he. They renewed their friendship and before long, they were going steady.

And husband and wife soon?

“Actually,” admitted Gian, “even before she got pregnant, we were already discussing marriage.” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Regine Velasquez nagtatampo ‘di ginawang host ng Pinoy Idol?

Maraming press ang na-turned off kay Regine Velasquez dahil sa ginawang pag-iiyakan nila nung Linggo sa SOP. Obvious na nakagawa na siya ng desisyon tungkol sa gagawin niyang paglipat sa ABS CBN para sa aniya ay growth ng kanyang career gayong only a day before, sa presscon ng Maalaala Mo Kaya na siya ang tampok next week, ay inamin niya na may alok sa kanya ang ABS CBN pero wala pa siyang ginagawang desisyon.

Napakadali naman daw pala niyang mag-decide. In just one day, she has made up her mind. O baka naman daw nakapag-decide na siya, pero, nagsinungaling pa siya sa kanila. Totoo ba ito, Regine?

Pero, ano itong narinig ko from a reliable source na isa sa mga dahilan ng gagawing pag-alis ng Songbird sa Siete ay dahil nagtatampo ito at hindi nakuhang host ng Pinoy Idol?

I gathered too from the same source na gustuhin man ng GMA7 na kuning host si Regine para sa nasabing bagong reality singing contest ay hindi nila magagawa dahil nakasaad sa kontrata nila with Fremantle, producer ng American Idol at maging ng franchise nito sa bansa, ang Pinoy Idol nga ay kailangang medyo kabataan ang magho-host ng PI, hindi lalagpas sa edad 30. Kung hindi sumunod dito ang GMA ay baka hindi nila makuha ang show.

May mga ibang dahilan pang ibinigay ang aking source pero, di na kailangan pang idetalye dahil ang nabanggit na dahilan ang pinaka-importante, di ba? [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Richard Gutierrez happy with KC Concepcion

THE first mainstream movie to be shown in 2008, “My Best Friend’s Girlfriend” is a big hit and Regal and GMA Films hosted a victory party for its huge success at the tills.

We’ve seen the movie and it’s a well-made feel- good romantic comedy finely scripted by Suzette Doctolero and directed by Mark Reyes knowing what will click with hopeless romantics who are watching the stars of GMA-7’s top two shows, “Marimar” and “Kamandag,” together on the big screen for the very first time.

It also helps that both Richard Gutierrez and Marian Rivera are very convincing in their respective roles, even if they honestly don’t have that much attraction on screen chemistry.

Richard is splendid as Ivo, the debonaire rich boy and ladies’ man who finds his match in Marian who shows great comic flair as Grace, a feisty, principled waitress and working student who happens to be the girlfriend of his own best friend, JC de Vera.

The movie has many hilarious moments, the funniest of which includes Marian discovering Richard’s real full name on his driver’s license and the poetry reading scene where a macho-looking guy dedicates his poem to someone so unexpected. We have a feeling the movie will last long in theaters as it’s getting good word-of-mouth endorsement from viewers.

We talked to Richard during the party about his being linked to KC Concepcion and he admits they’re good friends.

“I gave her a gift for Valentine,” he says. “She asked me to watch her in ‘Maalaala Mo Kaya’ and I did. Ang galing niya.”

Is he really courting her? “She just came from a relationship and I also just did. I think it’s too premature to jump into anything. Basta happy ako with our friendship now.”

Everyone says they’ll be the ideal love team in a movie. “It’s a great honor for me kung magkakatotoo. She’s talented and has a great personality. Sana nga, mangyari even if we belong to different networks. Malay natin, di ba? I’d really love to work with her.”

A star is born! KC Concepcion’s acting debut in the “Mansyon” episode of “Maalaala Mo Kaya” last Friday proved that she’s a chip off the old block. She’s beautiful from any angle, has a winning, totally engaging screen presence and star quality written all over her. She can act, shedding copious tears effortlessly in her various dramatic scenes and delivering all her lines with touching conviction.

ABS-CBN has chosen a good vehicle for her first try as an actress. She plays Darlene, a spoiled carefree rich girl whose life turns upside down when her dad dies in an accident that also maims her mom. Their family goes bankrupt and they lose everything, including the mansion where they live. She is forced to find work and decides to break up with her boyfriend. In the end, she learns to stand by herself and helps her family pick up the pieces of their shattered life.

KC shines in several scenes, notably when she tells her mom not to lose hope and encourages her to walk again and in her farewell scene with her boyfriend when she asks for a cool off. She’s also great in her solo scene where she cries silently while looking at the belongings her dad left behind.

KC is ably supported by Agot Isidro and Ricky Davao as her parents, Martin del Rosario as her brother and, most of all, Derek Ramsay as her very understanding boyfriend who has good on-screen chemistry with her.

The only hope of ABS to have a high rating show now is for them to convince KC to topbill her own teleserye.

But before that, she should first star in a full length movie. The ideal leading man for her will really be Richard Gutierrez. Too bad they belong to warring networks. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

My Best friend’s Girlfriend, No. 1 Valentine movie ng GMA, Regal

Kumpirmado na. Ang "My Best friend’s Girlfriend" ay ang pinakamalakas na Valentine movie ng GMA Films.

Co-produced ng Regal Films at kumita ito ng P50 million sa takilya sa unang apat na araw pa lang ng showing sa lampas 100 na sinehan sa buong Pilipinas.

Muli na namang ipinakita ni Richard Gutierrez na siya talaga ang Valentine box-office king of the Philippines, at sa pagkakataong ito ay kasama niya ang pinakamainit na female celebrity ng bansa na si Marian Rivera.

Ang producers ay lubhang nagpapasalamat at na-tutuwa sa malakas na pagtanggap ng mga manonood simula pa lang noong unang araw ng showing.

Ayon sa GMA Films president na si Annette Gozon-Abrogar: “We are overwhelmed with the box-office success of BFGF! So far, this is our highest grossing Valentine movie on its first four days. We hope that the good word of mouth continues so that more and more people will get to enjoy the movie.”

Pahayag naman ng Regal Entertaiment boss na si Roselle Monteverde-Teo: “Both Richard and Marian have proven themselves to be number one not only on television but also with paying audience. This movie is the biggest box-office team up.”

Dagdag naman ni Joey Abacan, GMA Films Supervising Producer: “Once I was quoted that this is the best Va-lentine’s movie that we have produced so far.
“I thank God that what I said was confirmed by the numbers. We’re happy thatour objective to create a quality blockbuster was met in BFGF!”

Ang romantic-comedy na ito ay mainit na tinangkilik ng mga manonood dahil light at feel-good ang tema ng pelikula.

Simple lang ang istor-ya na naihayag mabuti ng direktor na si Mark A. Re-yes na nagpatunay rin ng kanyang versatility sa pro-ject na ito.

Ayon kay direk Mark: “It is really gratifying that the Filipino audience accepted a non-traditional type of story. It’s always tricky to do a romantic comedy in the Phi-lippine context.

“But with the success of BFGF, it proves that as an audience our cinematic sensibilities are evolving. A big Kapuso Thank you to everyone who watched!” [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Jolo Revilla at Lovi Poe lie detector tests

MAS maraming lies si Jolo Revilla kesa kay Lovi Poe.

Like last week, nag-couple hot seat na naman ang Don’t Lie to Me segment ni John Lapus sa Showbiz Central.

This time, ang stars ng upcoming afternoon soap na Kaputol ng Isang Awit, ang ibinabalitang mag-on na raw na sina Lovi at Jolo.

The questions na lumalabas na ‘lie’ ang sagot ang pinaka-nakaaaliw sa segment, lalo na’t alam mong nagsasabi naman ng totoo ang tinatanong, pero nauunahan nga lang ng kaba.

One question na itinanong kay Jolo, kung loyal ba siya kay Lovi. Of course, he answered “yes” kaso nag-lie ang detector machine, so tawanan ang lahat.

Siguro, Lovi won’t take the answers of the lie detector test dahil the way we see it, parang loyal naman si Jolo sa kanya. Baka talagang naunahan lang ng kaba ang binata.

Sabagay, kahit si Lovi ay nagkaroon ng lie answers in her portion.

As always, todo sayaw na naman si John sa dami ng lie answers. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Monday, February 18, 2008

Dennis at Marky, naaksidente

Naaksidente si Dennis Trillo nu’ng Biyernes nang hapon kung saan tumilapon ito sa mountain bike.

Itong pagma-mountain bike pala ang isa sa kinahihiligan ngayon ng aktor. Nu’ng Biyernes, ay hindi niya napansin ang malaking bato na nabunggo niya kaya tumilapon siya. Gasgas sa magkabilang tuhod lang daw ang natamo niya kaya hindi raw ganun kadelikado.

Tumigil na muna siya sa pagbibisekleta dahil kailangan niya munang magpagaling ng mga galos sa katawan.

Si Marky Cielo ay naak­sidente rin nu’ng Sabado nang tanghali habang dina-drive ang kanyang Toyota Innova.

Malapit na siya sa GMA 7 nang patawid siya ng EDSA, may inaayos siyang mga nahulog na postcards at nakalimutan yata niyang nagda-drive siya, hindi niya napansin na malapit na siya sa isang van kaya nabunggo niya ito nang malakas.

Warak ang bandang harapan ng kotse ni Marky at nasira ang bandang likuran ng van na binangga niya.
Aminado si Marky na kasalanan niya kaya sinagot niya ang pagpapaa­yos ng binanggang van.
***[source of news]

Labels:


Continue Reading...

Robin Padilla hubo’t hubad sa Joaquin Bordado

Mamaya na mapapanood ang eksenang tatakbo nang hubo’t hubad si Robin Padilla sa Joaquin Bordado, ito’y pagkatapos malipat sa kanya ang mga tattoo ni Jilco (Pen Medina) at muli siyang mabuhay.

Makikilala na siyang Joaquin Bordado at simula na ng kanyang misyon.

Hinihintay ang eksenang hubo’t hubad ang actor at dito masasagot kung double niya ’yun o siya talaga ang naghubo’t hubad, pero ’di ba, sinabi nitong ’di siya nagpapa-double?

Sa mga nagtatanong kung anong mga tattoo ang nasa katawan ni Robin, ito’y ang Aratu (rat), Orago (dragon), Kris (sword), Asaru (snake), Miguela (cherubin), Jihasu (jaguar), Lamina (eagle) at Warrior Girl Erenea (Kylie Padilla).

Ang mga tatoong ito ang tutulong kay Joaquin para masugpo ang kasamaan at magandang subaybayan kung paano sila gagamitin.

Isa sa mga inaabangan sa show ay ang eksena ng mag-amang Robin at Kylie at tiniyak na ng actor na marami pang ipakikitang stunts ang anak. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Mike Tan may projects na naman

MABUTI naman at nabi-bigyan ulit ng projects si Mike Tan.

Two days a week at baka mag-three days na rin siya sa Sine Novela na Maging Akin Ka Lamang where he plays friend to the main stars of the soap na sina Nadine Samonte, Isabel Oli, Carlo Aquino and Polo Ravales na part ng Drama Rama Sa Ha-pon.

Hindi pa rin pala siya tapos sa Babangon Ako at Dudurugin Kita although special participation lang siya sa flashback. Okey na si Mike sa ganito muna, as long as hindi siya nawa-wala sa eksena.

Right now, middle of the shooting din siya sa Re-gal Films Manay Po 2: Overload where he recreates his role as the dream boy of John Prats.

Nakaka-three shooting days na si Mike for the mo-vie. On top of this, mayro-on pa siyang Studs na naghahanda na ng kani-lang fitness video.

On the side, nakakapag DOTA pa ‘yan, ha! [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Record ni Angel sinisira ni Marian

WITH the success of My Bestfriend’s Girlfriend, will it be Richard Gutierrez and Marian Rivera na every Va-lentine?

Patuloy na naninira ng record ang Valentine 2008 movie ng Regal Films and GMA Films. At this point, dalawang records na ang nasira ng pelikula nina Richard at Angel, the biggest opening day box-office for a Valentine play date na dating hawak ng Let the Love Begin at ang biggest Valentine day box-office na hawak naman ng The Promise, both movies starring Richard with Angel Locsin naman.

Kaya nga nagpa- thanksgiving party ang Regal and GMA Films yesterday for the continued success of the movie lalo na’t may isa pa itong kailangang burahing record, ang biggest total box-office gross na hawak pa rin ng Let the Love Begin.

Do we now expect na by Valentine of 2009, sina Richard and Marian muli ang magtatambal?

Puwede, di ba? Lalo na’t hindi pa sila nagsa-sama sa isang TV show. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

GMA widens lead in ratings

GMA Network further strengthened its lead in Mega Manila ratings over its rival network for the first two months of 2008 despite the ratings controversy.

According to data from AGB Nielsen, GMA Network posted a total day average rating of 18.4% in partial February (February 1-13), up from its 17.8% average in January. Rival channel ABS-CBN posted a 12.3% average rating in January and an 11.6% rating in partial February.

GMA widened its lead from 5.5 points in January to 6.8 points this month despite the extensive promotional efforts made by ABS-CBN for their three new primetime programs.

Furthermore, survey results for February 1 to 13 revealed that 29 out of the 31 weekday programs of GMA-7 rated higher than the regular weekday programs of ABS-CBN.

Primetime programs of the Kapuso Network fared very well for the first two weeks of this month. 24 Oras posted a 6.6-point gap over TV Patrol. Zaido, which ended on the first week of February, likewise posted a 6.6-point gap over two of the three new programs of ABS-CBN.

New GMA Telebabad program Joaquin Bordado, which replaced Zaido, widened the ratings lead over Kung Fu Kids and Lobo to 15 ratings points.

GMA’s other primetime programs registered even bigger leads over ABS-CBN shows. Kamandag lorded over Palos with an 18.6-point gap. The phenomenal Marimar garnered the highest ratings with an average of 44%, 30 points higher than Maging Sino Ka Man’s measly 14.3% average in partial February.

The GMA primetime “Koreanovela” hit Coffee Prince posted an average rating of 34.4%, 25.6 points higher than the 8.8% average rating of ABS-CBN’s Spring Waltz.

All GMA late-night programs were also ahead in ratings posting an average lead of 5.5 points over the late night shows of ABS-CBN. These shows include news program Saksi, Kung Ako Ikaw, ESP, Bubble Gang, I-Witness, Reporter’s Notebook, Born to be Wild, 100% Pinoy and Emergency.

Most of the weekend programs of GMA-7 also rated higher than those of ABS-CBN. [source of news]

Labels:


Continue Reading...

Regine Velasquez aalis na ba sa GMA?

Napanood ko kahapon ang dalawang beses na pag-iyak ni Regine Velasquez sa SOP. Napansin ko rin na nagpasalamat siya sa executive producer at direktor ng SOP sa ending ng kanilang show.

Goodbye GMA 7 na nga ba si Regine kaya Crying Lady siya kahapon? Hindi ko alam ang tum­pak na kasagutan pero siguradong malalaman natin ang katotohanan sa mga susunod na araw.

Hindi ko lang maubos-maisip na kung kailan ina­min nina Regine at Ogie Alcasid ang kanilang relasyon, saka sila magkakahiwalay, sa TV show at hindi naman sa tunay na buhay.

Sa ABS-CBN na ba natin mapapanood si Regine sa mga darating na araw?

Patikim lang ba ang guest­­ing niya sa Maalala Mo Kaya dahil magka­karoon din siya ng ibang programa sa ABS-CBN? Magiging Kapamilya na ba si Regine pagkatapos ng ilang taon na pagiging Kapuso niya? [source of news]

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites