<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, July 31, 2008

TV Ratings, July 29

Narito ang Mega-Manila overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 noong MARTES (Hul­yo 29):

SiS 9.7% vs. Boy and Kris 7.9%;
Marimar 13% vs. Game Ka Na Ba 12.5%;
Eat Bulaga 21.7% vs. Wowowee 15.6%;
Daisy Siete 19.4% vs. Ligaw na Bulaklak 13.8%;
Magdusa Ka 23% vs. El Cuerpo del Deseo 17.6%;
Gaano Kadalas ang Minsan 22.5% vs. Las Tontas 11.7%;
Gobingo 13.1% vs. Deal or No Deal 15.3%;
24 Oras 26.3% vs. TV Patrol 23.5%;
Asero 32.8% vs. The Singing Bee 25.3%;
Dyesebel 38.8% vs. Iisa Pa Lamang 23.1% at My Girl 20.9%;
Kim Samsoon 30.1% vs. Pinoy Dream Academy 19.4%;
Dalja’s Spring 20.1% vs. Artificial Beauty 12.2%;
Kung Ako Ikaw 11.6% at Saksi 8.3% vs. Bandila 7.3%.

Labels:


Continue Reading...

Ryan Agoncillo guesting sa Eat Bulaga, hinarang ng ABS-CBN

Guest dapat si Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga ngayong Thursday para mag-host ng Sa Pula Sa Puti segment, dahil sila ni Judy Ann Santos ang hosts nito nang dalhin ang show sa Los Angeles, California, at para i-promote na rin ang Eat Bulaga L.A. Grand Fiesta na ipalalabas na sa Sabado, August 2.

Kaso, hindi pinayagan ng ABS-CBN ang TV host-actor, dahil dalawa ang upcoming shows nito sa kanila.

Thankful si Ryan, dahil naintindihan ng mga taga-Eat Bulaga ang sitwasyon at natuwa ito sa naging pahayag ni Malou Choa-Fagar na “if it will endanger Ryan’s position in ABS-CBN, we understand.”

Nanghinayang si Ryan at ang mga taga-Eat Bulaga, pero umaasa pa rin silang makakapag-guest ang TV host-actor ’pag safe na siya.

Mukhang matatagalan ito, dahil may two shows nga siya sa Channel 2 at may talent show pa sa TV5, (dating ABC-5), ang Talentadong Pinoy, Pinoy version ng 30 Seconds to Fame.

In fact, sa Friday, i-a-announce sa isang presscon na si Ryan ang host ng Pinoy Fear Factor at first week na ng August ang alis niya para mag-taping.

Gagawin din nito ang TV remake ng Pieta at sabi’y, magti-taping na rin siya.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Pinoy Idol judges ‘di marunong pumili?

Mukhang inuubos na yata sa kauna-unahang search for the Pinoy Idol ang lahat ng magagaling kumanta at itinitira na lamang yung mga so-so singers. Nakakatakot na baka dumating ang finals at ang dalawang maghaharap sa face off ay ang pinaka-least na magaling sa kanila. Huwag naman sana.

Marami ang nagulat, namangha, nagalit, na-disappoint noong Linggo nang ang matanggal ay isa sa hinuhulaang magbibigay ng malakas na laban sa finals, ang pinakabatang hopeful, si Penelope ng Batangas. Dahil na naman ba sa kakaunti ang nag-text para sa kanya?

Sayang na mayro’n pang pinauupong mga judges kung hindi naman sila nasusunod at ang tanging ginagawa na lamang nila ay pumili ng mga contestants pero sa pagpili ng winners ay wala naman silang say. O baka naman ang natitira ay choice din nila, well in that case, ’di rin sila marunong pumili.

[via]

Labels:


Continue Reading...

American Idol winner David Cook to visit Philippines

Posibleng mauna pa raw ang one-night concert sa Pilipinas ng American Idol Season 7 winner na si David Cook kasya sa kanyang tour sa America.

Sa ulat ng Chika Minute sa 24 Oras nitong Miyerkules, mismong si Cook ang nagsiwalat sa planong pagbisita sa Pilipinas sa panayam ng CHUM FA sa Canada.

Kung matutuloy, posibleng masaksihan ng mga Pinoy si Cook sa isang one-night show sa January 27.

“We booked my first show, post-idol, January 27 in the Philippines," sambit ni Cook.

Nang tanungin ito kung bahagi ito kanyang world tour, sagot ni Cook, “You know, I don’t know. I think the Philippines show will be a one-off and then we’ll start the tour in the States not long after."

Sa ngayon, abala raw ang AI champion sa paghahanda para sa kanyang unang album matapos manalo sa nasabing sikat na singing competition sa US.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, July 30, 2008

TV Ratings, July 28

NARITO ang overnight Mega-Manila ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 noong LUNES (Hulyo 28):

SiS 9.2% vs. Boy and Kris 9.4%;
Marimar 14.7% vs. Game Ka Na Ba 14.6%;
Eat Bulaga 19.9% vs. Wowowee 17.9%;
Daisy Siete 21.7% vs. Ligaw na Bulaklak 13.7%;
GMA SONA 18.3% vs. ABS-CBN SONA 13.9%;
Magdusa Ka 17.8% vs. Uber 11.2%;
Gobingo 16.8% vs. Deal or No Deal 18.5%;
24 Oras 30.1% vs. TV Patrol 23.5%;
Asero 37.3% vs. The Singing Bee 24.7%;
Dyesebel 42.5% vs. Iisa Pa Lamang 25.1% at My Girl 21.4%;
Ako si Kim Samsoon 31.9 vs. Pinoy Dream Academy 19%;
Dalja’s Spring 19.6% vs. Artificial Beauty 11.4%;
Kung Ako Ikaw 13.5% at Saksi 10.3% vs. Bandila 8.8%.

Labels:


Continue Reading...

Polo Ravales admits loving Jean

POLO Ravales took the lie detector test in the “Don’t Lie to Me” segment of “Showbiz Central,” with rumored girlfriend Jean Garcia herself asking him questions about the real score in their relationship. Here are Jean’s questions. Are you really attracted to older women? Polo answered no and it’s a lie. Minahal mo ba ako? He said yes and it’s the truth. To which Jean countered: Thank you. Minahal din naman kita.

Naging two-timer ka ba sa mga babaeng nakarelasyon mo? Polo said no and it’s another lie. Kung magiging tayo, are you ready to settle down? He said no and it’s the truth.

The next questions came from John Lapus: nagkatampuhan nga ba si Jean at ang anak niyang si Jennica dahil sa iyo? Polo said no and it’s a lie. Espesyal ba si Jean sa puso mo ngayon? Polo said yes and it’s the truth.

For sure, some quarters will accuse Jean and Polo of exploiting their friendship (?) to help promote their movie “Loving You,” where they figure in a May-December affair. Jean plays Polo’s teacher on whom he has a big crush. But it’s only when he’s already working in a call center that he finally musters the courage to reveal to her his real feelings for her. “Loving You” opens on August 20.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Aljur Abrenica ready to go naked

HANDA si Aljur Abrenica na pangatawan ang pagiging Starstruck Ultimate Hunk niya.

Kahit napakabata pa ni Aljur who turned 18 this year, ready and able siya sa hubaran and he reminds us of Richard Gere noong nagsisimula pa lang na nasabihang good actor but always drops his pants when asked.

Si Aljur, mula nang pinaglaway niya ang mga girls and gays sa kanyang nakabakat na costume sa Zaido, hindi na rin nagpa-awat from Dyesebel and even sa SOP.

Sa Loving You ng Regal Films na magbubukas this August 20 rin from the direction of Don Cuaresma naman, may beach scene ang lahat ng cast ng movie including JC de Vera, Yasmien Kurdi, John Prats, Ehra Madrigal, Jean Garcia, Polo Ravales, Kris Bernal and Aljur at ‘markado’ na naman ang kanyang trunks shorts kahit sa trailer lang.

Take note, may four-pack abs na raw si Aljur, ha.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Mark Herras latest news

Nagkakalaman na si Mark Herras kaya sinasabihan na siya na huwag nang magpapayat dahil mas bagay sa kanya ang medyo mataba.

Kumpleto na ang tulog ni Mark dahil nabawasan ang kanyang pagpupuyat mula nang mag-goodbye sa ere ang Joaquin Bordado.

Busy ngayon ang aking alaga sa promo ng ITALY. Kasama sa cast si Mark at siya ang love interest ni Rhian Ramos.

Pero iba ang anggulo ng mga isinusulat ng reporter. Inili-link nila si Mark kay Eugene Domingo dahil sa statement nito sa presscon na si Mark ang kanyang type.

Sinagot lang ni Eugene ang tanong ng isang lady scribe. Mas malaswa ang salita na ginamit ng lady scribe pero hindi ko ito puwedeng isulat dahil rated PG at very wholesome ang PSN ‘huh!

Certified single si Eugene pero wala siyang lovelife. Uso naman sa showbiz ang May-December affair kaya puwede na rin na i-link siya kay Mark alang-alang sa promo at publicity ng ITALY.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, July 29, 2008

Richard Gutierrez sinabotahe sa Bench Show?

ANNABELLE Rama feels her son Richard Gutierrez was not treated well in the recent Bench fashion show. “Naka-headline na walang ti-lian sa kanya at mas malakas ang tilian sa iba,” she says. “Paano ngang titili when we didn’t even know when he came out. Biglang lumakad na lang siya on stage. Kinalabit lang ako ng kasama ko, ‘Si Richard, si Richard.’

Ako nga mismo, hindi ko nakilala kasi iba ang hitsura niya. Pinaitim ang mukha at body niya dahil dun siya lumabas sa Blackout portion.

Ni walang pangalan niya na nakalagay sa big screen at ni walang VTR. Samantalang dun sa iba, may fanfare, may big photos bago pa sila lumabas. Actually, ayoko na ngang sumali ang anak ko diyan. Kasi sabi, kasama raw siya sa finale nina Dingdong (Dantes) at Piolo (Pascual). Ayoko nga, kasi mas mga matatanda ‘yun sa kanya, no? Pero mas senior siya sa mga ‘yun as Bench endorser. Nakiusap lang sila sa’kin, lalo si Douglas (Quijano), dapat daw tumanaw ng utang na loob sa Bench dahil diyan siya nagsimula. Kung alam ko lang ganun ang mangyayari, hindi ko na siya pinasama at pinag-taping ko na lang siya ng ‘Asero’. Kaya nga tinext ko agad si Douglas na hindi ako happy sa kinalabasan ng show. Biro mo, umuwi ang anak ko agad from his shooting sa Greece para uma-bot lang dun sa fashion show, tapos, ginanun lang nila. Sabi ni Richard Gomez, sa meeting daw nila, sinabihan na niyang dapat, lagyan ng pangalan ang mga artista para makilala agad ng audience. Kasi sa Roof a Child fashion show namin, lahat ng artistang sumali, paglabas on stage, nakalagay ang pangalan sa screen. Sa bagay, hindi lang si Richard ang ginanun nila. ‘Yung ibang artista, wala ring pangalan kaya ang mga tao like Dr. Vicki Belo, tanungan nang tanungan: Sino ‘yan? Sino yan? Bale ba, naghanda talaga diyan ang mga alaga ko. Hindi kumain, nag-work out, nagpa-doktor para gumanda sila talaga for the show, sina Ehra at Michelle Madrigal at Bubbles Paraiso, tapos, ni wala rin silang pangalan. Paano sila makikilala, lalo na ng mga nasa bleachers na ang layo-layo sa stage? Kabastusan naman ‘yun kasi wala namang bayad ang participation nila sa show na yan.”

How does Richard himself feel about it? “Napakabait talaga ng anak ko. Siya pa ang nagsasabi sa’kin, Ma, dont worry. Okay ako. Tili lang ‘yan. Ang importante, napagbigyan ko si Mr. Ben Chan at sumali ako sa show niya. Nagre-rate naman ang show kong ‘Asero’ kaya okay ako. E, ako, as manager, I feel that I should complain. Kasi nakipag-cooperate nang husto sa kanila ang anak ko pati sa rehearsal. Hindi umalis, kahit inaantok na siya dahil may jetlag pa siya from Greece, hanggang hindi natapos pati second run through nila. Kinunan pa siya ng pictorial ni Jun de Leon para raw ilalabas daw dun sa show. Hindi naman ginamit? So anong ginawa nila roon? Sinabotahe lang nila ang anak ko. Kaya last time na ni Richard dyan sa show. Pati sa Bench, hihintayin na lang namin mag-expire ang contract niya with them. Kinukuha nga siya ng Jag, ang ganda-ganda ng offer. Buti pa si Piolo at pinull-out na lang ni Johnny Manahan kaya hindi kasali sa show. Sana ganun na rin lang ang ginawa ko.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn Mercado under observation sa ospital

Usap-usapan ngayon ang tungkol sa biglaang pag-rush kay Jennylyn Mercado sa St. Luke’s Medical Center kamakailan dahil sa pananakit ng tiyan.

Ayon sa panayam kay Dr. Judy Ann Uy, (OB-Gyne ni Jen) nagkaroon daw ng contractions ang aktres kung kaya’t isinugod ito sa ospital nu’ng Sabado ng madaling araw.

Nabalitaan din naming 34 weeks pa lang ang tiyan ni Jen at may ilang araw pa siyang dapat buuhin para maging full- term ang pagbubuntis ng aktres. Para hindi maging pre-mature ang kanyang panganganak.

Maliwanag na paha-yag ng OB ni Jen na nagkaroon ng pre-term uterine contractions resulting to threatened pre-term labor, ito ay ayon mismo sa doktor ni Jen.

Dagdag pa nito, bini-bigyan daw nila ng medication si Jen gaya ng IV tocolytics to control the pre-term labor.

Sa ngayon daw ay naku-control ng mga doctor ni Jen ang contractons at labor pains ng aktres, ‘yun nga lang mahigpit pa rin nilang binabantayan ang kundisyon ni Jen dahil nagkakaroon daw ito ng reaksyon sa nasabing mga medikasyon.

Under observation pa rin ang kalagayan ng aktres. May mga nagtatanong kung hanggang kailan si Jen sa ospital, hindi pa rin umano malaman kung until when ang itatagal niya roon.

Iba-iba raw kasi ang nararamdaman ng aktres kaya mas maigi pang nasa pangangalaga na muna siya ng kanyang mga doktor.

Hangad namin ang isang safe delivery for Jen. Naging kontrobersyal at stressful ang pagbubuntis ng aktres, ‘di ba?

Siguradong kaya ng powers ni Jen ‘yan. Excited na raw ang aktres na ma-kita at mahagkan ang anak niya sa paglabas nito sa mundo.

Go, girl!

[via]

Labels:


Continue Reading...

Penelope, exits Pinoy Idol

SHOCKED ang audience sa pagkakatanggal ni Penelope sa Pinoy Idol.

The fact na si Warren Antig, ang sinasabi naming baka mag-standout last Saturday, siya pa ang tinira ng judges na sina Jolina Magdangal, Wyngard Tracy and Ogie Alcasid. This is not the shocker of last Sunday’s elimination dahil kahit siya ang ini-expect na mawawala, si Penelope ang nalaglag.

Kahit ang youngest contestant from Batangas was not fully prepared na matanggal dahil kita ang disappointment sa mukha niya even during her last song.

Bigla ngang nag-spur of the moment decision si Warren na ibigay ang slot niya sa natanggal na si Penelope pero siyempre hindi naman puwede ito dahil there are strict rules sa contest.

Hindi bale, next week, ang natitirang final six ang gugulatin mismo ng Pinoy Idol.

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Nadine Samonte lalabas na sa Ako si Kim Sam Soon

This week na lalabas ang character ni Nadine Samonte sa Ako si Kim Sam Soon at kung saan, gagampanan niya ang role ni Hannah, ang girlfriend na umiwan kay Cyrus (Mark Anthony Fernandez). Hindi napanood ng young actress ang original version ng Kim Sam Soon nang ipalabas sa GMA 7, dahil hindi nakarating ang DVD copy na pinaikot sa cast.

Karamihan sa eksena ni Nadine ay kasama sina Mark at Regine Velasquez at nang dumalaw kami sa taping ng comedy series sa Canyon Woods, may confrontation at sabunutan sila ni Regine. How is it working with the Songbird?

“Okey siya, masaya at nakakatawa siyang kasama. Hindi ko akalaing puwede siyang mag-comedy. Sa rehearsal pa lang, tawanan na kami. Mamaya sasabunutan ko siya, ayaw kong isiping si Regine Velasquez ang aawayin ko at baka lalo akong kabahan at kailangan may care pa rin ang pagsabunot ko sa kanya,” sabi ni Nadine.

Si Dr. Hayden Kho ang love interest ni Nadine sa comedy series, hindi ba siya natatakot ma-link sa boyfriend ni Dr. Vicki Belo ?

“Ngeee! Bakit kami mali-link? Galit ako sa kanya sa eksena, pero lahat naman nali-link. Okey lang ma-link, mga tao naman ang nagli-link , ’wag lang for real,” sagot ni Nadine.

Nagagwapuhan ba siya kay Doc Hayden?

“Okey lang! Matangkad siya.”

Samantala, mag-i-enroll ng photography sa College of St. Benilde sa August si Nadine. Bukod sa hilig niya ang photography, wala raw maayos na studio sa lugar nila sa Sta. Rosa, Laguna at siya ang magtatayo ng photo studio ’pag natapos ang three-year course. Nagbabalak na rin itong bumili ng Canon o Nikon camera para sa kanyang pag-aaral.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, July 28, 2008

Dingdong Dantes, lilipat din sa Dos?

May pakpak nga ang balita at may tainga ang lupa.

Kaya dito sa maliit kong bayan natin unang maririnig ang balitang may secret mission ng isang malaking exec ng kabilang station to “get Dingdong Dantes at all cost.”

Tahimik ang inyong lingkod na nangingisda sa Barrio Parel nang dumating ang kaibigang taga-ABS.

Katatapos daw nilang makipag-negotiate sa isang malaking kumpanyang kumukuha kay Dingdong para sa isang endorsement. Tampong-tampo raw ang manager ni Dingdong sa bagong proyektong ibinibigay sa kanyang alaga, kaya napilitan silang tanggihan ito.

“Hindi ka maniniwala, pero, may malaking order ang malaking network to really get Dingdong. It’s an offer Dingdong cannot simply refuse”aniya.

Tinanong ko nga ang kaibigan ko, ganoon na ba kalaki si Dingdong ngayon? Aba’y kakain pa siya ng maraming bigas bago humilera kina Piolo Pascual, Sam Milby, John Lloyd Cruz, lalo na kina Aga Muhlach at Gabby Concepcion!

Nasisiraan ba ng bait ang malaking network na iyon?

“Hindi lang naman ‘yung malaking network ang nagnanasa kay Dingdong ngayon,” patuloy ng aming kausap.

“Ganun din ang isang hindi na kabaguhang network na pinatatakbo ngayon ng Malaysian producers. Baka raw maka-score pa sila sa dalawang higanteng networks.

“Mahaba rin daw kasi ang kanilang pisi. Imagine, kayang-kaya nilang pagsamahin sa kanilang projects ang mga Kapuso at Kapamilya contract stars.

“Naku ha, itatanggi ito ng Kapamilya network. Pero, ganun din naman sila nang lumaganap ang balita noon tungkol kay Angel Locsin, ‘di ba?

“Ako talaga pare, bilib na bilib ako sa Kapamilya station. Ang galing dumiskarte, simpleng-simple. Parang may lambat na katulad mo. Nalalambat ang mga isda sa kabilang istasyon,” sabay tawa niya.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Regine Velasquez nagkaka-migraine kapag ’di nakikita si Ogie

IPINAGTAPAT ni Regine Velasquez sa piling press na dumalaw sa set ng Ako si
Kim Samsoon na kapag hindi niya nakikita ng isang araw ang boyfriend na si Ogie Alcasid ay nagkaka-migraine siya.

Ganito raw siya ka-sensitive sa relasyon nila ni Ogie. Mahal na mahal daw niya kasi ang singer-composer ng higit pa sa lahat.

Kaya sa isyung lumalabas na madalas ilang mag-away, aminado si Regine sa aming interview na siya ang madalas na may kagagawan ng kanilang pag-aaway ni Ogie.

“Petty quarrel lang iyon. Alam ko na mapapatawad niya ako agad. Hindi naman ako gumagawa ng bagay na ikasasama talaga ng loob ni Ogie,” wika pa niya.

Sa soap opera, ‘di naman daw nagseselos si Ogie sa kissing scene nila ni Mark Anthony Fernandez. Sabay pa raw silang manood minsan ng programa.
* * *
MALI-MALI pala si Izzi ng Sex Bomb. Nabuking ito ng staff na nahirapan kay Izzi habang kinukunan ang episode na “Exterminator” para sa Kung Ako Ikaw na ipalalabas simula ngayong Monday.

Ang magiging trabaho ng kasama pa ni Izzi na sina Jade Lopez at Ana Roces ay patayin ang lahat ng daga sa bahay na may peste nito.

Eh, sobra palang matatakutin si Izzi. Makita lang ang daga ay natataranta na ito at lumabas ang kanyang pagiging mali-mali. Buti na lang at napagtiyagaan siya ng staff ng KAI.

[via]

Labels:


Continue Reading...

I-Witness tonight!

TONIGHT IN "I Witness", Howie Severino focuses on the world of people who talk like robots and have holes in their throats, like Emer Rojas, a former radio announcer who suffered his worst nightmare: he lost his voice when he contracted cancer of the vocal chords. He and others like him now have to breathe through a hole in their throats. With the help of a small device, he regained his voice but now sounds like a robot. Like other cancer survivors, he lives on borrowed time. But Emer also became a man on a mission. He has organized those like him, former chain smokers who lost their vocal chords and talk like robots. Others have learned to use esophageal speech or talking by burping and ended up sounding like frogs.

Emer uses his voice to draw attention to his cause: anti-smoking. He speaks on campuses and even returns to radio booths to champion his cause.

Emer and his allies are advocating putting pictures of people with cancer on cigarette packs, which is done in other countries. But the opposition is as powerful as the tobacco industry. Howie and his team visit the biggest cigarette factory in the Philippines , which supplies one of the most smoking-addicted nations in the world. Don’t miss “I Witness” tonight on GMA-7 at midnight.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, July 27, 2008

Watch Pinoy Idol 6th Gala Night -- Top 7 videos

Watch Daryl Celis sings "Nasaan Ka" on Pinoy Idol 6th gala night performance for Top 7. More videos after the jump.


Watch Jayann Bautista sings "Akin Ka Na Lang" on Pinoy Idol 6th gala night performance for Top 7.


Watch Ram Chavez sings "Sandalan" on Pinoy Idol 6th gala night performance for Top 7.


Watch Gretchen Espina sings "Ikaw Ang Aking Mahal" on Pinoy Idol 6th gala night performance for Top 7.


Watch Kid Camaya sings "Stay" on Pinoy Idol 6th gala night performance for Top 7.


Watch Warren Antig sings "Kahit Kailan" on Pinoy Idol 6th gala night performance for Top 7.


Watch Penelope sings "Weak" on Pinoy Idol 6th gala night performance for Top 7.

Labels:


Continue Reading...

Dingdong Dantes mas pinalakpakan kesa kay Richard Gutierrez

NAPUNO na naman ang Araneta Coliseum nu’ng Biyernes ng gabi dahil sa BLACKOUT The Bench Denim & Underwear Show na tinampukan ng big stars na endorser nito.
Ilang araw bago nagsimula ang show, ang dami na naming nari-nig na merong muntik nang mag-backout dahil sa mainit na pinagtalunan kung sino ang nasa finale.
Itinanggi ito ni Mr. Ben Chan (may-ari ng Bench). Wala raw ganu’ng problema. Maayos daw ang lahat.

Pero wala sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz sa BLACKOUT. Narinig naming hindi sila natuwa sa exposure na ibibigay sa kanila.

Si Richard Gutierrez ang huling celebrity endorser na rumampa, pero mas tinilian si Dingdong Dantes na naghubad ng pantalon, at naka-underwear na lang ito.

Pinaghandaan nang husto ni Dingdong ang naturang show dahil ang payat niya at lumabas ang ganda ng katawan.

Habang rumarampa siya ay naka-focus siya sa ginagawa niya, kaya parang hindi raw niya nari-nig ang tilian ng fans.

Ang guwapo ni Dingdong nu’ng gabing iyun kaya proud na proud naman ang kasintahan niyang si Karylle na present nu’ng gabing iyun.

Naawa na raw si Ka­rylle kay Dingdong dahil hindi na raw ito halos kumakain para walang taba pagdating ng BLACKOUT.

Minsan ay dinadala pa niya si Dingdong sa restaurant at pinaorder ito ng paboritong pagkain, pero talagang hindi ito kumain.

Napabilib si Karylle kung gaano kapursigido si Dingdong para gumanda ang katawan.
Medyo nabitin ang fans dahil ilang sandali lang nakita si Dingdong na naka-underwear.

Nanood nu’ng gabing iyun ang mag-asawang James Yap at Kris Aquino. Dinig ko, pagkatapos ng show ay nag-text si Kris sa manager ni Dingdong na si Perry Lansigan para i-congratulate dahil ang alaga nito ang most-applauded sa naturang show.
Bukod kay Dingdong, maganda rin ang response ng audience kay Sam Milby.
Sayang at wala si Pio­lo na wagi rin siguro sa audience.

Nakaw-eksena sina Jake Cuenca, Enchong Dee (na parang may kahinhinan rumampa), Kian Kazemi at Rafael Rosell na may kuhang nakahubo’t hubad, pati na ang Men of Provoq (Josh Ivan Morales, Gabz del Rosario, Johnron Tañada at Niko Arellano) na may drama ring nakatalikod na nakahubo.

Natuwa kami at nagandahan kay Bubbles Paraiso na sanay sa rampahan. Medyo tumaba si Ehra Madrigal na inaasahan naming magpakita ng kaseksihan.

Hindi ko napanood ang Bench Fever two years ago, pero karamihan sa mga napagtanu-ngan ko, ang One Night Only at Understatement pa rin ang pinakamagandang underwear at denim show ng Bench.

Karamihan sa mga nakapanood nu’ng gabing iyun ay medyo nabitin at hindi gaanong na-impress dahil parang wala namang bagong ipinakita.

Pero ang Bench pa rin ang nangungunang appa­rel dahil sa kalidad nito at suportado pa ng mga sikat na endorsers.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Polo Ravales and Jean Garcia love scene, hot hot hot!

POLO Ravales says that he and Jean Garcia will always be good friends and they’d prefer it that way than be romantically involved with each other. “Wala kaming requirements sa isa’t isa,” he says. “Unlike kung on kayo, magkakaroon ng maraming expectations, di ba? So mas mabuti na ‘yung friends lang kaysa lovers.”

But they’re so close that when he celebrated his birthday recently, Jean was one of his guests in an intimate party he hosted for family and friends in a hotel room. “She gave me an expensive digital camera. Ang sweet nga, e.”

No wonder they’re rumored to now be living in. “That’s not true. Ms. Jean lives with her children at ako, sa sariling bahay ko pa rin ako nakatira. So paano at saan kami magli-live in?”

What’s their reaction when this was written about? “Wala, deadma lang. Di lalo na kapag napanood na nila ang love scenes namin sa ‘Loving You’. They will surely conclude na kami na nga dahil sa sobrang hot ng love scenes na ‘yun. One is on a sofa and the other one is sa loob ng bathroom.”

Doesn’t he feel uncomfortable making love with a supposed good friend? “No, akala ko nga maiilang ako. But then, nakatulong nga na comfortable na kami sa isa’t isa and we’re both professionals so we treat it lang talaga as strictly part of our work. Kumbaga, nagtatrabaho lang kami. But we do it with feelings. Kasi dapat ganoon, nararamdaman mo talaga ang eksena.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Mark Herras' gay character

SAY ni Mark Herras, hirap daw palang maging “pa-minta” o bading na hindi pa ladlad.

Katabi namin si Mark sa Station 168 while typing this so we got this straight to the point answer on how was it playing a gay character for the first time.

Intriguing ang second episode ng Dear Friend nina Jolina Magdangal and Marvin Agustin today sa GMA after Pinoy Idol Extra.

After winning the ratings game sa pilot last week, the show is making sure to hold its audience.

Ang tema, a guy with two loves, his girlfriend and his girlfriend’s pinsan na isang gay.

Mark stars opposite LJ Reyes and Paolo Contis at first time nga siyang gaganap na paminta.

Ang hirap daw pala ng ganitong klaseng role, say niya. Parang mas madali pa ‘yung all out na bading kung saan naka make-up siya at lalandi-landi kaysa ang mag portray ng closet.

Dear Friend is directed by Mac Alejandre and Jun Lana.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, July 26, 2008

Dingdong Dantes - Bench Fashion Show

Bench Fashion Show with Dingdong Dantes stripping his jeans for you.

Saksi: Bench Fashion Show

Labels:


Continue Reading...

TV Ratings, July 24

Narito ang Megamanila overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS CBN 2 nung naka­raang Huwebes:

SIS 7.6 vs. Boy and Kris 8.6,
Marimar 14.7 vs. Game KNB 15.9,
Eat Bulaga 20.6 vs. Wowowee 18.4,
Daisy Siete 18.4 at Magdusa Ka 21.3 vs. Ligaw na Bulaklak 14.4,
Gaano Kadalas ang Minsan 19.1 vs. El Cuerpo 18 at Las Tontas 12.9,
Go­bingo 16.6 vs. Wheel of Fortune 17.8,
24 Oras 29.3 vs. TV Patrol 24.9,
Asero 33.3 vs. The Si­nging Bee 24.1,
Dyesebel 34.8 vs. Iisa Pa Lamang 25.9,
Kim Sam Soon 26.4 vs. My Girl 23.7,
Dalja’s Spring 18.7 vs. Pinoy Dream Academy 22

Labels:


Continue Reading...

Eat Bulaga show, a success in LA

Natawa na lang kami sa natanggap naming email na sinisiraan ang show ng Eat Bulaga na ginanap nu’ng Hulyo 19 sa Los Angeles Sports Arena.

Saksi kami mismo kasama ng iba pang mga kapatid naming journa­list na galing ‘Pinas sa nasa­bing event kaya nakasisiguro kaming mali ang impormasyong ikinakalat ng email sender.

Naisulat na namin dito pagkatapos na pagkatapos ganapin ang Eat Bulaga Grand Fiesta in LA na hindi binuksan ang uppermost section ng OA sa laking LA Sports Arena na mahigit 16,000 ang total seating capacity.

Normal na ginagawa ‘yon ng mga live stage show sa nasabing venue na hindi inookupa ang buong lugar para mas ma­ging intimate ang au­dience at manageable ang crowd lalo na kung hindi naman ito isang major sports event.

Pero kahit na ang arena area (floor section) at loge area (middle section) lang ng nasabing ve­nue ang binuksan at hindi isinama ang concourse area (bleacher section) ay napakalaki pa rin ng 6 to 7,000 seating capacity ng dalawang bukas na area para sa isang live variety show na katulad ng Eat Bulaga.

Ang nakatutuwa nga, obvious na madadatung ang mga taga-Amerika dahil mas mabenta ang mga mahal na tiket ($100 at $75) kumpara sa mas mura ($50 at $35).

Kaya napansin namin na mas puno ang mga upuan sa lower section ng venue kesa sa itaas, kaya tama lang din na hindi na in-open pa ang bleacher area.

Sigurado kaming hindi apektado sa mga ganitong klase ng paninira ang TAPE, Inc., GMA Pinoy-TV at Starmedia Entertainment dahil alam nilang isang malaking tagumpay ang LA show ng Eat Bulaga at hindi matatawaran ang kasiyahang inihatid nila sa ating mga kababayan sa baha­ging ‘yon ng Amerika.

***

Hindi lang mga Pinoy at Fil-Ams ang dumagsa sa LA show ng Eat Bulaga, marami ring nanood na Amerikano at fo­reigners na naaliw nang husto sa longest-running noontime variety show in Philip­pine television.

‘Yun ang masarap sa pagsu-show sa ibang bansa, bukod sa napapasaya mo na ang mga kababa­yan nating nasa malala­yong lugar ay nae-expose pa ang mga local shows natin sa foreign audience, na in fairness ay curious din sa mga Filipino programs.

Kaya hindi kami nagtataka kung bakit ganu’n na lang kung makipag-cooperate ang TAPE big boss na si Mr. Tony Tuviera sa Kapuso network ngayong meron nang GMA Pinoy-TV para dalhin sa iba’t ibang sulok ng mundo ang Eat Bulaga, na sabi nga nina Tito, Vic & Joey ay parte na ng kulturang Pinoy.

Sigurado rin kaming masaya ang US producer ng Eat Bulaga Grand Fiesta na si Ms. Ana Co Puno ng Starmedia Entertainment. Maliban kasi sa ticket sales ay grabe sa dami ang sponsors ng EB show.

Nu’ng presscon sa Glendale, CA ay super-haba ng ipinalabas na VTR na isa-isang ipina­kita ang santambak na sponsors ng show.

So, nu’ng photo-op ng mga sponsor kasama ng Eat Bulaga barkada, akala namin ay wala nang katapusan ang piktyuran kaya gutom na gutom ang grupo nang mag-late dinner after the presscon.

Ang medyo ikinalokah namin ay nu’ng mismong araw ng show na hanggang sa backstage ng LA Sports Arena ay go rin ang ilang sponsors para magpa-picture sa EB dabarkads mereseng ongoing ang show.

Pati ang karamihan sa mga itinalagang ushers at security ay sila pang aligaga sa pagpapakuha ng litrato. Mas nawindang kami after ng show na mula sa dressing room ng mga artista papunta sa back area kung saan kami e-exit ay mabilis na napuno ng tao kaya nakuyog nang husto ang EB tropa at kandahirap sa paglabas ng venue.

Ganunpaman ay sobrang saya ng lahat dahil sa successful show na ‘yon na siguradong gusto pang maulit muli ng mga kababayan natin sa Cali­fornina.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Katrina Halili: The loser ends up winning

KATRINA Halili can’t believe the good things coming her way.

Imagine, she only placed 8th in the reality search, StarStruck, but she’s now on top of the heap among her peers. A two-time FHM sexiest woman (only dislodged this year by Marian Rivera), she couldn’t care less if the title had been snatched as she had been signed up by OctoArts Films for a four-year contract.

After the film One Night Only (written and directed by no less than Joey Javier Reyes), she’s slated to do the remake of Vilma Santos’ Miss X, directed by its original director, Gil Portes. It will also be filmed in Amsterdam and that excites Katrina no end.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Reasons kung bakit nakipaglaplapan si Jean Garcia kay Polo Ravales

SA tagal ni Jean Garcia sa showbiz, first time pa lang pala niyang pumayag na magka-love scene sa pelikula, at ito ay sa Loving You ng Regal Entertainment.

Sa previous movies niya ay hindi ito nagawa ng magaling na alaga ni Manny Valera. At ang masu-werteng leading man nito ay ang rumored special man in Jean's life ngayon na si Polo Ravales, ang “nakauna” kay Jean sa big “laplapan” scene, huh!

Pero mabilis si Jean sa pagsasabi na kaya siya “bumigay” o pumayag sa naturang love scene (na one take lang naman daw) ay dahil una, katrabaho na niyang matagal si Polo at confident na siya ritong hindi sila magkakailangan, at ikalawa ay dahil kay Don Cuaresma.

Direktor ng Loving You si Direk Don and sa totoo lang, nasa ABS-CBN pa ang beauty ni Jean ay na-sa-sight na namin siyang madalas with Direk Don, at say nga ng aktres, mala-ki ang tiwala niya sa kaibi-gang direktor.

In fact, sa inuman sa parties ay nakikita pa na-min noon si Jean with Direk Don at isa pang common friend nilang designer na si Abel Bacudio.

Kasama rin sa Loving You sina JC De Vera, Yasmine Kurdi, John Prats, Al-jur Abrenica, Kris Bernal, introducing si Brent Javier.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Mark Anthony Fernan­dez willing magpakita ng puwet

Nagpa-“thank you” si Mark Anthony Fernan­dez sa ipinarating namin na siya ang Bagong Crush ng Bayan, and never mind kung married na siya at may dalawang anak, basta “hottie” pa rin siya sa pa­ningin nang nakapanood ng Impostora, Ka­man­dag at ngayon sa Ako Si Kim Sam Soon.

Nagpapasalamat din si Mark Anthony sa maraming mas nagwagwapuhan at naseseksihan sa kanya. Natawa ito nang malamang may mga na-disappoint na viewers ng ASKSS na sandali lang ang eksena niyang naka-swimming trunk. Sa light­ing at camera man naman siya nagpapasa­lamat at sa Kino-flo, isang special light na natatago ang imperfection ng mukha at naha-highlight ang dapat ma-highlight.

May natutunan tuloy kami, dahil sabi ni Mark, hindi lumalabas si Michael Jackson at ang papa niya (Rudy Fernandez), kung wala ang Kino-flo na tingin namin, fluorescent lamp lang naman. Gusto nga nitong ipa-experience sa press ang magic ng Kino-flo, magpa-picture raw kami kasama siya at gamit ito para makita namin ang kaibahan, hindi lang natuloy.

Ang ganda ng tawa ng actor sa tanong kung payag siyang matawag na sexy actor at payag sa butt exposure?

“If my butt is ready, why not? But, I don’t know if they want to see my butt. Kung may kuwento, bakit hindi? Paghahandaan ko muna ‘yun.”

Enjoy sa comedy si Mark, kaya kahit tuhog ang mga eksena niya sa ASKSSM, ‘di namin siya kinakitaan ng pagod. Natatawa rin ito kay Regine Velasquez na “Magandang makisama at magaling makibagay.”

May naririnig nang next project niya si Mark, pero ayaw muna niyang pag-uusapan. Nagulat lang kami, dahil ang dream project nito sa TV ay ang remake ng Starzan ni Joey de Leon. Kung ibibigay sa kanya ang project, payag siyang magsuot ng bahag. Si Regine pa rin ang gusto niyang maging Jane at nabanggit din nito si Stef Prescott. Paging GMA-7!

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, July 25, 2008

Richard Gutierrez magta-topless sa Bench show?!

Uy marami palang excited sa pagrampa ni Richard Gutierrez sa Bench Denim & Underwear Fashion Show ngayong gabi sa Araneta Coliseum dahil grabe pala ang ginawang preparation ni Richard.

Sobra raw itong nag-diet at nag-exercise kaya curious ang marami kung anong outfit niya mamayang gabi.

Magpapaka-daring na ba si Richard o magta-topless siya?

Kararating lang last Wednesday nila ni KC Concepcion galing Santorini, Greece para sa shooting nila ng For The Very First Time na balitang mas naging closed sila ni KC sa ilang araw nilang shooting doon.

Bukod sa pagrampa sa Bench, masaya rin si Richard dahil dumating siyang mataas ang rating ng Codename: Asero nila ni Heart Evangelista.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Katrina Halili pumirma sa OctoArts Films

MALAKAS ang loob ni Katrina Halili na pumirma sa OctoArts Films dahil nakatapos na siya ng dalawang taong kuntrata sa Regal Films kahit may natitira pa siyang isang pelikulang dapat gawin kay Mother Lily.

Kinunsulta na raw ni Katrina ang kanyang lawyer hinggil sa kontrata niya kay Mother Lily.

Sabi ng kanyang abogado, kapag hinabol siya ng Regal ay gagawin din naman niya ang isa pang movie contract dito.

Sa OctoArts, pumirma si Katrina ng multiple movie contract deal. Kaya mali ang usap-usapan na one-shot deal lang siya rito -- para lang sa 2008 MMFF entry ng Octo Arts na One Night Only.

Ani Katrina: “Ang pirma ko naman sa OctoArts ay non-exclusive contract. Ibig sabihin, puwede pa rin akong lumabas sa ibang outfit tulad sa Regal kung saan may remaining one picture pa ako.” Sa pagkuha sa kanya ni boss Orly Ilacad, masaya si Katrina dahil may naniwalang producer sa kanya na gawin siyang bida pagkatapos niyang gumawa ng sunud-sunod na kontrabida roles.

After Marimar, nangako na raw kasi siya sa kanyang sarili na hindi na siya tatanggap ng anumang papel na kontrabida.

Ani Katrina: “Bago pa dumating ang alok sa akin para gumawa ng bida role sa Magdusa Ka, kinausap na ako ni Boss Orly na gagawa kami ng movie na ako ang bida.” So, mali rin ang tsika na kaya siya gagawing bida ng Octo Arts ay dahil sa pagbibida niya Magdusa Ka.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, July 24, 2008

TV Ratings, July 22

NARITO ang Mega-Manila overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 nu’ng MARTES (Hulyo 22):

SiS 11.1% vs. Boy and Kris 7.3%;
Marimar 12.6% vs. Game Ka Na Ba 14.4%;
Eat Bulaga 21% vs. Wowowee 17%;
Daisy Siete 20.8% at Magdusa Ka 22.2% vs. Ligaw na Bulaklak 11.7%;
Gaano Kadalas ang Minsan 23.6% vs. El Cuerpo del Deseo 17.4% at Las Tontas 11.9%;
Gobingo 15.2% vs. Wheel of Fortune 15.5%;
24 Oras 28.4% vs. TV Patrol 24%;
Codename: Asero 35.4% vs. The Singing Bee 26.1%;
Dyesebel 38.2% vs. Iisa Pa Lamang 27.1%;
Kim Samsoon 28.3% vs. My Girl 22.8%;
Dalja’s Spring 19.2% vs. Pinoy Dream Academy 21%;
Pinoy Idol Extra 10.9% vs. Artificial Beauty 13.7%;
Kung Ako Ikaw 11.4% at Saksi 8.9% vs. Bandila 8.3%.

Labels:


Continue Reading...

Alyssa Alano, lagot kay Iwa Moto

IKINAGULAT ni Iwa Moto ang mga pinagsasabi ng kaibigang si Alyssa Alano sa Startalk last Saturday kaugnay ng pang-iisnab daw ni Riza Santos.

“Ayokong naaagrabyado ang mga kaibigan ko. Nagsumbong sa akin si Alyssa na inisnab daw sila ni Riza kaya niyaya ko siya na puntahan namin ito,” bungad ni Iwa “kakausapin ko lang si Riza para ayusin ang gulo at hindi para makipag-away dahil binastos nito ang mga kaibigan ko. Hindi ko kilala si Riza. Nakilala ko lang siya nang tawagin at umakyat sa stage.

“Kaya lang, nagulat ako sa interview ni Alyssa sa Startalk. Pinalabas kasi na uupakan ko raw si Riza. Eh, si Alyssa mismo ang nagsabi na susuntukin niya si Riza na inawat ko lang naman. Naku, humanda sa akin yang si Alyssa kapag nagkita kami,” natatawang kuwento ni Iwa.

Teka, hindi kaya taktika lang ng kampo ni Riza ang nangyaring pang-iisnab para pag-usapan ito? Siya kasi ang leading lady ni Vic Sotto sa pelikulang pagsasamahan nila ni Dolphy, kaya mas kontrobersyal, mas bongga, di ba?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Richard Gutierrez dapat maging Muslim kung type ligawan ang anak ni Robin na si Kylie

Sa action stars natin sa kasalukyan, si Robin Padilla ang may pinakamaraming product endorsements dala na rin ng kanyang credibility at bankability.

Magsisimula na siyang mag-workout everyday para sa pagpapalaki ng katawan niya for his latest teleserye sa GMA -7 na Totoy Bato. Kailangan daw kasing umabot ng 200 lbs. ang timbang niya para bumagay sa role na originally ay ginampanan ni FPJ sa pelikula.

Kaya nga high-protein diet ang gagawin niya pa-ra lumaki ang kanyang katawan.

Sa ngayon daw ay 150 lbs. ang timbang niya kasi kinailangan naman niyang magpapayat noon para sa Joaquin Bordado.

So, 50 lbs. ang bubunuin niya and he will be working with physical fitness professionals naman daw kaya he will be safe.

Excited siya sa Totoy Bato dahil makakasama niya rito si Manny Pacqu-iao. Ayaw pa niyang sabihin kung ano ba ang role dito ni Manny para surprise daw.

Anyway, matagal pa naman daw nilang gaga-win ito dahil uunahin muna niya ang pelikulang Sundo under GMA Films with Sunshine Dizon and Rhian Ramos.

May pagka-horror raw ang tema ng Sundo at ididurehe ito ni Topel Lee. Aakyat daw sila sa Baguio in two weeks time para simulan na ito.

Natuwa si Robin nang malaman niyang idol siya ni Richard Gutierrez at gusto siyang makasama nito sa isang teleserye o pelikula.

Gusto rin daw niyang makasama si Richard sa isang proyekto dahil magaling ito sa martial arts at isang magandang ehemplo pa ito sa mga kabataan.

Kinantiyawan namin si Binoe na kung sakaling li-gawan ni Richard ang 17- year-old daughter niyang si Kylie, papayag ba siya? “Naku, mag-Muslim muna siya kung liligawan niya ang anak ko!”natatawang sabi ni Binoe.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, July 23, 2008

Polo Ravales with Faith Cuneta sa Japan

AALIS si Polo Ravales sa July 27, for Japan para mag-show kasama si Faith Cuneta. Isasabay na rin ng actor ang bakasyon, bilang regalo sa sarili’t birthday niya noong June 27.

Tahimik ang birthday this year ng actor, nag-rent lang siya ng room sa isang hotel at du’n pinapunta ang pamilya at mga kaibigan para magkuwentuhan, kumain at mag-inuman.

Special guest sa birthday party ni Polo si Jean Garcia na isang digital camera ang gift sa kanya. At 26 years old, 12 years ang age gap ng dalawa’t 38 years old ang actress at ‘di ito problema kung sila’y magkaka-tuluyan.

“Maraming advantages ang pagkakaroon ng older partner, mas nagiging mature ka at mas natuturuan ka ng maraming bagay. Nag-iiba rin ang vision mo sa buhay. Mas maalaga rin sila at ‘di ninyo pag-aawayan ang maliliit na bagay,” sabi ni Polo.

Anong feeling maging stepfather ng isang 18-year-old (si Jennica Garcia)?

“Okay! May anak ka na, may baby sister ka at friend ka pa. Hindi kaso sa akin ‘yun.”

Habang hindi pa umaalis, magpo-promote muna si Polo ng Loving You ng Studiomax na may August 20 playdate. Sila ni Jean ang magka-pareha rito at ang isa’t isa ang inirason kung bakit tinanggap ang movie at pumayag gawin ang kissing scene, love scene at shower scene.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Pauleen Luna na-kipag-cool off kay Mayor Sherwin Gatchalian

MABABAW lang daw ang dahilan kung bakit na-kipag-cool off muna si Pauleen Luna sa kanyang boyfriend na si Mayor Sherwin Gatchalian.

Ang balita namin, nagkaroon ng problema sa oras ang dalawa. Tila nawalan daw sila ng panahon sa isa’t isa.

Siguro nga, hindi magkatama ang kanilang schedule. Alam naman ninyo ang buhay ng isang artista, at aktibo naman sa kanyang career si Pauleen.

Talagang halos walang pahinga ‘yan. Ito namang si Mayor, aba, eh full time job din naman ang pagiging isang alkalde niya at wala ngang pi-nipiling oras ang kanyang trabaho.

Minsan nga, kahit na natutulog na ang isang mayor ay ginigising pa ito kung may nangyayari sa kanyang bayan.

Talagang kung schedule ang pag-uusapan, hindi nga sila magkakasundo. Kung gusto ni Pauleen na magkasundo sila, baka kailangan niyang isakripisyo ang kanyang career. Kaya lang, magagawa ba naman niya iyon?

Kung hindi naman, baka si mayor ang dapat na isakripisyo muna ang kanyang political career na mukhang mas malabo naman sigurong mangyari.

May mga nagsasabi naman na mukha ngang mas mabuti na mag-cool off muna sila, tutal napakabata pa naman ni Pauleen.

Hindi rin daw maganda sa image ng kagaya niyang artista na girlfriend siya ng isang pulitiko. Dito kasi sa atin, iba na ang tingin basta ang isang artista ay nagiging girlfriend ng isang pulitiko.

Kasi naman, ‘yung ibang mga artista na may dyowang pulitiko, hindi magaganda ang kuwento.

Sa palagay nga namin, kailangang mag-concentrate na muna sa kanyang career si Pauleen.

Marami pa naman sigurong ibang manliligaw na darating sa kanya at saka kung sakaling talagang magkapalad sila ni mayor, magkakabalikan pa rin naman sila pagda-ting ng araw.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, July 22, 2008

‘Eat Bulaga Day,’ dineklara sa California

TINITIPA namin ang item na ito ay ilang oras pa lang natatapos ang pagtatanghal ng Eat Bulaga barkada sa Los Angeles Sports Arena sa Los Angeles, California, Sabado ng gabi (Linggo riyan sa ’Pinas).

Maayos namang nairaos ng GMA Pinoy TV at Starmedia Entertainment ang Eat Bulaga L.A. Grand Fiesta, although after the show, muntik nang magkagulo nang dumugin ng mga kababayan natin backstage ang kinasasabikang triumvirate nina Tito, Vic at Joey, pati na ang special guests na sina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Hindi rin nila pinalagpas ang pagkakataong makakamay at makapagpalitrato sa dabarkads na sina Allan K, Pia Guanio, Julia Clarete, Pauleen Luna, Francis Magalona, Jose Manalo, Wally Bayola, Ruby Rodriguez, Jimmy Santos at Lougee Basabas. Mabuti na nga lang at walang nasaktan sa pag-uunahan nila.

Actually, nu’ng unaý sobrang higpit ng security na naka-detail sa loob ng venue. Pero kalaunan, naging lax, kaya sumikip ang bahagi ng stage na binababaan ng mga artista. Karambola tuloy ang mga fan sa pagpapa-picture at pagpapa-autograph tuwing may daraang celebrity.

Bago mag-umpisa, mga negrong malalaki ang katawan at pawang nakadilaw na T-shirt ang nagbabantay sa lahat ng lagusan patungong backstage at dressing room.

Maging ang mga involved sa production, sponsor at press, hindi basta-bastang nakakapasok unless may production pass at neon green na bracelet na inisyu ng Starmedia ni Anna Puno.

Kaso, sa sobrang higpit, lalo ng ilang tauhan ni Anna, pati ang mga may legit na partisipasyon sa event, naitataboy nang ganu’n-gano’n na lamang.

Matuk n’yong pati ang kasabay naming pumasok na si Noel Ferrer, manager ni Ryan, halos ayaw papasukin ng babaing nakaposte sa dressing room?

Masuwerte ang girl dahil “Miss Amityville” si Noel. Hindi siya tinarayan nito’t mahinahon pa ngang nagpakilala bilang manager ng fiance ni Juday.

Anyway, tatlong oras inabot ang show na namigay ng daan-libong piso at libu-libong dolyares sa iba’t ibang game portions, gaya ng Taktak Mo o Tatakbo, Kontrapelo: Sa Pula, Sa Puti.

Alas-singko ng hapon nagsimulang magpapasok ng tao, hitsura ng 7:30 p.m. pa ang performance. Dahil fiesta ang theme, nagkaroon ng parang Pinoy expo sa second floor, kung saan nag-serve ng mga pagkain at items na sariling atin. Actually, nakabuti ang maagang pagpapapasok, dahil hindi na naipon at nabagot ang mga tao sa labas.

Bongga ang opening number. Si Kiko ang unang sumalang at umawit ng Man from Manila, na sinundan ng pagsasayaw nina Ruby Rodriguez, Pauleen Luna, Pia Guanio, pagra-rap nina Anjo at Jimmy, pagkanta ni Lougee, pagma-magic ni Julia, pagpapakuwela ni Wally bilang Arwaney at pagwa-Wangbu ni Jose.

Ang signature hit ni Kiko na Mga Kababayan Ko naman ang nag-segue sa paglabas at pagkanta ng TVJ ng VST & Co. tune na Swing It, Baby. Sa puntong ito, halos lahat ng tao sa arena ay tumayo na upang sumayaw.

Hindi lang ang tatlong “pillars” ng EB ang mainit na tinanggap ng ating mga kababayan dito, kundi maging sina Juday at Ryan at Marian at Dingdong. Naunang tinawag ni Pia si Ryan sa stage, na siya namang nag-introduce sa fiance na kumanta ng No Ordinary Love.

Naki-join din ang engaged couple sa Kontrapelo: Sa Pula, Sa Puti portion, kung saan ang mga naging celebrity contestants ay pawang U.S.-based na sina Jo Awayan, Jessica Rodriguez, Dessa, Patricia Javier at Frida Fonda, ang dating Miss Body Language na ngayon ay isa nang dentista sa Orange County.

Miyembro rin ng red team ang dating Viva Hot Babe na si Ella V, na nakapag-asawa na pala ng isang Fil-Am na nakilala niya sa Manila.

Nu’ng March 21 lang daw sila ikinasal ng mister niyang si Shane Manalang, 28 years old at nagtatrabaho bilang physician’s assistant o tagapag-alaga ng mga mongoloid. May family-owned business ang lalaki at kahit hindi na mag-work ang hitad, kering buhayin ng asawa.

Two months na raw sa Long Beach, California, si Ella at nagbabalak magtrabaho sa administrative department ng Manalang business anytime now.

Sad lang, kasi lost ang team nilang pula nina Jo at Patricia sa puting grupo nina Jessica, Dessa at Frida, na nag-take home ng premyong $2,000.

Sa bandang huli na ng show sumalang si Dingdong, na ang rendition ng medley of Eraserheads hits, like Pare Ko, Magasin at Huling El Bimbo ay tinilian ng female crowd. Pagkatapos niya, ang Dyesebel leading lady namang si Marian ang nagpakitang-gilas sa pagsasayaw at umani rin ng malakas na hiyawan, lalung-lalo na mula sa MarianKnights International na may malalaki pang banner proclaiming Popoy Caritativo’s ward as the “Shining Phenomenal Star of the New Year.”

Klik din ang pakiki-join ng dalawa sa pagkakagat-labi ng ilang participants from the audience.

At any rate, maliban sa presence ng apat na sikat na personalidad, ang isa sa nagsilbing pinakamatinding highlight ng Eat Bulaga L.A. Grand Fiesta ay ang pagde-declare ng July 19 bilang “Eat Bulaga Day” sa buong state ng California.

Present si Senator Leland Yee, assistant president pro tempore, sa Los Angeles Sports Arena para personal na iabot kina Tito, Vic at Joey ang certificate ng naturang pagkilala.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Jolina Magdangal, walang paki sa fans ni Gabby Concepcion

CARE daw ni Jolina Magdangal kung magalit sa kanya ang fans ni Gabby Concepcion.

Simple lang ang naging sagot ni Jolens sa nangyaring pag-pull-out ng isang lot ng Lucida and Vaniderm sa market kung saan si Gabby ang pinakabagong endorser: “I feel sorry for him.”

But this statement, iniringan ng fans ni Gabby sa isang showbiz news website. Dedma pa rin ang Pinoy Idol judge and host to the new letter writing show na Dear Friend.

Bakit naman daw sa kanya magagalit ang fans ni Gabby? Hindi naman daw siya ang nagbalita ng pagkaka -pull -out ng product na ini-endorse ng aktor, nasa news daw ito.

Saka ganoon lang daw talaga ang naramdaman ni Jolens when she heard the news, eh, why react?

Alangan naman daw na magpaka-plastic siya, say ni Jolina sa dapat na partner niya sa upcoming GMA Films movie ITALY na, by the way, moved to September na ang showing.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Katrina Halili ‘di raw kayang kataluhin si Cristine Reyes

Nagsalita na si Katrina Halili tungkol sa isyung pagiging number one umano ni Marian Rivera sa kanya sa FHM’s Sexiest Women.

Napanood namin ang panayam kay Katrina at sinabi niyang walang problema sa kanya kung si Marian man ang itinanghal na Philippines’ Sexiest Woman now kasi nga’y seksi naman daw talaga ang dating kasamahan niya sa teleseryeng Marimar.

Nang tanungin si Katrina kung sino ang mas seksi sa kanila ni Marian, agad nitong sinabi na siyempre, mahal niya ang sarili niya. Kaya sarili niya ang kanyang ipinagmalaki. Love your own ito, huh. Saka dalawang beses na siyang naging Sexiest Woman chorva sa FHM, that’s more than enough proof na seksi siya at wala na siyang dapat pang patunayan sa mga nang-ookray sa kanya.

Hindi rin daw dapat malisyahan ang closeness nila ni Dennis Trillo, magkaibigan lang sila ng aktor.

Say pa ni Katrina, chummy rin daw sila ni Cristine Reyes kung kaya’t malabo talagang ma-link o magkaligawan sila ni Dennis.

Eh, bakit may chikang ‘baby” pa umano ang ta-wagan nila ni Dennis? “Wala ‘yun. Tuksuhan lang namin ‘yun ni Dennis. As in, magkaibigan talaga kami at kakulitan ko siya sa set,” sabi ng paboritong kontrabida ngayon ng televiewers.

Sa ngayon gusto raw muna ni Katrina i-enjoy ang pagiging isang kontrabida. Mas kumportable raw siyang gawin ito kesa maging bida siya. Feel talaga ni-ya ang mang-api kesa magpaapi, huh.

May mga hindi man kagandahan kaming naririnig about Katrina, pero gusto namin siya. Nagpapakatotoo lang siya, at kumbaga kung hindi siya magustuhan ng iba, wala siyang keber. ‘Yun na!

[via]

Labels:


Continue Reading...

Top 10 daytime and primetime programs, July 18 to 20

Here are the Top 10 daytime and primetime programs from July 18 to 20 based on the overnight ratings conducted by AGB Nielsen Philippines among Mega Manila households:

July 18 (Friday)

Daytime:

1. Magdusa Ka (GMA-7) - 22.9%
2. Gaano Kadalas ang Minsan (GMA-7) - 21.5%
3. Eat Bulaga! (GMA-7) / Daisy Siete (GMA-7) - 20.6%
4. El Cuerpo del Deseo (ABS-CBN) - 19%
5. Marimar (GMA-7) - 16.8%
6. Wowowee (ABS-CBN) - 16%
7. Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) - 15.3%
8. Ligaw Na Bulaklak (ABS-CBN) - 13.5%
9. SiS (GMA-7) - 9.5%%
10. Boy & Kris (ABS-CBN) - 8.9%

Primetime:

1. Dyesebel (GMA-7) - 38.3%
2. Codename: Asero (GMA-7) - 36.1%
3. 24 Oras (GMA-7) - 29.3%
4. Ako Si Kim Samsoon (GMA-7) - 28.6%
5. The Singing Bee (ABS-CBN) - 25.1%
6. Pinoy Dream Academy (ABS-CBN) - 23.3%
7. Dalja’s Spring (GMA-7) - 22.9%
8. Iisa Pa Lamang (ABS-CBN) - 22.7%
9. My Girl (ABS-CBN) - 22.5%
10. TV Patrol World (ABS-CBN) - 21.9%

July 19 (Saturday)

Daytime

1. Eat Bulaga! (GMA-7) - 23.4%
2. Wowowee (ABS-CBN) 17.1%
3. Pinoy Records (GMA-7) - 15.5%
4. Wish Ko Lang (GMA-7) - 14.2%
5. StarTalk (GMA-7) - 13.8%
6. Cinema FPJ: Da King on ABS-CBN (ABS-CBN) - 13.7%
7. Takeshi’s Castle (GMA-7) - 12.6%
8. Entertainment Live (ABS-CBN) - 12.2%
9. That’s My Doc (ABS-CBN) - 11.3%
10. Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) - 10.9%

Primetime:

1. Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA-7) - 27.5%
2. Pinoy Dream Academy (ABS-CBN) - 25.4%
3. Bitoy’s Funniest Videos (GMA-7) - 24.3%
4. Imbestigador (GMA-7) - 23.9%
5. Pinoy Idol (GMA-7) - 21.9%
6. Kapitan Boom (ABS-CBN) / Songbird (GMA-7) - 20.2%
7. Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN) - 19.4%
8. XXX (ABS-CBN) - 16.2%
9. Sine Totoo (GMA-7) - 11.8%
10. TV Patrol World (ABS-CBN) - 10.2%

July 20 (Sunday)

Daytime

1. ASAP ‘08 (ABS-CBN) - 16%
2. SOP (GMA-7) - 15.5%
3. Takeshi’s Castle (GMA-7) - 13.2%
4. Dear Friend (GMA-7) - 13%
5. Pinoy Idol Extra (GMA-7) 12.4%
6. Showbiz Central (GMA-7) - 12.2%
7. Your Song (ABS-CBN) - 12%
8. The Buzz (ABS-CBN) - 9.7%
9. Bakbakan (ABS-CBN) - 9.3%

Primetime:

1. Mel & Joey (GMA-7) - 24%
2. Pinoy Idol (GMA-7) - 22.4%
3. Pinoy Dream Academy: Little Dreamers (ABS-CBN) - 21.2%
4. All Star K (GMA-7) - 20.1%
5. Kap’s Amazing Stories (GMA-7) - 18.3%
6. Goin’ Bulilit (ABS-CBN) - 17.2%
7. Sharon (ABS-CBN) - 16.4%
8. Ful Haus (GMA-7) - 15.9%
9. Rated K (ABS-CBN) - 15.5%
10. TV Patrol World (ABS-CBN) - 13.2%

Figures courtesy of AGB Nielsen Philippines via PEP.
Via: Starmometer.com

Labels:


Continue Reading...

Monday, July 21, 2008

Marian Rivera finds a defender halfway across the globe

Because she’s a TV top-rater (Marimar and now Dyesebel), Marian Rivera has lately been the subject of muckraking and a smear campaign which, luckily, haven’t succeeded in pulling her down (woe to the evil minds behind those dirty tricks).

Marian may be pleasantly surprised to know that she has a defender halfway across the globe, somebody who knows the real Marian Rivera. Funfare’s Big Apple correspondent Edmund Silvestre (of The Filipino Reporter) chanced upon Marian’s “staunch defender” who declared with impunity:

“Don’t even think about messing up with Marian Rivera, she never gives up without a fight.”

He’s none other than Marian’s ex-boyfriend, now US Navy Airman Davoud Haghighy.

“Davoud said that in view of what appears to be a malicious campaign to discredit the Marimar and Dyesebel star who is now the undisputed prime time TV drama queen in the Philippines,” said Edmund in his exclusive report to Funfare.

“She’s kind-hearted, but she has a very strong personality that she can be feisty when needed to defend herself,” Davoud added. “Mabait siya kung mabait ka, pero mas mataray siya pag tinarayan mo siya at binastos. Maybe because she’s a Caviteña and has Spanish blood.”

According to Edmund, Davoud, who is based in Virginia, visited his family in New York City recently. Fourth in a brood of five, his father, Saifollah, is an Iranian native, and his mother, the former Evelyn Esguerra, is also a Caviteña.

In his interview with Edmund, Davoud expressed excitement about the prospect of meeting again Marian when he learned that his ex-girlfriend, recently voted the FHM Philippines’ sexiest star of 2008, is going to the New York-New Jersey area to perform at the Philippine Fiesta at Meadowlands Expo Center in Secaucus, N.J. on Aug. 16 and 17. (Marian will be joined by her Dyesebel co-star Dingdong Dantes, and I Love Betty La Fea star Bea Alonzo.)

“He’s hoping to hang out with Marian even for awhile,” wrote Edmund. “He said Marian’s former friends in Cavite, who are now based in the US, are also looking forward to reuniting with her.

“I’m so happy for her and I’m so proud that I got to know her,” said Davoud, 23. “If it’s not too much, I hope to see her again and maybe talk over a cup of coffee. But, of course, di naman natin alam kung gusto pa rin niya kaming makita. Siyempre nagbabago ang lahat at superstar na siya, kumbaga unreachable star na siya. But I’m hoping.”

Davoud said he and Marian dated only for a couple of months while they were still in high school at St. Francis of Assisi College System in Cavite.

“She was in fourth year and I was in third year,” he said. “We were both too young then and she was popular even outside school. Then I migrated to the US and we lost contact. Even then, mukha na siyang manika and people would stare at her even in malls. She had a lot of admirers and suitors.”

Davoud said he was not surprised when Marian entered showbiz because she was already into commercial and ramp modeling then.

“What I did not expect is the level of fame she’s in now,” he said. “Hindi ko talaga akalain na sisikat siya nang ganun. She’s so huge now.”

Davoud was already with the US Navy the first time she saw Marian on TV.

“I just can’t take my eyes off of the TV set,” Edmund quoted him as saying, said, laughing. “I was so enamored. She deserves it.”

When Edmund asked Davoud what he’ll tell Marian if and when they meet again, he replied in jest: “Bumalik ka na sa akin. Joke! Seriously, I would just say hi, wish her luck and maybe get her e-mail address so we can communicate as friends. At siyempre, magpapa-picture ako sa kanya,” he said.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Marvin Agustin and Jolina Magdangal share experiences

THE country’s most popular team of the 90s, Marvin Agustin and Jolina Magdangal, reunite as screen partners in “Dear Friend,” GMA7’s newest afternoon show which started yesterday right after Pinoy Idol Extra.

“Dear Friend” is a drama anthology featuring true and personal stories from letters sent by televiewers. Each letter will reveal real life adversities and trial confronting today’s youth.

As hosts of Dear Friend, Marvin and Jolina will share their personal experiences to letter senders as well as the televiewers. Both have evidently surpassed various obstacles and difficulties.

Issues concerning the youth like teen marriage, date, rapes, sibling rivalry, addiction , and broken families are likely to be featured in “Dear Friend.” Also, every episode will include a song and MTV. The show encourages televiewers to share their life stories to everyone eventually sending a positive message of hope and realization for their own growth and wellbeing.

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Watch Pinoy Idol Top 8 performance videos

Watch Pinoy Idol Top 8 performance videos. More videos after the jump.

Warren Antig - Cool Change


Gretchen Espina - You Lift Me Up


Jayann Bautista - Laging Naroon Ka


Daryl Celis - Ikaw Lamang


Ram Chavez - Honesty


Kid Camaya - Kung Wala Na


Penelope - Beauty and Madness


Toffer Rei - Sometimes You Just Know

Labels:


Continue Reading...

Toffer Rei bids Pinoy Idol goodbye

The 23-year-old Toffer Rei from Marikina was eliminated on Pinoy Idol Top 8.

He sang “Someday” by Jaya on last night’s performance show.


Thanks to starmometer.com.

Labels:


Continue Reading...

Sunday, July 20, 2008

Katrina Halili as "Miss X"

NIÑA Jose’s loss is Katrina Halili’s gain. After Mother Lily Monteverde didn’t allow Niña to do “One Night Only,”OctoArts FIlms’ entry in the December filmfest, the project was offered to Katrina Halili and she’s very happy to accept it. Directed by Joey Reyes, it will also star Angelica Panganiban, Roxanne Guinoo and Valerie Concepcion. Take note that they’re all Kapamilya while Katrina is Kapuso.

“Wala naman sigurong magiging problema kahit taga-GMA7 ako at puro taga-ABS sila,” says Katrina. “Marunong naman akong makisama and I expect na magiging friends kami while doing the movie.”

Aside from “One Night Only,” OctoArts boss Orly Ilacad is offering Katrina the remake of one of Vilma Santos’ biggest hits, “Miss X,” filmed in 1979 in Amsterdam where she played a prostitute in that city’s famous red light district. “Excited ako, sana matuloy,” says Katrina. “I’m so honored kung ako nga ang gagawa ng movie na dating ginawa ng isang Vilma Santos. At makakarating pa ako sa Europe kung dun din kukunan uli ang pelikula.”

Katrina will formally sign a multi-picture contract with OctoArts on Tuesday.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Richard Gutierrez has a reason to be proud

RICHARD Gutierrez has every reason para ipagmalaki ang Codename: Asero dahil ito na marahil ang pinakamalaking series ng Kapuso Network in terms of cast, location at budget.

Tulad din nga ng sabi ni Wilma Galvante (SVP for Entertainment), itong Codename: Asero na ang most expensive and biggest series to date ng GMA Network.

Sa cast pa lang, naka-lulula na. Aside from Ri-chard, kasama pa rin sa se-ries sina Richard Gomez, Heart Evangelista, Janno Gibbs, Michael V. Carmina Villarroel, Ramon Christopher at maraming iba pa.

Tuwang-tuwa naman si Richard dahil sa matin-ding suporta ng network sa kanya.

“I can’t ask for anything more,” ma-dalas sa-bihin ng kambal ni Raymond Gutierrez. “Since I started with GMA, ma-lalaking pro-jects na ang ibinibigay ng network sa akin. And now, dito sa Asero, na-tupad naman ang pagiging fighting director ko.”

At sa mga deli-kadong eksena sa Codename: Asero, ayaw na ayaw ni Richard magpa-double kaya ibayong training pa siya ng iba’t-ibang klase ng martials arts para sa ikagaganda ng series.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, July 19, 2008

TV ratings, July 17

Narito ang Mega-Manila overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 noong HUWEBES (Hul­yo 17):

SiS 9.3% vs. Boy and Kris 8.9%;
Marimar 13.8% vs. Game Ka Na Ba 16.1%;
Eat Bulaga 20.1% vs. Wowowee 17.7%;
Daisy Siete 19.1% at Magdusa Ka 23.1% vs. Ligaw na Bulaklak 17.3%;
Gaano Kadalas ang Minsan 21.7% vs. El Cuerpo del Deseo 19.3%;
Gobingo 16.4% vs. Wheel of Fortune 13.2%;
24 Oras 29.8% vs. TV Patrol 23.5%;
Asero 38.5% vs. The Singing Bee 24.4%;
Dyesebel 40.5% vs. Iisa Pa Lamang 23.4%;
Kim Sam Soon 29.3% vs. My Girl 22%;
Dalja’s Spring 18.5% vs. Pinoy Dream Academy 19.2%;
Pinoy Idol Extra 11.6% vs. Artificial Beauty 15.4%;
Nuts Entertainment 9.3% vs. Bandila 9.8%;
Saksi 6.7%.

Labels:


Continue Reading...

Antoinette Taus editor-in-chief na sa Amerika

Umapir sa presscon si Antoinette Taus pero hindi sila nagkaroon ng chance na mag-usap ni Dingdong Dantes.

Nagpunta raw sa presscon si Antoinette dahil editor-in-chief siya ng isang glossy magazine sa Amerika. Naroroon siya para i-cover ang bonggang-bonggang presscon.

Dahil maraming tao sa presscon, hindi nagkausap sina Dingdong at Antoinette na seksing-seksi sa kanyang outfit.

Marami ang nanibago kay Antoinette dahil dalagang-dalaga na ang packaging niya. Malaki ang naitulong ng kanyang matagal na paninirahan sa Amerika para maging confident si Antoinette na botong-boto sa loveteam nina Dingdong at Marian.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Alma Moreno ‘protects’ Dolphy, Zsa Zsa

COMEDY king Dolphy is launching his authorized biography, “Hindi Ko Ito Narating Mag-isa” (written with Bibeth Orteza), on July 23, at the NBC Tent, The Fort. Much has been made of the fact that all the past women in his life cooperated in its writing, except for Alma Moreno, with whom he has a son, Vandolph. People want to know why she refused to be interviewed at all when the likes of Pilar Pilapil and Lotis Key were cooperative.

But someone close to Ness says her decision not to talk about Dolphy is her way of showing her respect for her former partner. “She’s not telling people to boycott the book,” says our source.

“She even plugs it nga para bilhin ng tao. The reason why she’d rather not talk is to protect na rin si Dolphy and his current love (Zsa Zsa Padilla). It will be recalled that Ness was crushed when Dolphy and Zsa Zsa suddenly escaped to the U.S. in June, 1989.

Walang kamalay-malay si Ness na more than two years na palang may relasyon ang dalawa before they eloped to the States. Siyempre, kung magpapa-interview pa siya, mababanggit na naman yun and it will also be recalled that people then sided with Ness at bu-magsak ang career ni Dolphy dahil doon. It took a while bago siya nakabawi dahil yung movies na ginawa nila ni Zsa Zsa, like ‘My Darling Domestic,’ nag-flop. Hindi naman magandang balikan pa lahat nang yun. Kaya pasalamat na rin sila that Ness decided to just keep quiet para hindi na maungkat uli ito.

Di bale nang siya ang mapulaan ng tao na ayaw niyang mag-cooperate kaysa naman si Dolphy ang masiraan uli, e magdaraos pa naman ito ng 80th birthday niya.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Iwa Moto pumapayat dahil sa non-showbiz boyfriend

NAKATULONG daw kay Iwa Moto ang boyfriend niya ngayon na non-showbiz para ma-inspire siyang magpapayat. Macho kasi ang kanyang BF.

Ayon kay Iwa, ngayong pumapayat na siya ay magaan na ang kanyang paki-ramdam.

Kaya si Iwa nga-yon ay hindi na ma-tatawag na bulging sexys star.

May curves na siya ulit tulad ng lumahok siya sa StarStruck Batch 3.

Nakita namin si Iwa last Wednesday night sa live broadcast ng Kung Ako Ikaw, kung saan si-ya ang nagwagi ng P100,000 cash dahil sa dami ng kanyang texter votes bilang la-dy security guard sa isang sementeryo, at naging pa-borito pa siya ni Bisor.

Ani Iwa:“Ten pounds na ang ipinayat ko. Pero, kaila-ngan ko pang magbawas ng timbang.”

Kasama si Iwa sa soap na Magdusa Ka na direhe ni Direk Maryo J. delos Re-yes sa afternoon soap ng GMA-7.

Regular cast din si Iwa sa Nuts Entertainment. Kung saan siya ang mada-las mag-co-host.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, July 18, 2008

TV ratings, July 16

Narito ang Mega-Manila overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 nu’ng MIYERKULES (Hul­yo 16):

SiS 12.9% vs. Boy and Kris 7.6%;
Marimar 17.7% vs. Game Ka Na Ba 14.2%;
Eat Bulaga 20.6% vs. Wowowee 16.4%;
Daisy Siete 17.7% at Magdusa Ka 23.4% vs. Ligaw na Bulaklak 14.7% at El Cuerpo del Deseo 19.8%;
Gaano Kadalas ang Minsan 23.3% at Go­bingo 16.9% vs. Wheel of Fortune 16.1%;
24 Oras 29.7% vs. TV Patrol 23.2%;
Asero 35.9% vs. The Singing Bee 25.3%;
Dyesebel 38.2% vs. Iisa Pa Lamang 22.6%;
Kim Samsoon 29.1% vs. My Girl 21.3%;
Dalja’s Spring 17.7% vs. Pinoy Dream Academy 20.5%;
Pinoy Idol Extra 9.5% vs. Artificial Beauty 13.6%;
Kung Ako Ikaw 8.7% vs. Bandila 7.5%;
Saksi 6.7%.

Labels:


Continue Reading...

Bong Revilla ayaw nang mambabae!

Malinaw ang posisyon ni Senador Bong Revilla. Kung hindi tatakbo sina Senador Jinggoy Estrada at Governor Vilma Santos sa pagka-vice-president sa taong 2010 ay buo ang kanyang planong kumandidato.

Nandun ang kanyang pagbusina, rerespetuhin niya ang desisyon ng kanyang mga kapwa artistang nasa mundo rin ng pulitika, handa siyang magpaubaya kung tatakbo sa pinupuntirya niyang posisyon ang kanyang mga kaibigan.

Malawak naman ang entablado ng pulitika sa kahit kaninong gustong maglingkod sa ating bayan, nasa puso ang pagseserbisyo, hindi yun puwedeng idaan sa pagpapakitang-tao lang.

Ang unang-unang gustong sugpuin ni Senador Bong kung bibigyan siya ng pagkakataon ng ating mga kababayan na manungkulan sa mas mataas na posisyon ay ang graft and corruption.

Totoo namang yun ang nagpapahirap sa ating bayan, masyadong malalaki ang bulsa ng mga tiwaling pulitiko na puro pansariling interes lang ang nasa utak, punumpuno na nga ang kanilang bulsa mula sa salapi ng bayan ay gusto pa rin nilang paapawin yun.

Wala silang kabusugan, mabuti pa nga ang mga literal na matatakaw at humihinto, kapag punumpuno na ang kanilang tiyan ay makikita mo na silang dumidighay sa isang sulok.

Pero ang mga tiwaling pulitiko, walang kabusugan ang kanilang mga kaban, hanggang meron silang nakikitang puwedeng pagkaperahan ay wala silang kapaguran.

Yun talaga ang dapat unahin ng mga mauupong lingkod-bayan, ang sugpuin ang kurakutan sa pamahalaan, nakakaawa naman tayong mga mamamayan na wala namang kinalaman sa kanilang mga tiwaling gawain pero tayo ang nagsasakripisyo sa kanilang mga kalokohan.

At nakakahiya ang kartada ng ating bayan, isa sa mga nangunguna ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang pinamumugaran ng mga kurakot na opisyal ng gobyerno, kilalang-kilala ang ating bansa sa usapin ng graft and corruption.

* * *

Sabi ni Senador Bong Revilla ay isa lang naman ang klase ng putik na puwedeng ibato nang personal sa kanya, yun ay ang pagiging chick boy, wala siyang imahe ng pangungurakot sa haba ng panahong nasa larangan ng pulitika na siya.

“Yun lang naman ang puwede nilang sabihin at ibira about me, ang pagiging chick boy ko, pero hindi na ako nambababae ngayon. Alam ng wife ko yan, alam niya na good boy na ako ngayon,” sabi niya na todo ang pagngiti nung minsang makakuwentuhan namin sila ni Lani Mercado.

Kung saang partido siya sasama ay hindi pa niya masasabi, ang mahalaga ay siya ang napupusuan ng kanilang partido para tumakbong vice-president, pero ang kanyang pagtakbo ay depende sa magiging desisyon nina Senador Jinggoy at Governor Vilma.

“Nagkausap na kami ni Jinggoy, sinabi niya sa akin na wala raw siyang planong tumakbo, gusto ko kasing malaman kung ano ang mga plano niya para wala akong masagasaan kung sakali man.

“Matunog din ang ikot ng balita na ta­takbo raw si Governor Vilma for vice-pre­si­dent, pero ang sabi naman sa akin ng mga close friends niya, sa Batangas muna siya magko-concentrate.

“Kailangan ko kasing irespeto ang decision nila, hindi ko itutuloy ang pag­kandi­dato kung meron akong masasaktan at matatapakan, mahalaga pa rin para sa akin ang friendship at ang respetuhan,” pahayag ni Senador Bong.

Kailan lang ay nagpunta siya sa Davao City at sa Aklan para alamin ang kalagayan dun ng ating mga kababayang matinding sinalanta ng bagyong Frank.

Pero hindi basta pangungumusta lang ang kanyang ginawa dun, may dala-dala na siyang tulong para sa mga nasalanta, aksiyon agad si Senador Bong Revilla dahil ang kalagayan ngayon ng mga sinalanta ng bagyo ay hindi na nangangailangan pa ng takdang panahon kung kailan sila mabibigyan ng suporta.

“Masyado akong nalulungkot sa mga nakikita ko, kalunus-lunos ang inabot nila nang dahil sa bagyo. Wala silang tirahan, wala silang pagkain, dun ko mas napatunayan kung gaano pa rin tayo kasuwerte,” pahayag ni Senador Bong Revilla.

[via]

Labels:


Continue Reading...

‘Jukebox queen’ makaka-bonding ni Regine Velasquez

BATA pa si Regine ay pa-milyar na siya sa songs na sumikat noong late ‘60s at early ‘70s.

Kasi, ito ang mga pa-borito ng kanyang parents at madalas nilang marinig na magkakapatid na inaa-wit ng mga ito.

Ngayong Sabado nang gabi’y ang jukebox queens na sina Eva Eugenio, Claire dela Fuente at Dulce ang tampok sa Songbird hos-ted by Regs a.k.a. Kim Sam Soon. Kaya naman ang future bride ni Ogie Da Pogi ay biglang naging dobleng excited na makadaupang-palad at maka-bonding ang mga idolo.

Sayang nga’t nasa Tate ang isa pang JB queen na si Imelda Papin.Sana’y na-buo ang barkada, devah? Ang mga walang kamata-yang songs na maririnig sa musical extravaganza ay: Isang Linggong Pag-ibig, Sayang, Tukso, Ako Ang Nagwagi, Saan Ako Nagkamali, Bakit Ako Mahihiya, atbp.

Tuwang-tuwang ibina-lita sa amin ng direktor ng show na si Louie Ignacio na mula nang ilipat ito sa Sa-turday ay lalong tumaas ang reyting sa program sur-veys. Kakaiba, kasi at tala-gang nakaaaliw pakinggan ang musika at panoorin ang napaka-glossy at class na set ni Rollie de Leon.

Just in case you don’t know, si Maestro Raul Mit-ra ang nagbibigay ng bago at napapanahong areglo sa mga awitin sa Songbird. “Binubusisi talaga ni Raul ang mga areglo. Minsa’y one day before the taping ay saka lang niya naipadadala sa’kin ang study tape. At isang oras bago ang taping proper ay sa-ka lang kami nagre-rehearse. Pero okey lang. Kabisado ni Raul ang kapasidad ko. Kaya, swak namang lahat ang areglo at nagiging smooth ang la-hat,” sey ni Ms. Songbird.

Sa buwang ito’y nag-se-celebrate si Mr. Songwri-ter Ogie Acasid ng kanyang ika-20 years sa showbiz. At kaugnay nito’y nag-release siya ng isang napaka-special na album (his 20th album) na ginawa ang launching sa SOP last Sunday. Grabe at bongga ang album dahil ang contents nito’y mga pinasikat ng mga maituturing na ‘le-gend’ sa larangan ng musika.

Singers na sinasaluduhan at naging inspirasyon ng ‘ismol bat teribol’ na si-nger, composer, product endorser, TV host at comedian. Ayon kay Ogie ay na-ging malaking influence sa kanya sina Rey Valera, George Canseco, Hadji Ale-jandro, Basil Valdez, Leah Navarro, Bituin Escalante at Ryan Cayabyab. Kaya naman dapat lang na sa isang natatangi at memo-rable album ay kasama si-la.

Natural na proud naman si Regine sa kanyang mister-to-be na bukod sa sikat ay respetado ng publiko at mga kapatid nila sa showbiz.

Sa mga nagtatanong kung kelan ang kasalang Velasquez-Alcasid, ito lang ang aming masasabi: Kapag naayos na ang pagpapawalang-bisa ng kasal ni Ogie kay Michelle Van Eimeren ay asahan ninyo ang isang engrandeng event. “Regine deserves the best. Si-sikapin kong ang aming wedding ay naiiba at makakapagpaligaya sa kanya,” sey ni Ogie.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Diana Zubiri at Wendell Ramos?

HANGGANG friends lang talaga sina Diana Zubiri at Marvin Agustin kahit mag-partner sila ngayon sa Gaano Kadalas ang Minsan? ng GMA- 7.

Kasi, wala nang ingay ang mga nasulat noon na diumano’y ‘sweetness’ ni-la sapul nang nagsimula ang airing ng afternoon soap nila sa GMA-7.

Mas pinag-uusapan pa ngayon ang pagiging sweet sa isa’t isa nina Diana at Wendell Ramos sa set ng Bubble Gang na napapanood tuwing Friday night.

Alam ba ninyong madalas makita sa taping na holding hands sina Diana at Wendell?

At madalas ding na-huhuli silang magkayakap nang mahigpit.

Eh, ano pa kaya ang ginagawa nila kapag walang nakakakita sa kanila?

Panauhing makikigulo sa Bubble Gang sina Dennis Trillo, Michelle Madrigal at Tuesday Vargas.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, July 17, 2008

Tariq, the Filipino-Syrian in "Prince Charming"

TINUPAD ng producer ng Focus E. Inc. na si Joy Cancio ang pangakong premyo sa mananalong Mr. Prince Charming sa nakaraang pakontest para sa ika-18 season ng Daisy Siete, na “Prince Charming at Seven Maids.”

Ang binatang suwerteng nanalo ay si Tariq, isang Filipino-Syrian from Olongapo at introducing sa “Prince Charming.” Ang dalawa pang nanalo sina Sean Oh at Mark Alejandro.

Sa tatlo si Tariq ang pinakamatatas magsalita ng Tagalog at marunong umarte.

Tariq ang pangalan niya dahil Syrian mestisa ang nanay niya.

Filipino naman ang erpat niya, kaya’t ha-sang magsalita ng Ta-galong.

May potential si-yang sumikat, at ma-laking attraction sa mga matrona at ba-ding ang pagiging leading man ni Tariq sa bidang si Rochelle Pangiinan.

Nag-iilusyon silang maagaw si Tariq, kay Rochelle kahit sa pangarap lang.

Hindi nga ba, nabalita, may nagwala noong kunan ang kissing scene nina Tariq at Rochelle sa isang farm sa Indang, Cavite. Hindi kuno matanggap nito, na naagawan pa siya ni Rochelle sa poging actor ng Focus E. Inc.

Pero sa totoo lang, malaking laban ni Rochelle sa nag-iilusyong mahalin si Tariq, dahil isang ORIG na babae si Rochelle.

“Friends lang kami ni Rochelle.,” showbiz na sagot ng binata, kapag may nagtatanong kung sila ba talaga ngayon?

Mahirap din kasing piliting sumagot si Rochelle, dahil malihim din ang babaing ito.

Ayaw na kasing umibig kaagad ni Rochelle buhat noong matansong love siya ng isang nakarelasyon noon, pero fake pala.

Bagong kapareha ni Lovi Poe si Tariq sa prog-ramang Maynila, first guesting ng binata.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Paolo Paraiso expert sa babae at lalaki

DARING na Paolo Paraiso ang mapapanood sa Imoral, isa sa mga pelikulang mapapanood sa Cinemalaya Film Festival at ang very first cut ay sa July 19 sa Cultural Center of the Philippines. Showing din ang pelikula sa IndieSine Robinsons Galleria starting August 6. Produced ito ng Videoflick Productions Inc., at Bicycle Pictures sa direksyon ni Adolf Alix Jr. the same team that brought to us Daybreak and Adela.

Role ng isang taxi-driver husband ang role ni Paolo na hinahati ang oras sa kanyang lover at asawa at sama-sama sila sa iisang bahay. Hindi ang pagka-model ng actor ang makikita rito, kundi isang sensitive actor at daring sa kanyang love scenes sa babae at lalake.

Kasama ni Paolo sa Imoral sina Katherine Luna as his wife, Arnold Reyes as his lover at Edgar Allan Guzman in a very special role.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Muling pag-aasawa ni LT may bendisyon ni Daboy

NAPAG-USAPAN nga pala sa nabanggit na gathering ang tungkol sa 40th day ng kamatayan ni Rudy Fernandez. Since nandun si Lolit Solis, talent manager nina Lorna Tolentino at ang namayapang si Rudy, may nagtanong kay Lolit, casually and hypothetical, kung feel niya na mag-aasawa pa si Lorna.

After all, she is still so beautiful and doesn’t look her age. She’s 46.

Ayon kay Lolit, kung ngayon ang pag-uusapan, wala siyang dudang sasabihing hindi na mag-aasawa si Lorna. As it is nga raw, ayaw harapin ni Lorna ang katotohanang wala na si Rudy.

Ni isang piraso raw na gamit nito na naiwanan ay ayaw man lang nitong i-touch. Including ‘yong mga regalong natanggap nito on his last birthday in March.

Pero, ayon pa rin kay Lolit, mismong si Rudy daw, bago ito binawian ng buhay, ay nagsabi kay Lorna na huwag mag-atubiling mag-asawang muli.

Bilin nga lang daw ni Rudy, sisiguraduhin lang ni Lorna na ang lalaking pipiliin nitong makapalit niya sa puso ni Lorna ay hindi mas bata kay Lorna.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, July 16, 2008

TV Ratings, July 14

Narito ang Mega-Manila overnight ra­tings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 nu’ng LUNES (Hulyo 14):

SiS 9.7% vs. Miss Universe 16.7%;
Marimar 13.4% vs. Game Ka Na Ba 19.1%;
Eat Bulaga 20% vs. Wowowee 15.7%;
Daisy Siete 21.5% at Magdusa Ka 24.2% vs. Ligaw na Bulaklak 14.3%;
Gaano Kadalas ang Minsan 22.7% vs. El Cuerpo del Deseo 18.4%;
Gobingo 18.8% vs. Wheel of Fortune 19.1%;
24 Oras 32.8% vs. TV Patrol 25.9%;
Codename: Asero 40.1% vs. The Singing Bee 25.5% at Iisa Pa Lamang 24.3%;
Dyesebel 40.5% vs. My Girl 21.7%;
Kim Sam Soon 27.7% vs. Pinoy Dream Academy 19.4%;
Dalja’s Spring 18.3% vs. Artificial Beauty 13.8%;
Pinoy Idol Extra 12.7% at Kung Ako Ikaw 8.9% vs. Bandila 8.8%;
Saksi 7.1%.

Labels:


Continue Reading...

Yasmien Kurdi: Ayokong magmukhang cheap

IS she really a vegetarian? we asked Yasmien Kurdi at the presscon of “Loving You,” her first movie with JC de Vera produced by Studiomax. “I am,” she says. “Nagkamali lang po si Nay Lolit when she said on TV that I’m not. Talagang puro gulay na lang po ang kinakain ko kasi nga tabain ako.”

She and JC have done three hit teleseryes as a love team. What is the chance of “Loving You” at the tills? “Siyempre, kabado kami dahil first movie nga namin ito and we’re hoping our fans who supported us on TV will also watch this on the big screen. Hindi naman kami mapapahiya kasi maganda talaga ang stories dito. We’re not the only stars here as there are three other teams: John Prats-Ehra Madrigal, Aljur Abrenica-Kris Bernal, and Jean Garcia-Polo Ravales. Bawat isang pair, may sariling magandang story. In the case of JC and I, we’re childhood best friends who don’t realize that we are really in love with each other. Nagkaroon siya ng ibang girlfriend, Andrea Torres, at ako naman, si Brent Javier. We try to suppress our feelings for each other and our love lives only become more complicated.”

Is it true she’s jealous because JC was paired with former girlfriend Michelle Madrigal in “My Monster Mom” and with Rhian Ramos in the new TV show, “La Lola” “I want to make it clear na hindi po ako nagseselos at hindi ko inaaway sinuman kina Michelle at Rhian. Buhay nila ‘yun, bakit ako makikialam? Isa pa, nagmumukha akong cheap na ako pa ang lumalabas na naghahabol kay JC. Hindi ako naiirita at all kahit sinuman ang ipareha sa kanya.”

But does she like JC? “Of course, enjoy akong katrabaho siya. Ang inaamin ko, naiinggit ako sa kanya kasi ang lakas-lakas niyang kumain, pero hindi siya tumataba at all. Unlike me, tingnan ko lang yata ang pagkain, nadagdagan na agad ang timbang ko. Isa pa, si JC, nakakatuwang katrabaho kasi he comes on the set prepared, memorized na ang lines niya at masaya siyang kabatuhan ng linya. Comfortable na ako sa kanya. Ngayon ngang wala kaming tine-tape na show, nami-miss ko siya kasi dati, halos araw-araw nagkikita kami sa taping. But I guess magkikita kami uli ng madalas to promote ‘Loving You’.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Dear Friend with Jolina Magdangal at Marvin Agustin

Ibinabalik ng GMA 7 ang tambalan nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa afternoon show na Dear Friend na magpi-premiere sa July 20, after Pinoy Idol. Kakaibang drama anthology ito featuring true and personal stories from letter sent by televiewers at ang dalawa ang magbibigay ng advice.

Unscripted ang advice nina Jolina at Marvin at galing talaga sa kanila. Nagbiro si Marvin na magwo-walkout sa taping ’pag galing sa script ang ibibigay nilang payo.

“Masarap. Working with Jolina again, the chemistry was there at and’yan pa rin ang bubbly Jolina na nakilala ko eversince. Kaya siguro kami ang piniling mag-host, dahil magagawa namin ito ng walang script,” sabi ni Marvin.

Sabi ni Jolina, kaya sila ni Marvin ang napili dahil they’ve been working together for the longest time at gamay na nila ang isa’t isa. Hindi siya nag-second thought na tanggapin ang project nang i-offer sa kanya’t kakaiba ang format at sa direksyon ni Jun Lana.

Siyanga pala, first time naming narinig “nagtaray” si Jolina nang may magbanggit na ’di siya kilala ni Gabby Concepcion as Jolens.

“I feel sorry for him, na-pull out (binalik na sa ibang outlet) yata ang Lucida. Bina-base ko lang sa napanood ko sa TV ito, ha! Ayaw ko siyang pag-usapan, wala siya sa scheme of things and subconscious mind ko,” litanya ni Jolens.

Halimbawa sumulat sa Dear Friend si Gabby, ano ang maipapayo niya?

“Bigyan niya ng time ang dad niya, mag-effort siya. ’Di ba sabi niya, kaya siya umuwi, dahil sa daddy niya?”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Ciara Sotto nagtinda ng cellphone sa US

Isang taon ding namalagi sa Las Vegas si Ciara Sotto. Dinagdagan na ng Anna ang pangalalan niya sa mungkahi ni Joey de Leon simula pa noong kumanta siya sa laban ni Manny Pacquiao para raw may marinig na bago tungkol sa kanya ang mga Pinoy doon.

Sa isang taon niya sa Vegas, inamin ni Ciara na lungkot ang naging kalaban niya pero nilabanan niya ito dahil mayroon siyang gustong patunayan sa kanyang sarili at sa mga nagtitiwala sa kanya. Hindi naman siya nabigo, pagkatanggap niya ng permit, puwede nang magsimula ang kanilang show na Fever sa Las Vegas na kung saan ay pinangungu­na­han niya ang cast na binubuo ng anim na babae at dalawa rito ay kapareho niyang Pinay, sina Karlyn Bay at Rizza Navales at tatlo pang Kana.

Si Lani Misalucha ang nag-rekomenda sa kanya para mapasama rito. Nung Pebrero pa sila nagsimula ng rehearsal para rito. At habang naghihintay sila ng pagsisimula ng Fever sa Las Vegas, naging abala sila sa pagtu-tour sa US para sa promosyon ng musical play.

Habang naroroon, nakapag-record siya ng isang album, ang If You Love Me na ipamamahagi rito ng SonyBMG Music Entertainment. At habang naririto siya at may dalawang linggong pahinga from Fever, ipo-promote niya ang kanyang album na pinagtu­lungan nilang mabuo ng kanyang ama, ang dating senador Tito Sotto na binigyan nga pala siya ng credit card para magamit sa US pero hindi niya ginamit. Sa halip, nagtinda siya ng cellphone sa mga off days niya para may magastos siya.

Mas gumaling nang singer si Ciara, marami ang na-impress sa kanya sa launch ng kanyang album sa Teatrino kamakailan. Hindi lamang ito, mas gumanda siya, bumagay sa kanya ang bago niyang hairstyle at make-up.

Ang title track ng album, ang If You Love Me ay nilagyan ng Tagalog lyrics ni Joey de Leon for local release. Kasama rin sa album ang English-French version nito bilang bonus track.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Ogie Alcasid: turning heartaches as monster hits

Turn heartaches into monster hits. That’s Ogie Alcasid’s biggest contribution to humanity’s fight against global warming. Believe me his songs can make flowers bloom!

“It’s a force that evokes so many emotions. It’s so easy to draw from it when I’m writing songs. Heartache sells more than falling in love. It’s like a wickedly bitter coffee that’s so devilishly delicious when you sip it first thing in the morning when you wake up,” Ogie enthuses.

Ogie is the friend everyone wants to have. He is gentle, proper, funny; he also prefers to have sex with lights on. No, he doesn’t want to be taller. He’s tall, just smaller than Kobe Bryant. Everything about Ogie is big. “Small brother” is a misnomer to someone who has gigantic presence and charisma. Ogie proved that the ordinary can be extraordinary with tenacity, hard work, focus and a burning desire to be the best. And a huge talent that he nurtures with love and respect for his public. “I do think about my public when I write my songs. I will never write anything that is vulgar or demeaning and derogatory.”

“Songwriting for me is like painting to a painter. I will start something and if I can’t feel the flow, I will discard it and continue writing another day. If the creative juice gets going then I finish a song in one sitting.”

Try listening to Ogie’s songs and you will hear him tell a story that is so familiar because very often it is your story. Then you become friends because he articulates what your heart wants to say. His musical discourse is so Pinoy; his songs are the anthems of friends, neighbors, and countrymen who are battered by storms, jilted by lovers, violated by satanic fuel prices, broken by unfulfilled promises — but hopeful, always hopeful.

His songs both warm and rend the heart. They’re honest, surprising and fun.

Asked about his Top 5 all-time favorite songs that he composed, he wrote the following:

1. Kailangan Kita — It is sweet and loving. A very personal song that is close to my heart.

2. Ikaw Ang Aking Pangarap — My song for Regine.

3. Wag Ka Lang Mawawala — A song that reminds me of the inner turmoil I had during a very difficult time in my life.

4. Panginoon — My personal prayer to our Heavenly Father.

5. I Will Be Here — My song to my children.

Look at his choices carefully. You wouldn’t miss how personal he is with his musical poetry. They chronicle his journey. They capture his story so eloquently and somewhere in his songs, he tells every man’s story. And you are comforted or inspired because your words are his, his words are yours.

He says love is God without being messianic. And if Regine Velasquez were a flower, she would be sampaguita, very simple, fragrant and humble. And if he were an animal, he would be a dog because he would be man’s best friend.

Ogie’s odyssey hasn’t always been easy. He barged into the music industry armed with enormous talent and unwavering faith that a dream was going to come true. He’s always wanted to be a singer/composer. Amidst rough sailing, he stuck to his guns, fired them without hesitation when necessity called for it —survived and hallelujah, made it.

He took risks both personally and professionally. When music genres changed quicker than a blink, he continued to write songs of the heart. When the airwaves were dominated by angst, angry music, he stuck to his stories of love. He remained gentle amidst belligerent Trojan warriors, never doubting, never hesitating, never trembling.

Ogie always knew the core of his music. And this is his fundamental strength.

On the personal side, like all of us, he loved, lost, cried, laughed, stumbled. He came out wounded, scarred, broken and alive — humbled, happy, wiser and sexier. And yes, Ogie is sexy. (Go ask Regine!).

Ogie is a better man because of his music. His music is better because he is a better man.

He loves to talk about his music. “The hardest piece I wrote was the music for the animation movie, Urduja. The easiest would be Kailangan Kita. It just flowed. Some of the songs that I wrote in a lonely state of mind would be Wag Ka Lang Mawawala, Kahit Na Malayo Ka, Kung Mawawala Ka, Bakit Ngayon Ka Lang, Ikaw Sana. Some of the songs I wrote in my happy state would be, Pangarap Ko Ang Ibigin Ka, Mahal Kita Walang Iba, Kailangan Kita and Ikaw Ang Aking Pangarap.”

What about fame which can be toxic? What has it done to him? “It has humbled me. I feel indebted to every person that has had the experience of watching my shows or buying my music.”

On Regine’s birthday last April, Ogie wrote her a love letter. He continues to be a devoted father to his lovely kids. Last night of the world, who do you want to spend it with? I asked him. “My loved ones. Kahit si Scarlett Johansson na rin.”

If you were a song, what would you be? I whispered. “I’m Handog by Florante. Tatanda at lilipas din ako, ngunit may awitin….”

And I say, Bravo Ogie and thank you.

Last question, does size matter? Or should I be asking Ogie this question? I think I should reserve this for someone small.

[via]

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites