<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, August 31, 2008

Showbiz Kuya Germs di sinipot ang reunion ng That’s

With due respect to Kuya Germs (Moreno), a fellow PSN columnist, gusto ko lang itanong kung dala ba ng kanyang pagiging sobrang busy kung kaya’t he was not able to make it to the Tuesday group (of That’s Entertainment) reunion at the Capische (at Metrowalk) Wednesday night?

Too busy, o hindi pa handa ang master showman to meet up with Billy Crawford face-to-face? Present at the event were Ara Mina, Jeffrey Santos, Raffy Romillo and Billy, among others. Pero bilang kurte­siya, inimbitahan naman daw si Kuya Germs.

Nakunan ng Rated K ni Korina Sanchez ang reunion na ’yon which is tonight. Kuya Germs might have something to say on this in his column here.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Katrina or Iwa: Who’s got more sex appeal?

THIS September, Katrina Halili and Iwa Moto grace the covers of Maxim and FHM, respectively.

Both are products of StarStruck and certified Kapuso stars; and they are now pitted against each other in the sexy cover department. Between the two, Katrina is sexier than Iwa " with or without computer retouch. She has all the qualities of a sex goddess " sexy body and animalistic appeal. She knows how to project lust and desire. And Katrina does this best in magazine pictorials.

As for Iwa, she needs to lose weight as she looks flabby. Although she always claims that it is not her intention to be sexy. B There is more pressure on her as she has to prove that she can sell a magazine. In fairness, she has been consistently in the FHM’s top sexiest women list. However, she has not topped it yet while Katrina has been FHM’s sexiest woman twice in a row. She could have made it on the third time had Marian Rivera not been voted as FHM’s 2008 Sexiest Woman. Remember the issue that GMA had hand in the latter’s victory?

The recent voting was highly-monitored and controversial as it was a toss-up among the country’s goddesses " Katrina, Marian and Angel Locsin " for the top position.

Now, all eyes are on Katrina and Iwa as to who will sell more copies of the men’s magazines that featured them. Iwa has more points over Katrina because FHM is perceived to have more subscribers than Maxim. So, there’s the challenge for Katrina.

But why did Katrina pose for an ABS-CBN publication? Just asking.

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Saturday, August 30, 2008

TV Ratings, Aug 26th to 28th

August 26 (Tuesday)

Non-Primetime:

SiS (GMA-7) 10.9%; Boy & Kris (ABS-CBN) 9.7%

Marimar (GMA-7) 19.6%; Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) 15.2%

Eat Bulaga! (GMA-7) 21.8%; Wowowee (ABS-CBN) 16.9%

Daisy Siete (GMA-7) 18.4%; Ligaw Na Bulaklak (ABS-CBN) 13.5%

Magdusa Ka (GMA-7) 22.3%; El Cuerpo del Deseo (ABS-CBN) 16%

Gaano Kadalas ang Minsan (GMA-7) 22.3%; Las Tontas (ABS-CBN) 8.8%

Primetime:

Gobingo (GMA-7) 17.6%; Kapamilya, Deal Or No Deal (ABS-CBN) 16.9%

24 Oras (GMA-7) 32.4%; TV Patrol World (ABS-CBN) 25.4%

Codename: Asero (GMA-7) 35.2%; The Singing Bee (ABS-CBN) 29.2%

Dyesebel (GMA-7) 36.9%; Dyosa (ABS-CBN) 27%; Iisa Pa Lamang (ABS-CBN) 25.6%

Ako Si Kim Samsoon (GMA-7) 27%; My Girl (ABS-CBN) 24.4%

My Husband’s Woman (GMA-7) 16.1%; Pinoy Dream Academy (ABS-CBN) 16.5%

World Records (GMA-7) 13.7%; Bandila (ABS-CBN) 6.8%; Saksi (GMA-7) 10.2%

August 27 (Wednesday)

Non-Primetime:

SiS (GMA-7) 10.4%; Boy & Kris (ABS-CBN) 10.6%

Marimar (GMA-7) 17.7%; Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) 16.9%

Eat Bulaga! (GMA-7) 23.4%; Wowowee (ABS-CBN) 19.5%

Daisy Siete (GMA-7) 20.3%; Magdusa Ka (GMA-7) 21.8%; Ligaw Na Bulaklak (ABS-CBN) 15.3%

Gaano Kadalas ang Minsan (GMA-7) 23.5%; El Cuerpo del Deseo (ABS-CBN) 17.7% Las Tontas (ABS-CBN) 9.4%

Primetime:

Gobingo (GMA-7) 17.2%; Kapamilya, Deal Or No Deal (ABS-CBN) 20.7%

24 Oras (GMA-7) 31.8%; TV Patrol World (ABS-CBN) 25.7%

Codename: Asero (GMA-7) 35.2%; The Singing Bee (ABS-CBN) 29.1%

Dyesebel (GMA-7) 39.9%; Dyosa (ABS-CBN) 26.6%

Ako Si Kim Samsoon (GMA-7) 27.1%; Iisa Pa Lamang (ABS-CBN) 26.2%; My Girl (ABS-CBN) 24.6%

My Husband’s Woman (GMA-7) 16.2%; Pinoy Dream Academy (ABS-CBN) 18.4%

Masquerade (GMA-7) 15.6%; Bandila (ABS-CBN) 6.6%; Saksi (GMA-7) 9%

August 28 (Thursday)

Non-Primetime:

SiS (GMA-7) 13%; Boy & Kris (ABS-CBN) 10.6%

Marimar (GMA-7) 20.6%; Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) 15.9%

Eat Bulaga! (GMA-7) 23.4%; Wowowee (ABS-CBN) 19.3%

Daisy Siete (GMA-7) 21%; Ligaw Na Bulaklak (ABS-CBN) 15.7%

Magdusa Ka (GMA-7) 24%; El Cuerpo del Deseo (ABS-CBN) 16.6%

Gaano Kadalas ang Minsan (GMA-7) 22.4%; Las Tontas (ABS-CBN) 6.9%

Primetime:

Gobingo (GMA-7) 12.9%; Kapamilya, Deal Or No Deal (ABS-CBN) 13.1%

24 Oras (GMA-7) 30.4%; TV Patrol World (ABS-CBN) 24.2%

Codename: Asero (GMA-7) 36.7%; The Singing Bee (ABS-CBN) 27.1%

Dyesebel (GMA-7) 40.9%; Dyosa (ABS-CBN) 26.1%; Iisa Pa Lamang (ABS-CBN) 26.7%

Ako Si Kim Samsoon (GMA-7) 31.2%; My Girl (ABS-CBN) 25.4%;

My Husband’s Woman (GMA-7) 20.5%; Pinoy Dream Academy (ABS-CBN) 22%

Obra (GMA-7) 16.3%; Bandila (ABS-CBN) 10%; Saksi (GMA-7) 10.4%

Labels:


Continue Reading...

Francis M. bawal dalawin prone sa infection

Maraming kuwento si Maxene tungkol kay Francis na mabait na pasyente dahil sinusunod niya ang lahat ng mga advise ng doktor.

Hindi na nakakasama ni Maxene sa mga showbiz function ang kanyang nanay na si Pia dahil ito ang nag-aalaga kay Francis.

Inamin ni Maxene na cry talaga siya nang malaman niya na may leukemia si Francis pero sandali lamang ang kanyang pag-iyak. Wala raw mangyayari kung iiyak siya dahil napaka-strong ng tatay niya.
* * *

Bihirang dumalaw sa ospital si Maxene at ang kanyang mga kapatid dahil prone pa sa infection si Francis.

Pero araw-araw silang nag-uusap ng tatay niya with matching text messages at mms pictures.

Lalo raw naging close ang kanilang pamilya mula nang magkasakit si Francis. Hindi masabi ni Maxene kung paano nagkaroon ng leukemia ang kanyang ama dahil sa angkan nila, si Kiko lamang ang nagkaroon ng ganoong karamdaman.

Hindi sanay si Kiko na walang ginagawa kaya gusto na niyang sumabak sa trabaho, kapag nakala­bas na siya ng ospital pero ayaw, pumayag ng kanyang doktor.

Hindi pa puwedeng pumunta si Francis sa mga lugar na maraming tao or else, baka magkaroon siya ng infection.
* * *

Touched na touched si Francis at ang kanyang buong pamilya sa mga dasal at suporta na kanilang natatanggap mula sa mga tao na hindi nila kilala.

Hindi raw nila inaasahan na marami pala ang nagmamahal sa kanya. Ganyan din ang naranasan nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino.

Nagugulat na lang sila sa mga tao na lumalapit sa kanila at nagbibigay ng comforting words at encouragement.

Noong nabubuhay pa si Daboy, palagi niyang sinasabi sa akin na talagang touched siya sa mga tao na hindi niya kilala pero ipinagdarasal ang kanyang paggaling.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Richard Gutierrez , mahal at pinagmamalasakitan ng GMA Network

“Humihingi ako ng paumanhin kay Annabelle (Rama). Pero, hindi dahil may nagawa akong mali sa kanila. Ang inihihingi ko ng sorry, because maybe they are misinformed they feel bad. I feel sorry na nagalit sila. Pero, hindi ako naga-apologize dahil sa may nagawa ako laban sa kanila. Hindi ko tinatanggap ‘yun,” maririing wika ni SVP for TV Entertainment ng GMA Network na si Wilma Galvante.

Nakausap ng entertainment press si Ms. Galvante nang magpatawag ng press conference ang Kapuso upang ibalita ang kanilang mga bagong programang bubuksan.

Pero, ang napagtuunan nang husto ng tanong ng member of the press ay ang reaction ni Ms. Galvante sa isang interview kay Annabelle Rama na diumano’y ang lady executive ng GMA-7 ang may pakana ng lahat tungkol sa pagsabay ng Let’s Celebrate: The Dingdong-Marian Birthday Blow-out sa opening ng pelikula nina Richard at KC na For the First Time.

“Personally, we do not have any quarrel ni Annabelle. Regarding her talents, lalung-lalo na sa anak ni-yang sina Richard at Raymond, we do not violate any contract with them. Up to 2010 pa ang kontrata ni Richard sa GMA. Pero, matindi ang confidentiality clause ng kontrata kaya hindi ko puwedeng i-discuss. Ang pinagsimulan lang yata ng sama ng loob niya ay itong pag-kakatapat ng Let’s Celebrate sa opening ng For the First Time.

“Pero balita ko, ang laki ng kinita ng pelikula nina Richard at KC sa opening nito kaya obvious na hindi naapektuhan ang pelikula nila.Siguro naman ay malamig na ang ulo ngayon si Annabelle.”

Hindi pa raw nagkikita ngayon sina Ms. Wilma at Annabelle kaya hindi pa alam ng una kung lumamig na nga ang ulo ng huli. Pero sa panig daw ni Ms. Galvante, hindi kailanman si-ya naapektuhan ng mga pinagsasabi ni Annabelle la-ban sa kanya dahil noon pa raw niya kilala ang ugali ng mother ng GMA-7 talents na sina Richard at Raymond.

“At ayokong patulan ang mga ganyan. It’s not very productive,” aniya.

Kung ang Let’s Celebrate: The Dingdong-Marian Birthday Blow-out ang dahilan talaga ng sama ng loob ni Annabelle. Hindi naman daw niya kasalanan na maitapat ito sa opening ng For the First Time.

“The schedule was not my personal choice. Pinagmiti-ngan ‘yun. Fully booked na kasi talaga ang Araneta at the only date that Araneta gave us was August 27. I do not want to spend negative thoughts with what Annabelle Feels.

“Annabelle as a person has a good side. ‘Yun na lang ang titingnan ko. It’s not in our nature na mang-away din,” say pa ni Ms. Galvan-te.

Sa mga pinagsasabi ngayon ni Annabelle Rama against her at sa GMA-7, makaaasa raw ang pamil-ya-Gutierrez at mga fans ni Richard na walang gantihang magaganap.

“Mahal na mahal ng GMA si Richard at pinagmamalasakitan namin ang kapakanan niya,” wika pa ni Ms. Wilma.

Sa tingin namin, nag-over react lang talaga si Annabelle Rama.

Kasi naman papa-anong maaapektuhan ng isang gabing show ang pelikulang one week or more then a week na ipapalabas sa mga sinehan?

Napakaganda ng kinita ng For the First Time sa opening day nito. At hanggang ngayon, pinipilahan pa sa box-office ang first team-up nina KC at Ri-chard.

Maaaring ang sama ng loob, sa kung anong dahi-lan, ni Annabelle kay Ms. Wilma ay naipon lang, at nagkaroon lang ng dahilan ngayon ang over protective mother nina Ruffa, Ri-chard at Raymond para ibuga ang init ng ulo.

Dasal namin ang pagkakaayos ng dalawa sa lalong madaling panahon bago tuluyang maapektuhan ang relasyon ng Gutierrez family at GMA Network.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, August 29, 2008

Commedienne Zorayda Sanchez dies of cancer

Commedienne Zorayda Sanchez dies of cancer.

For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Thanks to GMANews TV.

Labels:


Continue Reading...

Benefit show for Francis Magalona

As a gesture of gratitude, pinangungunahan ni Ely Buendia ang isang benefit show para kay Francis Magalona on the CCP grounds this Saturday. Matatandaan na sinimulan ni Kiko ang pangangalap ng suporta from the country’s leading bands in support then of Ely no’ng maatake ito sa puso.

Now, it’s payback time, ’ika nga. Kahit na anong program thought that it would be nice to feature the CCP live show if only for the collective effort bilang pagtulong kay Francis. But there are hitches though.

Ayaw daw kasing pakunan ng misis ni Ely na sa Dianne ang event na ’yon, barring all TV programs na gustong i-cover ’yon. Despite persistent attempts na kumbinsihin daw ang Dianne na ’yon for the event coverage ay ayaw pa rin nito.

Hindi tuloy napigilan ang isang columnist-TV host sa nais niyang iparating kay Dianne: “Pakisabi sa kanya na ang arte-arte niya!”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wilma Galvante: GMA-7, ’di takot kay Annabelle Rama

PINALIPAS muna ni Wilma Galvante, SVP for TV Entertainment ng GMA Network ang Let’s Celebrate! Birthday Blowout nina Dingdong Dantes at Marian Rivera bago ilatag sa press ang saloobin niya sa mga nababalita at nasusulat sa kanila ni Annabelle Rama. Bago sagutin ang mga tanong ng press, ipinaabot muna nito ang congratulations sa box-office success ng pelikulang For the First Time nina Richard Gutierrez at KC Concepcion at masaya ring ibinalitang successful ang birthday special nina Dingdong at Marian.

More of a Q&A ang pagharap ni Wilma sa press, sinagot nito ang mga tanong at nagpapaliwanag kung kinakailangan.

Ano ang mangyayari sa future relationship ng GMA-7 kay Annabelle, being a talent manager at supplier ng talent?

“Personally, we do not have any quarrel with Annabelle. Wala akong quarrel with her and we have not violated any contract with her. We’re always careful in implementing the contract. Wala talagang away.

“Ang pinagmulan, as far as the issue is concerned, ay ang date ng birthday special at opening ng movie. Hindi namin hawak ang booking and I was told, fully booked ang August 29 and 30.

“If you have two major stars who will celebrate their birthdays in the same month, kung producer ka, this mattered for a special. This is business, puwede mong i-hype, puwedeng i-celebrate. At ’pag special, culminating event ’yun.”

Pinaliwanag ni Wilma na bukod sa wala na silang makuhang ibang date, naging busy sina Marian at Dingdong at ang ending, ang only date available ay August 27 nga.

“Walang masamang intensyon, walang malisya on our mind nang gawin ‘yun. It was approved by the programming committee, the body na gumagawa ng important decision. Birthday ng dalawa at ito lang ang available date sa Araneta at ’pag special, dapat sa Araneta, walang ibang venue.

“Matapos ang lahat, nabalitaan ko, maganda ang performance ng movie at maganda rin ang nangyari sa special. Makikita mo, ’pag good project, ipa-patronize ng tao. Ang show ay one-night lang and for the fans, and we have a very good special to air on Sunday.”

Ayon pa kay Wilma, hindi nila gusto kung nagkaroon man ng misinformation o bugso ng damdamin. Wala silang control doon at ang kontrolado lang nila’y ang kanilang reaksyon.

“Our reaction is to keep quiet. It is not in our nature para mang-away. We do not do that. Conflict is not our nature. Hindi namin sasadyain ang manira ng iba… most especially mga artistang inaalagaan natin.”

Hindi pa nagkikita at nagkakausap sina Wilma at Annabelle mula nang magka-isyu sila. The last time they met ay sa party ng isa nilang common friend at nagbeso-beso sila, pero sinabi na raw ni Annabelle na galit ito sa kanya at in-explain naman niya ang side ng network.

Umokey daw si Annabelle, pero kinabukasan, galit na uli.

Tinanong si Wilma kung disappointed sa naging reaction ni Annabelle?

“Kapag kilala mo ang isang tao, pati reaction mo, mapag-aaralan mo na. Will you be scared? You know how will you react and I’m okay”.

Any comment sa naging reaction ni Sharon Cuneta sa TV show nito?

“Tingin ko, nadala rin lang siya ng damdamin niya. Sana maunawaan niyang there was no malice intended… wala talaga. As I said, I can’t control how other people will react.”

Naiintindihan din ni Wilma kung bakit siya ang inaway ni Annabelle, dahil head siya ng entertainment group ng network, pero inire-report lang daw sa kanya ang lahat.

“I am responsible and I will stand up and I will be the one to explain. I am responsible for that,” wika nito.

Sa mga nagsasabing hindi puno ang Big Dome, ang sabi ni Wilma, masaya sila sa volume ng tao na pumasok, kung 8,000 man ’yun, istrikto raw ang Araneta at may policiy na no ticket, no entry.

May two bus load of fans from Laguna na hindi nakapasok dahil walang tiket.

“Naghigpit din ang security at double security sa gabi ng special dahil sa rehearsal, may nakitang lalaking naka-fatigue na may dalang baril. Pumasok siya sa CR, naiwan ang baril at tamang may staff na pumasok sa CR, kinatok siya para kunin ang baril. Ang sabi, security daw siya at biglang lumabas. Nang sinundan, hindi na nakita. Ang Araneta ang tumawag at nagdagdag ng security.”

Magtatapos sa 2010 ang kontrata ni Richard sa GMA Network, pero may confidentiality clause ’yun at ayaw i-touch ni Wilma.

Inalam ng press kung totoong sinabi nito sa isang interview na handa ang network halimbawang inalis ni Annabelle si Richard sa Channel 7?

“Oo, sinabi kong prepared kami. I-a-address mo ’yun ’pag may ginawa sila, you have to be prepared what to do next. Pero, ’di ibig sabihin, handa kaming mawala siya, that’s why we have a contract. But it’s not going to be my sole decision.”

“Kung iniisip ninyo ligalig kami, wala. Kung wala kang masamang intention, kahit anong tirades ang dumating sa ’yo, ’di ka maliligalig. Hindi mo naman mako-control ’yun. Ang masasabi ko rin sa mga nangyari, kung sumama ang loob natin, humihingi ako ng paumanhin. Hindi ko rin gusto na may negative reaction. Kundi naintindihan, they were misinformed for their being negatively affected.”

Nilinaw ng press kung kay Annabelle ba nagso-sorry si Wilma sa paghingi niya ng paumanhin.

“I am sorry not because I’m at fault. I feel sorry on how they react to it. I feel sorry na nagalit sila, nagkaroon ng bugso ng damdamin. Pero, inuulit ko, there’s no malice intended.”

Sinagot na rin ni Wilma ang sinasabing takot siya o ang network kay Annabelle.

Sabi nito: “Hindi takot ang network kay Annabelle Rama. We have a professional relationship that we try to implement as best as we could.”

Takot ba ang GMA 7 na mawala si Richard?

“Hindi ko ’yan sasagutin. Mahal ng network si Richard and we have no problem with him.”

Nabanggit din ni Wilma na ang general viewing public ang boss, as far as Channel 7 is concerned. Wala raw pakialam ang viewers sa away, ang gusto lang nila, ma-entertain at may good show.

“At the end of the day, kung pangit ang show mo, ’di ka panonoorin. Mabuti na lang, magaganda ang show ng network at magagaling ang talents,” pagmamalaki niya.

Sa comment ng press na ang rivalry ngayon is between Richard and Dingdong, ang sagot ni Wilma, “we are very happy and very proud na dalawa sa pinakamagagaling na talents ay nandito sa GMA.”

Ang hindi lang nasagot ni Wilma ay ang tanong tungkol sa movie na gagawin nina Richard at KC sa GMA Films, pati na ang movie contract ni Sharon sa movie company.

Si Annette Gozon-Abrogar daw ang makakasagot nu’n.

Habang kaharap ng press si Wilma, guests naman sa Sis sina KC at Richard at sinalubong at inalalayan ang dalawa ni Noel Ferrer ng GMA Films.

Patunay lang daw ’yun na welcome ang network sa dalawa at suportado nila ang kanilang pelikula.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Philippine Survivor adds more contestants

NADAGDAGAN ang contestants ng Philippine Survivor para lalong mapagbigyan ang bawat mamamayan na nagna-nais mag-try sa contest na ang premyo ay P3 million cash. Ang dating 16 candidates ay naging 18 na ngayon.

Sino ang magiging kauna-unahang Pinoy Sole Survivor?

Makalusot kaya ang labanderang may matatatag na kamay o ang ma-tipunong lalaking modelong may magandang abs?

Magwagi kaya ang driver na nagnanais na magkaroon ng mas maayos na buhay o ang yayang na-ngangarap maging sikat na artista?

Ang kauna-unahang Pinoy Sole Survivor ay maaaring isa sa kanila o sa 14 pang castaways na maglalaban-laban para sa P3 milyong grand prize sa pinakamalaking reality show na malapit nang masubaybayan sa Philippine television.

Isa sa kanila ang babaeng magsasaka na naghahangad ng greener pastures, ang call center agent na iniwan na ang trabahong panggabi, at ang basketbolistang nagnanais na maka-iskor para mapanalunan ang jackpot.

Iiwan sa isang isla, wala ni anuman sa pang-araw-araw na pangangailangan, at susubok sa isang di kilalang teritoryo, 18 estrang-hero ang maglalaban-laban gamit ang lakas, talino, at instincts.

Asahan ang madugong kompetisyon, pag-aalyansa at pagbabalatkayo sa pagtatangka ng bawat challenger na manatili sa isla. Sino ang pinakamautak, pinakamatatag, at pinakapalaban para maging kauna-unahang Pinoy Sole Survivor?

Alamin ito sa pagliyab ng Survivor Philippines sa telebisyon ngayong Setyembre dito lang sa GMA-7.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, August 28, 2008

Dingdong Dantes magpapaliwanag kay Sharon

Hindi man tanungin, tiyak na may kinalaman sa sabay na petsa ng opening ng For the First Time nina KC Concepcion at Richard Gutierrez sa Let’s Celebrate!, ang birthday dance concert nila ni Marian Rivera ang ilalapit niya kay Sharon. Hindi na namin inurirat si Dingdong kung ano ang sasabihin niya sa Megastar ’pag nakausap na niya ito.

Napagod sina Dingdong at Marian sa paghahanda sa kanilang birthday dance concert at balak nitong magpahinga muna. Tatapusin lang niya ang taping ng Dyesebel at kung may schedule na, sisimulan ang shooting ng One True Love. Sa October, may two-week vacation siya sa States with his mom at do’n siya makakapamasyal ng husto.

Wala pang alam na kasunod na TV show si Dingdong, pero si Marian, alam na niya ang next project (ibig sabihin, hindi sila ang magka-partner?). Maghihintay lang daw siya sa ibibigay na project ng GMA 7 na siguro naman, hindi patatagaling wala siyang show.

Samantala, alam na pala ni Dingdong na darating ang ex-girlfriend niyang si Antoinette Taus dahil bridesmaid sa kasal nina Cheska Garcia at Dough Kramer sa October. Hindi sila magkikita sa wedding dahil hindi siya imbitado, pero okey sa kanya kung magkukrus ang landas nila’t friends naman daw sila.

Hindi kami tiyak kung seryoso o nagbibiro si Dingdong sa sinabing kinukuhang manager ni Toni ang manager niyang si Perry Lansigan habang nandito siya at okey sa kanyang share sila ng manager. Ano kaya’ng say ni Karylle dito?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Iza Calzado sa "Obra" ni Katrina Halili?

Hindi raw alam ni Iza Calzado kung kailan ipalalabas dito sa Pilipinas ang "The Echo", ang pelikulang ginawa niya sa Hollywood na remake ng Sigaw na ginawa niya for Regal Films a few years ago.

Wala raw siyang idea kung kailan ang playdate ng movie kung saan partner niya si Jesse Bradford. Pero nalaman daw niya na nabili ng Viva Films ang rights ng pelikula at sila ang magri-release nito sa Pilipinas.

Ayon pa kay Iza, hindi pa raw niya puwedeng i-disclose kung ano ang susunod niyang soap sa GMA-7. Pero, tiyak daw na magkakaroon siya ng one-month episode sa Obra ni Katrina Halili, at tuloy na rin ang paggawa niya ng movie na One True Love with Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Kailangan lang daw na ayusin nila ang kanilang respective schedules para masimulan na ang movie na ididirek ni Mac Alejandre.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, August 27, 2008

Marian Rivera may sexy dance sa kama

LALONG kinakabahan sina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil tila malaki ang expectations ng mga tao sa kanilang Let’s Celebrate dance concert mamayang gabi.
Inaasahang mapupuno ang Araneta Coliseum dahil hanggang kahapon ay hindi na namin alam kung ano ang isasagot sa mga nanghihingi pa ng tiket.

Gusto sana naming silipin ang kanilang rehearsal kahapon pero hindi na namin nahintay dahil ang tagal nilang magsimula.

Basta, maraming bago tayong mapapanood sa kanilang performance.

Bagong dance steps ang sasayawin ni Marian na malamang pauusuhin na rin ito.

Meron pa itong dance number sa kama na ewan ko kung gaano ka-sexy.

Hindi lang si Marian ang may sexy dance, kundi pati si Dingdong na kinakarir ang pag-eensayo ng paggiling.

Yes! Gigiling si Dingdong at kung ano ang isusuot niya, ‘yan ang aba­ngan natin mamayang gabi!

Lahat ay gagawin nila para sa kasiyahan ng fans na pinagkautangan nila ng loob dahil sa success ng kanilang career at mga programang pinagsama­han nilang dalawa.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Alfred Var­gas papasok na rin sa pulitika

True na may mga kumukumbinsi kay Alfred Var­gas na kumandidato sa 2010 pero napakaaga pa para magdesisyon siya.

Marami pang inaasikaso si Alfred. Hindi lamang ang showbiz ang kanyang pinagkakaabalahan. Meron siyang malawak na farm sa Bulacan at binabalak niya na bumili ng lupa sa Palawan.

Nakatapos na si Alfred sa pagbabayad sa town­house na kanyang binili kaya iniisip niya na bumili uli ng another property.

Isa si Alfred sa mga alaga ko na marunong hu­mawak ng pera. Hindi siya pabigla-bigla sa pagla­labas ng datung. Kapag may nag-aalok sa kanya na makisosyo sa negosyo, pinag-aaralan muna niya ang offer. Hindi siya ang tipo na umooo kaagad sa isang negosyo o bagay na hindi sigurado.

Kahit artista na siya, napapakinabangan ni Alfred ang mga natutunan niya sa Ateneo De Manila University, ang school na kanyang pinanggalingan.

Ang maganda kay Alfred, tinapos muna niya ang kanyang college course, bago siya naging full-time na artista.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Carlene humihingi ng P200K kay Dennis Trillo

INI-ENJOY na raw nang husto ni Carlene Aguilar ang celebrity status niya, courtesy of Dennis Trillo and of course, Cristine Reyes.

Nasaan nga ba si Carlene noong panahong isa sa da-lawang hottest matinee idols ng Kapuso station si Dennis? Isa lang siyang “salamat po beauty” na laging natatalo sa mga beauty contest. Saksi ang kanyang mataas na kilay sa kontrabida image niya ngayon. Talbog si Cherie Gil.

Hindi rin maamin-amin ni Dennis kung ano ang tunay nilang relasyon, dahil tulad ng ibang manager, alam ni Popoy Caritativo na sa halip na makatulong ay makakasira lang sa career ni Dennis kung mahahayag ang katotohanan.

Popoy was right. Kung itinuloy sana ni Dennis ang plano niya noon na maki-pagkalas na kay Carlene, hindi sana mangyayari ang nangyari ngayon. Plano na nga raw sana ni Dennis na kumalas na kay Carlene at ginawa niya ito tulad ng ibang tunay na maginoo. Pero, sa halip, natuloy si Calix na tumubo sa sina-pupunan ni Carlene.

Tulad ng inaasahan, ina-ko ni Dennis ang batang kanya. Hindi ba pagiging isang ideal father iyon? Kahit hindi ideal partner (‘di ba ganito rin ang sitwayon ng mga dakilang ama tulad ni comedy King Dolphy, among other).

Pero hindi “maingay” ang mga love partners noon ni Pareng Dolphy, kung kaya’t hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin siya ng kanyang mga anak at nire-respeto ng mga ina nito.

Heto raw kasi, kuwento ng isang “maliit na ibon,” ang latest na pinasasabog ni Carlene kay Dennis na idinadamay uli si Cristine.

Humihingi daw si Carlene ng P200 thou para sa nalalapit na b-day ni Calix sa Sept. 13. P200 thou sa bday ng isang 1 year old? Hindi po ba abuso na?

Sino po ba ang mag-i-enjoy sa okasyong iyon? Natitiyak ko pong hindi si Calix. Kapritso lang po iyon ng mommy niya at ng pa-milya nito. Kung kailan pa naman ubos na ubos na si Dennis dahil,mahina nga ang kita niya ngayon, eh, saka may ganu’ng mga eksena.

Sa P30 thou na sustento sa bata (ang gusto pa nga ni Carlene ay P50 thou a month ) at sa hinihingi na naman nilang P200 thou ngayon, akala nila’y parang gripo ang dating ng pera sa binatang ama.

Tinatawaran daw ni Dennis kahit P150 man lang, pero ayaw pa. Ina-advance pa. Kawawang Dennis.

Siyempre, isasali rin ni Carlene si Cristine. “She (Carlene) is making a mountain out of a mole hill,” ang simpleng pahayag ni Christine.

May pa shut up, shut up pa si Carlene. Buti nga at tanggap ni Cristine si Dennis kahit may anak na ito. Iyon ang tunay na pagmamahal. Cristine is there even at Dennis lowest moment!

Posibleng sabihin na ginagamit talaga ni Carlene sina Dennis at Cristine. Nakakabangon na naman si Dennis at papataas naman ang status ni Cristine dahil she’s young, fresh at kailu-ilusyon.

Let the truth prevail, ika nga. Give Dennis and Christine what they really deserve.

[via]

Labels:


Continue Reading...

TV Ratings - Aug 20th -24th

August 20 (Wednesday)

Daytime:

Magdusa Ka (GMA-7) - 24.4%
Eat Bulaga! (GMA-7) - 24.1%
Gaano Kadalas ang Minsan (GMA-7) - 23.9%
Marimar (GMA-7) / Daisy Siete (GMA-7) - 20.1%
El Cuerpo del Deseo (ABS-CBN) - 18.9%
Wowowee (ABS-CBN) - 18.7%
Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) - 17.9%
Ligaw Na Bulaklak (ABS-CBN) - 15.6%
Boy & Kris (ABS-CBN) - 12.5%
SiS (GMA-7) - 12.4%

Primetime:

Dyesebel (GMA-7) - 35.6%
Codename: Asero (GMA-7) - 34.2%
24 Oras (GMA-7) - 33.1%
Ako Si Kim Samsoon (GMA-7) - 27.2%
The Singing Bee (ABS-CBN) - 24.1%
TV Patrol World (ABS-CBN) - 23%
Dyosa (ABS-CBN) - 22.5%
Dalja’s Spring (GMA-7) - 20.6%
My Girl (ABS-CBN) - 20.5%
Iisa Pa Lamang (ABS-CBN) / Masquerade (GMA-7) - 19.9%

August 21 (Thursday)

Daytime:

Magdusa Ka (GMA-7) - 24.1%
Daisy Siete (GMA-7) - 23.1%
Gaano Kadalas ang Minsan (GMA-7) - 22%
Eat Bulaga! (GMA-7) - 21.3%
Wowowee (ABS-CBN) - 18.9%
Marimar (GMA-7) - 18.6%
Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) - 16.7%
El Cuerpo del Deseo (ABS-CBN) - 16.5%
Ligaw Na Bulaklak (ABS-CBN) - 13%
SiS (GMA-7) - 10.8%

Primetime:

Dyesebel (GMA-7) - 40.2%
Codename: Asero (GMA-7) - 33.5%
Ako Si Kim Samsoon (GMA-7) - 31.6%
24 Oras (GMA-7) - 29%
Dyosa (ABS-CBN) - 28.3%
The Singing Bee (ABS-CBN) - 28%
Iisa Pa Lamang (ABS-CBN) - 25.8%
My Girl (ABS-CBN) - 22.4%
TV Patrol World (ABS-CBN) - 21.4%
Dalja’s Spring (GMA-7) - 20.8%

August 22 (Friday)

Daytime:

Magdusa Ka (GMA-7) - 21.7%
Eat Bulaga! (GMA-7) - 21.4%
Gaano Kadalas ang Minsan (GMA-7) - 21%
Daisy Siete (GMA-7) - 19.7%
Wowowee (ABS-CBN) - 18.3%
Marimar (GMA-7) - 17.5%
El Cuerpo del Deseo (ABS-CBN) - 17.3%
Ligaw Na Bulaklak (ABS-CBN) - 16.7%
Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) - 16.3%
SiS (GMA-7) - 10.9%

Primetime:

Dyesebel (GMA-7) - 39.6%
Ako Si Kim Samsoon (GMA-7) - 31.1%
Codename: Asero (GMA-7) - 30.8%
24 Oras (GMA-7) - 27.3%
The Singing Bee (ABS-CBN) - 26.4%
Dyosa (ABS-CBN) - 25.3%
Dalja’s Spring (GMA-7) - 23.3%
My Girl (ABS-CBN) - 23.2%
Iisa Pa Lamang (ABS-CBN) - 22.7%
Pinoy Dream Academy (ABS-CBN) - 20.7%

August 23 (Saturday)

Daytime:

Eat Bulaga! (GMA-7) - 23.3%
Pinoy Records (GMA-7) - 18.6%
Wish Ko Lang (GMA-7) - 18%
Startalk (GMA-7) - 17.3%
Wowowee (ABS-CBN) 17.2%
Takeshi’s Castle (GMA-7) - 15.2%
That’s My Doc (ABS-CBN) - 15.1%
Cinema FPJ: Da King on ABS-CBN (ABS-CBN) - 13.4%
Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) - 11.1%
Entertainment Live (ABS-CBN) - 10.4%

Primetime:

Bitoy’s Funniest Videos (GMA-7) - 30.1%
Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA-7) - 29.6%
Pinoy Dream Academy (ABS-CBN) - 26.7%
Imbestigador (GMA-7) - 25.6%
Celebrity Duets (GMA-7) - 24.8%
Varga (ABS-CBN) - 21.7%
Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN) - 20.3%
XXX (ABS-CBN) - 15.2%
Nuts Entertainment (GMA-7) - 11.6%
Sine Totoo (GMA-7) - 7%

August 24 (Sunday)

Daytime:

ASAP ‘08 (ABS-CBN) 19.9%
SOP (GMA-7) - 16.1%
Your Song (ABS-CBN) - 13.1%
Dear Friend (GMA-7) - 12.9%
Takeshi’s Castle (GMA-7) / The Buzz (ABS-CBN) - 12.7%
Matanglawin (ABS-CBN) - 12.5%
Showbiz Central (GMA-7) - 12.2%

Primetime:

Pinoy Dream Academy: Little Dreamers (ABS-CBN) - 27.8%
Tok! Tok! Tok! Isang Milyon Pasko (GMA-7) - 27.3%
Mel & Joey (GMA-7) - 26.3%
Sharon (ABS-CBN) - 24.8%
Kap’s Amazing Stories (GMA-7) - 23.5%
Goin’ Bulilit (ABS-CBN) - 23.2%
Rated K (ABS-CBN) - 21.4%
All Star K (GMA-7) - 19.1%
TV Patrol World (ABS-CBN) - 15%
Ful Haus (GMA-7) - 14.1%

Figures courtesy of AGB Nielsen Media Research, Philippines via PEP

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, August 26, 2008

Chef JL Cang nag-resign sa show dahil sa vetsin?

Talo ni Phil Younghusband ang co-contenders niya sa Celebrity Duets 2 pagdating sa publicity. Mula Saturday, sa pilot ng show at hanggang Sunday, la­man siya ng mga major broadsheets. Heto pa, cover siya ng Sunday magazine ng isa sa major broad­sheets at laging nababanggit ang pagsali sa Celebrity Duets.

Pero kung kontrobersya ang pag-uusapan, lala­ban sa kanya si JL Cang. Nag-react ang mga taga-Ka Toque ng Q-11 sa sinabi nitong kaya siya nag-re­sign sa cooking show ng istasyon dahil hindi siya naniniwala sa paggamit ng MSG o Monosodium Glutamate (vetsin) sa pagkain.

Worried ang Q-11 na baka magalit ang Ajinomoto na major sponsor ng show at baka mag-pull out. From day one, alam daw ni chef JL na sponsor nila ang Ajino­moto, pero bakit hindi agad siya nag-resign?

Tinanggal daw talaga sa show si JL dahil ma­tigas ang ulo at hindi sinusunod ang tamang bang­git sa kanilang sponsors. Nakasulat kung paano pasasa­la­ma­tan ang sponsors ng show, pero hindi nito nasasabi ng tama.

Para hindi na lang sila pare-parehong mam­rob­lema, inalis na lang si JL sa Ka Toque at kaya nadi­dismaya ang staff ng show dahil iba ang sinabi nitong dahilan ng kanyang pag-alis. Paano kaya sasagutin ni JL ang isyung ito?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Pelikula ni Jolina Magdangal walang dating?

Mukhang tama nga ang desisyon nila na iurong na nang husto ang play date ng pelikula ni Jolina Magdangal.

Una, kahit na kasi may iba pa siyang mga kasamang artista sa pelikula, masyado itong identified kay Jolina lang, dahil ‘yon ang pelikulang pagsasamahan sana nila ni Gabby Concepcion.

Ang masakit pa nga ri-yan, alam ng mga tao na tinanggihan ni Gabby ang pelikulang iyan dahil hindi raw niya nagustuhan ang script ng pelikula.

Ewan kung binago nila ang istorya, pero palagay namin, kung may binago man hindi na ganoon kalaki iyon dahil matapos na tumanggi si Gabby, eh, nagtuloy din sila ng shooting ng pelikula nila.

Ngayon, ano ang impact noong sinabi ni Gabby na parang hindi naman makakatulong sa kanya kung iyan ang kanyang magiging come back movie?

Isa pa, sunud-sunod ang mga malalaking pelikulang Pilipino. Papaano ba naman iyan sasagupa sa Dolphy-Vic Sotto starrer, o kahit na sa pelikula lang nina Richard Gutierrez at KC Concepcion?

Tungkol naman doon naman sa mga kasama ni Jolina sa movie, sa totoo lang, walang certified box office star sa kanila hanggang sa ngayon.

Mayroon doon na kumita ang mga low cost movies noong araw, pero ngayon ewan kung pinapansin pa ba.

Tama nga siguro na umurong na lang sila ng playdate. Pabayaan na muna nila ang mga malalaking pelikula at baka sakaling kung makalipas na nga ang mga iyan, maghanap naman ang mga tao noong light viewing lang, baka sakaling panoorin sila.

Kung kami ang tatanungin, gusto rin naman naming kumita ang pelikulang iyan. Gusto naming kumita ang lahat ng mga pelikulang Pilipino, kaya lang talagang may mga pelikula yatang sadyang hindi nakatakdang kumita, eh.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Iza gusto pang lalong sumeksi kaya ’di muna gagawa ng soap

NAGKAROON ng post-date birthday celebration si Iza Calzado para sa friends niyang entertainment press kamakailan na ginanap sa class na parlor cum restaurant ni Funny Serrano sa may Sct. Rallos, QC.

Nang araw ding ‘yun, pagkatapos ng ‘party’, ay naka-schedule siyang mag-tungo sa Philippine Children’s Hospital para pasayahin ang mga batang naka-confine doon sa pamama-gitan ng kanyang presence at dalang mga regalo.

Taun-taon ay ginagawa ito ni Iza as part of her ‘blessing sharings’ sa kapuwa lalung-lalo na sa mga kapuspalad na mga bata.

We appreciate Iza sa kanyang pagiging humble at ‘di pagkalimot sa mga taong kahit papaano ay nakatutulong sa kanyang career. Pero higit namin siyang hinahangaan dahil sa kanyang pagiging mapag-kawanggawa.

Dumalo rin sa maliit na party ang kanyang butihing father na si Lito Calzado na palaging nakasuporta sa anumang goal ng aktres na anak. Ang hindi lang yata buong pusong sinusuportahan ni Lito ay ang ‘maagang’ pag-aasawa ng anak. Kasi ba naman nang tanungin namin si Iza, who is in her middle 20s na, kung kailan nila balak magpakasal ng U.S. based boyfriend na si Jerry Garcia, medyo nag-make-face si Lito na tanda na ayaw pa niyang mag-asawa ang anak.

Pero, ganyan naman talaga ang mga amang labis na nagmamahal sa kanilang mga anak, lalaki man o babae.

Hangga’t maaari ay ayaw nilang malayo sa kanilang piling ang kanilang mga supling, as if naman forever nilang masusubaybayan ang kanilang mga anak.

Speaking of Lito Calzado, nagpaliwanag siya kung bakit hindi nila tinanggap ang isang soap na offer ng GMA-7.

“Naaawa na kasi ako sa anak ko. Lagare siya. At gusto rin niyang makapagpahinga muna pagkatapos ng Joaquin Bordado na isang taon ding nasa ere,” wika ni Lito.

Another thing, may dalawang pelikula kasing isu-shoot si Iza this year, ang Desperadas 2 at One True Love kung saan pareho niyang kasama si Marian Rivera.

Sabi naman ni Iza on this matter: “Gusto ko rin kasing magkaroon ng panahon sa physical fitness. I’m into mixed martial arts now para naman lalo akong sumikse.”

“Kung gagawa ako ng another soap, next year na ito. Pero, gagawa yata muna ako soon ng isang episode sa Obra ni Katrina Halili.”

Naalaala namin ang Hollywood movie niyang Echo kung kaya inurirat namin siya kung kailan ba ito isu-showing sa Amerika.

“Baka mauna pang i-showing sa Pilipinas ang Echo. Ang Viva Films ang magre-release ng Echo sa Pilipinas,” wika ni Iza.

By the way, isa ring environmentalist si Iza. Tulad ni Richard Gutierrez, member din siya ng Greenpeace Asia at she’s planning na makagawa ng project para rito.

Si Richard ay nagkaroon na ng TV project tungkol sa environment, ang Signos na ipinalabas sa GMA-7.

Ano ba ang wish ni Iza sa kanyang kaarawan?

Good health, more projects at peace and prosperity para sa lahat!

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, August 25, 2008

Katrina Halili is hot

GMA Pinoy TV star KATRINA Halili is really hot these days. And controversial, too. She’s said to be the reason why ABS-CBN stars Angelica Panganiban and Roxanne Guinoo where pulled out from the cast of the Metro filmfest entry, “One Night Only”, and are now replaced by Diana Zubiri and Iya Villania. “Natakot yata silang suporta lang sila sa’yo sa movie,” one writer tells Katrina during the presscon of “Obra”, GMA-7’s new drama show on Thursday nights. “At nainggit ding ikaw, binigyan ng solo presscon ng OctoArts Films pero sila hindi.”

“Wala naman po akong kasalanan dun,” she says. “Siguro they have valid reasons kung bakit umayaw sila. But it’s been made clear to me by Director Joey Reyes na pantay-pantay ang roles naming lahat and they’re not playing supporting roles dahil each of us, may kanya-kanyang highlight sa movie. Yun naman pong presscon for me, hindi lang for ‘One Night Only’ kundi para sa pagpirma ko ng contract sa OctoArts to do other films like ‘Miss X’.”

How about the news that Gov. Vilma Santos rejected the idea of being in the remake of “Miss X”? “Siyempre po, I respect that. Maganda sana kung may cameo siya dahil siya ang original Miss X, pero sobrang busy daw siya talaga as governor, kaya hindi siya puede. Understandable naman po yun at huwag nang palakihin pa dahil I’m sure hindi naman niya ko pinepersonal at all.”

But Gov. Vi in another interview denies she ever declined the offer. “Tinanong lang ako tungkol dun, and I said no, I haven’t received any offer yet,” says Gov. Vi. “Pero wala akong tinatanggihan dahil wala namang nagsasabi sa akin o nag-o-offer sa akin. Ang iniisip ko lang, kung io-offer nga, ano naman ang puwede kong maging papel dun?”

So, clear.

Back to Katrina, what can she says to reports that some GMA stars are questioning why she’s the first star to be featured in “Obra” (directed by award-winning directors) when there are more senior stars than her from the network? “Ay, huwag naman silang magalit sa akin. Tanungin na lang nila ang management dahil I didn’t ask for this kundi kusang ibinigay sa akin.”

Well, we can’t blame the other GMA stars if they’d feel envious since Katrina was not even a runner up in “Starstruck 1”. She was just number 8 among the contestants, and yet, her star is bigger now than the winners. How lucky can she get, indeed.

How about the rumor that she’s now going steady either with Marvin Agustin or with ABS-CBN’s Joross Gamboa? “Marvin and I were together in Virginia sa States to promote GMA Pinoy TV and since then, dinadalaw-dalaw niya ako, type daw niya ko, pero nali-link din naman siya kay Diana Zubiri, di ba? So I don’t think serious siya. As for Joross, mga tatlong beses na kami lumabas, but it’s a group date. Wala namang ligawang nangyayari kasi wala naman siyang sinasabi. Sa totoo lang, wala akong lovelife ngayon. Trabaho muna.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Marian, Dingdong super-daring sa kanilang free concert

KARARATING lang nina Dingdong at Marian mula sa ilang araw na trabaho sa Amerika.

Back-to-work na agad ang TV’s most loved and hottest loveteam. Abala na sila sa rehearsals para sa kanilang Let’s Celebrate: The Dingdong-Marian Birthday Blow-out sa Ara-neta Coliseum sa Wednesday ng gabi, Aug. 27.

Tiniyak ni Dingdong na magi-enjoy ang mga fans dahil, aniya, may mga ga-gawin sila ni Marian na hindi pa nakikita sa kanila as love team.

“May mga rehearsals kaming naka-schedule bukas. Gusto namin talagang pagandahin nang husto. Lahat ng numbers na hindi namin usually ginagawa, ibubusisi namin sa darating na araw. Very excited na kami,” sambit niya sa isang TV interview.

Will the fan expect a more daring Dingdong , or a sexier Marian?

“Bihira na kaming mag-perform sa ganu’ng klaseng paraan, since, nakikita na kaming umaarte sa TV. So this time parang SOP ito na pinahaba. Mini-concert ang da-ting,” kuwento ni Dong.

Dagdag niya: “This time si Marian ang magiging daring. Marami siyang ga-gawing numbers na never pa niyang ginawa before. Ako naman, halos nagawa ko na dati. Makasasayaw ulit ako.”

Sinagot na rin ng aktor ang intriga tungkol sa pagtatapat ng free dance show nila sa showing ng movie nina KC Concepcion at Richard Gutierrez na For the First Time ng Star Cinema.

“Tama na ang intriga, magtulungan na lang,” maikling paliwanag niya.

“By hook or by crook, pa-nonoorin namin ang movie nina KC at Chard. Yayayain namin si Direk Joyce (Bernal, direktor nila sa Dyesebel). Kung hindi siya puwede, ka-mi na lang ni Marian,” lahad pa ni Dingdong.

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Sunday, August 24, 2008

Celebrity Duets pera-pera lang ang laban

His busy schedule did not permit MMDA Chairman Bayani Fernando to grace Celebrity Duets (CD) when it opened last year, pero kabilang na siya sa kung tawagi’y mga celebrity contenders sa Season 2 nito that kicked off last night.

Besides Joey Marquez, an ex-politico, Mr. BF is the only CD hopeful who’s joining the political fray come 2010 eyeing the highest position in the land nga ba? Sa ikalawang paanyaya raw sa kanya ng CD staff, mismong ang maybahay na niya ang pumilit sa kanya, no less than the Marikina City Mayor who believed that it would be a nice (pre-election) exposure for her husband.

Hindi naman kasi naiiba (in realistic terms) ang mechanics ng Celebrity Duets vis a vis politics where the nationwide votes are all that matter, regardless kung mahusay o hindi is in the race. Take it from the CD reigning champ and current judge (and social deviant?) Ms. Tessa Prieto-Valdes, a self-confessed non-talent in singing pero nagwagi.

Sa presscon nga nito noong Wednesday night, if Season 2’s celebrity contender JC Buendia was advised by his manghuhula to unleash his geisha to go full circle, Tessa unleashed a revelation na hindi na ikina-shock pa ng press.

On the text votes lie anyone’s victory: From siblings Joey and Melanie Marquez, from “hada-ble” chef JL Cang (luto kaya ’pag natalo siya?) to equally hada-ble pro soccer Phil Young­husband, all the way down to Cory Quirino and Carlene Aguilar.

’Ika nga, text and you’ll be the next. As Ms. Tessa very well put it: “Vote-buy.” So, pera-pera lang pala ang labanan dito? Eksakto! The viewer does not have to be a fan. Neither a believer of talent.

At least, hindi pretentious ang kumpetisyong ito, so was Pinoy Idol which, at the very onset, made clear its set of rules. But of the eight contenders, none of whom boasts of a talent in singing, matagal-tagal pa nilang papayamanin ang mga telecom companies.

As to who will emerge as Tessa’s successor, hindi raw si Chairman Bayani, kung si Carlene ang tatanungin. Between the two of them daw, she stands to win batay na rin umano sa not-so-good image nito. Said in a cute way, ibinulgar tuloy ni Carlene na twice umano siyang naging biktima ng ‘extortion’ by MMDA staff for beating the red light.

Mas malaking hamon ito kay BF to prove that despite mounting complaints against his office (that might affect his CD standing), he must live up to his name – Bayani – the hero that he is supposed to be.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Iza Calzado turned down GMA offer

IZA Calzado has the same birthday as Marian Rivera, Aug. 12. Last Friday, she treated some friends from the press to lunch at the Secret Cafe of Fanny Serrano on Scout Rallos St. then she went to Philippine Children’s Hospital to share her blessings with the less fortunate kids currently confined there.

“I also did this last year kasi I feel na ang dami kong graces from the Lord, kaya dapat lang na maki-share ako sa iba,” she says.

Her dad Lito Calzado was there and we asked him if he’s really a stage father now that he turned down the offer of GMA-7 for Iza to appear in an afternoon soap. “I never was a stage father,” he says. “Ni hindi nga ako sumasama sa tapings o shooting ni Iza. We turned down the new soap not because it’s in the afternoon but because she wants to have some rest after ‘Joaquin Bordado’ na halos one year tumakbo at lagi siyang kulang sa tulog. Also, she’ll soon start shooting two new films, ‘Desperadas 2’ and ‘One True Love’, parehong kasama si Marian. Kung maglalagari siya sa mga yun tapos may soap pa, lalo siyang mahihirapan. It’s good GMA understood her naman.”

Now, Iza spends her time at the gym and in Powerdanz. “I’m trying to learn mixed martial arts also, para lumiit ang balakang ko,” she says. “If ever I’d do another soap, baka next year na. But GMA says I might be assigned to do a four-week stint in ‘Obra.’ I just don’t know when.”

When is her Hollywood movie, “The Echo,” going to be shown here? “It’s Viva which will release it here and I don’t know yet when. I really had fun shooting it with the Hollywood actors in the cast like Jesse Bradford who’s now in ‘Sassy Girl’ and Amelia Warner. Sana kumita sa U.S. and also overseas.”

Contrary to rumors, her relationship with U.S.-based boyfriend Jerry Garcia remains strong. “He has his own business there and he’s also managing a band. Ako naman, dito ang career ko. Minsan, bigla na lang siyang dumarating dito to spend some time with me. Long distance but it works for us.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Cristine Reyes di puwedeng dumalo sa birthday party ng anak ni Dennis Trillo

MATAPOS ang isyung ayaw ipakilala ni Carlene Aguilar ang anak niyang si Calix Andreas kay Cristine Reyes, heto't may bagong chika na naman tungkol sa dalawa.

Ngayon kasi ay pinaghahandaan daw nina Carlene at Dennis Trillo ang first birthday ni Calix, at nabalitaan naming cooperative naman daw si Dennis sa aspetong ito.

Eh, imbitado ba naman ang nababalitang current girlfriend ni Dennis na si Cristine Reyes?

Hindi raw invited si Cristine. Ito ay ayon mismo kay Carlene. Weird daw kasi kung naroon pa si Cristine sa ganoong pag-titipon.

Nakikiusap din si Carlene na sana ay iwasan na rin daw ni Cristine na banggitin si Calix sa mga panayam nito.

Nalaman diumano ng dating girlfriend ni Dennis na gusto raw makilala ni Cristine si Calix.

Kung kami ang tatanungin, wala namang masama kung gusto mang makilala ni Cristine si Calix.

She won't do any harm naman siguro sa bagets. But then, naiintindihan naman namin ang stand ni Carlene.

Hindi naman sila friends ni Cristine, kaya bakit nga naman dapat ay nasa birthday party ito ng anak nila ni Dennis?

Ano ang motibo ni Cristine, ‘di ba?

Ganoon 'yun!

[via]

Labels:


Continue Reading...

Jean Garcia, Polo Ravales bare true feelings

Jean Garcia, Polo Ravales bare true feelings on Startalk.

For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Jean Garcia and Polo Ravales, are they really on?

Labels:


Continue Reading...

Dingdong Dantes, one of 25 Sexiest Men in the World

Dingdong Dantes is chosen as one of 25 Sexiest Men in the World by Entertainment Channel E!

For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Labels:


Continue Reading...

Saturday, August 23, 2008

Celebrity Duets 2, starts

Mamayang gabi ang simula ng Celebrity Duets 2. Hindi ako magugulat kung makita ko sa Studio 3 ng GMA 7 ang mga empleyado ng MMDA.

Siyempre, susuportahan nila ang pagsali ni Chairman Bayani Fernando sa Celebrity Duets. Walking distance lang ang isang station ng MMDA sa Kapuso building ‘huh!

Hindi ko alam kung sino ang bibitbitin ng magkapatid na Joey at Melanie Marquez o ni JC Buendia at ng ibang mga contestant.

Basta ang alam ko, palaging piyesta ang atmosphere sa GMA 7 tuwing tap­ing noon ng Celebrity Duets dahil dumarating talaga ang mga supporter ng mga contestant.

Talagang nagpapalakasan sa pagsigaw at pagpalakpak noon ng mga supporter nina Dra. Vicki Belo, Dr. Calayan at ni Jessica Rodriguez na pare-parehong may mga beauty clinic.

Feel na feel ang tensyon sa loob ng studio dahil may mga contestant na nagrereklamo na hindi raw patas ang treatment sa kanila. Mas marami nga ang real-life drama na nangyayari sa backstage ‘no!

Naging personal na nga ang kanilang mga intrigahan at isyu pero hindi lumaki dahil walang nagpa-interbyu sa mga reporter.

Tingnan natin sa Season 2 ng Celebrity Duets kung sino sa mga contestant ang magkakabanggaan o magpapabuyo sa mga pang-iintriga ng kanilang mga supporter!

[via]

Labels:


Continue Reading...

Rhian Ramos bagong pagseselosan ni Yasmien Kurdi

TANONG: Ano ang feeling ni Rhian Ramos ngayong bidang-bida na siya sa up-coming teleserye ng GMA-7, ang La Lola?

“Excited na excited na talaga ako and I can’t wait na mag-start na kami ng taping. Sana lang din suportahan ng fans at lahat ng mga Kapuso ang bagong project ko na ito kasi ibang klase talaga ito,” wika ni Rhian. Si JC de Vera ang makakasama niya sa La Lola.

Nagkatrabaho na rin si-na Rhian at JC sa movie na Ouija, pero ayon sa aktres sandali lang naman silang nagsama rito. Two days lang daw.

Okey ba na si JC ang ka-partner niya sa kanyang ba-gong teleserye?

“Oo naman po, hinaha-ngaan ko po ‘yung acting skills ni JC at saka para makasama ang isang mahusay na artista katulad niya, syempre nae-excite ako lalo na mahaba ang magiging pagsasama namin and hopefully may matutu-han din ako sa kanya.”

Baka kaya siya naman ang bagong pagselosan ni Yasmien Kurdi, na nangya-ri umano kay Michelle Madrigal nang magtambal ang dalawa sa movie na My Monster Mom?

“Hindi naman po siguro ako matutulad kay Michelle Madrigal. Walang reason para magselos. At saka ‘yung fans nila, ayoko ring mag-worry sila kasi itong La Lola isang show lang naman siya. Nakita naman natin na malakas talaga ang tambalan nila. Ilang shows din ang pinagsamahan nila. Sa tingin ko kapag ganu’n kalakas ang isang tambalan, hindi ito basta ma-se-separate.”

Hindi kaya magalit ang fans ng Yasmien-JC sa iyo?

“I don’t think so. Temporary break lang naman ‘yung tambalan namin ni JC. Trabaho lang po talaga ang lahat. Ayoko pong maging kontrabida sa loveteam nina Yasmien at JC.”

Between JC and Mark Herras, na pareho na ni-yang nakatrabaho, kanino siya mas komportable?

“Actually, pareho naman po. Kasi pareho naman silang professional. Si Mark kasi mas matagal ko na siyang nakasama, nagka-soap kami ‘yung My Only Love, tapos may movie kami ‘yung ITALY. Si JC naman, kahit sandali pa lang kaming nagkakasama, we make the most out of it. Si JC kasi napakabait na tao. Ve-ry friendly. Kapag magkasama kami talagang nag-uusap kami. Kina-career niya ‘yun. At saka funny si JC, ang ganda ng sense of humor niya. Ang witty niya, matalino si-ya. Kaya tuwing magkasama kami, kahit mabilis lang, ma-rami na kaming nalalaman about each other.”

Bukod sa excitement ni-ya sa kanyang upcoming soap, excited din daw si Rhian sa pagka-kapili sa kanya ni Ramon Sabella, CEO at president ng Sabella fashion line, bilang kauna-una-hang image model nito.

Kaya pala kapansin-pansin ang pagiging gla-morous sa pananamit ngayon ni Rhian.

Napapanood din si Rhian sa Codename: Asero sa GMA Tele-babad. Ka-sama rin si-ya sa horror film na Sundo with Ro-bin Padilla pati na sa ITALY (I Trust And Love You) ng GMA Films na palabas sa Sept. 17.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, August 22, 2008

Celebrity Duets 2, pilots tomorrow

Bukas na ang pilot ng Season 2 ng Celebrity Duets at sigurado kaming mahahati ang boto ng mga bading at female population kina Phil Younghusband at JL Cang. Jusko! Sa presscon pa lang, nagkagulo na ang mga bading sa dalawa’t pino-problema na nga kung sino ang susuportahan nila ng todo.

Cute ang Birtish accent ni Phil, who is 21 years old, pero marunong gumamit ng “po.” He’s a huge Beatles fan, kaya ang kinanta sa presscon ay All You Need is Love na favorite niya together with Twist and Shout and I Wanna Hold Your Hand. Fave rin niya ang British bands na Oasis at Cold Play at si Rihanna, kaya ang first song niya bukas ay Umbrella ng singer.

Si Phil ang na-link kay Rhian Ramos, pero friends lang daw sila. Naudlot ang anumang intention niya rito’t kailangan niyang bumalik ng England.

Gwaping din ang 24-year-old chef na si JL na mainstay ng Sis. Sobrang nerbyos nito sa presscon, nagko-croak ang voice, pero kumanta pa rin ng Yakap sa Dilim ng Apo na favorite niya kasama sina Renz Verano at Rico Puno.

Exposure ang rason nang kanyang pagsali’t gusto niyang mapanood ng kanyang mga kaibigan. May prinsipyo rin ito’t umalis sa Ka-Toque ng Q-11 dahil hindi naniniwala sa MSG o vetsin in simple language, eh, ang major sponsor ng show ay Ajinomoto.

Komedyante rin si JL and given the chance, gusto niyang pasukin ang field na ito. Walang ibang ibig sabihin ang name niya, sunod ito sa pangalan ng parents niyang sina James at Lani.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Ogie Alcasid says sorry

Nag-sorry si Ogie Alcasid sa press na hindi niya masagot ang mga tanong tungkol sa ni-refile niyang annulment case dahil pinagbawalang magsalita ng kanyang lawyer.

Puro “I really can’t comment” at “I’m on a gag” ang sagot nito at pati isyu sa pagpapakasal nila ni Regine Velasquez, “I still can’t talk about it,” ang narinig dito.

“Kahit gusto kong magsalita, hindi talaga puwede. Matagal na ’yung annulment case at tungkol sa pagdating ni Michelle (van Eimeren) and the kids, sinabi ko na sa kanya kung ano ang ma-i-expect. She’s coming with the kids to watch my 20/20 concert,” sabi nito.

Biniro ng press si Ogie dahil walang pahinga at katatapos lang ng Pinoy Idol, magho-host na naman ng Celebrity Duets 2.

“Marami akong pamilya at once a week lang naman ito,” sagot nito.

Part ba ng kanyang family si Regine?

“Of course, she’s my life.”

Samantala, kinumpirma ni Ogie na ipo-produce niya ng album under iMusic sina Robby Navarro, Kid Camaya at Penelope.

Sama-sama muna ang tatlo in one album at susunod siguro ang solo album ng three bets niya sa Pinoy Idol.

“Ipinaalam ko sila kay Ma’am Wilma (Galvante) dahil under GMA sila at baka may plano sila, wala pa naman daw, so ipo-produce ko sila ng album.

“Si Robby pa lang ang nakakausap ko. Maganda ang timbre ng boses ni Kid, Penelope is exceptional, ang ganda ng boses at dapat marinig.

“Kay Robby, wala nang hahanapin pa, nasa kanya na. He’s a raw talent at kailangang i-push at tulungan,” pahayag nito.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Where is Joey de Leon now?

Nasaan na si Joey de Leon?

Bakit tila yata nananahimik ang TV host/ comedian mula nu'ng luma-bas ang maraming negative news about him?

Well, hindi namin nasisisi ang publiko kung kabi-kabila man ang tira nila kay Joey. Siya rin ang gumawa ng sarili niyang gu-lo para gawin ito sa kanya.
Akalain ninyo, gawan pa ba ng kanta si Pokwang na wala namang gi-nagawang masama sa kanya !

And what makes it worst, dahil babae si Pokwang.

Patulan ba ang isang nananahimik at nagtatrabahong babae?

Ano naman kayang palusot o dahilan ang sa-sabihin ni Joey tungkol sa isyung ito? Na hindi si Pokwang ang ibig niyang sa-bihing mukhang aswang? Well....

Kung si Pokie lang kasi, alam naming kayang-kaya itong harapin at dedmahin na lang ng komed-yana kahit nasasaktan siya.

May punto si Willie Revillame nu'ng magsalita ito sa Wowowee, may anak si Pokwang at babae pa. Nag-aaral po ang ba-gets at ‘pag-inuokray sa eskuwela ang bata, may magagawa ba ang ang mga nasabi nang salita? Wala, di ba?

Kung sikat man si Pokwang, hindi niya kasalanan 'yon. Biniyayaan man siya ng talento, eh, nananatili siyang mapagkumbaba.

Kung naapektuhan ang marami sa katanyagan niya, problema na nila 'yun.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Mat Ranillo ayaw tingnan ang sexy photos ni Krista sa men’s magazine

MAY magkabaligtad na pangyayari kay Krista Ranillo sa pagpu-pose niya sa FHM magazine.

Una, ‘yung tatay ni Krysta na si Mat Ranillo III ay ‘di pa rin binubuksan ang pahina ng FHM na siya ang cover at pin-up. Ikalawa, ang matagal nang boyfriend ni Krista na si Direk Dominic Zapa-ta ay very proud naman sa photos niya sa FHM.

Ipinupromote pa niya ang magazine issue sa kanyang mga staff sa programang Ako Si Kim Samsoon ng GMA 7.

Naikuwento ito ni Krista ito sa presscon ng Hush Hush ng TV 5 (Wednesday, 7-8p.m). Never pa raw binubuksan ng kanyang ama ang copy ng FHM na siya ang cover girl.

"Ewan ko ba sa father ko. Eh, wala naman akong ipinakita na maseselang bahagi ng katawan ko.Nag-two-piece lang naman ako.

"Mas natutuwa nga ako kay Dom dahil talagang ini-encourage niya ang mga kasamahan niya at staff sa GMA na bumili ng kopya. Si Dom nga ay gustong bilhin lahat ang copies ng FHM para wala na raw makakita sa akin na ibang lalaki,” biropa ni Krista.

Ang pagpapaseksi ni Krista ay may limitasyon naman. Hindi niya maga-gawa ang all-out bold na ginawa noon ni Ara Mina.

May nagawa silang dalawang movies ni Ara noon sa Regal at isa rito ang Two Timer.

Dahil sa kalakaran sa showbiz na uso ang pagbu-bold, kaya nagpahi-nga muna si Krista sa kanyang acting career kaya nag-concentrate muna si-ya sa pag-aaral sa Ateneo.

Dahil may kaugnayan sa communication ang kurso niya, pumayag si-yang mag-audition sa TV Patrol ng ABS-CBN para maging entertainment news anchor.

Napasama naman si-ya. Tuwing Monday si Krista sa kanyang assignment sa TV Patrol.

Samantala, makakapartner ni Krista sa programang Hush Hush si Domi-nic Ochoa na gaganap bilang maimpluwensiyang TV executive.

Si Laurice Guillen ang line producer at direktor ng Hush Hush.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, August 21, 2008

Ehra Madrigal bagay na ‘sugar mommy’

ANOTHER lovestory-drama movie lang ang akala namin sa pelikulang Lo-ving You ng Regal Entertainment.

Pero nang mapanood namin ito sa premiere na ginanap sa SM Megamall kamakalawa ng gabi, nasa-bi namin sa aming sarili na ang Loving You ay ‘hindi ordinaryong’ lovestory-drama movie. So, iniri-re-commend namin itong panoorin ng lahat na nasa PG 13 audience.

Sa kabuuan, ‘positive value’ ang nais ibahagi ng pelikula sa mga manono-od. At malinaw itong ma-kikita at mararamdaman sa mga eksena ng Loving You.

Mayroong apat na istorya ang pelikula na umiikot sa apat na panguna-hing parehang sina Jean Garcia at Polo Ravales, Yasmien Kurdi at JC de Vera, Ehra Madrigal at John Prats and Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Tulad sa tunay na takbo ng buhay, bawat isa sa kanila ay may problemang dapat resolbahin para ma-kamit ang tagumpay at kaligayahang inaasam sa career at lovelife.

Walang personal na suliranin sina Jean at Polo. Ang nasa pagitan lang ng kanilang relasyon ay ‘insecurities’ dahil mas matanda si Jean kesa kay Polo. Ang tibay ng kanilang pag-iibigan ang magmumulat sa kanilang mga mata na ang katandaan ay nasa isip lang at paningin ng mga taong sa kanila ay nakapaligid. Ang puso ay hindi kumikilala ng edad ng tao.

‘Pagdududa at pagiging mapanghusga’ ang sumira sa matamis na pagtiti-nginan na Yasmien at JC. Ngunit dahil sa masidhing paniniwalang magkakabalikan sila balang araw, may happy ending na nakalaan sa kanilang dalawa.

Si Ehra ay nagpapatalo sa mga kabiguang nararanasan. Nakakulong naman sa mapait na nakaraan si John Prats. At ang ‘kulu-ngan’ nilang ito ang magi-ging daan upang mapag-isa sila at maging maliga-ya sa buhay. Effective ang drama rito ni Ehra. Bagay sa kanya ang role na ‘sugar mommy’ na pinagtaksilan ng boyfriend.

‘Breaker’ ang istoryang umiikot kina Kris at Aljur sa Loving You. Typical na istoryang pangkabataan. Tamang komunikasyon lang sana at wala na silang problema. Kaso pumasok pa ang maling paghuhusga kaya nagkalabuan din ang dalawa.

Pero, tulad nina Jean at Polo, Yasmien at JC, Ehra at John, ang problema nina Kris at Aljur ang kanila ring naging ‘eye-opener’ upang lalong maunawaan at higit na mahalin ang isa’t isa.

Sabi, kapag ginawa na-ting tuntungan ang mga suliraning dumarating ti-yak na maabot natin ang pinakamataas mang ‘aspi-ration’ o mithiin natin sa buhay.

Direction wise, although ito ang first film directorial job ni Don Cua-resma impressive ang pag-kakagawa niya sa Loving You. Walang dull moments ang pelikula dahil na rin sa maayos na pagkakahabi ng script at effective acting ng mga bida.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Gretchen Espina nag-share ng P100,000 each kina Jayann, Ram

HINDI naman pala totally umuwing luhaan ang losing finalists sa Pinoy Idol na sina Jayann Bautista at Ram Chaves matapos talunin sa text votes ng itinanghal na winner na si Gretchen Espina.

May usapan pala silang tatlo na kung sino man ang mananalo ay magbibigay ng tig-P100,000 sa dalawang matatalo.

So, ibig sabihin P800 thousand na lang ang cash na napunta kay Gretchen mula sa isang milyon na galing sa SM Supermalls.

Bukod pa rito sigurado namang hindi pababayaan ng GMA-7 sina Jayann at Ram after the contest, maging ang iba pang finalists na may kanyakanya na rin namang followers.

Samantala, halatang ininda ni Jayann ang pagkatalo dahil talagang napaluha siya nang ma-interview ng press after the Final Results Night.

Ayon kay Jayann, it will take time pa bago niya tuluyang matanggap ang resulta ng contest. Lalo pa raw siyang napaiyak nang makita niya ang kanyang Mommy na umiiyak after the announcement.

Nasabi niya tuloy na hindi muna siya sasali sa iba pang singing contests, at ito na munang Pinoy Idol ang huling sasalihan niya.

Naluha rin siya nang tanungin namin kung naniniwala ba siya na losers can be winners, too? Aniya, naniniwala naman siya at sana nga raw ay mangyari iyon sa kanya.

Walang imposible, Jayann, galingan mo lang at lakasan mo pa ang iyong loob.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, August 20, 2008

Joey de Leon "Imagine" lyrics and video

Joey de Leon lyrics of the song “Imagine” by John Lennon, making fun of Pokwang.

“Namnamin po natin kung walang channel 7 ano kaya ang buhay natin?

Imagine there’s no 7
Wala nang network war
Wala na ang kapuso
Remake ng Marimar

Imagine walang bubble gang every Friday
Imagine Mike Enriquez
Walang excuse me po
No Dyesebel to watch for
And no more Gobingo
Imagine no Saksi or Sis
At wala nang dramarama
Channel 2’s the only one
Makikita araw araw
Ay mukha lang ni Pokwang

…Makikita araw araw ay mukhang aswang!”

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, August 19, 2008

Yasmien Kurdi lumaban ng halikan kay JC de Vera

MAKAKA-RELATE ang mga kabataan (pati na mga hindi na kabataan) lalo na ang sandamakmak na nagtatrabaho sa call centers sa pelikulang Loving You ng Studiomax.
Modernong kuwento ng iba’t ibang karakter na namamasukan bilang call center agents ang Loving You na film debut ng TV director mula sa Kapa­milya network na si Don Cuaresma.

Magkababata, mag-best friend at mag-sweetheart nu’ng high school sina Yasmien Kurdi at JC de Vera. May lihim na pag-ibig pa rin si Yasmien kay JC kaya hindi siya nagbo-boyfriend. Hurt na hurt siya nang magkaroon si JC ng bagong girlfriend (Andrea Torres).

Totomboy-tomboy kumilos si Kris Bernal na pinalaki ng dalawang tibo (nanay niyang si Pinky Amador at lesbian partner nitong si Lovely Rivero).

Nagkakilala sila sa trabaho at nagkaibigan ni Aljur Abrenica na anak-anakan naman ng isang ba­ding (John ‘Sweet’ Lapus).

Si Ehra Madrigal ay isang model-wannabe na niloko ng kanyang live-in boyfriend (Eri Neeman) at nakatagpo ng right guy kay John Prats, ang binatang taxi driver na regular na naghahatid-sundo sa kanya.

Propesora at adverti­sing executive si Jean Garcia na nainlab kay Polo Ravales na mas bata sa kanya. Magkukuwarenta na si Jean kaya despe­rada na siyang mabuntis at magkaanak. Madalas mapagkamalang anak o pamangkin niya ang kanyang bagets boyfriend.
Hindi lang mga pa-cute o pakilig ang alam gawin ng mga bida ng Loving You dahil mas showy sila sa kanilang nararamdaman. Ang hilig nilang maghalikan at kada minuto yata ay may nagli-lips-to-lips.

Ang lakas ng hiyawan ng fans nu’ng premiere night nang mag-kiss sina Yasmien at JC. Ang guwapu-guwapo ni JC sa screen at very heartthrob ang dating.

Cute ang UST (o unresolved sexual tension) sa pagitan nila ng bespren niyang si Yas.
Nu’ng una ay parang nagpapa-girl pa si Yasmien at ayaw ‘lumaban’ sa mga halik ni JC, pero sa bandang ending ay todo-bigay na rin ito at ang tagal nang L-to-L nila ni JC, huh!

Ayaw patalbog sa pagtili ang Kris-Aljur fans, na panay rin ang tukaan sa pelikula. In fairness ay natural umarte ang dalawang ba­gets at okey ang che­mistry nila. May ‘K’ maghubad ang sek­sing si Aljur.

Agaw eksena ang mga magulang nilang tomboy at bading, lalo na ang baklitang nanay-nanayan ni Aljur na si Sweet na applauded ang mga eksena.

Hindi lang halikan kundi panay ang chorvahan nina Jean at Polo. Sa lahat ng karakter ay silang dalawa ang halatang may malisya ang mga lambingan at laplapan.

Sina Ehra at John ang pinaka-wholesome dahil may sariling drama si John sa tatay niyang si Tonton Gutierrez na iniwan ang pamilya nila.

Simple at walang pretensyon ang kuwento ng pelikula. Maayos na nai-distribute ang mga eksena at kahit marami sila sa cast ay nabigyan ng sapat na exposure at moment ang bawat isa.

Bukas ang opening day ng Loving You sa mga sinehan.

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Gretchen Espina nakapuntos sa kantang ginawa ni Ogie

It took all of 48 years (pardon the exaggeration, Ms. Angel Javier) before the Pinoy Idol Grand Finals’ Night began at the Mall 2 of the SMX Con­vention Center last Sun­day.

The text invitation to the press was 1:30 p.m., pero nagsimula ’yon ng pasado alas kuwatro na. But it was worth it. Iyon nga lang, my family’s favorite, Ram Chaves, lost to who else but Gretchen Espina.

And why “who else?” prior to the announce­ment, I could already discern the collective feeling na si Gretchen ang siyang magwawagi. She exuded an air of confidence despite her not-so-lovely white gown.

Then came the telling sign, ito ang bahagi kung saan kapwa kinanta nina Gretchen at Jayann Bautista ang composition ni Ogie Alcasid na To You.

From a ten-meter distance mula sa kinalulugaran ni Ogie, pinag­mamasdan ko ang kanyang unguarded moments (most of which were caught on-cam) while I had my ears focused on Jayann’s and Gretchen’s in­terpretations.

It was Jayann’s turn first. Ogie was both expressionless and motionless, halatang hindi niya nagustuhan ang rendition ni Jayann. But when it was Gretchen’s turn, sinasabayan pa ng singer-composer ang pag-awit nito. I felt Ogie echoed fellow judges Jolina Magdangal and Wyngard Tracy’s sole choice, and it couldn’t be Jayann.

Performance-wise, kay Gretchen din ako, kesehodang ang mga napanalunan niya with a total amount of P5.7 million are like “booger” given her family’s affluence (governor ang kanyang ama, doktora naman ang kanyang ina na na-meet ko sa labas ng backstage before the an­nounce­ment).

If all three judges thought so, too, at kung karamihan sa audience believed just as well ay hindi pa rin uubra si Gretchen kung hindi naman siya susuportahan through text voting. And talk about texting on a natio­nal scale, huh!

Kung regional repre­sentation ang pagbaba­sehan, dito dehado si Gretchen na taga-Bili­ran kesa kay Jayann na taga-Pampanga.

But is there truth to the rumor na nasagap ko that very same day na the night before ay bumili ang pamilya ni Gretchen ng (brace your­selves) 60 cell­phone units at isang kahon ng sim cards na siyang ginamit sa pag­boto buong magda­mag?

Kung totoo, and if you thought it was not a sweet victory (dahil in a sense, lumalabas na “money contest” din pala ang Pinoy Idol), I would be the FIRST to disagree. Gretchen has the voice that made her end her journey with dignified victory.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, August 18, 2008

Aljur Abrenica Body Talk

Silent water runs deep.

That best describes Aljur Abrenica, the Piolo Pascual look-alike Kapampangan who won the Ultimate Hunk title last year in the GMA talent search StarStruck (in the same batch with Mart Escudero, Jewel Mische and Kris Bernal who is Aljur’s leading lady in the all-young-star-cast Regal romantic flick Loving You).

Even when confronted with the nastiest rumor, he simply smiles. But when it was reported that his father has “several” families, Aljur was forced to speak up.

His father, Alfonso Abrenica Jr., who’s into his early 50s, is a musician. He used to be a member of the metal-rock group Smashers which played in Olongapo, later changed to Lover Boys when the group’s sound turned mellow. Aljur’s mother, Amor Guiang, was a member of another band. She and Alfonso met in Japan when they had (separate) stints there. They now own and manage a music bar/lounge in Pampanga.

“My father is palikero, musikero kasi, eh,” Aljur admitted. “Playboy talaga, lapitin ng chicks. At 17, may love child na siya. He lived-in with a few women, but he went straight after he married my mom. Kami ang legal niyang pamilya. Mayroon kaming mga kapatid sa labas and my mom knows that. In fact, we treat them na parang tunay naming kapatid. They even come to our house.”

Aljur turned 18 last March 24 (Aries). Asked if he could break his dad’s “record,” he smiled. “Mahirap siguro,” he joked.

First seen in the GMA youth-oriented show Boys Next Door (together with the other StarStruck discoveries), Aljur then co-starred with Dennis Trillo and Marky Cielo in Zaido, and is now in the cast of Dyesebel, both also on GMA.

He finished grade school and high school at the Don Bosco Academy in Mabalacat, Pampanga. Until he landed in showbiz, Aljur dreamed to be a pilot. “I still want to enroll in Aeronautics when I have the time,” he said.

The new endorser of Cotton Club, Aljur stands 5’9”, weighs “just enough for my height,” has a 29-inch waistline, and wears medium/large-size shirts/briefs (by Cotton Club) and size-10 shoes.

Are you as busy as the other StarStruck guys? How much sleep do you get per night?

“There are some weeks when I’m very busy, talagang walang pahinga, and some weeks that my schedule is not so tight. When I’m so busy, I get only as many as three hours of sleep but I try to make up for it by taking power naps. My body clock has gotten used to that routine. Wednesday is usually my free day.”

What’s your favorite sleep wear?

“Cotton Club boxer shorts and sleeveless T-shirt.”

Never in the nude?

“I’m not used to it.”

Do you sleep with the aircon turned on full blast?

“Only for a while. When the room temperature is cold enough, I turn off the aircon and turn on the blower but never facing me. It’s bad daw for the health, di ba?”

How many pillows do you sleep with?

“Four. One under my head, two on my sides and the fourth one I hug.”

Do you snore?

“Yes, but only when I’m dead tired.”

Do you talk in your sleep?

“Sabi nila. Hahahahaha!”

Do you sleepwalk?

“I hope not!”

Last thing that you do before you go to sleep?

“I pray.”

What do you usually pray for?

“I thank God for giving me a good day and for my protection. I live only with my driver at a pad in the scout area in Quezon City, so I also pray for good health for my family na nasa Pampanga. I ask God to keep them away from harm. I miss them.”

And the first thing that you do when you wake up?

“I wash my face. Then, I play my guitar.”

What workout do you do?

“When I have enough time, I go to the Gold’s Gym. I do the treadmill and lift weights for one hour, four times a week. Otherwise, I work out at home. When I was competing in StarStruck, I would go to the gym almost every day because I wanted to win the Ultimate Hunk title, which I got.”

What part do you think needs improvement?

“My abs. Gusto ko maging more firm. So I do sit-ups and push-ups. I tried the training that Manny Pacquiao usually does, pero hindi ko kaya. Matindi!”

What part is vulnerable?

“None!”

And what part is your favorite?

“My arms. They are strong.”

What part of a girl’s body do you look at first?

“The whole face. Type ko ‘yung medyo may panga, medyo matangkad but not taller than I am at balingkinitan.”

What about your diet? Do you take three square meals a day?

“I eat anything but not too much. For breakfast, I take mostly cereals which are easy to prepare. You pour it into a bowl of hot water at okay na, with orange juice. Sometimes, bread or brown rice with eggs done sunnyside-up. When I was on a high-protein diet, I would take as many as 12 eggs for breakfast, but only the whites. For lunch, the usual — rice with ulam. Sometimes, steak, pero bihira. Mahal, eh! For dinner, something very light. Tonight, I’m having only a piece of apple.”

Food that you avoid?

“Sweets. Mahilig ako sa vegetables. My favorite is sinigang with plenty of kangkong. My favorite fruit is apple. I take as many as three pieces a day.”

How much water do you take per day?

“Not much; only five glasses a day. I’m trying to take more, at least eight glasses. But when I was on a high-protein diet, I would take as many as two gallons a day.”

Do you take hard drinks?

“Mahilig ako d’yan — Jack Daniels, Black Label, Matador, Emperador, Remy Martin...I have tasted them all. But I avoid drinking too much. Otherwise, when I have one drink too many, I start to cry because I feel as if I’m dying and it scares me. But even if I’m drunk, I’m in control of myself. When I get sober, I remember everything that I’ve said or done.”

Do you smoke?

“No, I don’t.”

What vitamins do you take?

“Multi-vitamins.”

How do you cope with stress?

“I just don’t let it bother me. Dati, kapag na-i-stress ako, nagkaka-pimples ako. Other people get a massage to de-stress themselves. But me, I try to get my mind off it; hindi ko na lang iniisip na stress ‘yon. Or I listen to music...make music with my guitar. It’s in music that I can better express myself.”

Any hobbies?

“I read romantic novels. I just finished reading The Notebook by Nicholas Sparks.”

Favorite hideaway?

“Pampanga. The moment I see the face of my youngest brother light up when he opens my pasalubong, masaya na ako.”

How’s your love life?

“None.”

How many girlfriends have you had?

“Just a few. Mabibilang pa naman sa mga daliri ko.”

Are you vain like most good-looking guys?

“Not really, although I make sure that I look good when I’m out. Artista ako, so people expect me to look good.”

Does it take long for you to fix yourself?

“No. I do it fast. Our dad trained us to do things fast, kasi sabi niya ang taong mabagal kumilos ay hindi umaasenso. Maraming alam na kasabihan ang dad ko; I learned a lot from him.”

Name three guys you think have nice bodies.

“Piolo Pascual. Dingdong Dantes. Dennis Trillo.”

And three women...

“Alyssa Alano. Diana Zubiri. Rufa Mae Quinto. Make it four... Angel Locsin.”

Using only body language, how would you make a girl know that you admire/like her?

“I just keep on looking at her. If she looks back again and again, aba, ‘yon na ‘yon!”

(E-mail reactions at rickylo@philstar.net.ph or at entphilstar@yahoo.com)

[via]

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn Mercado baby, kahawig ni Patrick

Isa nang ganap na ina si Jennylyn Mercado dahil nagsilang na siya ng isang healthy baby boy noong August 16, Saturday, 8:51 a.m., sa St. Luke’s Medical Center.

’Yun nga lang, hindi nasunod ang gusto ng young actress at ng kanyang OB-gynecologist na si Dra. Judy Ann Uy-de Luna na normal delivery dahil kinailangan siyang i-caesarian nang nahirapang mag-labor.

Aug. 15 ipinasok si Jen sa hospital dahil humilab na ang kanyang tiyan. Inilagay siya agad sa high risk pregnancy unit at kung ilang oras ding nag-labor.

Pero hindi nakayanan ni Jen na ilabas nang normal ang baby kaya nagdesisyon na siyang magpa-ceasarian. The baby weighs 8.12 lbs. kaya hindi naman kataka-takang ma-CS siya.

Hindi pa namin nakikita ang bagets, pero ang sabi ay napakaguwapo raw nito, mestizo at kahawig ng amang si Patrick Garcia.

Ang nakuha naman daw kay Jen ay ang kanyang lips.

As per her doctor’s advise, no visitors allowed kay Jennylyn para madali itong maka-recover. Gusto rin muna ng privacy ng young actress with her new baby.

“Jazz” ang ipinangalan ni Jen sa baby at kasalukuyan pang iniisip ang second name.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Nadine Samonte magiging karibal ni Katrina

INTERESTING ang magiging love triangle sa Gagambino.

Hindi natuloy ang story conference ng pinakabagong primetime soap ng GMA last week but we got scoop that it will not just be a soap for the loveteam of Dennis Trillo and Katrina Halili .

May major love triangle din sila in the person of Nadine Samonte. Si Katrina ang partner ni Dennis sa Magdusa Ka, si Nadine naman ang partner niya sa una niyang Sine Novela na Kung Mahawi Man Ang Ulap.

Happy kami dito sa nasagap namin dahil sa wakas, ilu-launch na rin si Nadine as main lead kahit ka-triangle lang muna dahil she’s the next na talagang dapat nang mabigyan ng break as leading lady. Another interesting twist sa love triangle ng tatlo, ang magiging pang quadrangle nila, si Polo Ravales na lead villain.

Si Polo naman ang partner ni Nadine sa other Sine Novela niyang Maging Akin Ka Lamang, remember.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Jayann Bautista final performances on Pinoy Idol

Jayann Bautista performs on Pinoy Idol. Watch Jayann Bautista performance videos.

Pinoy Idol finals: Jayann Bautista's final performances - compiled!

Jayann Bautista

Labels: ,


Continue Reading...

Ram Chaves performances on Pinoy Idol

Ram Chaves performs on Pinoy Idol. Watch Ram Chaves performance videos

Pinoy Idol finals: Ram Chaves's final performances - compiled!

Ram Chaves

Labels: ,


Continue Reading...

Winner Pinoy Idol: Gretchen Espina

Gretchen Espina Wins Pinoy Idol. Watch Gretchen Espina winning performance.

Pinoy Idol finals: Gretchen Espina's final performances - compiled!

Congrats to Gretchen Espina!

Labels: ,


Continue Reading...

Sunday, August 17, 2008

JC de Vera nanghihinayang kay Yasmien Kurdi

ANG paglaki ng boobs ang unang napansin kay Yasmien Kurdi sa presscon ng Loving You, kaya marami ang nagdudang nagpadagdag ito ng dibdib.

Tigas tanggi naman ng partner ni JC de Vera sa nasabing Studiomax movie. Original at wala raw siyang ipinagawa sa sarili.

Katunayan, naghamon pa siyang hawakan ng isang writer ang boobs niya para patunayang hindi ito retokado.

“Kahit po ako, nagulat sa biglang paglaki ng boobs ko. Kung ang iba babae, lumiliit ang dibdib ’pag pumapayat, ako naman po, lumalaki habang pumapayat,” say ni Yasmien.

Kinumpirma ng young actress na may offer nga siya para mag-pose nang sexy sa isang men’s magazine, pero magalang niya raw itong tinanggihan, dahil bawal sa kanilang religion (Iglesia ni Cristo) ang ganu’n.

* * *

SI JC naman, hindi raw ma-take makipaghalikan sa kapuwa lalaki sa isang pelikula.

“No way,” sabi pa ng partner ni Yasmien at nang tanungin kung papayag siyang gumanap sa papel ng isang bading sa movie, ang sagot niya, “Okey lang ang gay role. Ang ayaw ko lang ay ’yung may halikan at bed scene. Madaraan naman ’yon sa usapan kung talagang maganda ang role. Basta wala lang halikan, hindi ko talaga kaya.”

Samantala, nalungkot si JC nang malamang pinatitigil na si Yasmien ng ama sa pag-aartista para ipagpatuloy ang pag-aaral.

Although maganda raw ang hangarin ng tatay ni Yas, sayang naman daw ang pagkakataong dumarating sa kapareha.

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Pinoy Idol finale tonight

The moment of truth unfolds tonight as the first ever Pinoy Idol gets proclaimed at the SMX of the SM Mall of Asia. Sino kaya sa natitirang top three contenders na sina Ram Chaves, Gretchen Espina at Jayann Bautista shall take home a management contract with GMA Artist Center, a recording contract with SonyBMG, a condo unit at Avida Tower in New Manila, one million pesos in cold cash, and a brand new car?

If I may play devil’s advocate though, here’s wishing that there lies a journey farther than Pinoy Idol for the sole winner. Ang precursor kasi nitong Philippine Idol on then ABC 5 three years ago produced a female singing champ whose present career is unheard of. Maging ang naturang Pinoy Pop Superstar na si Jonalyn Viray seems to have sung her way out.

Ironically, kung sino pa kasi ang mga hindi pinalad in whatever talent search are the ones lording it over. Take the case of Katrina Halili of Starstruck, nasaan na siya ngayon compared to her contemporary Jennylyn Mercado? Talk about being pregnant with projects.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Anak ni Lotlot at Ramon Christopher paaral ni Richard Gutierrez

Hawak pa rin ni Richard Gutierrez ang korona bilang Primetime King. Nakuha niya ang titulong ito dahil sa sipag, tiyaga at pagmamahal sa trabaho.

Number one lagi sa rating ang mga TV shows nito mula sa Mulawin na sinundan ng Sugo, Lupin, Captain Barbell, Kamandag at ngayon ay Codename: Asero. Lahat ng pelikula nito ay naging blockbuster at inaasahan ding hihirit sa takilya at sisira sa box-office records ang pelikulang pagtatambalan nila ni KC Concepcion titled For the First Time sa direksyon ni Joyce Bernal under Star Cinema.

Bukod sa pagiging bankable actor, maaasahan din sa kawanggawa si Chard gaya ng World Vision kung saan meron siyang tatlong scholars. Tumutulong din ito sa pangangalaga ng kapaligiran. Miyembro ito ng Greenpeace na ang layunin ay masugpo ang polusyon.

Si Chard din ang tumutustos sa high school education ng pamangkin na si Diego (anak ng half-brother niyang si Ramon Christopher at Lotlot de Leon. Magtatapos na ito ng haiskul sa grade school. Gusto niyang e-enrol ito sa Ateneo.

Kumusta naman ang kanyang lovelife?

‘‘Walang panahon sa pag-ibig ang aking anak dahil sobrang busy sa trabaho. Pero boto ako kay KC,’’ sabi Annabelle Rama.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, August 16, 2008

Free ticket sa b-day blowout nina Marian-Dingdong, ipamimigay sa Lunes

DINUDUMOG ng mga tawag ang GMA 7 para sa mga libreng ti­ket sa Let’s Celebrate! The Dingdong-Marian Birthday Blowout na gaganapin sa Agosto 27 sa Araneta Coliseum.

Mamimigay na ang GMA-7 ng mga libreng tiket sa Lunes (Agosto 18) at Martes (Agosto 19) nang 9:00 AM-4:00 PM sa Jamboree gate ng GMA Network Center.

First come, first served ang regulation sa ticket distribution ng Let’s Celebrate.
Puwede ring maka­kuha ng tiket sa pamamagitan ng panonood ng Dyese­bel.

Abangan ang katanungan at sagutin ito sa pamamagitan ng mobile phone.

I-type lang ang dyesebel A or B at ipadala sa 4627 (Globe at Sun) o sa 367 (Smart).

Sa kasalukuyan ay nasa Secaucus, New Jersey sina Marian at Dingdong para sa annual Pinoy Fiesta at Expo sa East Coast ng Estados Unidos.

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Paolo Contis, certified Kapuso

Certified Kapuso star na si Paolo Contis pero mapapanood din siya sa TV 5 tuwing Lunes ng gabi.

Midnight DJ ang pamagat ng show ni Paolo sa TV 5 at kasama niya dito sina Desiree Del Valle at Jenny Miller.

Tinanggap ni Paolo ang offer na maging bida ng Midnight DJ bago siya pinapirma ng exclusive contract ng GMA 7.

Nakausap ko na ang mga bossing ng Midnight DJ at ang mga executive ng GMA 7 kaya naayos na ang problema.

Walang conflict ang Midnight DJ sa World Records dahil tuwing Martes ang airing nito. Ang World Records ang show ni Paolo sa GMA 7 at kasama ito sa Bilib Ka Ba Nights ng Kapuso Network. Mapapanood din si Paolo sa Codename: Asero.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Kid Camaya nagpasaring kay Gretchen Espina

Ngayon pa lang ay meron nang intriga sa finalists ng Pinoy Idol ng GMA-7.

Ang real life na mag-kaibigan na sina Kid at Daryl ang natanggal sa last elimination round sa Pinoy Idol na ginanap sa Mall of Asia, pero si Kid lang ang lumabas sa lobby at nakipagkuwentuhan kasama ang tatlong pasok sa finals na sina Gretchen Espina, Jay Ann Bautista at Ram Chavez. Si Daryl?

According to our source, hindi raw lumabas dahil sa disappointment.

Kaya naman si Kid, medyo nagpatutsada nang tinanong namin kung sino ang kanyang bet na mananalo at sino sa tingin niya ang matutsugi kung sakali. Heto ang kanyang answer.

“I think Pinoy Idol grand winner will be a toss between Jay Ann and Ram. Pero kung text votes ang pagbabasehan, malamang si Gretchen na ‘yan,”sabi niya sa amin kaya nag-follow-up kami ng: “Bakit ‘yun ang iyong nasabi?”

Quiet lang si Kid at saka nagpakawala ng naughty smile. Ibig kaya niyang sabihin, mayaman lang si Gretchen kaya pumapasok sa finals?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Francis Magalona news updates

Nalungkot kami nang marinig namin ang balitang may sakit ang aming kaibigang si Francis Magalona.

Nakagugulat ang mga balita. Medyo sensationalized kasi noong una. Sinasabi nilang nangangailangan siya ng dugo. Pero, hindi naman tinutukoy kung ano talaga ang kanyang sakit.

Kung hindi nga natin iintindihing mabuti, ang unang iisipin natin ay baka naaksidente ang ‘king rapper.’

Nang malaunan, lumabas ang mga kuwento na matapos ang isang check up kay Francis, 43 years old, sa Medical City sa Ortigas Ave., Pasig nitong Agosto ay nakita ng mga doktor na mayroon siyang leukemia o pagdami ng white blood.

Para mas maliwanag, iyang sakit na iyan ay dahilan para magkaroon ng ‘cell blast’ ang white blood cells. At kung sabihin nga noong araw ay dumarami ang ‘maputing dugo.’ Nagkakaroon ng imbalance sa pagitan ng red blood at white blood.

Na kung ita-translate natin sa pang-araw-araw na usapan, dumarami ang puting dugo, o pumuputi ang dugo. At kung sa common medical term naman ay ‘blood cancer.’ Ganyan ang nangyayari sa dugo ni Francis kung kaya kinakailangan niyang masalinan regularly ng pulang dugo.

Iyang sakit niya ay may kaselanan dahil marami-raming ‘healthy blood’ ang kakailanganin hanggang magkaroon ulit ng balanse sa kanyang dugo. Ang maganda, sa panahong ito, marami nang bagong natuklasang gamot at pamamaraan ng pag-cure at sinasabi ngang ang leukemia ay hindi na kasing fatal tulad noong araw.

Pero sa totoo lang, matagal na gamutan iyan.

Samantala, umapela si Francis at ang asawa niyang si Pia Arroyo sa mga kaibigan at mga kasamahan sa showbiz industry.

“I don’t want a media circus. I want privacy with my family. What I’d rather talk about is how we can solicit blood donations to replace the supply that I have consumed in the hospital,” wika ni Francis

“It was very gradual, hindi siya biglaang lumabas. We don’t want to use the word ‘curable,’ but the doctors say it’s treatable,” ayon naman kay Pia

Sa ngayon ay puspusan na ang blood donation activities para kay Francis.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, August 15, 2008

TV Ratings, August 13th

NARITO ang Mega-Manila overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 nu’ng MIYERKULES (Agosto 13):

SiS 10.9% vs. Boy and Kris 9.4%;
Marimar 17% vs. Game Ka Na Ba 14.6%;
Eat Bulaga 21.6% vs. Wowowee 16.4%;
Daisy Siete 15.4% at Magdusa Ka 20% vs. Ligaw na Bulaklak 14%;
Gaano Kadalas ang Minsan 21.6% vs. El
Cuerpo del Deseo 16.6% at Los Tontas 8.6%;
Gobingo 14.7% vs. Deal or No Deal 16%;
24 Oras 28.4% vs. TV Patrol 21.6%;
Codename: Asero 34.4% vs. The Singing Bee 24.5%;
Dyesebel 38.3% vs. Dyosa 23.6%;
Kim Sam Soon 27.7% vs. Iisa Pa Lamang 23.7% at My Girl 24.1%;
Dalja’s Spring 16.6% vs. Pinoy Dream Academy 18.9%;
Kung Ako Ikaw 9.4% vs. Bandila 9.2%.

Labels:


Continue Reading...

GMA artists bawal sa TV5

Hindi pala pinayagan ng GMA 7 ang kanilang mga exclusive artists na lumabas sa mga shows ng bagong TV5. Naisulat ko kasi na baka sa binagong network magkaroon ng chance na magkatrabaho ang mga artista ng magkalabang ABS-CBN at GMA since some of their artists were included in some of the new shows of TV5 that were launched last August 9. Paolo Contis, for one, has been reminded by his manager that he is an exclusive GMA artist at ’di puwedeng magtrabaho sa mga kalabang istasyon.

Kung sabagay, wala naman talagang oras para sa ibang mga trabaho si Paolo since, may regular siya sa GMA, ang Codename: Asero at host naman siya ng sisimulang World Records, sa Aug. 19, Martes, tampok ang mga kabilib-bilib na mga record-breaking feats ng mga taong may kakaibang kakayahan. Ang mga kalahok dito ay mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang dalawa pa sa sisimulang bagong palabas sa GMA 7 ay ang Ripley’s Believe It or Not with host Chris Tiu, simula sa Lunes, August l8.

Sina Maverick at Ariel naman ang hosts ng longest running primetime program sa Japan na nasa ’Pinas na. Ito ang Masquerade na kung saan ang mga team ng mga amateurs ay mga naka-costume at ang paglalaro nila ay nilagyan ng special effects na Matrix-style pingpong. Mapapanood naman ito Miyerkules, simula August 20.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Francis Magalona malaki ang pag-asang gumaling

Mga sosyal na bagets ang mga bida sa Lipgloss. Mga bagets na magaganda, guwapo at nag-aaral sa mga sosyal na school.

Ka-join sa cast ng Lipgloss ang anak ni Francis Magalona. Missing in action ang bagets. Hindi siya umapir sa presscon. May nagsabi na nasa school pa siya pero puwedeng hindi nagpunta sa presscon ang bagets para makaiwas sa mga reporter na siguradong magtatanong tungkol sa sakit ni Francis.

Mabilis na kumalat ang balita noong Huwebes na may leukemia si Francis at naka-confine siya sa ICU ng Medical City Hospital.

Walang dapat ipag-alala ang fans ni Francis dahil sinabi ng mga doktor na malaki ang pag-asa na gumaling ang kanyang karamdaman.

Nag-umpisa sa lagnat tuwing hapon ang sakit ni Francis at nangyari ito nang magpunta sa Las Vegas ang cast ng Eat Bulaga.

Naalaala ko tuloy si Rudy Fernandez. Nilalagnat si Daboy tuwing hapon noong 2006 at nang mang­galing siya sa Las Vegas, saka siya nagpa-check up at dito niya nalaman ang kanyang sakit na periampullary cancer.

Wala akong ibig sabihin ‘ha? Nalungkot lang ako nang malaman ko ang sakit ni Francis na ilang beses ko nang nakasama sa abroad kaya masasabi ko na napakabait niya.

[via]

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites