<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, September 30, 2008

SURVIVOR PHILIPPINES WINNER

Spoiler! Spoiler! SURVIVOR PHILIPPINES WINNER is revealed! Showbizjuice.com revealed that John Carlo “JC” Tiuseco is the winner of the first ever Survivor Philippines. The news came from a production staff from GMA7.

Here’s the profile of JC that we got from a website:

John Carlo “JC” Tiuseco (Hardcourt Heartthrob) JC, 23, is a hunky basketball heartthrob of San Sebastian University. When he was younger, he was very passionate about basketball and dreamed of becoming a professional player. But as he grew older, JC discovered that he has a lot more potential to make it beyond the hardcourt.

Banking on his athleticism and good looks, JC is sure that he has a good chance to capture the ladies’ hearts and to bag the coveted title of Sole Survivor.

Survivor Philippines is airing barely 2 weeks. And here is the a spoiler that JC is gonna win as the sole survivor.

Via starmometer.

Labels:


Continue Reading...

Jean Garcia, FHM cover October issue

Masisilip ang right boobs ni Jean Garcia sa cover ng October issue ng FHM magasin, pero tama itong hindi bastos ang kuha niya kahit topless siya, pati ang ibang litrato sa loob ng magasin ay maganda.

May rason para ipagmalaki nito ang first and last na paglabas sa men’s magazine dahil ’di na mauulit. Pumayag lang siya after two years na pagkumbise para wala siyang pagsisihan kung sakali.

May radio tour sa October 8 si Jean at may autograph signing sa Oct. 10 sa Robinsons Galleria.

Five days after niya pumayag, in-schedule agad ang pictorial bago pa magbago ang isip.

Pati si Emilio Garcia, partner niya sa digifilm na Walang Kawala ng DMV Entertainment, humanga sa actress at nagpapirma pa ng copy ng mag.

Wala raw kupas si Jean.

May screening ang movie nila sa UP Film Center sa November 6 at sa Nov. 12 ang showing.

Samantala, excited na rin si Jean sa muli nilang pagsasama ni Eula Valdez sa Pinoy adaptation ng K-novela na All About Eve.

Aktingan ito ’pag nagkataon, dahil kasama rin sina Iza Calzado at Sunshine Dizon, pero next year pa ito iere at mauunang mapapanood sa Gagambino, na papalit sa Dyesebel.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Ara Mina at Manny Pacquiao, linked again?

Muling nali-link ang pangalan ni Ara Mina kay Manny Pacquiao.

Hindi na natapus-tapos ang isyung ito at ngayon ay si Ara muli ang itinuturong dahilan kung bakit muntik na naman diumanong maghiwalay sina Manny at Jinkee?

Ganoon? Si Ara na lang palagi?

Anyway, ayon sa ba-lita, nagkita raw kasi sina Ara at Manny sa isang lugar sa Amerika kamakailan lang at hayun, nalaman daw ito ni Jinkee kung kaya't nagalit daw ito.

Agad namang umuwi rito sa ‘Pinas si Manny kesehodang busy ang boxing champ sa pag-iensayo para sa laban nila ni Oscar dela Hoya.

Inayos daw talaga ni Manny ang tampuhan nila ni Jinkee kaya ito umuwi kamakailan lang.

Samantala, napaka-unfair naman para kay Ara na patuloy na ma-link kay Manny gayung alam na-ting happy si Manny kay Jinkee, noh.

Eh, ano kung single si Ara, hindi ibig sabihin no’n, eh, puwede na si-yang i-link kung kani-kanino riyan, lalo na sa isang may sabit, di ba naman? Hindi naman ata patas para sa aktres ang ganitong mga akusasyon.

Ang huling balita, nakabalik na uli ng Amerika si Manny para mag-ensayo at naiwan daw dito si Jinkee. Naayos na rin daw ang tampuhan ng dalawa.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, September 29, 2008

Mark Murrow: Bagong asawa bitbit ni Michelle sa concert ni Ogie

Ipinakilala ni Michelle van Eimeren sa TV reporter si Mark Murrow as her “love” at ipinagmalaking mabait ang lalaking pumalit kay Ogie Alcasid sa kanyang puso. Sinamahan ni Mr. Murrow si Michelle at mga anak nitong sina Liela at Sarah sa pagpunta ng ‘Pinas para magbakasyon at manood ng very successful Twenty-Twenty concert ng TV host, comedian, singer-composer last Saturday sa Araneta Coliseum.

Pabirong winarningan ni Ogie ang boyfriend o (husband na ba?) ni Michelle na dahil sa paglantad niya, magiging laman siya ng tabloids. Mukha namang handa na ito at si Michelle na masulat at ma-report sila sa TV.

Isa sa magandang parte ng concert ay nang kantahan ni Ogie ang mga anak ng I Will Be Here at isinunod niya ang pasasalamat kina Michelle at Mark for taking care of his children na hindi nga niya nagagawa dahil nandidito siya most of the time.

Nakakatuwa’t ang audience ang umiyak, samantalang teary-eyed si Michelle at emotional si Ogie.

Towards the end of the concert, nakitang karga-karga ni Mark si Sarah habang ang mag-inang Michelle at Leila ay nagsasayaw. Ang ganda ng eksena!

Ilang araw pa rito sina Michelle, Mark at Leila at Sarah at balita namin, pupunta pa sila sa Hong Kong with Ogie para pumasyal sa Hongkong Disneyland.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Jean Garcia at Eula Valdez sa Koreanovela na All About Eve

SINA Sunshine Dizon at Iza Calzado lang ang nabanggit na cast ng Pinoy adaptation ng Koreanovela na All About Eve, pero balitang kasama rin sina Jean Garcia at Eula Valdez.

Kung totoo, first time magsasama sa show ng GMA- 7 ang dalawa, na sobrang klik sa Pangako sa ’Yo ng ABS-CBN, lalo na sa matitindi nilang confrontation.

Next year pa iere ang All About Love, matagal pa masasagot kung sino kina Jean at Eula ang gaganap sa role ni Judith Yoo (Kim Jung-eun), isa sa may importanteng role sa K-novela.

Inaabangan din kung kanino ibibigay ng Channel 7 ang role ni Warren Kim (Han Jae-suk) at ang leading man na si Kenneth Yoon (Jang Dong-gun).

Hinihintay din ang announcement kung sino kina Sunshine at Iza ang gaganap sa role ni Nicole Jin (Chae Rim) at Erika Huh (Kim So-yeon).

Nag-spoiler si Iza na magsu-shoot sila abroad, sa England din kaya pupunta ang cast and crew na location ng original K-novela?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Nadia Montenegro sumabog ang galit kay Cristy Fermin

GALIT na galit si Nadia Montenegro sa TV host na si Cristy Fermin nang interbyuhin siya ng Startalk nitong Sabado ng hapon.

Hindi raw niya mapapatawad si Cristy sa mga naging paninira nito sa kanya.

Ibinulalas din ni Nadia na si Cristy ang dahilan kung bakit nasira ang friendship nila ni Gretchen Barretto.

“Alam ko naman kung bakit niya ako sinisiraan, eh. Wala kasi siyang napapala sa akin,” wika pa ni Nadia.

Sa kuwento pa ni Nadia, dahil daw sa isang text message na kumakalat kaya nasira ang friendship nila ni Gretchen. Hindi na lang nag-elaborate pa si Nadia tungkol sa nilalaman ng text message.

Nang tanungin si Nadia kung willing siyang makipagkaibigan ulit kay Cristy or kahit makipag-ayos man lang sa TV host if ever, napailing agad si Nadia.

“Ayoko na siyang maging kaibigan,” diin pa niya.

Samantala, isa si Nadia sa mga punong-abala sa burol ng ama ni Gabby Concepcion na si Daddy Rollie.

Araw-araw siyang nagbabantay sa burol kaya hindi raw pupuwedeng magpadala ng bulaklak ng pakikiramay si Rose Flaminiano.

“Kahit bulaklak, bawal kung galing sa kanya. ‘Pag nagpadala siya, do’n namin ‘yun ilalagay sa kalye,” sabi ulit ni Nadia.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, September 28, 2008

Kris Bernal di pinapansin ni Aljur Abrenica

Crush ni Kris Bernal si Aljur Abrenica, pero mukhang hindi siya pinapansin ng ka-loveteam sa #1 telefantasya na Dyesebel.

May iba kasing napupusuan si Aljur na ka-batch sa Starstruck. Bali­ta namin ay madalas du­malaw ang babae sa tinutuluyan ni Aljur.

Balitang nalilibang si Kris sa pagiging textmate ni Marco Alcaraz na kasama rin niya sa Dyesebel.

Hindi na kami magugulat kung kay Marco mapa­baling ang atensyon ni Kris dahil hindi siya pinapansin ni Aljur.

Hindi pa alam ni Kris ang susunod niyang project sa GMA 7.

Bukod sa Dyesebel ay abala si Kris sa promo ng Mag-ingat Ka Sa... Kulam ng Regal Entertainment na ipapalabas sa mga sinehan sa Oktubre 1.

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Heart Evangelista has a new leading man

Heart Evangelista was supposed to play the lead role in the afternoon remake of “Saan Darating ang Umaga” (originally played by Maricel Soriano), but she’s now yanked out of that project and the role is given to Yasmien instead. So does that now mean that Heart’s loss is Yasmien’s gain?

Not really, as Heart is now with a new project after “Codename: Asero” ends in November. She’s really quite lucky as she’s given the chance to play the title role in the new telefantasya, “Luna Mystica,” where she’ll also have a new leading man, the now very hot Mark Anthony Fernandez. This will be replacing “Asero.” Mark’s fans are happy that this will be his next project and not another one where he’s supposed to play a supporting role.

“Luna Mystica” can only mean that GMA-7 trusts the drawing power of Heart who has apparently recovered from the slump in her career that took a nosedive when she went steady with Jericho Rosales, left ABS and had her career managed by someone who failed to make it shine, just like what’s happening to Jericho now whose new show with a Malaysian actress is also rating dismally. “Dapat siguro, magpa-manage na rin ang ex-boyfriend niya kay Annabelle Rama para mas makabawi rin siya sa career niya,” says one wag.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Dingdong Dantes true love na si Karylle

Aalis sa October 8, si Dingdong Dantes para mag-best man sa kasal ng best friend niya since grade school sa San Francisco. Hanggang Oct. 15, siya roon at kailangang bumalik agad dahil gusto ng GMA Network na kompleto ang talents nila sa opening ng annex building.

Ang ina lang ni Dingdong ang kasama nito pag-alis at tuwang-tuwa raw dahil sa trip lang nila muling masosolo ang anak. Excited namang mag-best man ang actor na first time niyang gagawin at kinakabahan kung ano ang sasabihin sa couple.

Isa pang rason kung bakit kailangang bumalik agad si Dingdong ay ang shooting ng One True Love nila nina Marian Rivera at Iza Calzado. November 19 na ang playdate ng movie sa direksyon ni Mac Alejandre at dapat masunod ang shooting schedule. Si direk din ang nakaisip ng blurb ng movie na “True love can happen more than once in your lifetime. Puwedeng magkasunod at puwedeng magkasabay.”

Gusto rin ni Dingdong na narito siya sa pagtatapos ng Dyesebel sa October 17, after 26 weeks of airing, pero walang dapat ikabahala ang fans nila ni Marian dahil sila pa rin ang magka-pareha sa next soap nilang Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang.

Sabi pala ni Dingdong, nahanap na niya ang one true love niya, pero ‘di sinabi kung si Karylle ‘yun, kung ang ex niyang si Antoinette Taus o si Marian na sabi’y ka-MU niya.

“You just feel it at ‘di pina-plano. Inspiration ko siya. In fairness, to me I was in love with my previous girlfriends. We all shared something na ‘di ko makakalimutan,” pahayag nito.

Samantala, nabanggit ni Dingdong na may plano siyang mag-open ng pizza and burger joint. May pangalan na siyang napili pero ‘di sinabi dahil ‘di pa napapa-register at baka gamitin ng iba. Ayaw niyang mag-franchise at gusto’y magsimula sa maliit ang business niya at palalakihin.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Yasmien Kurdi mada­las lasing?

Kung si Sarah Geronimo ang sinasabi ko palagi na next superstar, si Yasmien Kurdi naman ang next Didith Reyes!

‘Yon eh kung totoo ang nababalitaan ko na malakas uminom ng alak at mada­las na ngenge o lasing si Yasmien.

Kinompronta ko na si Yasmien, nag-deny na siya pero hindi mamatay-matay ang tsismis na nalasing siya sa birthday party ni Dolly Anne Carvajal.

Mas naniniwala ako sa mga nagparating sa akin ng balita dahil walang dahilan para siraan nila si Yasmien.

Bakit ko ikinumpara si Yasmien kay Didith Reyes? Sikat na sikat noon si Didith pero natsugi ang kanyang career dahil naging alcoholic siya. Si Didith ang superstar noon sa mga singer at dahil sa kanyang masamang bisyo, na-Luz Valdez ang kanyang showbiz career.

Alaga ko si Yasmien. Hindi ako nagdadalawang-isip na kastiguhin siya kung kinakailangan para madisplina siya kung totoo man ang mga balita na nakaka­rating sa akin!

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, September 27, 2008

GMA Network reveals upcoming shows

NAGPA-PRESSCON ang GMA Network kahapon nang tanghali para ibalita ang mga programa nila sa ikaapat na quarter ng 2008.

Magsisimula sa Oktubre 13 ang teledramang La Lola (Rhian Ramos at JC de Vera) bilang kapalit ng Ako Si Kim Samsoon.

Aarangkada sa Oktubre 20 ang mga pakiki­pagsapalaran ni Gagambino (Dennis Trillo) na kapalit ng telefantasyang Dyesebel.

Darating sa kalagitnaan ng Nobyembre ang sinenobelang Saan Darating Ang Umaga? (Yasmien Kurdi at Lani Mercado) bilang kapalit ng Gaano Kadalas Ang Minsan?.

Maghahasik ng kahiwagaan simula Nobyembre 17 ang Luna Mistica (Heart Evangelista at Mark Anthony Fernandez) bilang kapalit ng Codename: Asero.
Bagay na bagay kay Sheryl Cruz ang papel niya sa Luna Mistica. Hindi namin naitanong kung kasama rito si Mystica.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wilma Galvante, naging maingat sa pagsagot

SA isang pambihirang pagkakataon, sabay-sabay na humarap sa showbiz press ang ilang GMA-7 executives, sa pangunguna ng SVP for Entertainment na si Wilma Galvante, para i-share ang mga plano at bagong programa ng istasyon kahapon ng tanghali.

Kasama ni Wilma sa tsikahan sina Marivin Arayata, Butch Raquel, Lilybeth Rasonable at Darling de Jesus.

Ilan sa mga ibinalita nila ay ang proyektong muling pagtatambalan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, pagkatapos ng Dyesebel at One True Love (pelikula sa GMA Films).

February 2008 ang target telecast ng ikatlong TV series nina Marian at Dingdong na unang isinapelikula starring Vivian Velez mula sa panulat ni Direk Calro J. Caparas.

Kailangan daw kasing bigyan ng break ang tambalan para hindi pagsawaan ng televiewers.

Pero isu-sustain ang exposure nila by way of several TV guestings at ’yun ngang movie with Iza Calzado.

Ni-reveal din ng grupo nina Wilma na si Regine Velasquez ang magiging leading lady ni Robin Padilla sa Totoy Bato, next assignment ng huli after Joaquin Bordado at ng una after Ako si Kim Samsoon.

Si Richard Gutierrez naman, dalawang proyekto na ang nakahanda matapos ang Codename: Asero, na papalitan ng Luna Mystica nina Mark Anthony Fernandez at Heart Evangelista by mid-November.

Isa na nga rito ang Pinoy adaptation ng masked hero na si Zorro, at ng Koreanovela na Full House.

So far, wala pang leading ladies na binabanggit ang GMA-7 execs sa dalawang proyekto.

Siyempre, sinamantala na rin ng writers ang pagkakataong kumustahin ang relasyon ngayon ni Wilma at ng madir ni Richard na si Annabelle Rama.

Matatandaang nagkaroon ng word war ang dalawa dahil sa pagkakatapat ng birthday blowout concert nina Marian at Dingdong sa first day ng Richard-KC Concepcion movie, For the First Time, under Star Cinema.

“We do not discuss her,” ang simple at tila ingat na tugon ng network exec.

Dinenay din niyang nagkita sila ni Tita Annabelle sa birthday party ni Senator Bong Revilla sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan, nu’ng Miyerkules ng gabi.

“Hindi kami kailangang mag-usap. I am not looking for that moment...let’s give her her peace,” dagdag pa ni Wilma.

As far as Richard’s projects with the Kapuso network are concerned, ang VP daw na si Marivin ang nakatutok doon ngayon.

“It shouldn’t be part of my detailed job anymore,” paglilinaw ni Wilma, na na-promote na sa SVP (senior vice president) level.

Sey pa niya, “Walang problema, may nag-aasikaso sa kanya (Annabelle).”

As for Tita Avin (Marivin), okay naman daw ang relasyon nila ni Tita Annabelle at walang problema.

Kung sabagay, the last time makausap ng press ang madir ni Richard, sinabi nitong mas type niya na ang peace for everybody para good karma siya.

[via]

Labels:


Continue Reading...

ITALY: HOW BAD SCRIPT CAN RUIN BEAUTIFUL LOCATIONS

BEAUTIFUL locations alone do not a good movie make. This was already proven by GMA Films in “Batanes”. The stunning vistas of the windswept islands up north are not enough to compensate for the shortcomings of the badly written script. This was also proven by Star Cinema’s “For the First Time”, that was even filmed in Greece but also suffered from a botched up screenplay. (In contrast, their “A Very Special Love” didn’t even have to go somewhere far but proved to be so attractive to viewers who found its overly cute story irresistible.) GMA Films now proves once again that foreign locations are not enough to attract moviegoers in “Italy (I Trust And Love You)”, supposedly a tribute at that to OFWs. Again, the film’s chief drawback is its uninvolving script by Sennedy Que.

The cast is star-studded but make no mistake about it, the movie is really a vehicle for Jolina Magdangal as the story revolves mainly around her, with her as narrator at that. The movie starts with her in a bridal gown walking at St. Mark’s Square in Venice. It turns out to be a dream sequence while she dreams of finding Mr. Right. As Destiny Pinlac, she’s the eldest of four kids. She’s the breadwinner for her three younger brothers and their wheelchair-bound ad. She finds work in a cruise ship and gets to work with Eugene Domingo, her boss in the housekeeping department, and with Rufa Mae Quinto, a lounge singer. Rufa Mae becomes her rival for the attention of a passenger (Dennis Trillo) who’s looking for his missing Italian girlfriend.

The movie is primarily more of a travelogue to show the most beautiful cities in Italy, but they actually failed to show its most scenic spots in full as they obviously didn’t take the appropriate panoramic camera with them when they shot the film. What a waste. So what we get are tight shots of the Fontana di Trevi and the Colloseum.

The script can really be so confusing. You don’t even know whether Jolina and Eugene are friends or foes. In some scenes, like when they running around Barcelona, they seem to be so close to each other. But there are also scenes when Eugene seems so hostile to Jolina. Rufa Mae also often appears as a villain to Jolina. One can’t really understand why they’re fighting over Dennis. There are moments when Jolina, Rufa Mae and Eugene are portrayed like stupid idiots.

The movie also offers very few laughs as a comedy. Rufa Mae’s act of quoting English songs and being hyper in all her scenes are getting to be tiresome and annoying. Can’t she offer anything new? Here, she’s not even credible as a singer in a luxury liner as she only knows one song, “Ocean Deep.”

Eugene is funnier and looks like she was left to her own resources. She’s funny in her scenes with the ship’s captain and when she spoofs the love scenes inside a car from “Titanic”. We know Eugene is capable of doing so much more, but the script and Director Mark Reyes failed to fully exploit her comic gifts.

Oh yes, also in the cast are Mark Herras and Rhian Ramos. Sadly, they play useless roles that can be deleted totally from the script without damaging the story at all. Somehow, we are sad for the movie as they spent so much shooting this abroad... and it all came to just this? Like we say, we can never overemphasize the significance of having a good script over beautiful locations.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, September 26, 2008

John Lopez stands out in Survivor Philippines

TALL, dark and ruggedly handsome, John Lopez easily stands out in a crowd. Hence it’s no wonder why he’s an early favorite among the 18 castaways vying for the First Pinoy Sole Survivor title in GMA 7’s newest, most exciting reality show, “Survivor Philippines Season 1.”

This 5’11” brown Adonis has been in the limelight for quite some time now having been a commercial and ramp model for several corporate accounts. His commercial ads include Smart Communications, Metrobank Femme Visa and Credit Cards, Del Monte Fit and Right, Yamaha Motorcycles, Ayala Land and Folded and Hung.

John has also graced prestigious fashion shows among them: Metrowear Series/Metro Him, Bench, Philippine Fashion Week, among others.

He has also been featured in several fashion editorials ("Philippine Star," "Philippine Daily Inquirer," Men’s Health, Cosmopolitan (where he was chosen as Hunk of the Month- November 2007) and Chalk (Boys of Summer 2007) and was last year’s 1st runner-up in the Mossimo Bikini Summit tilt.

Apart from modeling, John is very much into sports. He’s an avid car enthusiast, having participated in car shows and is an active dragon boat paddler as part of the Dragon Team Pilipinas. He also dabbles in photography, martial arts, music and basketball.

Despite his impressive credentials, John hates to rest on his laurels. He loves adventure and the thrill of facing new challenges hence he decided to join “Survivor Philippines.” The P3 million grand prize for the Pinoy Sole Survivor is an exciting come-on but for John, having passed the audition and being in the show this far not to mention the new experience and the friendship he has developed with the rest of the castaways is rewarding enough.

With his oozing sex appeal and good looks, it couldn’t be denied that John is indeed star material. Who knows, his entry in “Survivor Philippines” could be a sure-fire entry to a colorful career in show business, another world which this risk-taker would like to conquer.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Heart Evangelista tsugi sa show

MAY kinahinatnan naman pala ang pagtanggal kay Heart Evangelista sa soap na Saan Darating ang Umaga kung pinalitan siya ni Yasmien Kurdi.

Ilalagay pala siya sa primetime soap para ipartner kay Mark Anthony Fernandez.

Ang magiging title ng soap ay Luna Mistica at magsisimula na silang mag-taping sa October. Magkasunod na primetime ang kanyang lalaba-san. Una’y sa Codename: Asero, with Ri-chard Gutierrez, at heto na nga, sa bagong soap with Mark Anthony.

Samantala, enjoy si Mark sa pagganap niya bilang Cyrus sa papatapos na soap na Ako si Kim Samsoon with Re-gine Velasquez na mag-i-end sa October.

“Sa akin mahirap ang maging comedian. ‘Di ko alam kung natatawa sa akin ang mga tao. Mas kampante ako sa drama, pero buti na lang, nagagawa ko naman nang maayos,” pahayag niya.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Rhian Ramos magaling gumawa ng isyu

Curious lang talaga kami. Kasi, kumbaga sa pagkain,eh, utang-uta na kami sa mga nari-receive naming hate mails against Rhian Ramos.

Kasi, sa ‘sandamukal na sikat na youngstars sa Kapamilya at Kapuso networks, kung bakit tanging siya ang mas maraming isyu sa Internet bloggers. Aba , natalbugan pa nga niya ang mga ‘prinsesa’ at ‘qeens’ sa giant networks kung bloggers sa net ang pag-uusapan.

Pati ba naman ang pagbu-boo at ‘di pagbu-boo sa nakaraang premiere night ng GMA Films movie,eh, malaking isyu sa net? Na pinalalaki rin naman ni Rhian at ng drumbeaters nito?

Feeling kasi ‘yata nila, magiging malaking star si Rhian kapag lagi niyang pinalalalaki ang mga usa-pin sa Internet. Ngayon tuloy,eh, nagdududa na kami kung si Rhian din ang may pakana ng mga isyu sa Internet at sa blog kasi, game na game din ang hitad na sagutin ang mga ito sa kanyang TV interviews, sa true lang.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, September 25, 2008

TV Ratings -- Sept. 23

Mega-Manila overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 nu’ng MARTES (Setyembre 23):

SiS 11.2% vs. Boy and Kris 9.8%;
Marimar 17.5% vs. Game Ka Na Ba 14.3%;
Eat Bulaga 19.1% vs. Wowowee 18.2%;
Daisy Siete 20.5% vs. Ligaw na Bulaklak 14.8%;
Una Kang Naging Akin 25.7% vs. El Cuerpo 15.4%;
Gaano Kadalas ang Minsan 25% vs. Las Tontas 8.7%;
Gobingo 18.4% vs. Deal or No Deal 20.5%;
24 Oras 34% vs. TV Patrol 26.5%;
Codename: Asero 36.2% vs. Dyosa 25.2%;
Dyesebel 37.6% vs. I ♥ Betty La Fea 25.4%;
Kim Samsoon 30.5% vs. Iisa Pa Lamang 23.8%;
Survivor Philippines 27.2% vs. Kahit Isang Saglit 20.1%;
My Husband’s Woman 22.4% vs. Three Dads with One Mom 17.8%;
World Records 15.9% vs. Bandila 9.2%;
Saksi 8.7%.

Labels:


Continue Reading...

Sheryl Cruz, balik GMA7

Balik-GMA-7 si Sheryl Cruz via the fantasy-drama Luna Mystica, kung saan kontrabida role muli ang gagampanan niya.

May twist daw sa character na ipo-portray nito, kaya kahit bad girl sa simula’y babawi rin towards the end.

Bida sa Luna Mystica sina Heart Evangelista at Mark Anthony Fernandez, si RJ Nuevas ang head writer at si Mike Tuviera ang director.

Mid-October sisimulan ang taping at sometime in November ang airing. Ito ang ipapalit sa Codename: Asero.

Pinipili pa ang ibang cast at ang tiyak pa lang ay sina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Ang Luna Mystica ang next project ni Mark after Ako si Kim Samsoon na malapit nang magtapos.

Thankful ang actor sa sunud-sunod niyang project sa Channel 7 at ikatutuwa rin nito na hindi pa man umeere, tanggap na ng fans ang tambalan nila ni Heart.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Jon Avila, crush ni Megan Young

DATI palang boyfriend ni Megan Young si Gian Carlos, ama ng anak ng 18-year-old ding fellow Star Magic talent niyang si Ida Nolan.

Dati kasing contract star ng GMA Artist Center sina Megan at Gian.

Bakit sila nag-break?

“Baka dahil ayaw ni Megan na magpabuntis,” nagbibirong sabad ng isang movie writer na nag-i-interview kay Megan.

To our question nga pala kung bakit sila naghiwalay ni Gian, ang sagot ni Megan ay: “Hindi kami compatible bukod pa sa we were both too young then.”

Three years na halos mula nang mag-split sila ni Gian. Three months lang nag-last ang kanilang relasyon.

* * *

Two years din naging under contract si Megan sa GMA Artist Center. Produkto siya ng reality show na StarStruck, kung saan ang naging grand winner ay si Ryza Cenon.

When her contract expired, she decided to join younger sister Lauren Young bilang talent ng Star Magic.

I Love Betty La Fea, where she plays the fiancée of John Lloyd Cruz, is her biggest break so far.

Prior to the series, she has appeared in a few shows on ABS-CBN. Pero feeling ni Megan, naging aware lang ang publiko sa kanya nang umalis siya sa last Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.

She was dubbed as the crying housemate ng nabanggit na PBB edition. Kaunting kibot kasi, umiiyak na siya.

Cry baby ba siya talaga?

“Ako ang pinaka-panganay among three kids of an American father and a Filipino mom. Bukod kay Lauren, who is 14, I have a 16-year-old brother.

“Kaya, I must say I am strong in character for my age. Nagkataon lang that I was the youngest sa mga housemate sa Bahay ni Kuya that time. Feeling spoiled ako,” ani Megan.

Although she admires John Lloyd as an actor, she doubts it if she would fall for him.

Then, who is her crush?

“Si Jon Avila,” sagot niya.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Richard Gomez wala na uling planong mag-pulitika

Masaya si Lucy Torres-Gomez sa success ng Sweet Life nila nina Wilma Doesn’t at Grace Lee. Going on two na ang show nila at she has the staff to thank for dahil ginagawa ang lahat na magkaroon sila ng viewer-friendly show at free silang magbigay ng input.

Ikinatuwa pala ni Lucy ang nalamang sinabi ng asawang si Richard Gomez na wala na itong balak magpulitika uli. Tama na sa kanyang nasa active ito sa showbiz, sports at sa NMPP o Nagkakaisang Manggagawa ng Pelikulang Pilipino. Sakit ng ulo raw talaga ang politics.

Very proud din si Lucy na si Richard ang napili ng GMA 7 na mag-host ng Family Feud at tiyak siyang gagawin nito ang lahat para mapaganda ang game show na nag-dry run na noong Martes for it’s October airing. Makakatapat ng FF ang Deal or No Deal ni Kris Aquino, pero tiniyak nitong hindi ito makakaapekto sa friendship nila.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, September 24, 2008

TV Ratings - Sept. 22

Mega-Manila overnight ra­tings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 nu’ng LUNES (Set­yembre 22):

SiS 9.9% vs. Boy and Kris 8.9%;
Marimar 13.4% vs. Game Ka Na Ba 16.9%;
Eat Bulaga 20.7% vs. Wowowee 18.6%;
Daisy Siete 17.8% vs. Ligaw na Bulaklak 15%;
Una Kang Naging Akin 20.5% vs. El Cuerpo del Deseo 15.3%;
Gaano Kadalas ang Minsan 22.5% vs. Las Tontas 8.3%;
Gobingo 15.3% vs. Deal or No Deal 18.5%;
24 Oras 29.2% vs. TV Patrol 26.4%;
Codename: Asero 35.8% vs. Dyosa 24.8%;
Dyesebel 37.3% vs. I ♥ Betty La Fea 26%;
Ako Si Kim Samsoon 29.4% vs. Iisa Pa Lamang 26%;
Survivor Philippines 25.7% vs. Kahit Isang Saglit 21%;
My Husband’s Wo­man 19.4% vs. Three Dads with One Mom 18.8%;
Ripley’s Believe It or Not 16.1% vs. Bandila 10.9%;
Saksi 11.2%.

Labels:


Continue Reading...

One True Love, starring Marian Ri­ve­ra at Dingdong Dan­tes

Ngayong Miyerkules na ang first shooting day ng One True Love ng GMA Films, ang peliku­lang pagta­tam­balan nina Marian Ri­ve­ra at Dingdong Dan­tes at makakasama nila si Iza Calzado.

Love story ang tema ng pelikula sa direk­syon ni Mac Alejandre.

Tinakot ng press si Iza na baka maging deko­rasyon lang siya nina Ma­rian at Ding­dong sa peli­kula, pero naniniwala itong hindi siya madede­hado sa role at exposure.

Ex­cited din siyang maka­trabaho sa pelikula ang Dyesebel loveteam.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, September 23, 2008

Aljur Abrenica at Kris Bernal, updates

Hindi umaalagwa ang loveteam nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.
Everytime na makikita namin nang sabay ang dalawa ay parang walang buhay at matamlay sila sa isa’t isa.

Ayaw mang magsalita ni Kris ay alam na namin ang problema.
Sa tingin namin ay may third party sa loveteam kaya hindi gaanong mainit ang tambalan nila.

Dapat alagaan nila ang loveteam nila at isantabi muna ang lovelife. Hindi pa stable ang career nila.

Baka huli na bago nila ma-realize na ang mga personal nilang interes ang dahilan ng pagbagsak ng loveteam nila. Keber nga naman ng mga syota nila sa loveteam ng kanilang mahal!

Isinali sina Aljur at Kris sa Dyesebel para i-promote ang loveteam nila. Kaso, sa pagiging matamlay nila sa isa’t isa, nawawalan ng interes ang mga tao sa loveteam nila.

Speaking of Dyesebel, palapit nang palapit ang climax ng mga laban ni Dyesebel (Marian Rivera). Pulos mga bakbakan ang eksena ng mga magkakalaban.

Huwag kayong bibitaw sa nalalapit na pagtatapos ng #1 program sa primetime!

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

TV Ratings, Sept. 19-21

Mega-Manila overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2:

BIYERNES (Setyembre 19):
SiS 9.1% vs. Boy and Kris 7.8%;
Marimar 16.9% vs. Game Ka Na Ba 14.1%;
Eat Bulaga 22.6% vs. Wowowee 17.2%;
Daisy Siete 20.1% at Una Kang Naging Akin 24.6% vs. Ligaw na Bulaklak 15.2%;
Gaano Kadalas ang Minsan 25.5% vs. El Cuerpo del Deseo 15.6% at Las Tontas 9.5%;
GoBingo 16.4% vs. Deal or No Deal 17.9%;
24 Oras 30% vs. TV Patrol 26.8%;
Codename: Asero 35.8% vs. Dyosa 24.6%;
Dyesebel 39.2% vs. Betty La Fea 25.9%;
Ako Si Kim Samsoon 34.9% vs. Iisa Pa Lamang 22%;
Survivor 31.4% vs. Kahit Isang Saglit 16.5%;
Bubble Gang 23.6% vs. Daboy 10.3%;
Saksi 9.2%.

SABADO (Set­yembre 20):
Takeshi’s Castle 13.7% vs. Game Ka Na Ba 10.9%;
Eat Bulaga 20.8% vs. Wowowee 17.2%;
Startalk 12.1% vs. Entertainment Live 10.1%;
Wish Ko Lang 15.3% vs. Cinema FPJ 15.3%;
Pinoy Records 17.6% vs. That’s My Doc 11.8%;
Celebrity Duets 23.7% vs. Komiks 16.1%;
Bitoy’s Funniest Vi­deos 30.2% vs. PDA Little Dreamers 18.8%;
Kapuso Mo Jessica Soho 27.2% vs. Maalaala Mo Kaya 24.6%;
Imbestigador 23.2% vs. XXX 20.5%;
Nuts Entertainment 12.6% vs. TV Patrol 8.7% at Sports Unlimited 3.9%.

LINGGO (Setyembre 21):
Takeshi’s Castle 11.2% vs. Matanglawin 10%;
SOP 16.9% vs. ASAP 14%;
Dear Friend 10% vs. Your Song 9%;
Showbiz Central 14.5% vs. The Buzz 9%;
Kap’s Amazing Stories 30.9% vs. Rated K 21.3%;
Tok Tok Tok 30.6% vs. Goin’ Bulilit 22.9%;
Mel and Joey 27.7% vs. PDA Little Dreamers 24.4%;
All Star ‘K’ 19.5% vs. Mega Tatlong Dekada 14.2%.

Labels:


Continue Reading...

Dennis Trillo may komunikasyon pa kay Cristine

Kahit break na, may com­munication pa rin sina Dennis Trillo at ex nitong si Cristine Reyes dahil nang mabalitang nag-attempt ng suicide ang ac­tress sa pamamagitan nang pag-inom ng mara­ming Medicol, tinext siya ng actor para tanungin.

Inalam ni Dennis kung ano ang nangyari at nag-deny si Cristine na pinani­walaan niya. Sabi nito: Hindi ako naniwala sa balita, imposibleng gawin niya ‘yun dahil masayahin siyang tao.”

Dagdag pa ng actor, noon lang uli sila nagkaroon ng komunikasyon ni Cristine at itinanggi ang nasulat na pinuntahan siya nito sa SOP two Sundays ago at nagkape pa habang hinihintay siya. Malabo raw mangyari ’yon dahil ABS-CBN talent na si Cristine.

Samantala, kahit horror ang Mag-Ingat Ka sa Kulam, masaya si Dennis na muling makasama sa pelikula si Judy Ann Santos at leading lady pa niya. Gusto niyang gayahin ang pantay-pantay na trato nito sa mga kasama sa trabaho na nakita niya sa shooting.

Showing sa October 1, ang Regal Films movie na trailer pa lang ay nakakatakot na. Tiyaking may kasama kayong manonood nito para may kasabay kayong sisigaw.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Richard Gomez ready with ‘Feud’ vs Kris

Second week of October, Richard Gomez will take a bow as host of the Philippine version of the long-running, top-rating US game show Family Feud (where a few years ago the late Rio Diaz and Hajji Alejandro, together with their children, appeared as contestants), taking over the timeslot (6 to 6:30 p.m., Monday thru Friday, before 24 Oras) of the Arnell Ignacio-hosted Gobingo and pitted against Kris Aquino’s Kapamilya Deal Or No Deal on ABS-CBN.

“It’s a big challenge,” said Richard who is now rehearsing for the game show produced by Fremantle Media (also behind American Idol). “Hosting a game show is new to me. There are templates from Fremantle that we have to follow, kaya pinag-aaralan kong mabuti.”

It must be Richard’s way of preempting any attempt to create intrigues between him and Kris who happens to be Richard and wife Lucy Torres’ good friend.

“Right now,” said Richard during this interview, “Kris and Lucy are having lunch.”

Friends are daring Richard to invite feuding showbiz denizens as contestants for the show’s first week (show is good for one season, meaning 13 weeks) and Richard said, “Why not?” It will be a high-rater, I’m sure!”

In January next year, Richard will start shooting (maybe abroad) a yet untitled movie for Star Cinema with Sharon Cuneta (with Laurenti Dyogi as director), which is their sixth starrer together following Ngayon at Kailanman, Buy One Take One, Kahit Wala Ka Na, Minsan Kitang Minahal and Walang Kapalit.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, September 22, 2008

Paolo Bediones inilampaso si Jericho Rosales

NAGTALA ng 31.8 percent sa rating ang premiere ng Survivor Philippines (GMA’s new franchise show) hosted by debonair Paolo Bediones against Kahit Isang Saglit (topbilled by Jericho Rosales, Christopher de Leon and Carmen Soo) na nakakuha naman ng 22 percent.

Ang layo ng difference ng dalawang ratings kung kaya maliwanag na inilampaso ni Paolo si Jericho.

Pumapalo nga sa rating game ang Survivor Philippines at exciting ang bawat episode nito. Kung susuriing mabuti, exciting talaga ang line-up ng 18 castaways. News and Public Affairs (NPA) ang may hawak ng Survivor Philippines kaya ibang-iba ito sa mga napapanood natin sa Entertainment department ng Siyete.

Sa castaways, piling-pili rin ang pumasa at nakuha para sa pinaglalabanang P3 million cash prize at titulong first Pinoy Sole Survivor.

May model, mekaniko, call center agent, basketball player, driver, yaya at maraming iba pa.

May isa kaming tinututukan.

His name is John Lopez.

Sana tumagal siya ‘til the end of the competition at eventually, tanghaling first Pinoy Sole Survivor.

Sa nakalap naming impormasyon kay John sa Internet, isa pala siyang commercial at print ad model.

Ilan sa mga nagawa niyang TVCs, print and billboards ay Smart Communications, Metro-bank Femme Visa and Credit Cards, Del Monte Fit and Right, Yamaha Motorcycles, Ayala Land at Folded and Hung.

John hails from the Bicol Peninsula (CamSur).

And what makes him stand-out from the other male castaways is the fact that he has a moreno skin (ala-Richard Gomez ang dating), guwapo, matangkad at puwedeng ma-ging isang TV at movie star.

Handa rin daw si John na pagdaanan at kayahin ang lahat ng klaseng challenges na ipagagawa sa kanya ng Survivor Philippines.

Will John makes it as the first Pinoy Sole Survivor?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, September 21, 2008

Richard Gomez kabado kay Kris

KAHIT super busy, laging may time si Richard Gomez para sa NMPP o Nagkakaisang Manggagawa ng Pelikulang Pilipino. Sa turn-over ng P2.5-million financial assistance ni Sen. Migz Zubiri para sa scholarship program, dumating ito at isa sa lubos na nagpasalamat sa senador sa ibinigay na tulong.

Hindi nito ini-expect na ang ’di taga-showbiz na senador pa ang unang tutulong sa advocacy ng NMPP na siya ang VP for Internal Affairs at tumutulong sa pagko-conceptualize para maging maayos ang pagpapatakbo sa programa.

Excited na ibinalita ni Richard na next week, dry run na ng iho-host niyang Family Feud, papalit sa Gobingo ni Arnell Ignacio.

Isa siya sa 10 celebrities na nag-audition to host at masaya siyang mapili ng Fremantle Media.

“I’ve been wanting to do a game show on TV at natuwa akong mapili, ngayon lang ako nabigyan ng chance. The whole show ang ginawa namin sa audition. Nag-research ako sa YouTube at pinanood ang FF UK. Binasa ko rin ang template bible na kailangang sundin.”

Makakatapat ng Family Feud ang Kapamilya, Deal or No Deal ni Kris Aquino na sabi ni Richard, gustong mag-host ng FF, pero ang Channel 7 ang nakabili ng rights.

Ano ang feeling niya na makakatapat niya si Kris?

“It’s a big task, considering na established na si Kris as game show host at mataas ang rating ng show niya. May kaba, and hopefully, mataas ang rating namin,” wish ni Richard.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Yasmien Kurdi papalit sa trono ni Maricel Soriano

HINDI November, kundi October na ang pagbabalik-taping ni Yasmien Kurdi sa GMA-7 teleserye programs.

Napili si Yasmien na lumabas sa role na dating ginampanan ni Maricel Soriano sa movie na Saan Darating ang Umaga?

Sabi ng aming source, kung magtutuluy-tuloy ang plano, maaari pang makasama ni Yasmien ang veteran at award-winning actress na si Lor-na Tolentino na lalabas sa role na dating ginam-panan sa pelikula ni Nida Blanca.

Ang Saan Darating ang Umaga? ay isang award-winning movie na nagpatingkad ng dramatic acting ni Maricel noon.

Hindi matatawaran ang acting ni Maricel dito at nakilala siya bilang ma-husay na dramatic actress, hindi basta comedienne na unang image niya noon bilang Regal Baby.

Sa parte ni Yasmien, sa klase ng akting niya, marami ang nagsasabi na siya ang susunod na ‘Ma-ricel Soriano.’

Malaking hamon tuloy kay Yasmien ang ba-gong assignment na ito sa kanya ng Kapuso network.

Samantala, timing ang pagpasok ng bagong project ni Yasmien dahil sa October pa ang taping nito. Sa panahong ito kasi ay tapos na ang pagkuha ng course orientation ni Yasmien in preparation sa pagpasok niya sa college.

Pangarap talaga kasi niyang makapagtapos ng college.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, September 20, 2008

Maricris Garcia: Singing with her heart

Maricris Garcia, Pinoy Pop Superstar (PPS) Season 3 grand winner, is a whiff of fresh air in an industry where vocal excellence has been commonly — and quite wrongly — equated with belting (pagbirit). She sings languorously, stirringly, without having to aim for the highest notes. The 20-year-old member of SOP’s La Diva — a trio which also includes Maricris’ fellow PPS winners Aicelle Santos (runner-up to 2006 champion Gerald Santos) and Jonalyn Viray (Season One winner) — recalls the best compliment she got which she’d like to believe is also her edge. “Actually, it’s hard to say what my edge is. But like what Danny Tan has said (musical arranger Tan was one of the judges during Maricris’ Pinoy Pop Superstar stint) before, I sing with class. Simple but elegant.”

That is exactly what her debut album from GMA Records offers: Engaging vocals and heartfelt rendition. The 12-track CD contains remakes like Bakit Ikaw Pa Rin (by an artist named Noah) and Thank You (originally by Tyler Collins) and originals like Since Then, With You, Ikaw Lang Ang Iibigin, Nang Dahil sa ‘Yo, Kung Sana Bukas (theme song of the just-concluded Babangon Ako’t Dudurugin Kita), Umiibig Na Ba, I Love You Still, Kaligayahan Natin and Huwag Mong Iwan ang Puso.

Perhaps the track with the most immediate recall is Mahal Kita, which became popular as the love theme of the Pinoy version of Marimar.

Maricris found an outlet for her passion for music when she became a lounge singer a few years back. Little did she realize she was destined to sing before a larger crowd when she was prodded by close friends and classmates at La Consolacion College (where she was taking up Tourism before showbiz beckoned) to join the said talent search.

Nothing much has changed after her victory except for the busier work schedule and the decision to set aside her studies for the meantime. Maricris is aware of the stiff competition and the quick turn-over of artists. She is lucky to have been given a break and she’s naturally making the most of it. “What I keep in mind is that I should strive to improve the quality of my voice instead of straining too much for effect. Although I cannot totally do away with the birit thing because somehow people have come to expect it from singers nowadays.”

Maricris vows to continue singing from the heart as opposed to merely screaming her lungs out as most artists are wont to do. “Sooner or later, people will get tired of it if it’s the only thing you can offer,” she says.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Mark Herras updates

MARK Herras is aware that there are many fans who don’t approve of him teaming up with the ever controversial Rhian Ramos. But he doesn’t care about these nasty fans who even take pains of knowing Mark’s cellphone numbers so they could send him disparaging text messages just because they don’t like Rhian to be paired with him.

“I don’t want to take them (fans) seriously because they are probably hungry for attention. They are just KSP (kulang sa pansin).

Besides, there’s no reason for them to get mad at me, or at Rhian, for the reason that we are working in a movie,” said of the actors of GMA Films’ latest offering “I.T.A.L.Y.” which is now showing in theaters nationwide.

Mark says they are just doing their job and they should not allow themselves to be affected by these fans who gloat on the idea that they hate Rhian and him. The First Starstruck Ultimate Male Survivor is confident that the fans sending him the nasty text messages are not his loyal fans.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Judy Ann Santos sinuwerte sa Kapuso network

GOOD karma si Judy Ann Santos sa GMA-7.

Kung hindi ba naman, eh, ang nai-promote niya sa Kapuso network na pelikula niyang Ploning ay representative ngayon ng Pili-pinas sa pilian ng Best Foreign Movie sa forthcoming Oscars Awards ng Hollywood.

Dahil sa Ploning ay ba-lita naming hindi makaka-attend si Juday sa concert ni Ogie na 20/20 sa Sep. 27.

Sabi’y magti-taping na lang si Juday sa portion niya sa concert.

Dapat ay nasa U.S. si Juday kapag ini-screen ng mga hurado sa Oscars ang Ploning dahil siya rin ang producer ng pelikula.

May good working relationship si Juday sa GMA-7.

Hindi niya makalilimutan na ang Kapuso ang tumulong nang husto sa promo ng Ploning.

Sa SOP bukas, bibigyan ng big celebration si Juday dahil naging representative ng Pilipinas sa Oscars ang Ploning.

At kapag na-nominate ito at manalo ng award sa Oscars, ang pasasalamatan nang husto ni Judy Ann ay ang GMA-7.

Sa celebration na ibibi-gay kay Juday, itataon na rin niya ang pagpu-promote ng latest movie niyang Kulam na produced ng Regal Films na palabas na sa October 1.

Ang pelikula ay balik-tambalan nila ni Dennis Trillo na nagkasama noon sa Aishete Imasu.

Bukod kay Juday, magsi-celebrate din sa SOP ng kanilang birthday sina Janno Gibbs at Sen. Bong Revilla.

Si Ogie Alcasid naman ay magsi-celebrate ng kanyang 20th year in showbiz.

Ipu-promote na rin niya ang kanyang 20/20 concert.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, September 19, 2008

Gobingo updates

Hanggang sa buwan ng Oktubre na lamang mapapanood ang Gobingo ng singer-TV host na si Arnell Ignacio.

Although alam niyang tatakbo lamang ito ng dalawang seasons o anim na buwan, hindi rin siyem­pre mawala sa kanya ang malungkot dahil napa­mahal na sa kanya ang programa.

“Iba kasi ang pakiramdam kung marami kang taong napapasaya sa pamamagitan ng programa,” ani Arnell nang ito’y aming makausap.

Ang Gobingo ay papalitan ng local version ng bagong game show na Family Feud na si Richard Gomez ang host.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn Mercado may mga boylet agad

Handa na ba si Jennylyn Mercado sa muling pagbabalik ni Patrick Garcia sa bansa?

Eh, ‘di ba ang press release ng side ni Pat ay sa bandang katapusan pa ng Setyembre siya uuwi mula sa Amerika? Ang tanong, hahara-pin ba naman siya ni Jen at ipapakilala ang anak niya sa aktor?

Nabalitaan naming ka-hit wala sa bansa si Pat-rick ay naka-monitor pa rin daw ito kay Jen. As in, aware pa rin daw ang aktor sa pinaggagawa ng ex-girlfriend niya.

Nagmamanman pa rin umano si Patrick sa mga ginagawa ni Jen?
Aware daw si Patrick na may ardent suitors si Jennylyn. At ikinagaga-lit daw ito ng batang ama lalo pa’t kapapanganak lang ng ‘nadisgrasya’ ni-ya.

Nagtataka lang din kami, kung totoo man ang chikang aware si Patrick, at tila apektado nga raw sa mga naglalabasan about Jen na may mga nali-link sa batang aktres tulad nina Drei Felix at ang consistent na si Mark Herras. Bakit may mga ganitong chika, eh, wala na rin naman sila?

Eh, ‘di ba nga si Patrick pa mismo ang umalis at si Jen ang naiwang mag-isa sa maselang kalagayan?

Why all of a sudden, may ganitong drama sa pa-ligid?

Ilang fans ang kinakabahan. Baka raw ‘giyerahin’ ni Patrick si VJ Drei sa pagkaka-link nito kay Jen.

Sa pagkakaalam namin, ‘pag ‘ex’ na wala nang pa-kialaman. So, bakit kaila-ngan pang may comfrontation scene?

Magpasalamat na lang si Patrick at nairaos ni Jen ang panganganak without having him around.

Maging masaya na si-ya para kay Jennylyn, noh!

We heard, may sisi-mulang proyekto si Jen soon sa GMA-7, kaya la-long nagbabawas siya ng timbang.

Well, siguradong aabangan ito ng fans ni Jen.

Ito ang pagbabalik-tele-bisyon ng isang batang aktres na minsa’y nagmahal, iniwan at muling bumangon.

Very cinematic, ‘di ba?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, September 18, 2008

Rhian Ramos gustong makatikim ng ‘Kapamilya’

MULING ipinagdiinan ni Rhian Ramos na hindi si-ya isang ilusyonada. Kung may crush man daw siya, hindi niya ‘yun ipinagsasabi kahit kanino. At tungkol naman sa nakarating sa kanyang sinabi raw ni Phil Younghusband na ipinagkaka-lat niyang kanya itong crush, hindi raw totoo ito, at sigurado raw na si Phil ang talagang nag-iilus-yon sa kanya. O ginaga-mit lang siya para mapag-usapan si Phil dahil kasali ito sa Celebrity Duets ng GMA-7

At papaano raw niya ipagsasabing crush niya si Phili, eh, ni wala nga raw tong appeal sa kanya dahil hindi siya mahilig sa mga mestizo.

Ang type daw niya ay ‘yung mga moreno at mga Pinoy talaga ang dating.

Binanggit pa ni Rhian ang mga male stars na type na type niya. Ang mga ito ay ang Kapamilyang si John Lloyd Cruz, Kapusong sina JC De Vera, Mark Herras at Dennis Trillo. Inamin ni Rhian na masasabi niyang iniilusyon nga niya ang mga ito. At gusto niyang matikman o makasama ang mga ito sa isang proyekto.

By the way, nagkaki-lala raw sila last year ni Phil na ang tulay ay ang manager nitong si Joyce Ramirez na executive sa Animax kung saan naka-pagtrabaho rin siya noon.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn Mercado sasabak na sa trabaho

May good news ako sa fans nina Mark at Jennylyn Mercado. Magsasama sila sa isang episode ng Dear Friend.

Balik-trabaho uli si Jennylyn pagkatapos nitong isilang ang love child nila ni Patrick Garcia.

Hindi lamang magiging busy sa mga TV guesting si Jennylyn.

Gagawa rin siya ng pelikula sa OctoArts Films. Kasama siya sa cast ng One Night Only at ito ang kanyang comeback movie.

Na-miss ni Jennylyn ang showbiz. Na-miss din niya ang magtrabaho dahil matagal siyang nabakante.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Lani Misalucha and Regine Velasquez, LA concert

Ana Co puno, president/CEO of Starmedia Entertainment, happily reports that inspite of the recession in the US, the Main Event concert she recently produced in L.A., topbilling Lani Misalucha and Regine Velasquez, together with Martin Nievera, was a hit.

Asked if it’s true that Lani “upstaged” Regine, Ana said, “Not true. They blended very well. Walang ‘nag-nakaw’ ng eksena.”

“The venue was filled to the rafters,” said Ana. “The maximum seating capacity was met. The two Divas reigned supreme, both providing great vocal prowess and versatility, and so did the Concert King. The chemistry of the three singers was flawless and exceptional.Their performance was simply unforgettable.

“Regine sang favorite pop songs and OPM hits with intensity and flair, including Maybe It’s You, Dadalhin and her show-stopper Mariah Carey hits.

“Lani was a big revelation for many who have not experienced her singing style. As expected, she performed with bravura, contrasting the elegant Conti Partiron with the rock opera version of Laklak. She gave a fantastic renditon of Whitney Houston hits.”

The two divas have performed together on the GMA noontime show S.O.P. and their L.A concert was one rare chance for their fans to see them perform “live.”

Ana said she will mount the show in Manila in February next year.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, September 17, 2008

Survivor Philippines umabante sa ratings

Narito ang Mega-Manila overnight ratings ng mga programa ng Siyete at Dos nu’ng LUNES (Setyembe 15):

SiS 13.5% vs. Boy and Kris 9.1%;
Marimar 18.7% vs. Game Ka Na Ba 15.8%;
Eat Bulaga 23% vs. Wowowee 19.6%;
Daisy Siete 18.9% at Una Kang Naging Akin 21% vs. Ligaw na Bulaklak 14.9%;
Gaano Kadalas ang Minsan 19.5% vs. El Cuerpo del Deseo 17.9% at Las Tontas 10.9%;
Gobingo 14.3% vs. Deal or No Deal 17.7%;
24 Oras 28.3% vs. TV Patrol 27.8%;
Codename: Asero 36.4% vs. Dyosa 25.3%;
Dyesebel 38.8% vs. I ♥ Betty La Fea 28.2%;
Ako Si Kim Samsoon 34.8% vs. Iisa Pa Lamang 25.8%;
Survivor Philippines 31.8% vs. Kahit Isang Saglit 22%;
My Husband’s Woman 22.7% vs. Three Dads with One Mom 18.6%;
Ripley’s Believe It or Not 21.3% vs. Bandila 9.6%;
Saksi 13.1%.

Labels:


Continue Reading...

Iza Calzado in the Emmys

CONGRATS to Iza Calzado. After doing the Hollywood movie, “The Echo” where she co-stars with Jesse Bradford and Amelia Warner and which will be shown next year, she’s now nominated in the coming International Emmy Awards as a semi-finalist in the best performance by an actress category. This is for her performance as Sophia, the wife of Robin Padilla in the former GMA7 show, “Joaquin Bordado.” The International Emmy Awards will be held in November in New York City.

“It’s really a big honor for me at kahit hindi ako manalo, karangalan pa rin ‘yun para sa’kin,” she says.

Two programs of ABS-CBN are also nominated. For drama series, it’s “Pangarap na Bituin” that starred Sarah Geronimo and for comedy series, it’s “Volta” that starred Ai Ai de las Alas. Let’s hope that at least one of them wins an award.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Jolina's boyfriend steals attention

JOLINA Magdangal fights Rufa Mae Quinto for the love of Dennis Trillo in their movie, “ITALY” (which starts showing today in Metro Manila theaters), but in real life, she doesn't have to fight for it as she is one confident woman in love with Bebong Muñoz, a young and good-looking lawyer.

But have they not talked about getting married yet?

"You know what, we have been asked that a hundred times already," she told us at Italliani's restaurant before the premiere night of ITALY at SM Megamall 9. "Tapos, tinatanong nga po nila kung 'di ba ako naiinggit sa mga ibang kasamahan ko na may mga anak na. I told them, Bebong and I are enjoying what we have now. In fact, wala pa kaming pinag-uusapang seryoso tungkol sa kasal. Mga in passing lang, as you know, I still have a career, and he, may mga gusto pa rin siyang gawin bago mag-settle down."

Bebong was with Jolina that night and it looked like he was so at home with Jolina's co-stars. "Kaibigan na niyang lahat ang mga kasamahan ko."

Bebong has movie actor's looks, and we are sure, like Dr. Vicki Belo's boyfriend Dr. Hayden Kho, he can steal some attention once he decides to give acting a shot.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, September 16, 2008

Dingdong Dantes, freak accident

Ipinakita sa Showbiz Central ang footages ng freak accident ni Dingdong Dantes sa taping ng Dyesebel.

Na-dislocate ang buto nito sa right arm sa kasusuntok sa puno ng niyog nang magwala na hindi natulungan si Dyesebel (Marian Rivera).

Naka-cast ang right arm ng actor at matagal bago ’yon mag-heal. Pero, tuloy ang taping nito at dumating din siya sa premiere night ng I.T.A.L.Y.

Ang problema niya’y ’pag sinimulan na ang shooting ng One True Love.

Sumalang si Manny Pacquiao sa “Killer Question” at aliw malamang takot ito sa misis niyang si Jinkee Pacquiao ’pag sinagot kung sinong girls ang mga nagti-text sa kanya.

Si Alma Moreno naman ang guest sa “Don’t Lie to Me” segment at sinamahan ng mga anak. Itinanggi nitong imbento lang ang pagkakaroon ng multiple sclerosis.

Kinuwento ni Dennis Trillo ang nangyari sa first birthday ng anak na si Calix Andreas sa clubhouse ng Valle Verde 6.

Naintindihan ng press kung bakit hindi siya nag-imbita. Itinanggi rin nito ang nabalitang pagbabantay sa kanya ni Cristine Reyes sa S.O.P. two Sundays ago at habang naghihintay ay nag-kape pa.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Rhian Ramos latest news

Mariing sinabi ni Rhian Ramos sa premiere night ng pelikulang ITALY kamakalawa ng gabi sa SM Megamall na hindi siya isang ilusyonada.

Wala raw siyang sina-sabihan na kahit sino na kesyo may crush siya sa ganu’n at ganitong lalaki. O crush niya or may crush sa kanya ang Bri-tish mestizo na si Phil Younghusband na kasama sa Celebrity Duets. Sa katunayan, walang appeal daw si Phil sa kanya dahil hindi siya mahi-lig sa mestizo.

Kasi nga since maputi na rin siya at may lahing banyaga ay gusto naman niya ‘yung mga moreno at Pinoy talaga ang da-ting when it comes sa mga lalaki.

Ang ilan sa mga crush niya na Pinoy na Pinoy ang dating ay sina John Lloyd Cruz, JC De Vera, Mark Herras at Dennis Trillo. Nagkakilala raw sila last year ni Phil dahil sa manager nitong si Joyce Ramirez na konektado sa Animax kung saan naka-pagtrabaho rin siya dati. Never daw niyang i-claim na siya ang dahilan kung bakit bumalik dito sa Pilipinas si Phil.

Paano raw mangyaya-ri ‘yun, eh, mula nang nakabalik ang guwapong tisoy dito sa ‘Pinas ay hindi pa raw sila nagkikita ni-to ulit.

Anyway, okey lang daw sa kanya kung ‘ginagamit’ siya ni Phil para sa publicities nito.

Happy naman daw siyang makatulong dito.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Showbiz Jolina nag-Manaoag para sa pelikula at album

“Hindi lamang ako nagpunta ng Manaoag dahil may hinihiling ako, this time nagdasal ako na kahit anong mangyari sa movie na ITALY gusto ko lang ay magkaro’n ng inner peace. Nag­pasalamat din ako sa maraming bless­ings na tinatanggap ko.

“Napanood ko na ang rough copy ng movie, may kulay na ito at music score, at hindi naman sa pagbubuhat ng sarili kong bangko, maganda ang movie. Umpisa pa lamang ay mala­king eksena na kaagad at marami nito sa movie. Alam mo na sa ibang bansa gi­nawa dahil sa mga bagong sce­neries.

“Masaya rin ang movie, entertai­ning, kahit malungkot ang story ng mga OFWs na aming ginagam­panan, ikinuwento ito sa masayang pama­ma­raan. Riot ang mga scenes nina Eu­gene Domingo at Rufa Mae Quinto. May kilig naman yung love story nina Mark Herras at Rhian Ramos,” kwento ni Jolina Magdangal sa ilang piling press para sa promo ng kanyang bagong album sa GMA Records na pinamagatang Destiny. Siyempre, hindi maiiwasang mapag-usa­pan ang kanyang pelikula sa GMA Films na bukod sa mga binanggit niyang artista ay tampok din si Dennis Trillo, sa ilalim ng direksyon ni Mark Reyes.

Kasama sa album na Destiny ang theme song ng ITALY (I Trust and Love You), ang Will of the Wind, ito rin ang carrier single ng album.

My dalawa pang revival songs sa loob, ang When I Fall In Love at Stitches and Burns ng Fra Lippo Lippi. Pinili niya ito dahil para sa kanya kapag umibig siya, “it will be forever.”

Swerte naman ng boyfriend niyang si Atty. Bebong Muñoz na ani­ya ay alaga niya ng husto. At kahit pamin­san-min­san ay nakaka­ram­dam siya ng selos, na katu­lad ng maraming baba­eng in love, hindi siya nag­­papakita ng galit bag­kus bina­baitan niya ito.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, September 15, 2008

Manny Pacquiao updates

MATAPOS mag-taping ng six episodes for Pinoy Records si Manny Pacquiao ay binigyan siya ng send-off ng Kapuso stars kahapon sa SOP.

Kinantahan siya nina Ogie Alcasid, Janno Gibbs at Jaya kasama ang cast ng SOP para sa ikatatagumpay ng kanyang laban kay Oscar de la Hoya sa Disyembre.

Pagkatapos sa SOP ay nagtuloy si Manny Pacquiao sa Showbiz Central para sa isang segment.

Dadaan pa sana siya sa Araneta Coliseum para suportahan si Chris Tiu pero sa dami ng gustong makipag-usap sa kanya ay hindi na siya nakadaan.

Sa Rennaisance Hotel ay magkikita pa sila ng healing priest na si Fr. Suarez para i-pray over siya.

Hindi pa makakasama kay Pacman pa-Amerika ang asawang si Jingkee na limang buwan nang buntis. Susunod na lang ito sa October.

Bawal manood si Jingkee nang live sa December dahil sa kalagayan niya.

[via]

Labels:


Continue Reading...

German Moreno Japanese controversy

TINAWAGAN kami ng isang friend at tinanong kung napanood namin ang Walang Tulugan nu’ng isang gabi.

Ikinuwento niya ’yung eksena ni Kuya Germs.

"’Day, nawala yata sa sarili niya si Kuya Germs, dahil goodbye time na sa kanyang show. Eh, meron du'ng isang bagets na Japanese na guwapo na naka-Flintstone outfit. Ang ikli-ikli ng costume.

"Aba, ang Kuya Germs, eh, binibiro ang bagets na ’pag nakalingat, eh, inaangat niya ’yung parang palda. Ilang beses ’yon, kaya nakita ’yung underwear nu'ng bata. Black.

"Tapos, parang hindi yata napigilan ni Kuya Germs ang kanyang panggigigil sa bagets, juice ko, ’Day, hinawakan pa ni Kuya Germs ang binti ng bagets. Parang nanggigil si Kuya Germs du'n sa balahibong-pusa ng bagets sa binti.

"Nagdadayalog talaga ’yung bagets ng, ‘’Wag, Kuya Germs, ’wag! Bastos ka, Kuya Germs!' Gano'n, ’Day!"

Actually, hindi kami ru'n nalokah, kundi sa itinanong ng aming friend.

Ang mga ganu’ng katanungan ay hindi na namin sasagutin pa. Ang buong industriya ay mataas ang respeto kay Kuya Germs. Kami'y naniniwala na biro lang ’yon ni Kuya Germs sa bagets.

Ayan tuloy, na-curious na kaming manood uli ng Walang Tulugan, dahil na-miss namin ang itsinikang ’yon ng aming friend. Hahaha!

[via]

Labels:


Continue Reading...

Jean Garcia, as cover sa FHM October issue

PUMAYAG na rin pala si Jean Garcia na mag-cover sa FHM at siya ang cover ng October issue ng men’s magazine.

Kuwento sa amin, disenteng sexy ang kinalabasan ng pictorial ng actress na ginawa sa isang bahay sa Ayala Heights.

May pose na naka-two-piece si Jean at may pictorial na wala raw itong damit.

Matagal daw kinumbinse ang actress na lumabas sa naturang men’s mag dahil natatakot at ninenerbyos, pero maganda yata ang convincing power ng manager nitong si Manny Valera, kaya heto’t lalabas na ang magasin sa last week ng September.

Napapanood sa Dyesebel si Jean at hindi naman siguro makakaapekto sa role niyang si Ava na makita siya ng viewers sa FHM.

Samantala, this Monday, nagpaalam na si Fredo kay Dyesebel dahil hindi niya ito kayang mahalin.

Dahil du’n, mawawalan ito ng ganang mabuhay at may gagawing hindi maganda.

Worried naman si Paolo (Aljur Abrenica) kung nasaan si Shiela Mae (Kris Bernal) dahil wala ito sa mansion.

Nabuking naman ni Dyangga (Mylene Dizon) na may masamang balak sa kanya si Bukanding (Paolo Ballesteros).

[via]

Labels:


Continue Reading...

Katrina Halili willing to work for Regal

KATRINA Halili insisted that her two-year contract with Regal Films is over but she admitted that she’s still willing to work for Regal if there’s a project intended for her.

“May utang na loob po ako kay Mother Lily (Monteverde) at siya rin ang nagbigay sa akin ng break sa pelikula at maging sa launching movie kong “Gigil.”

The sexy young star has recently signed a multi-picture contract with OctoArts Films and she’s just started shooting for her MMFF entry, “One Night Only” which co stars her with Diana Zubiri, Valerie Concepcion, Paolo Contis. Jon Avila, Ricky Davao, Jason Gainza, Joross Gamboa, Chokoleit and Jennylyn Mercado.

Katrina is soon to start taping for her new TV series, “Gagambino” with Dennis Trillo playing the title role.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Paolo Bediones' Survivor experience

He may be used to hosting reality shows and braving dangerous places where the different mental and physical challenges unfold but for Paolo Bediones, Survivor is a game no one can ever prepare for.

This, he has come to realize as Paolo took the grueling task of guiding and leading the 18 castaways for 39 days in the island of Koh Tarutao in Thailand for GMA 7’s latest reality show Survivor Philippines, to air weeknights starting tonight at 9:15.

“Before I left, I told myself, there’s no way I can prepare myself physically, mentally truly for what’s gonna happen. In a very good way, it wasn’t what I expected. It’s much worse,” Paolo says, whose skin got a few shades darker and weight now lighter by 12 pounds. “But when I say much worse, it means, the work is much harder yet very fulfilling.”

Even the castaways were initially seemed caught by surprise when they were asked to swim at a depth of 20 feet, one kilometer stretch from the drop off point to the island also known as the Devil’s Island. It was an initial test of endurance and skills as great challenges await them in an island where wild animals abound. Yet, Paolo made sure all the challenges were safe.

He and the production team flew ahead of the castaways to check on the chosen site, set it up and assured everyone all the challenges do not exceed the line of safety.

“We worked as a team and everybody got really tired. It was really funny that I kept telling to myself that I must not get sick because we often rode in a dump truck soaking wet in the rain during our (45-day) stay there. Now, here I am I got sick just because nag-rappel ako dito while raining,” Paolo says.

But Paolo is proud of how he has smoothly accomplished all the tasks hanging on his shoulders. He is not just a host but an instigator and arbitrator as well. That is why, Paolo must know everything happening in-between challenges and among the castaways. Knowing each of the contestants’ background is also essential without allowing himself to be too friendly with anyone of them.

“Everything is real. Nothing is concocted and nothing is manipulated — from the selection of the castaways to executing all the challenges. The only thing that was scripted is the lines that I have to deliver,” Paolo assures. “I wrote them based on the original show (Survivor).”

Televiewers will also see how Paolo gets so mad with the contestants whenever there are clashes among the tribe. “I hardly smile here. If ever you see me smile, it’s a sarcastic one.”

And all the hard work paid off. Survivor owner Castaway Television Productions representatives were impressed on how the whole local team worked when they visited the set in Thailand.

“They are happy to see how smooth things are going. Second, there would be no question about having a second season, kung sakali. There are innovations in the show that we introduced that they want to introduce worldwide,” Paolo proudly shares.

But what strikes Paolo most is how Survivor host Jeff Probst has been so supportive of the local version to the extent of promoting it on the Kapuso network for free.

“He even gave me advice through an interview. He said to just enjoy the show and just be myself. Ever since I’m a fan of Survivor and this is my dream job because what else is next for me after Extra Challenge? This is much, much bigger for me.”

And who among the castaways does he think will leave a mark on the audience?

“Each of them has a unique personality. I’m sure all of them will have their own supporters because of how they play the game or maybe because they are entertaining to watch,” Paolo replies.

What is one trait of the Pinoy he noticed during the game?

“We, Pinoys really never say die especially if we are so focused in our goals,” he says.
And what challenges has he survived as a host?

“I survived the storms without getting sick, those three small meals a day, the long walks, and the experience of having to live a simple life,” he replies.

And every Sunday, while in the island, Paolo would read passages from the Bible and all of them in the production team including those who were eliminated would pray together.

“A lot of us became prayerful. You’re in a foreign land and in an island pa where you have to cling on to something. We also became open to one another,” Paolo offers.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, September 14, 2008

Lotlot de Leon wala nang paki kay Ate Guy?

Hindi man niya aminin, it’s an open secret na hindi pa nakikipag-ayos si Lotlot de Leon sa inang si Nora Aunor. On at least two occasions, isang ever-smiling Lotlot ang lagi kong nakakasalubong sa GMA 7 compound: A gesture that I would describe as a polite way of declining interviews that had anything to do with her mom.

Unlike most stars who literally turn their backs on pursuing reporters, may kakaibang paraan si Lotlot na mahihiya na ang sinumang mangahas na interbyuhin siya.

Of the issues attributed to Lotlot, pinaka­inte­resado ang press kung ano’ng reaksyon niya now that her Mama Guy is a full-pledged green card holder. Does Lotlot’s smile translate to ‘‘care ko?’’ answer?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Lucy Torres-Gomez bobong umarte

SA edad na 33 ay naniniwala pa rin si Lucy Torres-Gomez na bibiyayaan pa rin sila ni Richard Gomez ng another baby.

Ang panganay nila ni Richard na si Julianna ay walong taong gulang na ngayon.

Habang hindi pa ulit nabubuntis si Lucy, busy naman siya sa kanyang showbiz life. May dalawang TV shows siyang pinagkakaabalahan, ang Sweet Life ng QTV 11 at ang Shall We Dance na three years nang namamayagpag sa TV 5 at ma-papanood tuwing Sunday, 9-10 p.m.

Mas type ni Lucy ang sumayaw kesa umarte kaya enjoy na enjoy siya sa kanyang show.

“Hindi ko talaga feel ang acting. Mas at ease ako sa dancing. Kaya naman pinag-aaralan ko itong mabuti.

“Okey rin ang TV hosting sa akin kasi, mapapalawak ko ang aking pakikipag-communicate sa ibang tao. Talagang hate ko ang acting.”

Nasubukan na ni Lucy ang umarte sa sitcom na Richard Loves Lucy ng ABS-CBN. Nakapag-guest na rin siya sa kung anu-anong TV shows.

“’Di talaga ako pang-soap dahil hindi ako marunong umarte,” wika pa niya.

Partner ni Lucy sa kanyang dance show ngayon sina Victor Basa at Jon Avila.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Dennis Trillo iniiyakan pa rin ng former GF

HINDI naman pala totoo ang nakarating sa aming balita na hindi pa talaga split sina Dennis Trillo at Cristine Reyes.

Mali naman ang sabi sa amin ng aming source na going strong pa rin ang relasyon ng dalawa sa kabila ng pahayag nilang break na sila.

Hindi kaya si Cristine lang ang nagbabalitang hindi pa sila hiwalay ni Dennis? Na gumigimik lang siya?

Paano kaya ipaliliwanag ni Cristine ang isyung nag-iiyak siya sa taping ng Kahit Isang Saglit dahil hindi niya matanggap na hiwalay na sila ni Dennis?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, September 13, 2008

Phil Younghusband updates

CURRENTLY number one in “Celebrity Duets” is Fil-British balikbayan football player Phil Younghusband. Born on August 4, 1987, his dad and namesake Phillip James Younghusband was a British accountant and his mom Susan Placer is from Malabon. They met as pen pals. He has a brother who’s 11 months older than him and a sister who’s 6 years old. His dad passed away five years ago due to the big C. He first played for Chelsea in England.

“Football is the biggest sport in England and you can make a lot of money,” he says. “I was only 9 when Chelsea scouts signed me up to a contract and became a part of the Chelsea Youth Team. I became the top scorer in the 2003-2004season - before turning professional in 2005. It’s so competitive. When I started, there were probably about 40 players (in my batch). And now there are about two or three left.”

As a child, he came home with his family for an annual vacation in Manila. His mom still has relatives here and he enjoys being with his cousins. He finished math mechanics and sports science in England. He joined the 2005 Southeast Asian Games under the Philippine flag and enjoyed the warm reception given to him by his Pinoy fans. “I love the attention given to me by the people here.”

Phil stands 5’11", has hazel brown eyes and striking mestizo good looks. How did he join “Celebrity Duets”?

“GMA-7 invited me to join. They said it’d be a lot of fun. At first, I was so nervous as I only sing in the shower. But now I’m having a lot of fun. I get along well with all the other contestants. They’re all nice. It’s my manager, Joyce Ramirez, who coaches me to sing. This Saturday (tonight), I’m singing a Tagalog song of Side A, ‘Ang Aking Awitin’, with Nyoy Volante. This is a big challenge for me as I don’t speak Tagalog well. “

Will he go into acting? “I don’t know. My problem will be I don’t speak Tagalog fluently. But I do enjoy entertaining people and making them happy.”

Joyce says her ward is too gullible. “Iniyakan lang siya ng isang Pinoy friend niya, pinautang niya ng P250,000 and up to now, hindi pa siya binabayaran.”

He’s warned to be more careful, especially now that he’s in showbiz. He shouldn’t be too trusting as some people would take advantage of him. “I find it hard to say no when people ask for my help. I want to make a lot of friends.”

If you want to vote for Phil, text duetsphil and send to 367 for Smart/TnT and to 2344 for Globe/TM subscribers.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Mother Lily Monteverde ‘kukulamin’ si Katrina

Nasimulan na kaya ni Katrina Halili ang MMFF entry ng Octoarts na One Night Only?

Kasi mukhang magka-kaproblema ito sa Regal Films dahil ayaw pa si-yang pakawalan ni Mo-ther Lily.

May isang movie pa kasi siyang natitira sa pi-nirmahang 4-picture exclusive contract sa Regal at ilang beses na raw su-mulat ang lawyer ng Regal sa kampo ni Katrina pero ayaw daw nitong ma-kipagkita kay Mother.

Samantala, nagbalik naman sa kuwadra ng Re-gal ang isa sa ‘beloved daughters’ ni Mother na si Judy Ann Santos sa pelikulang Kulam na ipapalabas sa Oct. 1.

Si Mother mismo ang nagbiro sa prescon ng Kulam na may lahi raw siyang mangkukulam. Kasi, tuwing nagagalit daw siya ay may nangyayaring masama sa nakagalit niya.Warning ito ni Mother kay Katrina.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Showbiz Buhay ni Dennis Trillo nagulo kay Cristine?

Sa tono ng mga pananalita ni Dennis Trillo, tila siya ang nakipag-break kay Cristine Reyes. Pero ayaw niyang magbigay ng detalye kung sino sa kanilang dalawa ang nakipag-break kanino. Itinurong dahilan ni Dennis ang kanyang career na gusto niyang harapin.

Sa totoo lang, na-realize marahil ni Dennis na magmula nang magkaroon sila ng relasyon ni Cristine ay hindi na natahimik ang kanilang mga buhay dahil bukod sa kanila ni Cristine, damay din ang ex-GF ni Dennis na si Carlene Aguilar at maging ang kanilang walang kamuwang-muwang na anak na si Calix.

Kahit hindi palasalita si Dennis pagdating sa kanyang personal na buhay, hindi naman siya makaiwas sa mga kontrobersiya kaya nagdesisyon siyang wakasan na ang relasyon nila ni Cristine. Ayon sa binatang-ama, nag-usap umano sila nang masinsinan ni Cristine at naging maayos naman daw ang kanilang paghihiwalay.

Ngayong break na sina Dennis at Cristine, maging masaya naman kaya si Carlene sa nangyari?

[via]

Labels:


Continue Reading...

JC de Vera, a racist

I was reading Ricardo F. Lo's body talk with JC de Vera. One of the questions thrown at him was this:

RFL: What else about a girl turns you on?
JC de Vera: "A tight butt, ‘yung parang sa mga Negra. It’s very attractive. I’m a butt person; hindi ako mahilig sa boobs."

Negra? He's such a racist. The "Negra" term or the big "N" is a taboo. Doesn't he know about that? he could have used "Black" women or "Black American". But he must avoid the word "Negra"!

JC de Vera is so racist!

Labels:


Continue Reading...

Friday, September 12, 2008

TV Ratings - September 10

Narito ang Mega-Manila overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 nu’ng MIYERKULES (Setyembre 10):

SiS 12.1% vs. Boy and Kris 8.8%;
Marimar 15.8% vs. Game Ka Na Ba 16%;
Eat Bulaga 21.5% vs. Wowowee 19.6%;
Daisy Siete 20.3% vs. Ligaw na Bulaklak 15.9%;
Una Kang Naging Akin 22.3% vs. El Cuerpo del Deseo 17.6%;
Gaano Kadalas ang Minsan 22.6% vs. Las Tontas 10.7%;
Gobingo 18.4% vs. Deal or No Deal 18.5%;
24 Oras 33.7% vs. TV Patrol 28.7%;
Codename: Asero 38.5% vs. Dyosa 27%;
Dyesebel 41.9% vs. I ♥ Betty La Fea 27.9% at Iisa Pa Lamang 25.8%;
Ako Si Kim Samsoon 30.5% vs. Pinoy Dream Academy 22.3%;
My Husband’s Woman 21% vs. Three Dads with One Mommy 17.2%;
Masquerade 17.3% vs. Bandila 7.1%;
Saksi 9.4%.

Labels:


Continue Reading...

Mark Herras at Katrina Halili lihim na nagtikiman

Hindi nagpaliguy-ligoy si Mark Herras nang tanungin siya sa Showbiz Central kung sino ang girlfriends niyang ‘di niya inamin ever in public.

Lalaking-lalaki si Mark sa pagsasabing sina Ryza Cennon at Katrina Halili ang dalawa sa naging secret loves niya.

Sinabi pa ni Mark sa Showbiz Central na kasikatan ng loveteam nila ni Jennylyn Mercado nang nagustuhan niya si Ryza. Nalaman daw ito ng management ng GMA-7 at agad siyang pinagsabihan na huwag ituloy ang balak na panliligaw kay Ryza para ‘di maapektuhan ang love-team nila ni Jen.

‘Yung kay Katrina naman, napabalitang nagdi-date sila ni Mark noon, pero never nilang inamin. Kaya hayun, nagpaalam muna si Mark on air kay Katrina na huwag daw itong magagalit kung sasabihin niya ang totoong naging sila nga before.

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Phil Younghusband showbiz na showbiz na

BAGUHAN man, showbiz na showbiz na mag-isip, magsalita’t kumilos ang Fil-Brit soccer player at Celebrity Duets contender na si Phil Younghusband.

Kineri talaga nitong makipag-echosan sa intriguing questions ng press na kaharap nu’ng maulang Miyerkules ng gabi, ha.

Tipong wa siya care at full of confidence niyang sinagot na sa kanilang tatlo nina Bayani Fernando at Chef JL Cang, siya ang mas may “K” mag-win sa reality-based show ng GMA-7 na una nang pinagwagian ng karakter na socialite-turned-CD juror na si Tessa Prieto-Valdes.

May nangangamoy ngang rivalry sa kanila ni JL dahil sa batch nila, sila ang pinakabata, may fez at puwedeng ilusyunin ng mga bakla, kolehiyala’t matrona.

Pero friend naman daw ni Phil si JL. Actually, kaibigan daw niya ang lahat ng fellow CD contenders.

Nagtutulungan sila from time to time, pero ’pag oras ng kumpetisyon, siyempre’y kailangang magpatalbugan sila.

Hindi rin nahihiya si Phil na amining kina-career niya talaga ang contest. Wala na raw siyang ginawa kundi kumanta, itsura nang naiirita na ang kapatid niyang si James.

Mukhang true ito, dahil ang writer na si Dinno Erece, pinadalhan kami ng picture ni Phil na kumakanta pati sa pagsa-shower gamit ang sabon bilang mic.

Ilang araw na nga raw niyang pina-practise ang kakantahin with Nyoy Volante sa Sabado, ’no?

Hulaan n’yo kung ano ito.

Ang Ating Awitin lang naman ng Side A band, na bahagya pa niyang kinanta sa harap ng writers nang makantsawan.

Komento tuloy ng isang kolumnista, para pala itong laruang de-susi, hindi na kailangang pilitin para “mag-perform.” Aliw, hahaha!

Ma-sustain lang ni Phil ang level of confidence at lakas sa text-voting viewers, hindi malayong siya nga ang tanghaling grand winner ng CD season 2.

Para sa fans ng binata na type siyang iboto, i-text lang ang Duets Phil at i-send sa 367 (Smart/Talk ’N Text) o 2344 (Globe at TM subscribers).

Ang Celebrity Duets ay napapanood sa Kapuso Network tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng Pinoy Records.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Richard Gutierrez at Dingdong Dantes rivalry continues

Lalong sumisigla ang rivalry nina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes.

Ini-launch last Tuesday si Richard bilang celebrity endorser ng Empe-rador Brandy na kalaban ng brandy na ini-endorse naman ni Dingdong.

Tahasang sinabi ni Richard sa launching na wa-la siyang balak umalis sa GMA-7 ngayon. Tatapusin daw niya ang kanyang contract sa network hanggang 2010.

Masaya naman daw siya sa pagiging Kapuso. Nagtampo lang daw ang mommy niya dahil sa pagtatapat ng birthday show nina Dingdong at Marian Rivera sa ope-ning ng pelikulang For The First Time nila ni KC Concepcion.

Natutuwa nga siya da-hil pinakamataas na sa primetimeblock ng GMA ang Asero with 33.1 percent rating. Natalo pa nito ang Dysebel na 32.4 percent naman.

Na-extend na hanggang November ang Asero kaya nga tuwang-tuwa ang cast at crew ng show.

Habang nasa laun-ching si Richard, panay ang text at padala ng MMS ni KC sa cellphone niya kaya halatang kinikilig ang acktor.

Kasalukuyang nasa States si KC ngayon para dumalo sa world premiere ng movie nila sa L.A. Sa-yang nga raw at hindi siya nakasama kasi ang dami niyang commitments dito sa Pilipinas.

Pero sa katapusan daw ng buwan ay magka-sama sila ni KC sa Vienna sa European premiere na-man. Naniniwala siyang destined to be together sila ni KC. Wala raw si-yang pinagseselosan na kahit na sino rito. Sa katu-nayan, sinasabi raw sa kanya ni KC lahat ng pumoporma sa dalaga.

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Thursday, September 11, 2008

TV Ratings 9/9/08

NAKABAWI agad at mataas na naman ang rating ng Dyesebel ni Marian Rivera samantalang bumaba ang I ♥ Betty La Fea ni Bea Alonzo
Narito ang Mega-Manila overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 nu’ng Martes (Setyembre 9):

SiS 9.8% vs. Boy and Kris 8.9%;
Marimar 19.1% vs. Game Ka Na Ba 14.4%;
Eat Bulaga 23.3% vs. Wowowee 17.9%;
Daisy Siete 18.9% at Una Kang Naging Akin 19.2% vs. Ligaw na Bulaklak 13.7%;
Gaano Kadalas ang Minsan 18.2% vs. El Cuerpo del Deseo 14.7% at Las Tontas 8.4%;
Gobingo 13.9% vs. Deal or No Deal 14.5%;
24 Oras 30% vs. TV Patrol 21.5%;
Codename: Asero 39.4% vs. Dyosa 20.5%;
Marimar 41.6% vs. I ♥ Betty La Fea 22.7% at Iisa Pa Lamang 23%;
Ako Si Kim Samsoon 33.7% vs. Pinoy Dream Academy 22.5%;
My Husband’s Woman 25% vs.Three Dads and One Mom 18.4%;
World Records 18.1% vs. Bandila 9%;
Saksi 11.4%.

Labels:


Continue Reading...

Dennis Trillo updates

Ngiti lang ang sagot ni Dennis Trillo nang tanungin ng press kung after magpakita ng puwet sa I.T.A.L.Y. at mag-macho dancing at sumabak sa love scene sa Magdusa Ka ay ready na siya sa sexy roles? Later on, inamin nitong gusto lang niyang maging versatile kaya nagpapaka-daring ng konti, pero wholesome pa rin. Whatever!

Ratsada sa movie promo si Dennis and after I.T.A.L.Y. na showing sa September 17, ang Mag-Ingat Ka Sa…Kulam na may October 1, playdate ang ipo-promote. Tapos, magti-taping na siya ng Gagambino, kung saan lalabas siyang naka-costume. Dahil happy and single, nakakapag-concentrate sa kanyang career si Dennis.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Gobingo ni Arnell, tsutsugihin!

NALUNGKOT ang game show host na si Arnell Ignacio mawawala na ang Gobingo sa GMA Network sa susunod na buwan.

“Last taping na namin sa October 3. Nakakalungkot, pero ganoon talaga. May ipapalit silang ibang show. In fairness, hindi siya tsutsugihin dahil mababa ang ratings. Consistent naman kami, laging mataas. Kailangan na lang talagang palitan ng bago,” say ni Arnell.

“Actually, hanggang two seasons lang naman kami. Saka ’di pala ganoon kadali mag-host ng game show, ha. Minsan nakaka-create pa kami ng gulo sa iba`t ibang lugar kung saan kumukuha ang mga tao ng bingo cards,” dugtong niya.

Sa loob ng dalawang season, nakapagbigay sila ng papremyong P25 million.

“Ang gusto ko lang sanang mangyari bago kami magtapos ay may makakuha ng P1 million,” say pa ni Arnell, na kahit nawalan ng game show ay may radio program pa rin sa radio station ng Siyete, DzBB.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Paolo Bediones walang tampo sa GMA-7

HINDI naman pala totoong nagtatampo si Paolo Bediones sa GMA Network dahil hindi binigyan ng engrandeng presscon ang bagong assignment na Survivor Philippines, na magsisimula nang umere sa Lunes ng gabi, September 15.

Napabalita kasing nag-e-emote ang TV host dahil malapit na nga ang airing ng local version ng sikat na reality TV show, hindi man lang siya ipina-i-interview sa writers.

“Wala sa vocabulary ko ang salitang tampo,” paglilinaw ni Paolo sa solo interview na ibinigay ng GMA Corporate Communication kahapon ng tanghali.

“Sabi ko nga, ’di ba, ’yun ang isa sa mga na-realize ko while doing Survivor Philippines, sobrang simple ng buhay, kaya wala nang lugar ang mga tampu-tampo.”

Ani Paolo, grabeng hirap ang pinagdaanan, hindi lang ng 18 castaways, kundi maging siya at ang buong 120 production staff na tumigil ng 39 days sa Koh Tarutao Island ng Thailand.

Hindi raw kayang pantayan ng kahit na ano o halaga ang naging experience nila sa isla na minsan nang ginamit ng Thailanders bilang kulungan ng mga criminal.

“Devil’s Island” nga raw kung tawagin ang tinuluyan nila, kung saan puwersahan nilang hinarap ang iba’t ibang elemento sa lupa, pati na sa ilalim ng dagat.

And’yang araw-araw silang nakisalamuha sa nagsusulputang alakdan, ahas, bayawak, baboy damo at tarantula.

Limitado rin ang kanilang pagkain sa araw-araw. Kung ang 18 castaways ay sinubok sa paghahanap ng sariling makakain at matutuluyan, sina Paolo at ang production team naman, pinagkasya ang three small meals a day.

Talaga raw sagad-sagaran ang pagod, puyat at hirap ng katawan na dinanas nila during the taping. Pero awa ng Diyos, nakaraos sila nang walang gaanong nagkasakit o nadisgrasya.

Inisa-isa pa ni Paolo ang mga “na-survive” sa isla ng Koh Tarutao.

“Luckily, I didn’t get sick although at times I felt weak dahil sa sobrang tight ng schedule namin at tindi ng physical condition sa isla,” kuwento ni Paolo.

Kadalasan, dump truck ang sinasakyan nila to move around, walang bubong, kaya basang-basa sila ’pag umulan o bumagyo. Mahahaba rin ang lakarang sinuong ng Survivor Philippines team hitsura nang may buhat-buhat silang kagamitan, gaya ng tent o audio mixer.

Wala pa rito ang tinamong kagat ng mga insekto, ha.

Bukod sa pagtulong magsuheto sa mga pasaway na castaway, mabigat din daw ang naging tungkulin ni Paolo bilang host ng reality show, dahil pati siya, sumubok ng ilang challenges para lang masigurong ligtas ito sa mga kalahok.

Anyway, kasama rin sa bonding nila ang Bible study tuwing Linggo. Importanteng bahagi raw ito ng pag-i-stay nila sa isla, dahil “it brought us closer and we became more open to one another.”

Na-impress naman ang writers sa ipinakitang teaser ng first episode after the interview. Base sa nakita namin, parang hindi Pinoy ang gumawa nito.

Malupit din ang unang task, dahil mula sa sinakyang barge, pinalangoy ang castaways ng isang kilometro patungo sa isla.

Sa totoo lang, maganda ang mix ng castaways at karamihan dito’y mga simple o ordinaryong tao lamang. Walang masyadong pasosyal, kaya siguradong makaka-relate sa kanila ang televiewers.

Ang 18 castaways ay binubuo nina Chevyline Macias, isang palabang Bisaya na may second-hand clothes business; Zita Ortiga, isang labandera; ang sporty mom na si Maria Nona “Nina” Ortiz; modelong si Kristina “Kaye” Alipio; Veronica Domingo, taekwondo champ; Anna Charisse Yacapn, product officer ng isang telecom company na ngangarap maging host ng Eat Bulaga; Emerson Dino, isang technician; Crisanto Cartagenas, isang driver; John Carlo Tiuseco, hardcourt heartthrob; Robert Vincent Sy, isang sales officer at negosyante; Raymund Rustia, isang Bob Marley fan; mekanikong si John Anthony Lopez; waiter na si Marlon Carmen; Reynaldo Flores Jr., balikbayan from Hawaii; Vevherly Gador, anak ng isang magsasaka; Leona Rica Dacullo, isang call center employee from Cebu City; at ang yayang si Jervy Daño, na excited sa matatamong TV exposure.

Lahat sila, dumaan sa masusing screening at napili mula sa 43,000 auditionees.

Isa-isa silang makikilala simula Sept. 15, magtatagisan at magpapagalingan sa gitna ng kawalan. Sila-sila rin ang huhusga kung sino sa kanila ang nararapat na matira.

Ang matitirang matibay ang magkakamit ng tumataginting na P3-million cash prize at tatanghaling kauna-unahang Pinoy Sole Survivor.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, September 10, 2008

TV Ratings - 9/8/08

Narito ang Mega-Manila overnight ra­tings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 nu’ng LUNES (Setyembre 8):

SiS 10.4% vs. Boy and Kris 6.9%;
Marimar 16.9% vs. Game Ka Na Ba 14.7%;
Eat Bulaga 22.1% vs. Wowowee 19.7%;
Daisy Siete 16.5% at Una Kang Naging Akin 17.7% vs. Ligaw na Bulaklak 15.9%;
Gaano Kadalas ang Minsan 20% vs. El Cuerpo del Deseo 15.4% at Las Tontas 8.5%;
Gobingo 13.6% vs. Deal or No Deal 17.5%;
24 Oras 27% vs. TV Patrol 20.6%;
Codename: Asero 33% vs. Dyosa 18.9%;
Dyesebel 32.4% vs. I ♥ Betty La Fea 23.9%;
Ako Si Kim Samsoon 25% vs. Iisa Pa Lamang 23.1% at Pinoy Dream Academy 19.8%;
My Husband’s Woman 17.6% at Ripley’s Believe it or Not 14.1% vs. Bandila 10.8%;
Saksi 10.2%.

Labels:


Continue Reading...

Gagambino, soon!

Malapit nang magsimula sa ere ang Gagambino, ang bagong TV series na pagbibidahan ni Dennis Trillo kung saan niya makakapareha sina Katrina Halili at Nadine Samonte.

Speaking of Dennis, hindi nito ikinakaila na break na sila ng kanyang kasintahang si Cristine Reyes.

Marami kasi ang nagsasabi na nagkakahilaan silang pababa nung sila pa ni Cristine.

Marami ang natuwa nang mag-break ang dalawa dahil hindi naman sila nagkakatulungan.

Isa kaya si Carlene Aguilar sa mga natuwa sa break-up nina Dennis at Cristine?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Rhian Ramos, kinilig sa katawan ni JC

SA October 3 pa ang debut ni Rhian Ramos, pero ngayon pa lang, tipong excited na ang dalaga sa preparasyong ginagawa para sa okasyon.

Kakaiba ang gimmick na naiisip ni Rhian sa coming-out party. Gabi ng Oct. 2 gagawin ang selebrasyon sa Embassy Bar sa The Fort, Taguig City, para salubungin ang mismong kaarawan niya.

Imbes na sa hotel o isang magarbong venue ito gawin, nag-decide ang young actress na ipasara ang buong Embassy Bar para sa celebration ng 18th birthday dahil marami sa mga kaibigan at kakilala niya ang regular na nagpupunta rito.

That way daw, hindi na niya kailangan pang magbigay ng direksyon sa guests at mas magiging kumportable na ang mga ito sa lugar, hindi stiff.

Wala rin siyang balak na kumuha ng escort dahil wala raw siyang maisip kung sino ang nararapat.

Simple lang din ang susuotin ni Rhian courtesy of Sabella at four to five changes ang gagawin.

Gaya ng typical na debut, magkakaroon din ng 18 roses at 18 candles si Rhian na ang karamihan sa participants ay mga kasamahan niya sa Kapuso Network.

Kabilang sina Richard Gutierrez, JC de Vera, Mark Herras, Richard Gomez, Dominic Roco at directors Topel Lee at Mark Reyes sa 18 roses.

Kasama raw dapat sina Mike Tuviera at Robin Padilla sa line-up, kaso, parehong nag-beg-off.

Si Mike, may prior engagement. Si Robin naman, umoo nu’ng una, pero nang tanungin kung kailan gagawin ang party, nag-decline dahil nasa Australia raw siya that time para sa birthday ng asawang si Liesel Sycangco, na magbi-birthday latter part of September.

Hindi rin kasama sa 18 roses ang nali-link sa kanyang si Philip Gozon dahil nasa Amerika na ang binata.

Kahit daw hindi ito umalis ng bansa, hindi rin sure si Rhian kung isasali niya ito’t hindi naman sila ganu’n ka-close.

Anyway, sina Iza Calzado, Jolina Magdangal at Rufa Mae Quinto pa lang ang confirmed niyang ka-join sa 18 candles.

Type raw niyang imbitahin sina Judy Ann Santos (nakasama niya sa Ouija) at Ruffa Gutierrez (ate ni Richard), pero hanggang sa interview kahapon ng tanghali, hindi pa niya sila naaabisuhan.

“Sana puwede sila,” wish ni Rhian sa harap ng writers.

Sina Juday at Ruffa lang ba sa Kapamilya stars ang guests sa party niya? Eh, si Alessandra de Rossi, dating Kapuso na ngayo’y Kapamilya na’t minsan ding napabalitang nakabangga niya?

“Baka hindi pumunta,” ang maikling dialogue ng dalaga, na ikinatawa ng press.

Sure na raw ang pagdalo ng father niyang si Gareth Howell na lilipad pa mula sa Dubai kung saan ito based ngayon. Ito ang magiging last dance niya.

Wala pa siyang first dance, dahil tumanggi ang dapat sana’y una niyang kasayaw — ang GMA Artist Center handler na si Michael.

Ba’t hindi na lang si JC ang gawin niyang first dance, tutal naman ito ang makakasama niya, bukod kay Wendell Ramos, sa susunod na programa, ang Pinoy adaptation ng hit Argentinian soap na La Lola, sa GMA Network?

Well, abangan na lang natin kung kakagatin ni Rhian ang ideya. Tutal naman, mukhang kilig siya kay JC, lalo na nang may maglabas ng hubad na picture nito bilang macho dancer sa isang episode ng Obra, ’di ba, DS?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Richard Gutierrez not transferring to ABS-CBN

Sunud-sunod ang launching ng endorsement ni Richard Gutierrez, after Met Tathione at Globe, ni-launch ang promo ng Emperador Brandy na 100 Million Tagumpay sa Negosyo.

Kasama pa rin ni Richard ang ama at mga kapatid na endorser ng Emperador, pero para sa promo, mag-isa siyang humarap sa press.

May dalawa pa siyang bagong endorsements at ang isa’y kasama ang ex-GF si Anne Curtis.

Ang movie nila ni KC Concepcion sa GMA Films na December ang shooting ang haharapin ni Richard at ang kapalit ng Codename: Asero na up to November pa. Parehong maganda ang two projects na inilatag ng GMA-7 at pipili siya ng gustong gawin at isusunod sa Asero.

So, hindi totoong lilipat siya sa ABS-CBN?

“Hindi totoo ’yon. I am just very happy na tinanggap ako ng ABS as guest nang mag-promote kami ni KC ng For the First Time. Dream come true sa akin ’yon, pero ’di ibig sabihin na kalilimutan ko na ang home network ko.

“Ang sarap nga ng feeling na kahit sandali, nag-reunite ang two networks at kami ni KC ang nag-bridge noon.

“May mga na-confuse lang at akala lilipat ako because I was guesting on ABS and they’re not used to seeing me sa Channel 2. But it was an agreement to promote our movie.”

Naniniwala si Richard na makakapag-promote sila ni KC ng When I Met You sa shows ng ABS, the same way na ginawa ng GMA-7 sa movie nila sa Star Cinema.

“I’m sure they’ll do their part, I’m sure they’ll help us also. Maganda nga na nagkaroon ng connection ang two networks and I hope it continues,” sabi ni Richard.

There are talks na tatapatan ng Star Cinema ang Valentine movie nila ni KC sa GMA Films ng movie nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, alam n’ya na ba ito?

“I heard na tatapatan daw, pero hindi naman pala tapat na tapat, magkasunod lang and that’s good. Either mauna sila or mahuli ng showing sa amin.”

[via]

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites