<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, October 31, 2008

Obra Presents Iza Calzado

MATAPOS sina Katrina Halili, JC de Vera at Sunshine Cruz, si Iza Calzado naman ang sunod na featured artist sa month-long presentation ng Obra ngayong November.

Siyempre, flattered ang aktres sa pagtitiwalang ibinibigay ng GMA-7 at tuwang-tuwa dahil sa pambihirang pagkakataong makapag-portray ng mga role na never pa niyang nagagawa.

Ang pilot episode na Sanib ang magsisilbing Halloween presentation ng Obra.

Ito’y tungkol sa isang babaing na-possess ng evil spirit at may madilim na nakaraan.

Gaya ng nakaraang Obra, apat din ang direktor na maghahalinlinang humawak kay Iza.

Ito’y sina Topel Lee, Mark Reyes, Dominic Zapata at Rico Gutierrez.

Ang iba pang episodes na bubuo sa month-long stint ni Iza sa Obra ay ang Boksingera, Beauty Queer at Stella.45.

Sa November 6 na magsisimulang mapanood ang Obra Presents Iza Calzado, matapos ang GMA Telebabad.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Iza Calzado, not ready for marriage

Hindi pa ready na mag-asawa si Iza Calzado. Say niya, pareho pa silang hindi ready ng kanyang boyfriend na si Jerry Garcia. Nasanay na raw siyang natsitsismis na ikakasal kaya dedma na lang siya sa tuwing may isyu ng kasalan.

Besides, ang dami niyang pinagkakaabalahan ngayon lalo na nga’t starting November 6, siya na ang mapapanood sa Obra Presents.

Iba-ibang character ang gagampanan ni Iza kasama ang pagiging winner sa Miss Gay. Kaya nga sa mga litrato niya para rito, mukha talaga siyang bakla.

Anyway, kabilang sa apat na episode ang Sanib, Boksingera, Beauty Queer at Stella .45.

Mga de-kalibreng direktor ang hahawak sa kanya - Toppel Lee, Mark Reyes, Dominic Zapata at Rico Gutierrez.

Masuwerte si Iza dahil magagandang proyekto ang binibigay sa kanya ng GMA 7.
After Iza, si Jennylyn Mercado ang mapapanood sa Obra.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, October 30, 2008

Aljur Abrenica di talaga love si Kris Bernal

HANGGANG loveteam lang pala talaga sina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Mayroon na kasing totoong sweetheart si Aljur na taga-GMA network din.

Ka-batch ni Aljur sa StarStruck ang ka-on ng binata at ilang buwan na rin ang relasyon nila.

Kaya wala sila ni Kris o Jewel Mitch, na naging issue kay Aljur recently, dahil naging chaperone lang naman talaga si Aljur ni Jewel nang pumunta sila sa isang bar sa The Forth pagkatapos ng inauguration ng bagong GMA Network annex studios.

Itinatago lang daw ni Aljur at ng kanyang kare-lasyon na StarStrucker ang kanilang pag-iibigan para hindi magkaroon ng sagabal sa loveteam nila ni Kris Bernal. Bankable kasi ang love team nina Ajur at Kris, in fact, noong nag-guest si-la sa Dear Friend nag-hit sa ratings ang show na ang hosts ay sina Jolina Magdangal at Mar-vin Agustin. Napataob nila sa ratings game ang katapat na programa ng ABS-CBN.

Last Sunday sa Dear Friend, panalo rin ang episode nina Ogie Alca-sid at Iza Calzado sa ra-tings game. First time na lumabas na DJ sa radio si Ogie. This Sunday sa Dear Friend ay tampok ang balik-tambalan nina Jennylyn Mercado at Mark Herras sa pang-Hal-loween episode na Puntod.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Lucy Torres at Sunshine Cruz, nag-isnaban?

Takang-taka ang nakakita kina Lucy Torres at Sunshine Cruz na nag-isnaban kamakailan sa isang party.

Say ng witness, nagulat siya na hindi nagpansinan ang dalawa samantalang matagal-tagal na ring nagkaayos ang kani-kanilang asawang sina Richard Gomez at Cesar Montano. Eh ang mga misis pala, apektado pa.

Matatandaang nagkaroon ng maanghang na palitan ng salita sa pagitan ng dalawang aktor nang sabay silang kumandidato sa pagka-senador noong huling eleksiyon. Sadly, pareho silang natalo. Kung anu-anong isyu na noon ang naung­kat hanggang umabot sa personalan na malamang na dinibdib ng kani-kanilang mga misis kaya hanggang ngayon ay nagdededmahan sila.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Dingdong Dantes labas sa hiwalayang Marian-Ervic

Kausap namin si Marian Rivera bago kunan ang isa sa mga love scene nila ni Dingdong Dantes sa pelikulang One True Love ng GMA at Regal Films sa direksyon ni Mac Alejandre.

Diretso ang mga sagot nito sa tanong ng press.

Kayo na raw ni Dingdong?

“Hindi kami ni Dingdong at hindi dahil itinatago ko ’yon.”

Break na raw sina Dingdong at Karylle at ikaw ang rason?

“Kung may isyu sa kanila at kung break na sila, labas ako at wala akong karapatang magsalita sa kanilang relasyon dahil nirerespeto ko sila. Labas ako sa problema nila.”

Inagaw daw niya si Dingdong kay Karylle?

“Lagi kong sinasabi na ’di ako gagawa ng bagay na pang-sarili ko lang at ayaw ko ring makasakit ng ibang tao.

“Never akong mang-aagaw para magka-boyfriend lang. Hindi ko kailangang mang-agaw para may magkagusto sa akin.”

Kinausap daw siya ni Karylle two weeks ago sa SOP at umiyak siya after?

“Tinawag niya ako at iinterbyuhin para sa article na sinusulat niya about blood donor. Nag-usap kami at sinabi ko sa kanyang tiyak maiisyu kami at nangyari nga.

“Hindi ako umiyak, bakit naman ako iiyak? After the interview, nag-kiss pa kami, siguro pinalawak na lang ang isyu na wala naman talaga.”

Inamin din ni Marian na three months na silang break ni Ervic Vijandre, pero walang kinalaman si Dingdong du’n.

She’s happy and single, trabaho at hindi lovelife ang focus.

Ibinalita niyang nagpapatayo siya ng rows of apartment sa Cavite.

Ginawang isyu ang palitan nila ng messages ni Dingdong na lumabas sa Startalk, pero sabi ni Marian, ginagawa na nila ’yon noon pa at ngayon lang nabigyan ng malisya dahil sa balitang breakup ng ka-loveteam at ni Karylle.

Samantala, ibinalita ni Marian na last soap nila pansamantala ni Dingdong ang Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang dahil ipapareha muna sila sa iba.

Also, may big surprise siya sa fans sa December.

* * *

Hindi pa rin tinumbok ni Dingdong Dantes kung break na sila ni Karylle dahil sabay nga silang magpapa-interview kay Ricky Lo at du’n sasagutin ang lahat ng tanong tungkol sa kanilang relasyon.

Hindi raw ito simpleng bagay kaya gusto nilang maayos sagutin ang mga tanong na matagal nang hinihintay masagot.

“Matutuloy ang interview namin definitely this week at du’n na malalaman ang lahat. Hindi siya announcement, sasagutin lang namin ang mga tanong and I’m sure it will make things better for everybody. We will answer all questions that have to be answered.”

Sabi ni Dingdong, mutual ang desisyon nila ni Karylle na magpa-interview, but Karylle calls the shots, na kanyang nirerespeto at gusto rin niyang mangyari.

Binigyan diin din ni Dingdong na tama ang sinasabi ni Karylle na wala silang problema.

“We talk about issues at ’pag sinabing okey kami, totoo ’yon. Hindi kami nag-aaway at ’yung sagot kong ‘I don’t know’ nang tanungin ako ni Butch (Francisco) about her, totoo, dahil hindi pa kami nagkakausap nang dumating ako from the States.”

Pinag-isip ni Dingdong ang press sa sagot na “Hinding-hindi siya mawawala sa puso ko. Nandyan pa rin siya, talagang mabait ’yon,” sa tanong kung nasaan si Karylle sa puso niya ngayon, kaso hindi na ito nag-elaborate.

Idinepensa rin ni Dingdong si Marian sa mga nagsasabing inagaw siya nito kay Karylle at ito ang sumira sa relasyon nila.

Sabi ni Dingdong: “Since day one, wala talagang kinalaman si Marian sa mga nangyayari. She has nothing to do with it and she will never be the reason kung totoo man. ’Pag tinanong n’yo ako kung kami na? Hindi ang isasagot ko dahil ’yun ang totoo.”

Sa mga nagsasabing gimik para sa movie nila ang mga kaguluhang ito dahil showing na sila sa November 19, heto ang pahayag ni Dingdong: “Isa ’yan sa kinaaasaran ko, nagkataon na dumating ang lahat ng ito na may ginagawa kaming movie.

“To those who know me, I never got involved in any gimmick in the past and I will never be. Kaya nakaka-inis, but it’s something I have to face at hindi puwedeng balewalain ang mga bagay na ito.

“I hope when you talk to me as myself, you wouldn’t think about what I’m promoting. I will answer your question, hindi ako gumigimik at asar ako sa ganu’n.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, October 29, 2008

Karylle, mananatili sa puso ni Dingdong!

MATAGAL-TAGAL nang napapabalitang hiwalay na sina Dingdong Dantes at Karylle, pero hanggang ngayon ay wala pang diretsong denial o confirmation na nagmumula sa kanilang dalawa.
“We made a promise to each other, kami ni Kaye (palayaw ni Karylle), na kung sasagot kami regar­ding this issue, eh magkasama kami,” seryosong bulalas ni Dingdong nang makausap namin kahapon sa set ng One True Love sa La Posada Clubhouse, Lakefront, Sucat, Muntinlupa.
“Dahil siyempre, hindi lang naman siya isang simpleng bagay. Hindi siya isang madaling bagay.
“I know it’s not easy for me, for her, for the people around. So, gusto namin sana na maa­yos ang pagsagot namin sa ganitong isyu.
“Alam kong people r­eally want to hear our side and I really want to ask for patience because this is not an easy thing.”
Bakit hindi pa natutuloy ang plano nilang pagpapainterbyu ni Karylle kay Ricky Lo?
“Matutuloy siya. Definitely, it will be this week. And she decided kasi na... If things will turn out okay, doon na mala­laman kung ano ba talaga ang nangyari.
“Sa ngayon, nothing is definite. But one thing’s for sure, before the week ends, we will do something.”
Hindi siguro sila magsasalita together kung sasa­bihin lang nila na sila pa rin, ‘di ba? Malamang na ia-announce nilang break na silang dalawa.
“Definitely, we will answer all the questions that have to be ans­wered,” very safe na hirit ni Dong.
Bakit nabanggit daw minsan ni Kaye na wala itong kailangang i-announce?
“Actually, totoo ‘yun, eh! Kasi, hindi rin naman dapat ina-announce kung merong isang masamang bagay na nangyari.
“Ang sa akin, masama man o mabuti, we will just be there to answer questions, because alam namin that there are some people who would really want to know the truth.”
Kahit sila pa rin ay matutuloy pa rin ang sinasabi niyang announcement na gagawin nila?
“Oo. Kasi, kung anuman ‘yon, it’s more of a question and answer thing rather than an announcement. Kaya ‘yung sina­sabi sa akin dati na pagbalik ko raw galing Amerika, meron daw akong announce­ment.
“Sabi ko, hindi naman announcement. Wala namang gano’n, we will just answer questions and whatever will spring from that interview, I’m sure it will make things better for everybody,” makahulugang dayalog ng hunky actor.
Mutual decision ba nila ni Kaye na magsalita nang sabay?
“To talk together, yes. But I would like it to happen in her terms. Pero si­yempre, it’s mutual.
“I want to give due res­pect to what she wants and at the same time, ako rin.”
Sa ilang pagkakataong natatanong si Kaye tungkol sa relasyon nila, luma­labas sa mga sagot nito na okey silang dala­wa at wala silang problema...
“Totoo naman, eh! We talk. Kumbaga, we talk about issues, mga bagay-bagay. So, ‘pag sinabi mong okey, okey kami. Hindi kami nag-aaway. We talk about issues.”
Pero may nakakita raw sa bangko kay Kaye at ang sagot daw nito ay okey pa rin sila ni Dong, meron lang ibang tao na gusto silang paghiwalayin...
“Ah, ‘yun, hindi ko alam ‘yon. Well, all these naman, masasagot naman lahat ‘yun, eh!”
***
Ang pangit ng impression ng iba kay Marian Rivera. May mga nagsasabing inagaw o inahas ni Marian si Dong mula kay Kaye.
“Hindi, kasi since day one, wala talagang kina­laman si Marian sa mga nangyayari. She really has nothing to do with it and she will never be the reason kung totoo man!” maigting na sagot ni Dong.
Nilalagyan ng malis­ya ‘yung dayalog sa kanya ni Marian sa Startalk nu’ng Sabado na salamat daw at tinanggap niya si Ma­rian kung ano ito, at pinasasaya raw niya nga­yon ang dalaga.
“Ah, oo. Kahit naman dati, ‘di ba, nagtataka kayo kung bakit palagi ko siyang pinagtatanggol? It’s because I understand her.
“Siguro, if some people don’t, like ako rin naman siguro, not everyone eh, maniniwala sa akin.
“Maraming mga tao rin siguro na mali ang interpretasyon sa kanya, and that’s the reason why pinagtatanggol ko siya. Kasi, kilala ko siya mula nu’ng nag-umpisa and kaya niya sinabi na tanggap ko siya kung sino siya, eh dahil wala siyang kailangang baguhin.
“At ‘yun ‘yon, that’s the reason why we click. Because wala kaming kailangang patunayan sa ibang tao. Wala kaming kailangang itago sa sarili namin,” esplika ng Kapuso heartthrob.
Ang interpretasyon ng iba sa mga kinikilos at sinasabi nila ay me­ron na silang relasyon ni Ma­rian...
“Hindi, pwede tala­gang magkaroon ng interpretation. Syempre, hindi ko matatanggal sa mga tao na maisip nila ‘yon.
“But the thing is, kung ano talaga ako sa kanya nu’ng nagsimula kami, eh walang nagbago do’n. In fact, mas maganda talaga ang samahan namin ngayon. And sa akin for now, mas maganda na gano’n na muna siya.”
So, ‘pag tinanong siya nang diretso kung sila na ba ni Marian, ano’ng isasagot niya?
“Hindi. Siyempre, hindi,” mabilis na tugon ni Dong.
May mga nagdududa rin na baka gimik nilang dalawa ito ni Marian dahil may pelikula sila...
“Ito na nga, eh! Isa pa sa pinakakinaaasaran ko, eh nagkataon na dumating ang lahat ng ‘to na may ginagawa ka­ming movie.
“And to those who know me, I never got involved in any gimmick or whatsoever in the past, and I will never be.
“That’s why nakakainis lang because nagkataon lang na nagkasabay. At kung meron lang sanang choice na hindi siya isabay rito... Well, it’s still something I have to face and hindi natin pwedeng balewalain ang mga bagay na ganito.
“So, I hope that when you talk to me as myself, you wouldn’t think about what I’m promo­ting because I will not promote. I will answer your question. Hindi ako gumigimik at saka asar ako sa ganu’n, eh!
“I’m not mad, but I don’t think it’s necessary, especially in my case. It’s a very personal thing and kumbaga, very sacred sa akin ang personal kong buhay.
“So, bakit ko isasaalang-alang ang isang bagay para lang sa isang proyekto na hindi ako naniniwala?” hirit niya.
***
So, walang kinalaman si Marian sa kung anumang personal nilang sitwasyon ngayon ni Kaye?
“Wala siyang kina­laman, wala siyang kina­laman.”
Hindi siya nag-two-time at wala siyang pinagsabay na dala­wang babae?
“Ay, wala. Walang gano’n. I can say it without even blinking an eye,” hirit sa amin ni Dong.
As of now, paano niya ide-describe ang relasyon nila ni Karylle?
“Siguro, it would be better... mas maganda talaga kung isasabay ko na ‘yung pag-describe ko roon ‘pag kasama ko siya.
“Kasi, gusto ko na ‘pag ganu’n na kade­talyado, gusto ko, kasama siya, eh!” sey ng binata, na ang galing umiwas sa isyu.
Masaya ba siya nga­yon?
“Hindi, because there are many misinterpretations. But once the truth is out and once everything has been settled, then I hope things can go on smoothly.”
Nasaan na sa puso niya ngayon si Karylle?
“Hinding-hindi siya mawawala, siyempre. Nandiyan pa rin,” kaswal na sagot ni Dingdong.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Ramiele Malubay is in the Philippines

Kasalukuyan na naririto sa Pilipinas ang American Idol Season 7 contestant na si Ramiele Malubay.

The who si Ramiele? Siya ang Fil-American na pumasok sa semi-finals ng American Idol pero na-Luz Valdez sa contest.

Dumating kahapon si Ramiele mula sa US of A at ang balita ko, special guest siya sa concert ni Ogie Alcasid.

Alam ko na type ni Ramiele na subukan ang kanyang kapalaran sa Philippine showbiz dahil hindi naman siya babalik sa Pilipinas kung hindi niya gusto na magkaroon ng career sa ating bayang magiliw.

May kontrata pa si Ramiele sa American Idol kaya malaki ang posibilidad na umapir siya sa mga show ng GMA 7 na sister network ng QTV 11.

Napapanood noon ang American Idol sa QTV 11.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Yasmien Kurdi at JC de Vera nag-iisnaban

TOTOO palang malamig na ang samahan ng dalawang dating magka-love team na sina Yasmien Kurdi at JC de Vera. Mismong kay Yasmien nanggaling na never na silang nagti-text or nagku-communicate ni JC mula nang magkaroon sila ng magkaibang programa sa Siyete.

Si JC ay kapartner ngayon ni Rhian Ramos sa Lalola, samantalang si Yasmien ay partner si Dion Ignacio sa bagong soap na Saan Darating ang Umaga?

Nasabi rin sa amin ni Yasmien na never niyang naka-MU si JC kahit pa nagkasama sila sa tatlong soap opera ng GMA.

Nabalik ang isyu kina Yasmien at JC nang magsalita si JC sa Showbiz Central last Sunday hinggil sa totoong naging relasyon nila ni Yasmien.

Ayon kay JC, never silang naging mag-on ni Yasmien, pero nang sabihin ito ni JC ay “na-lie” siya sa lie detector test.

Idinugtong pa ni JC na kahit “mutual understanding” (MU) ay hindi raw sila nagkaroon ni Yasmien.

Inamin din ni JC na kahit magkita sila ni Yasmien ay hindi sila nagbabatian o nagkaroon ng communication pagkatapos nilang magtambal sa mga soap opera.

Depensa naman ni Yasmine, busy daw siya at maaaring busy din si JC kaya hindi sila nagti-text sa isa’t isa.

Nagsimula na si Yasmien na mag-taping nu’ng October 18 para sa Saan Darating ang Uma-ga? na si Maryo J. delos Reyes ang direktor.

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Tuesday, October 28, 2008

Una Kang Naging Akin updates

May chemistry pala sina Maxene Magalona at Wendell Ramos at napansin din siguro ito ng mga televiewers ng Una Kang Naging Akin at isa ito sa mga rason kung bakit sinusubaybayan ang afternoon soap ng GMA 7 at mataas ang ratings.

Gusto rin ng viewers ang istorya ng soap and this Tuesday, tanggap na kunwari ni Vanessa (Angelika dela Cruz) ang pagkatalo kay Jessa (Maxene) dahil kailangan daw ng anak nila ni Nick (Wendell) ang ama. Galit kay Jessa ang ina ni Vanessa sa pag-aakalang inagaw nito ang asawa ng anak.

Mag-aaway naman sina Jessa at Liway (LJ Reyes) nang saktan ng huli si baby Darwin. Ha­bang nagpapalamig sa sama ng loob, may biglang hu­mampas sa ulo ni Liway at nawalan ito ng ma­lay. Kasunod noon, bigla na lang siyang nawala.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, October 27, 2008

JC de Vera nakiusap kina Pauleen Luna at Michelle Madrigal

Sa interview kay JC de Vera sa pictorial ng Emergency episode ng Shake, Rattle & Roll X , nakiusap ito kina Pauleen Luna at Michelle Madrigal na magbati na dahil pati siya, hindi tinitigilan ng press sa katata­nong kung may kinalaman sa matagal ng conflict ng dalawa.

Nakiusap din si JC na kung magbabati ang dalawa, ‘wag sa harap ng press sila magso-sorry sa isa’t isa para hindi maakusahang gumigimik. Ayaw sana nitong makialam, pero concerned siya kina Pauleen at Michelle na naging parte ng kanyang buhay.

Maganda rin kung magkakabati na ang dalawa’t magkasama sila sa Luna Mystica at magkaibigang diwata ang role na lagi pang magka-holding hands. Ang pangit naman kung magde-dedmahan sila at nag-uusap lang kung take nila.

Pasalamat naman si JC na wala silang problema ni Rhian Ramos sa Lalola at walang nagpi-pressure sa kanilang totohanan ang loveteam sa screen para sa ratings dahil mataas ang ratings ng show at ‘di nila kailangang magka-inlaban.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Lalola, this Monday, yayayain ni Lola (Rhian) si Gary (Keempee de Leon) na tingnan ang talon. Aksidenteng nabuksan ni Gary ang lagusan at makakaharap nila si Garganta na gagawin ang lahat na ireverse ang sumpa habang nandu’n si Lola para bumalik na ito sa pagiging lalake.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Polo Ravales ginamit lang ni Jean Garcia?

GINAMIT nga lang ba ni Polo Ravales si Jean Garcia?

Pagkatapos ng diuma-no’y break-up ng dalawa, kung anu-anong mga balita na ang naglalabasan tung-kol kina Jean at Polo.

Isang ma-pagkakatiwalaang source ang nagkuwento sa amin na may idini-date na tisay na babae si Polo hindi pa man sila naghihiwalay ni Jean. Ito raw ang dahilan kung bakit finally ay nag-end up na ang kanilang relasyon.

Sa isang resto sa Que-zon City, nakita ng aming source na nagdi-date sina Polo at ang tisay na girl. After their break-up, lu-mabas din ang isyu na di-umano’y kumuha pa ng isang condo unit sina Jean at Polo noon para gawing love nest.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, October 26, 2008

Nadine Samonte, not leaving GMA

NADINE Samonte says reports that she’s planning to move to another network is not true. “Happy naman ako sa GMA dahil sunud-sunod ang projects ko,” she says. “After ‘Kung Mahawi Man ang Ulap,’ they gave me ‘Maging Akin Ka Lamang,’ then I was in ‘Kim Sam Soon,’ and now, sinundan agad iyon nitong ‘Gagambino’.”

Even with her lovelife, she is very much satisfied since she has an ideal boyfriend in young businessman, Emerson Chua who owns a well known lechon store. “Bale three years na kami at never kaming nagkaroon ng problems or away. Kasi cool lang siya lagi at pareho kaming hindi jealous type. Kahit kung minsan, sobrang busy ako sa trabaho at magdamagan ang taping ko, he understands the nature of my work. We just make up later by going out together at namamasyal kami with his family or with my family. Madalas nga, nagiging family outing ang lakad namin, which is good naman kasi we get to know each other better.”

She’s happy to be reunited with Dennis Trillo, her leading man in “Kung Mahawi Man ang Ulap”, in “Gagambino”, where she plays his leading lady. “Ang maganda, I can play any kind of role dahil sa ‘Kim Sam Soon’, nagkontrabida ako kay Regine Velasquez, pero ngayon, balik lead role na naman ako. Sa akin kasi, okay lang kahit bida-kontrabida, basta challenging ang role at tuluy-tuloy ang trabaho ko. Workaholic na nga ako, e, dahil gusto ko talaga ‘yung sunud-sunod ang assignments ko, which is what’s happening to me right now.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Karylle nanahimik, pino-protektahan sina Dingdong at Marian

Kung ang pagbabasehan ay ang kumakalat na balita ngayon, sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na. Nawala na sa kwadro si Karylle. Pinagbibintangang kontrabida na ito ngayon sa relasyon ng dalawa gayung sa matagal nilang relasyon ni Dingdong ay never itong nag-ingay at nanahimik na lamang na kung tutuusin ay mayroon naman siyang karapatan.

Nang huli kong makausap si Karylle, hindi pa naman ito nalalaunan, ay inamin nito na wala pa namang nagbabago sa kanila ni Dingdong, sila pa rin daw bagaman at ramdam na ramdam nito na marami ang gusto silang paghiwalayin ng nobyo. Kung ipinasya man niyang manahimik, ito ay bilang respeto na lamang sa loveteam ng dalawa. Lalabas naman siyang insecure kung umalma siya in the beginning. Siyempre, mahalaga rin naman sa kanya ang career ng nobyo. Batid niya kung bakit kailangan nitong protektahan ang loveteam, kahit madalas siyang nasasaktan. Happy naman si Karylle sa takbo ng kanyang career, combining both television and stage.

Ayaw nitong mag-comment sa isyu na sabay umalis ang nobyo at ang kapareha nito sa event ng GMA recently at naglagi lamang ito sa kanya na ipinagpalagay ng marami na isang indikasyon ng pagkakaroon ng relasyon na mahigit pa sa magkapareha.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Desperadas 2 with Ogie Alcasid

Hindi na ni-revised ang script ng Desperadas 2 sa pagpasok ni Ogie Alcasid sa cast ng movie kapalit ni Eugene Domingo. Role pa rin ni Lugaluda, ang long lost half-sister nina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Marian Rivera at Iza Calzado ang kanyang gagampanan.

Tunay na babae at hindi bading ang role ni Ogie, kaya kukuha ang Regal Entertainment ng sariling stylist at make-up artist para mag-ayos sa kanya at mag­mukha siyang real woman. Mala-John Travolta sa pelikulang Hairspray ang dating ng singer-composer sa movie.

Kundi November 8, Nov. 11, ang first day shooting ni Ogie sa Desperadas 2 at maganda sanang mag-press visit kung papayag si Mother Lily para makita ang magiging hitsura ni Ogie.

Samantala, mapapanood sina Ogie at Iza Calzado sa Debbie and DJ Carlo episode ng Dear Heart this Sunday.

Kasama sa cast sina Frank Garcia, Ella Guevara, sa direksyon ni Don Michael Perez at hosts sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Napapanood ang Dear Heart after SOP.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, October 25, 2008

Boyfriend ni EB Babe Zaida sinusulot ni Katrina Halili

MAY gustong iparating si EB Babe Zaida ng Eat Bulaga kay Katrina Halili tungkol sa isyung girlfriend siya ni Chris Lawrence.

“Ako ang totoong girlfriend ni Chris Lawrence,” pasigaw na wika ni Zaida nang makausap namin. Halatang asar.

Wika pa ni Zaida: Huwag nga siyang (Katrina) mang-agaw ng boyfriend. Nagka-kilala kami ni Law-rence nang nasa Wowo-wee pa ako.”

Ipinakita pa ni Zaida ang mga larawan na ebedensiya na talang mag-dyowa talaga sila ni Chris.

Ano kaya ang masasabi ni Katrina kapag na-karating sa kanya ang balitang ito?

Madalas pa namang maglabasan sa telebisyon, radyo at print media ang isyu between Katrina at Chris.

Wala pa man silang inaamin, mukhang malabong mabuo ang relasyon nila dahil nasa pagitan nila si EB Babe Zaida.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Manny Pacquiao updates

MARAMI ang mangu-ngulila kay Manny Pacquiao sa hindi nito pag-uwi kaagad sa Pilipinas pagkatapos ng bakbakan nila ni Oscar dela Hoya sa December 7.

Alam ba ninyo na by February pa ang balik sa bansa ng pambansang kamao?

Ang dahilan, kailangan pang magpahinga ng asawang si Jinkee na manganganak na sa December sa America .

Anyway, sa Nov. 30 ay lilipad na patungong U.S.A. ang staff ng Pinoy Records para i-tape ang rigid training ni Manny bilang paghahanda sa kanyang laban kay Dela Hoya. May advance taping din ng hosting ni Manny sa show.

Ngayong Saturday aabangan sa Pinoy Records ang pagtuklas ng bago at kahanga-hangang talento ng Pinoy.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, October 24, 2008

Mark Herras, di maghuhubad sa digifilm

Akala namin maghuhubad si Mark Herras sa digifilm na Sapi dahil sabi’y most daring role niya ito.

Kaya pala daring, dahil first mature role niya ito and after this, serious actor na ang magiging tingin sa kanya ng tao ’pag napanood ang movie na showing sa November 5.

Sina Aiza Marquez at Stella Peñalosa ang kasama niya rito at sa mga nagtatanong kung kailan sila muling magtatambal ni Jennylyn Mercado, maghintay lang at next year, sunud-sunod ang projects nila kabilang ang Dear Friend at ang TV remake ng Tinik sa Aking Dibdib.

Nilinaw pala ni Mark ang isyung nagtampo siya sa GMA-7 dahil siya dapat ang kapareha ni Rhian Ramos sa LaLola, pero na-revise ang script at kapatid ng actress na ang role niya.

“Ang pangit naman noong kapareha ka, tapos kapatid ka na lang. Ano ’yon? ’Wag na lang at mabuti’t isinama ako sa Luna Mystica na six weeks lalabas ang character ko dahil paghahandaan na ’yung project namin ni Jennylyn,” sabi nito.

Ayaw sana naming maniwalang loveless si Mark, pero totoo raw at never na siyang nakipag-balikan kay Lian Paz ng EB Babes. Pero, friends na uli sila. Hinayaan na raw niya ang dalaga kay Direk Jeff Tan ng Eat Bulaga, na boyfriend ni Lian ngayon.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, October 23, 2008

Jean Garcia hiwalay na kay Polo

Ngiti ang reaction ni Jean Garcia nang biruing nakisabay sila ni Polo Ravales sa napapabalitang break-up nina Karylle at Dingdong Dantes.
Ang kaibahan lang, ang sa kanila ni Polo ay inamin niya, ipina-off-the-record, pero lumabas din.

Sa pictorial ng Class Picture episode ng Shake, Rattle & Roll X, kung saan isa si Jean sa mga tampok, sinabi nito na hindi siya sasagot ng Polo questions, pero hindi rin nakaiwas, kaya lang, hindi diretsahan ang mga sagot.

Itinanggi niyang dahil sa breakup ang pag-iiwasan nila ni Polo sa presscon at TV promo ng Gagambino.

“Hindi naman ako umiiwas dahil sa break, wala lang. Basta lang,” say nito.

Break na ba sila ni Polo?

“What you see is what you get! Ever since, I don’t talk, it’s not my style at inuulit ko, what you see is what you get. Friends naman kami, magkatrabaho kami walang diperensya kung patuloy kaming magtatrabaho,” pahayag ni Jean.

Kung ganu’n, walang dapat ikabahala ang staff ng Gagambino at ’di rin maaapektuhan ang digifilm na Walang Kawala, na showing sa November 12, dahil magpo-promote sila.

Sa pahayag na “Hindi naman katapusan ng buhay, ’di natatapos du’n” at “marami pa r’yan, marami pang puwedeng mangyari,” tinuldukan ni Jean ang relasyon nila ni Polo.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sex Bomb Aira nagparetoke

MAY ipinabago ba sa katawan si Sex Bomb Aira? Mas seksi siya sa kanyang pagbabalik-Eat Bulaga. Gumanda rin ang mukha ni Aira. Anyway, wala pa si Aira ngayon sa bagong season ng Daisy Siete ang Tinderella. Later na siya papasok sa soap.

Sa Tinderella, tampok sina Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia.

Siyempre, ‘di mawawala ang iba pang members ng Sex Bomb na sina Weng Ibarra, Evette Pabalan, Monic Icban at Sunshine Garcia. Sina Do-minic at Felix Roco naman ang kanilang leading men.

Buhay-palengke ang tatalakayin sa Tinderella. At ayon kay Joy Cancio, tiyak na magugustuhan ito ng televiewers.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, October 22, 2008

Rhian Ramos may career kahit pasaway

Red roses at chocolate kisses ang inspirasyon ng bonggang debut ng pinakabagong prinsesa ng GMA na si Rhian Ramos.

Pulang rosas, puti at itim na mga tabing ang bumungad sa mga panauhin ng Rigodon Ballroom ng Peninsula Manila noong ikatlo ng Oktubre, kung saan nagtipun-tipon ang pamilya at kaibigan ni Rhian para sa espesyal na okasyon.

Dumating ang debutante sa kanyang napakagan­dang gown na gawa ni Ramon Sabella, kasunod ng mga guwapung-gwapong Kapuso leading men. Si Marvin Agustin ang nag-aliw sa mga bisita bilang host.

Mas naging espesyal ang gabi ni Rhian nang magsimula ang 18 Roses. Unang kasayaw niya ang kanyang amang si Garett Howell, na lumipad pa mula Dubai para lang makapiling siya sa kanyang kaarawan. Kasunod niya ang mga lalaking naging malapit sa kanya sa loob at labas ng showbiz.

Tunay na nakakikilig ang kanyang 18th Rose na si JC de Vera, na siya ring kanyang leading man sa pinaka­bago niyang series na Lalola.

Naroon din para batiin si Rhian ang mga bosses ng GMA na pinangu­ngu­na­han ng Senior Vice President for Entertain­ment na si Wilma Gal­vante. Ang GMA Films President na si Annette Gozon Abrogar ang nagbigay ng toast para sa debutante- at tunay na maraming dapat ipagpa­salamat.

Kahit na napaka­raming kontro­bersiyang umaaligid, malayo na rin ang nararating ni Rhian sa kanyang showbiz career. Siya ang napili ng GMA para sa lead role ng Lalola na consistent na mataas ang rating.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Heart Evangelista: Three years wasted with Echo

HEART Evangelista has obviously moved on after breaking up with Jericho Rosales. She’s now imploring him never ever to mention her name anymore when he’s being interviewed.

She herself has deliberately avoided mentioning his name. “As far as I’m concerned that chapter of my life with him has been erased from my heart and mind, totally deleted,” she declares. “I don’t want to have anything to do with him anymore kaya, please, huwag na lang babanggitin uli ang name ko. Tama na ‘yung three years na sinayang ko. Mahaba na ‘yun at masaya na ako ngayon. We should all live in the present and forget the past. Ni hindi ko na nga siya naiisip pa, kayo lang ang nagpapaalala so don’t ever ask me again about him, please, dahil I feel so blessed now at maganda na ang takbo ng career ko.”

And it’s true. Her show with Richard Gutierrez, “Codename: Asero,” is rating very high at 30 percent plus, while that of Jericho, “Kahit Isang Saglit,” rates only 17 to 18%. How sad, to think that it was even filmed in Malaysia.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Pagbabati nina Willie, Joey ’di ikinatuwa ng iba

MAY mga taong hindi maligaya sa pagbabati nina Joey de Leon at Wowowee host Willie Revillame.

Sad to say, ang mga taong ito ay supporters at employees mismo ng Kapuso at Kapamilya networks.

Tinatawag nilang ‘kaplastikan’ ang pagbabati ng dalawa. At mas masaya pa raw sila kung nagkatarayan o nagka-umbagan sina Joey at Willie sa awards night na iyon ng young writers/critics sa Embassy.

Sa panayam namin kay Joey sa studio ng Startalk, sinabi niyang ina-asahan na niyang may mga taong hindi magiging masaya sa pagkakabati nila ni Willie.

“Kasi, gusto naman talaga ng mga tao na may mga nag-aaway. Parang pelikula ‘yan eh, mas gusto ng moviegoers na may napapanood silang nagpapatayan,” wika ni Joey.

By the way, doble ang nadaramang kaligayahan ngayon ni Joey dahil sa double-fulfillment niya.

Una ay ang pagkakaaward sa kanya ng Supremo, isang lifetime achievement award, mula sa circle of young writers/critics.

Ikalawa, ang talk show sa GMA-7, Startalk, kung saan isa siya sa mga host – Lolit Solis, Butch Francisco — ay nagdiriwang na ng ika-13 taon sa ere.

“Isa pang nakadagdag sa kaligayahan ko ay ang pagkakabati namin ni Willie. Totoo, walang plastikan d’yan,” wika ni Joey.

At super-excited daw siya dahil sa 13th anniversary presentation ng Startalk sa Sabado (Oct. 25), sa bagong building sa sila.

“Isa kami sa mga unang gagamit ng brand new studio sa bagong building ng GMA kay excited ako,” ayon pa kay Joey.

Maiinit na isyu ang tatalakayin sa 13th anniversary airing ng Startalk. Si Joey pa rin ang hahawak ng nakakatawa, nakaiinis at nakakikiliting segment na ‘Di Umano ni Commentirador.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, October 21, 2008

TV ratings, Oct 17 to Oct 19

Narito ang Mega-Manila overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 nu’ng nakaraang weekend:

BIYERNES (Oktubre 17):
SiS 9.4% vs. Boy and Kris 9.7%;
Marimar 17.7% vs. Game Ka Na Ba 14.9%;
Eat Bulaga 23.7% vs. Wowowee 18%;
Daisy Siete 20.8% at Una Kang Naging Akin 22.9% vs. Ligaw na Bulaklak 15.2%;
Gaano Kadalas ang Minsan 22.2% vs. El Cuerpo del Deseo 14.4% at Las Tontas 7.2%;
Family Feud 19.4% vs. Deal or No Deal 15.7%;
24 Oras 27.9% vs. TV Patrol 23.2%;
Codename: Asero 32.4% vs. Dyosa 24.3%;
Dyesebel 41.1% vs. I ♥ Betty La Fea 23.5% at Iisa Pa Lamang 22.7%;
Lalola 34.4% vs. Kahit Isang Saglit 17.8%;
Survivor Philippines 26.6% vs. Daboy sa ABS CBN 11.9%;
Bubble Gang 18.4% at Saksi 4.5% vs. Bandila 3.4%.

SABADO (Oktubre 18):
Takeshi’s Castle 13.7% vs. Game Ka Na Ba 10.1%;
Eat Bulaga 22.4% vs. Wowowee 17.6%;
Startalk 14.2% vs. Entertainment Live 9%;
Wish Ko Lang 14.8% vs. Cinema FPJ 12.1%;
Pinoy Records 20.1% vs. The Singing Bee 19.9%;
Celebrity Duets 25.4% vs.Komiks 22.7%;
Bitoy’s Funniest Video 32.7% vs. Maalaala Mo Kaya 21.7%;
Kapuso Mo Jessica Soho 33.1% vs. Banana Split 19.4%;
Imbestigador 26.6% vs. XXX 15.7%;
Nuts Entertainment 14.5% vs. TV Patrol 9.3%;
Sine Totoo 12.5% vs. Sports Unlimited 6.4%;
Walang Tulugan 2.9%.

LINGGO (Oktubre 19):
Takeshi’s Castle 10.3% vs. Matanglawin 9.5%;
SOP 14.3% vs. ASAP 15.8%;
Gagambino’s Web 10.1% vs. Your Song 12.9%;
Showbiz Central 13.9% vs. The Buzz 12.2% at The Singing Bee 18.8%;
Kap’s Amazing Stories 19.6% vs. Goin’ Bulilit 20.2%;
Tok Tok Tok 18.9% at Mel and Joey 21% vs. Rated K 21.9%;
All Star ‘K’ 19% vs. Sharon 19.1%;
Fulhaus 16.5% vs. TV Patrol 12.8%;
Sunday Night’s Boxoffice 10.6% vs. Sunday’s Best 8.4%.

Labels:


Continue Reading...

Inspirasyon ni Heart Evangelista, parang prinsipe

Ang ganda ni Heart Evangelista sa inauguration nu’ng Biyernes. Magkatabi sila ni Mark Anthony Fernandez nang nakapanayam namin.

Medyo tense pa si Mark Anthony nang tumabi kay Heart dahil first time pa lang daw nilang magsama sa isang project, ang Luna Mystica.

“Nakaka-excite dahil ngayong week na ang todo preparation namin, ‘yung pictorial, ang workshop, ‘yung getting-to-know-you, excited ako,” pahayag ni Heart,
“I can’t ask for more. Sabi ko, kailangang mag-ensayo. At least, magmukhang okay na okay pagdating sa set. So, talagang paghandaan ko po,” tugon ni Mark Anthony na medyo nate-tense pa rin.

Pagdating sa lovelife ay napapangiti na si Heart dahil ayaw na niya sanang pag-usapan ito, Pero supportive daw itong bago niyang inspirasyon.

“The guy I’m dating now is very private, and he’s very low key. But you know, I don’t know what to say, I never really talk about it, pero I’m just very, very happy.

“He’s a very simple person, he’s very educated, he’s such a gentleman, he’s guwapo. I think kung magiging artista siya, magiging dream siya ng lahat ng babae. He’s like a prince,” pagmamalaki ni Heart.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Showbiz Reporters off-limits sa shooting nina Dingdong at Marian

Off-limits sa mga reporter ang shooting ng One True Love. Hindi pa puwedeng magpainterbyu sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga reporters na nangungulit kung totoo ang mga tsismis na sila na at out na si Karylle sa buhay ng Sexiest Male Actor ng ating bayang magiliw.

Mas madaling mahanap ang kinaroroonan nina Dingdong at Marian. Hindi kuntento ang mga reporters sa mga sagot nila sa interbyu sa kanila ni Butch Francisco.

Close ako kay Dingdong. Kung gugustuhin ko, puwede kong itanong sa kanya nang personal ang tunay na kalagayan ngayon ng relasyon ni Karylle. Sure ako na hindi magsisinungaling si Dingdong pero ayoko siyang tanungin. Baka ikaloka ko ang isasagot niya sa akin! Type na type ko pa naman si Karylle para sa kanya!

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, October 20, 2008

Paolo Ballesteros becomes a father this November

Sa darating na November ay magiging isang ganap na ama na ang young actor-TV host na si Paolo Ballesteros.

Si Paolo mismo ang umamin sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na manganganak na ngayong November ang dating non-showbiz girlfriend niya na si Kaye (ayaw nang ipabanggit ni Paolo ang apelyido) na kasalukuyang nasa Chicago ngayon.

"She's from Baguio, classmate ko siya sa St. Louis University at dati ko siyang girlfriend. Nasa Chicago siya ngayon, dun na siya naka-base, she's working there at saka student rin siya at the same time," pahayag ni Paolo.

Paano nangyari ang lahat?

"Nagkita kami sa New York nung dalawin ko ang papa ko nung February. Di ba, may sakit ang father ko kaya pumunta ako sa States para dalawin siya? And yun nga, nagkita kami ni Kaye. At dun na nga nangyari," lahad niya.

Ayon kay Paolo, break na raw sila ni Kaye at magkaibigan na lang sila nang may naganap sa pagitan nila na nagbunga nga.

"Nadala lang siguro kami ng bugso ng damdamin," sabi ni Paolo. "Wala siyang [Kaye] asawa or boyfriend. Ako rin naman, wala akong karelasyon ngayon," pahayag pa ni Paolo.

Nakatakdang magsilang ng isang sanggol na babae, ayon sa ultrasound, si Kaye sa huling linggo ng November.

"Sana ka-birthday ko yung bata; November 29 kasi ang birthday ko. Sana pareho kami ng birthday ng anak ko," wika ni Paolo.

Titiyakin daw ni Paolo na sa pangangank ni Kaye ay nandun siya sa tabi nito.

"Pupunta ako sa Amerika mga second week ng November. Siyempre naman, gusto ko, nandun ako habang ipinapanganak ang anak ko."

Tamang-tama naman na tapos na ang Dyesebel, kung saan gumanap si Paolo bilang si Bukanding, kaya makakaalis siya ng Pilipinas.

Ballesteros ang apelyidong dadalhin ng batang isisilang ni Kaye, sabi ni Paolo. Susuportahan din niya ang mga pangangailangan ng kanyang magiging anak, pati na rin ang mga gastusin sa panganganak ni Kaye.

Nang tanungin naman namin kung may plano ba silang dalawa ni Kaye na magpakasal o kung ano ang magiging set-up nila since friends lang naman sila ngayon, ito ang kanyang sagot: "Wala pang plano tungkol sa kasal. Pag-uusapan pa namin ang arrangement pagdating ko dun sa States."

[via PEP]

Labels:


Continue Reading...

Dingdong Dantes wala nang alam kay Karylle

Nadagdagan na naman ang mga tanong ng press sa tunay na estado ng relasyon nina Dingdong Dantes at Karylle sa sagot na “I don’t know” ng actor nang tanungin ni Butch Francisco sa inauguration ng GMA network Center Annex. Ano ‘yun, hindi pa sila nagkikita mula nang bumalik siya from the States o wala nang balak magkita?

Nahalata rin ni Butch na ayaw pag-usapan ni Dingdong si Karylle, but no choice siya dahil ipina-interview sa kanya ang actor. Hindi nga lang ipinalabas sa Startalk last Saturday ang sagot na ‘yun ni Ding­dong.

Samantala, kukunan ngayong araw ang wedding scene nina Dingdong at Marian sa GMA Films movie na One True Love, pero hindi tuloy ang naka-schedule na press visit dahil marami raw set-up at tuluy-tuloy ang shooting ni direk Mac Alejandre. Hindi kaya may nag-request na wala munang press sa shooting?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Rhian Ramos, not Simon Atkins' type

NOW that she’s already 18, her mom finally gave Rhian Ramos the permission to have a boyfriend. “But that doesn’t mean naman na I’ll just grab the first guy who comes along, masabi lang may boyfriend na ako,” Rhian says. “Siyempre, I want the first one to be the last one, kung puwede. Kung hindi, I want him to be someone who’ll really be memorable and worth it. Pero sa totoo lang, hindi boyfriend ang priority ko ngayon but my primetime show, ‘La Lola’. I’m so happy dahil maganda ang naging ratings nito in its first week and I’m hoping we can maintain at mas tumaas pa sana in the weeks to come.”

What can she say to her detractors now that she has proven she can be a toprater on primetime? “Ever since, I didn’t allow myself na maapektuhan ng negative things they write about me. Kasi kapag nagpaapekto ako, ako rin ang talo, di ba? What I do is I just concentrate on my work at lagi kong pinagbubuti ang trabaho ko. And it pays off naman lalo’t ayan, maraming nakakagusto ng ‘La Lola’ kaya mataas ang rating.”

Rhian dismisses the rumor that Yasmien Kurdi is mad at her since she has snatched JC de Vera away. “Yas and I are in good terms, kaya huwag na sana kaming pag-awayin. Hindi ko naman inaagaw si JC sa kanya, hinihiram lang. Malay nila, after ‘La Lola,’ sila uli ang magiging magkapareha.”

GMA-7 has Atenean cager Chris Tiu hosting TV shows for them. Now, to even things up, they also got La Sallite Simon Atkins, managed by Noel Ferrer, to do a movie with them, “Sundo,” where he co-stars with Robin Padilla and where his crush, Iza Calzado, plays his wife no less. Isn’t he so lucky?

“I know,” he says. “Hindi ko nga akalain na sa first movie ko, si Iza agad ang makakasama ko, kaya dream come true ito for me.”

But wasn’t he first linked to Rhian Ramos? “She’s an old time friend, way back in high school pa. Hindi naging kami, she’s younger. We haven’t seen each other for quite a long time kaya she was surprised when I was there sa debut niya at the Manila Pen.”

Simon is 20 years old and like Phil Younghusband, half-Pinoy and half-British with a Pinay mom and British dad. He’s the second of three kids and the only boy. Like Phil, he also stands 5’11". The difference is he grew up here and speaks Tagalog fluently. He’s a psychology major and is now a junior. “I want to be a guidance counselor sa La Salle-Zobel kasi counselors can be a big help to the high school students there.”

Like Phil, he was originally a soccer player in high school. His friends who urged him to join basketball games and he eventually joined the Zobel basketball team. He’s very courageous when he’s playing on the court, but when it comes to ladies, he’s not quite as audacious.

“Torpe po ako. Lalo na pag gusto ko ang chick, ni hindi ko makausap at natatakot akong magsalita. Sa takot kong may masabi akong mali, I just keep quiet na lang.”

Does he like Rhian? “She’s a good friend. Masaya siyang kasama, kalog. Kasama rin siya sa ‘Sundo’. Sa showbiz, karamihan, kapag pagod na, suplada na. Si Rhian, laging hyper. Kahit puyat, kalog pa rin. Pero si Iza Calzado talaga ang crush ko, kahit alam kong may boyfriend na siya. Very friendly din siya. I was introduced to her once and I never thought she’d remember me. Pero noong debut ni Rhian, siya pa ang unang bumati sa akin. Kaya talagang happy ako na siya ang una kong makakapareha sa movie. I’m sure marami akong matututuhan sa kanya as she’s a very good actress.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera at Dingdong Dantes updates

Kukunan ngayong araw ang wedding scene nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa pelikulang One True Love ng GMA Films sa isang garden sa Alabang.

Sayang lang at ayaw magpa-press visit dahil maraming eksena raw na kukunan.

Gusto pa naman ng press na ma-interview ang dalawa, lalo na si Dingdong sa tsikang break-up nila ni Karylle. Nadagdagan ang pagdududa ng press sa sagot nitong “I don’t know” nang tanungin ni Butch Francisco kung nasaan si Karylle.

Nangyari ito sa inauguration ng GMA Network Center Annex, kung saan wala si Karylle.

Hindi ipinalabas sa Startalk last Saturday ang portion na ’yon.

Naaakusahan tuloy na gumigimik sina Dingdong at Marian para sa kanilang pelikula na showing sometime in November.

Pati ang GMA Films, naaakusahang gumigimik, samantalang wala namang alam sa nangyayari kina Dingdong at Karylle.

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Sunday, October 19, 2008

Dingdong Dantes seryoso na kay Marian, Sa bahay umaakyat ng ligaw

Kahit pa sabihin na modernong lalaki ang isang Dingdong Dantes, tagos pa rin sa kanya ang mga ugaling Pinoy.

Kaya nga mas okay sa kanya na umakyat ng ligaw sa bahay ng mismong babae sa panahong ito kaysa sa mga bars na nagsisilbing tagpuan ng mga gustong magkaligawan.

Ganyan nga ang tema ng kanyang commercial sa Gran Matador Brandy kung saan makakasama niya ang kinagigiliwang si Marian Rivera.

“Kung seryosohang usapan, seryosohang prose­so rin dapat,” wika ng endorser ng Gran Matador Brandy na ngayon ay kilala bilang Fredo sa Dyesebel na katatapos lang ipalabas sa GMA 7. Hindi nagbibiro si Dingdong.

“Of course, if I would have a daughter, I would want her future boyfriend to go through that process. Maaaring hindi ‘yan pormal na pag-uusapan ng tatay at isang manliligaw pero iba pa rin kung hihingin mo ng pormal yung kamay ng babae sa mga magulang niya at magpapaalam ka,” wika ni Dingdong.

“It’s because our Filipino culture really values respect. Getting to know the family ay bonding time rin kaya this is also a chance to celebrate,” ani Dingdong.

Ayon pa ni Dingdong, importante na maging responsable ang lalaki at maipakita na kaya niyang suportahan ang pamilya.

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Pres. GMA pinuri ang GMA 7

PINAPURIHAN ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang pamunuan ng GMA Network nung Biyernes ng gabi sa inauguration ng P1 bilyong bagong studios na walang ginamit na anumang loans.

Ayon sa Presidente, lumawak na ang GMA Network buhat nang nagsimula ito noong dekada 50 na nagsimula sa isang radio station, ang DZBB. Ngayon ay may 49 TV stations at 24 radio stations na ang GMA-7. Global na rin ito dahil sa kanilang Pinoy TV kung saan napapanood ang GMA shows sa America, Asia, Europe, Middle East at iba pang panig ng mundo.

Kasama ni Pangulong Glora na nagputol ng ribbon sa inauguration ng bagong studios si Vice President Noli de Castro.

Sinilip din ni PGMA ang Studio 4 at pinanood ang performance ni Regine Velasquez. Bandang 10:30 p.m. nang nagpaalam ang pangulo sa Chairman and President ng GMA Network na si Atty. Felipe Gozun.

Samantala, ang Studio 4 ang pinakamalaking studio ng telebisyon sa buong bansa. Super high-tech ito. Ang lighting system nito ay tulad ng ginamit sa nakaraang Beijing Olympics.

Ang sound system ay kauna-unahan din sa Pilipinas.

Ngayong Sunday, Studio 4 na gaganapin ang SOP.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Dingdong Dantes says he will talk about rumored breakup with Karylle at the right time

Kakabalik lang ng young actor na si Dingdong Dantes kahapon, October 17, mula sa Amerika kung saan nag-abay siya sa kasal ng isang kaibigan. Sinamantala na rin ng young actor ang pagkakataon upang makapagbakasyon na rin kahit ilang aarw lamang.

Hindi na nakapag-extend si Dingdong ng kanyang bakasyon dahil kinailangan na niyang makabalik para makaabot sa inauguration ng bagong GMA Network Studios noong Biyernes ng gabi, na kasabay ng farewell episode ng telefantasya nila ni Marian Rivera na Dyesebel.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong sa loob ng GMA Network Stuidos ay sinabi niya na nanghihinayang siya dahil hindi niya napanood ang last episode ng Dysebel. Dumiretso nga raw kasi siya sa inauguration, kung saan may special dance number siya with Marian.

"Hindi ko nga napanood kasi nag-rehearse pa ako ng dance number namin ni Marian ‘tapos may mga inasikaso pa ako. Then, dumiretso na ako sa inauguration kasi doon na ako nagbihis at nagpahinga.

"May konting jet lag pa ako pero commitment ko ito sa GMA-7 kaya nandito ako. Pina-record ko na lang yung last episode ng Dyesebel para mapanood ko rin naman," sabi ni Dingdong sa PEP.

KISSING SCENE. Usap-usapan din ang naging kissing scene nina Dingdong at Marian sa huling episode ng Dysebel, kung saan ikinasal ang mga role nila nbilang Fredo at Dyesebel sa Sirenea. Sa mga lumabas na mga litrato nila, kitang-kita na parang damang-dama ng dalawa ang kanilang halikan.

"Gano'n ba?" sabay tawa ni Dingdong nang hingan namin siya ng reaksiyon.

"Kung anuman yung napanood nila, isa lang naman ‘yon sa mga maraming naging kissing scenes namin ni Marian. Pero siyempre, kailangan lumabas na mas special ‘yon kasi ikinasal na kami.

"In character lang naman kami ni Marian. Ako as Fredo, talagang mahal ko si Dyesebel kaya yung kiss, part ‘yon ng pagpapakita ng nararamdaman ni Fredo kay Dyesebel. Trabaho lang ‘yon at alam yun ni Marian," diin ni Dingdong.

RUMORED BREAKUP. Hindi na rin namin pinakawalan ang pagkakataon na tanungin si Dingdong tungkol sa napapabalitang hiwalay na sila ng girlfriend niyang si Karylle. Nagsalita na kasi si Karylle sa 24 Oras at nag-deny ito sa balitang hiwalay na sila. Nalaman daw ito ni Dingdong noong nasa U.S. siya at may lumabas pang report na nagalit siya diumano dahil may usapan na raw sila ni Karylle na sabay silang magbibigay ng official statement tungkol sa totoong estado ng relasyon nila.

"Ang totoo niyan, hindi pa kami nagkakausap or nagkikita ni Kay kasi kakabalik ko pa lang," sabi ni Dingdong. "Nakarating naman sa akin yung sinabi ni Kay. I don't want to say anything muna tungkol sa mga sinabi niya.

"I feel na hindi pa ito right time. Pero magsasalita naman ako sa tamang oras talaga. Nangako naman ako na I would give an interview para malinawan na ang lahat sa mga nangyayari. Malapit na ‘yon kaya hindi naman kayo maghihintay ng matagal," pangako niya,

Halatang ayaw munang magsalita o mag-comment ni Dingdong sa anumang naging pahayag ni Karylle. Sabi nga ng ibang taga-press, kung wala talagang problema sa relasyon ng dalawa, madali namang sabihin ni Dingdong na okay sila ni Karylle at maayos pa rin ang relasyon nila. Pero tila iniiwasan pang magsalita ni Dingdong sa kung anumang kadahilanan.

Nang tanungin naman namin si Dingdong tungkol sa business nila ni Karylle, siniguro niya na hindi naman ito apektado. Part-owners kasi sina Dingdong at Karylle ng Centerstage Family KTV and Music Bar sa Timog Avenue, Quezon City at sa Jupiter St., Makati Cty.

"Tuloy pa rin naman whatever happens," mabilis na sagot ni Dingdong. "Hindi lang naman kami ni Karylle ang nasa negosyo na ‘yon. Marami naman kami doon kaya tuluy-tuloy pa rin ‘yon and nothing has changed naman. Business is doing good as usual."

Sa pag-iwas ni Dingdong na magbigay ng opisyal na statement, marami na ang naniniwala na may problema nga sa samahan nila ni Karylle. Nagkataon pa na wala si Karylle sa inauguration ng GMA Network Studios at marami ang nakapansin na buong gabi na hindi umalis sa tabi ni Marian Rivera si Dingdong. Hanggang sa pag-uwi nila, hinatid pa ni Dingdong si Marian sa sasakyan nito.

[via PEP]

Labels:


Continue Reading...

TV Ratings, Oct 14-16

Here are the Top 10 daytime and primetime programs from October 14 to 16 based on the overnight ratings conducted by AGB Nielsen Philippines among Mega Manila households:

October 14 (Tuesday)

Daytime:

1. Eat Bulaga! (GMA-7) - 27.5%
2. Marimar (GMA-7) - 25.5%
3. Gaano Kadalas ang Minsan (GMA-7) - 23.4%
4. Una Kang Naging Akin (GMA-7) - 22.1%
5. Daisy Siete (GMA-7) - 19.6%
6. Wowowee (ABS-CBN) - 18%
7. SiS (GMA-7) - 16.4%
8. Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) - 15.8%
9. El Cuerpo del Deseo (ABS-CBN) - 15%
10. Sakurano (GMA-7) - 13.9%

Primetime:

1. Dyesebel (GMA-7) - 38.2%
2. La Lola (GMA-7) - 35.8%
3. Codename: Asero (GMA-7) - 34.4%
4. 24 Oras (GMA-7) - 31.4%
5. Survivor Philippines (GMA-7) - 31.2%
6. Dyosa (ABS-CBN) - 27.5%
7. I Love Betty La Fea (ABS-CBN) - 27.3%
8. TV Patrol World (ABS-CBN) / Iisa Pa Lamang (ABS-CBN) - 26.8%
9. My Husband’s Woman (GMA-7) - 24.1%
10. Family Feud (GMA-7) - 23.4%

October 15 (Wednesday)

Daytime:

1. Eat Bulaga! (GMA-7) - 25.7%
2. Una Kang Naging Akin (GMA-7) / Gaano Kadalas ang Minsan (GMA-7) - 21.9%
3. Marimar (GMA-7) - 21.5%
4. Daisy Siete (GMA-7) - 17.7%
5. Wowowee (ABS-CBN) - 17.3%
6. El Cuerpo del Deseo (ABS-CBN) - 15.1%
7. Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) / Ligaw Na Bulaklak (ABS-CBN) - 14.5%
8. Sakurano (GMA-7) - 12.9%
9. SiS (GMA-7) - 12%
10. They Kiss Again: It Started With A Kiss 2 (ABS-CBN) - 10%

Primetime:

1. Dyesebel (GMA-7) - 38.6%
2. Codename: Asero (GMA-7) - 35.6%
3. La Lola (GMA-7) - 35.5%
4. Survivor Philippines (GMA-7) - 30.6%
5. 24 Oras (GMA-7) - 28.5%
6. My Husband’s Woman (GMA-7) - 25.2%
7. Iisa Pa Lamang (ABS-CBN) - 24.1%
8. Dyosa (ABS-CBN) - 23.4%
9. I Love Betty La Fea (ABS-CBN) - 23.1%
10. TV Patrol World (ABS-CBN) - 23%

October 16 (Thursday)

Daytime:

1. Eat Bulaga! (GMA-7) - 23.1%
2. Una Kang Naging Akin (GMA-7) - 21%
3. Gaano Kadalas ang Minsan (GMA-7) - 20%
4. Marimar (GMA-7) - 17.9%
5. Daisy Siete (GMA-7) - 17.7%
6. Wowowee (ABS-CBN) - 17.5%
7. Ligaw Na Bulaklak (ABS-CBN) - 16.5%
8. Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) - 16.3%
9. El Cuerpo del Deseo (ABS-CBN) - 15.3%
10. Sakurano (GMA-7) - 13.4%

Primetime:

1. Dyesebel (GMA-7) - 35.8%
2. La Lola (GMA-7) - 34.6%
3. Codename: Asero (GMA-7) - 32.3%
4. 24 Oras (GMA-7) - 32.2%
5. Survivor Philippines (GMA-7) - 28.2%
6. I Love Betty La Fea (ABS-CBN) - 28%
7. Dyosa (ABS-CBN) - 27.4%
8. Iisa Pa Lamang (ABS-CBN) - 26.9%
9. TV Patrol World (ABS-CBN) - 25.4%
10. My Husband’s Woman (GMA-7) - 23.5%

Source: AGB Nielsen Philippines via PEP and Starmometer

Labels:


Continue Reading...

Saturday, October 18, 2008

Raymart Santiago walang ipinagbabawal kay Claudine

After 6 months na wala siyang naging projects sa GMA 7, sinabi ni Raymart Santiago na hindi niya kailanman inisip na lumipat ng network.

“Naging busy naman ako sa maraming bagay, tulad ng mga anak ko at mga ibang proyekto outside of showbiz. Marami rin namang offers kaya lang marami rin akong tinanggihan dahil feeling ko hindi bagay sa akin. Hindi naman ako nabakante kaya hindi ko namalayan ang paglipas ng panahon.

“No, hindi ko inisip kailanman na lumipat. Happy na ako sa Siete. In the same way na happy din naman si Claudine (Barretto, misis niya) sa kinabibilangan niyang network.”

Wala ba siyang nararamdamang selos sa mga roles ni Claudine sa kabila?

“Wala namang dapat ipagselos. Trabaho lang lahat. At wala akong ipinag­babawal kay Claudine, maski na yung mga kissing and love scenes niya, yung pagsusuot niya ng two piece, siguro aalma lamang ako kapag naghubo na siya pero kilala ko si Claudine, alam niya ang limitasyon niya bilang nanay,” sagot ni Raymart sa maraming katanungang tnanggap niya during the presscon of Gagambino, ang bagong serye ng GMA7 na kinaaniban niya.

Ang Gagambino ay isa pang obra ng magaling na nobelistang si Carlo J.Caparas na magsisimulang mapanood sa Oktubre 29 sa GMA 7, pagkatapos ng Asero. Pero, bago ito, sa Linggo, pagkatapos ng ASAP, mapapanood ang Gagambino’s Web, isang 45-minute documentary tungkol sa the making of the newest telefantasya na iho-host ni Dennis Trillo, ang gumaganap ng Bino sa bagong serye.

Pero, hindi siya nag-iisa, may mga kaibigan siyang may mga kapangyarihang tulad ng sa insekto (Katrina Halili, may kapangyarihan mula sa praying mantis; Polo Ravales, kapangyarihan mula sa uwang; Isabel Oli, kapangyarihang mula sa alakdan; Glaiza de Castro, kapangyarihang mula bubuyog). Pagtutulungan nilang grupo si Abresia (Jean Garcia), may kapangyarihan namang mag-utos sa mga insekto.

Si Raymart si Dindo, ang tiyuhin ni Lucy (Katrina) na siyang magtuturo kina Bino at iba pang niyang kaibigan na may kapangyarihan ng paggamit ng kanilang kapangyarihan.

Sina Toppel Lee at Don Michael Perez ang direktor ng serye, head writer si Suzette Doktolero at kasama nila sa creative team ang creator ni Gagambino na si Carlo J. Caparas.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera, talbog kay Iza sa pakikipag-laplapan kay Dingdong

GUSTONG linawin ng GMA Films na hindi supporting ang role ni Iza Calzado sa pelikulang One True Love.

Bida si Iza rito tulad nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kasi love triangle sila.

By the way, ayaw magbigay ng pahayag ni Iza tungkol sa totoong relasyon nina Dingdong at Marian. Hindi raw siya naniniwala sa mga tsismis hangga’t walang sinasabi sa kanya si Dingdong na kasalukuyang nasa States ngayon para dumalo sa wedding ng isang close friend.

Aminado siya na mas close siya kay Karylle kesa kay Marian kasi na-kasama niya noon si Karylle nang matagal sa Encantadia at magpinsan silang dalawa sa tunay na buhay.

Wala pa rin daw naiko-confide si Karylle na kahit na ano sa kanya tungkol sa tsismis na nakipag-break na ito kay Dingdong.

Pero kung totoo man ito, her sympathy will be with Karylle at magiging disappointed siya nang husto kay Dingdong.

Sa One True Love naikuwento ni Iza, mas passionate ang naging love scene nila ni Dingdong kesa sa eksena nito with Marian. Kaya raw niyang makipagsaba-yan sa love-scene huwag lang magkaroon ng full frontal nudity dahil hindi rin naman makalulusot ‘yon sa MTRCB.

Hindi na rin puwedeng kuwestyunin ang on-screen chemistry nila ni Dingdong dahil bago pa naging ka-loveteam ng aktor si Marian ay nakagawa na sila ng dalawang pelikula, ang Moments Of Love at Eternity.

Feeling mahaba rin ang hair ni Iza ngayon dahil nag-a-apply bilang boyfriend niya ang basketbolistang si Simon Atkins. Hindi raw niya aka-lain na may magnanasa pa ring lalaki sa kanya. Nagkakilala sila ni Simon sa birthday party ng anak ni Cheska Iñigo at si Cheska nga ang nagbu-king sa kanya na gusto raw siyang ligawan ni Simon.

Nagkita ulit sila ni Simon sa debut ni Rhian Ramos at magkasama sila sa pelikulang Desperadas 2 for the ‘08 MMFF.

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Friday, October 17, 2008

Bahay ni Rufa Mae nabili ni Iza Calzado

Si Iza Calzado pala ang nakabili ng bahay ni Rufa Mae Quinto. Pero ayaw sabihin ang detalye ni Iza kung magkano niya itong nabili.

Kung sabagay, si Iza na yata ang pinaka-abalang artista ng GMA 7 kaya hin­di nakakatakang nakaipon na siya ng malaki at may pambili na ng sariling bahay dahil kabi-kabila ang trabaho niya.

Kasama sa kanyang pinagkakaabalahan ang peli­ku­lang Sundo with Robin Padilla at ang One True Love nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ang im­pression ng marami, supporting lang siya sa dalawang pelikula dahil maraming ibang kasama particular na sa One True Love. Pero ipinagtanggol siya ng produ ng GMA Films na si Ms. Anette Go­zon na equal ang billing nila at walang dapat ipag-alala. Ilang beses na rin daw nagkaroon ng revision ng script ng One True Love. kaya hindi puwedeng supporting role lang siya.

At dahil pinsan at bestfriend niya si Karylle, hindi nakaligtas si Iza na tanungin kung ano ba talaga ang status ng relasyon ng pinsan niya sa aktor (Dingdong) na kasama niya sa pelikula. “Hiwalay na sila dahil nasa Amerika si Dingdong. Nasa Pilipinas si Karylle,” sabay tawa ni Iza. “Wala akong karapatang pag-usapan ang buhay nila,” dagdag ni Iza.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Katrina Halili, inspired but not yet in love

KATRINA Halili looks so sexy in her praying mantis costume in “Gagambino.” “But actually, ang bigat po niyang dalhin, pati ang false eyelashes ko that are too thick,” she says. “Bale ba, I have to do action scenes at patalon-talon akong parang tipaklong kaya, physically, it’s really not an easy role. Pero enjoy pa rin ako and we hope na our show will be able na pumantay man lang sa high ratings ng ‘Dyesebel’ na siyang papalitan nito starting Monday. This Sunday pala, don’t forget a special feature after SOP showing the making of ‘Gagambino’ at doon nyo makikita kung paano naming pinaghirapang mapaganda nang husto ang show.”

Katrina is honest enough in admitting that she now has an MU (mutual understanding) with L.A.-based singer Kris Lawrence who was once the boyfriend of Jasmine Trias. “Matagal na silang wala,” she says. “I’ve met his parents and they have a really good family. Ang sister ni Kris, gumanap namang Kim sa ‘Miss Saigon’.”

So is she really in love with him? “Mahirap naman sabihin agad na in love. Let’s just say that I’m inspired. Kasi mabait talaga siya. Alam niyang nagpapa-sexy ako, but he doesn’t judge me at all.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Dingdong Dantes, balik Pinas this Friday

This Friday ang balik ni Dingdong Dantes mula sa Amerika in time for the inauguration of the GMA Network Center Annex at finale ng Dyesebel nila ni Marian Rivera.

May mga kaibigan kaming hindi aalis ng bahay para matutukan ang ending ng fantasy series na six months ding sinubaybayan at hindi sila madi-disappoint sa magandang ending.

Pagkatapos matalo si Dyangga (Mylene Dizon), hihirangin ang bagong reyna ng Sirenea na sorpresa kung sino.

Magpapaalam naman si Erebus (Alfred Vargas) at naghihintay sa kanya ang piniling kapalaran. Si Dyesebel nama’y sinunod ang itinitibok ng puso.

Samantala, nasulat ni Joe Barrameda na nagalit daw si Dingdong sa interview ni Karylle sa 24 Oras kung saan dinenay ang break-up nila.

Ang usapan daw ng dalawa ay sabay silang haharap sa press.

Kaya pala “hindi ko alam” ang sagot ni Dingdong sa text message ni Dinno Erece para hingan siya ng comment sa interview kay Karylle.

Nasa States pa that time ang actor.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, October 16, 2008

Jennica Garcia at Mart Escudero, umamin na

Finally, umamin na sina Jennica Garcia at Mart Escudero sa kanilang relasyon na nagsimula last December, sa birthday ng young actress.

Matagal nang inamin sa amin ng dalawa na on sila, pero nakiusap na ’wag munang isulat at hindi pa raw right time.

Sa presscon ng Gagambino sila umaming 10 months na sila this October.

Isa sa ikina-impress ni Jennica kay Mart ay nang humarap ito kay Jean Garcia para magpaalam na liligawan siya at seryoso siya rito.

Ang nakakatuwa, si Manny Valera, manager ni Jennica, ang itinuro ng dalawa na pumigil sa matagal nilang pag-amin dahil baka maging negative raw sa tao.

Career-wise, hindi nakasira kina Jennica at Mart ang kanilang relasyon kahit lagi silang magkasama.

Sa Gagambino, gagampanan ng young actress ang role ni Gelay, ang mabait at malambing na ampon ni Bino (Dennis Trillo), at si Mart ay si Noel, kapatid ni Bernadette (Isabel Oli).

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Karylle nainis sa balitang hiwalay na sila ni Dingdong

Kung seryoso ang pustahan ng mga taga-Showbiz Central tungkol sa breakup nina Karylle at Dingdong Dantes, talo na si Mo Twister na sinigurong hiwalay na ang dalawa. Sa interview ng 24 Oras sa dalaga noong Wednesday, itinanggi nito ang balitang hiwalayan.

Naiinis na nga raw siya (Karylle) sa hindi mamatay-matay na issue at para patunayang sila pa rin, nagkita raw sila ni Dingdong bago ito umalis noong October 8.

Ibinalita pa ni Karylle na si Dingdong at ang staff nito ang tumulong para maging successful ang last run ng West Side Story, na ibinenta niya last time.

Sa Facebook account din ng dalaga’y naka-tag sila ng BF sa pictures ng anak ni Sherilyn Reyes, na niregaluhan nila ng isang box ng Superman toys.

Reaction naman ng isang reporter na nakapanood kay Karylle, kay Dingdong siya magalit dahil ayaw magsalita ’pag tinatanong kung break na sila.

Simpleng “yes” or “no” lang naman ang isasagot, binibitin pa, kaya lalong na-curious ang press.

Sa last taping day nga ni Dingdong sa Dyesebel, may request na ’wag siyang tanungin about Karylle, kaya paikut-ikot at double meaning ang tanong ng press na tagumpay nitong naiwasan.

Unfair naman kay Marian Rivera ang tsismis dahil siya ang tinutukoy na rason ng diumano’y breakup nina Dingdong at Karylle.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, October 15, 2008

TV Ratings, Oct 13th

Mega-Manila overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 nu’ng LUNES (Oktubre 13):

SiS 10.3% vs. Boy and Kris 8.3%;

Marimar 19% vs. Game Ka Na Ba 13.9%;

Eat Bulaga 22.9% vs. Wowowee 16.5%;

Daisy Siete 18.7% at Una Kang Naging Akin 22.9% vs. Ligaw na Bulaklak 15%;

Gaano Kadalas ang Minsan 20.1% vs. El Cuerpo del Deseo 15.4% at Las Tontas 8.9%;

Family Feud 21.2% vs. Deal or No Deal 21.6%;

24 Oras 31.2% vs. TV Patrol 26.5%;

Codename: Asero 33.2% vs. Dyosa 25.6% at I ♥ Betty La Fea 26.6%;

Dyesebel 35.1% vs. Iisa Pa Lamang 28%;

Lalola 35.8% vs. Kahit Isang Saglit 19.1%;

Survivor Philippines 27.4% vs. Three Dads with One Mommy 16.9%;

Ripley’s Believe It or Not 19.7% vs. Bandila 9.1%;

Saksi 12.7%.

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn Mercado magde-demanda

Tinawagan ako ni Becky Aguila sa telepono noong Lunes.

Nilinaw niya na false at hindi true ang mga balita na nanggagaling sa kampo ng kanyang dating empleyado.

May balak si Becky na idemanda ang ex-employee niya. Kasama raw sa mga magsasampa ng kaso si Jennylyn Mercado.

Abangan natin ang mga susunod na kabanata.

Tingnan natin ang isasagot ng ex-employee ni Becky sa mga paratang laban sa kanya.

Alive na alive na naman ang showbiz dahil sa rami ng mga kontrobersya!

[via]

Labels:


Continue Reading...

How sexy can Lovi go?

It’s a sign of the times. Today’s youth hardly read anymore. They’d rather surf the Net or socialize through Yahoo messenger.

Thankfully, Lovi is an exception to the rule. Yes, this 19-year-old artist loves to read. Instead of chatting with co-stars in-between long taping breaks, Lovi goes to one corner and reads.

It’s gotten to the point where well-meaning friends scold her: “You’ll ruin your eyes by reading in dim light!” And while she appreciates the concern, Lovi just can’t break the reading habit.

Her mom, Rowena Moran, trained Lovi to read since she was that high. No wonder Lovi says she was already burying her pretty nose in books early as age seven. “I never go to sleep without reading a book,” she says, “I even dream of writing a book someday.”

All that book reading has also allowed Lovi to write lyrics to some of her songs. One of her songs, Pauli-ulit, is included in Lovi’s second album, Bloom, under Sony BMG. Ogie Alcasid himself wrote the melody.

Ogie’s other song, Nais Ko, theme of Lovi’s soap, Kaputol ng Isang Awit, is also one of the album tracks.

So is Joven Tan’s Sana. Sony BMG and Lovi hope Sana will do what another Joven Tan song, Kung Puwede Lang did for Lovi: Land her on top of the charts.

After all, Lovi is having too much fun these days to pine over a lost love or go looking for a new one. Her lips are sealed when it comes to Jolo or any of the Revillas. She also refuses to open up about aborted romance with nonshowbiz guy, whose family owns a chain of popular stores all over the country.

“I had to break up with him after I found out I can’t devote enough time for him,” she reveals.

Her heart must have told Lovi she loves the guy. But love alone is not enough. Her head reminded Lovi she’s too engrossed in her work to spend enough time with him. It’s unfair to keep him waiting while she wraps up tapings or rehearsals before they go out on dates.

That’s the all-new Lovi for you. Gone is the teenybopper who listened only to her heart and didn’t heed the warning signs on her head.

“I have become more mature,” she explains. “I am more in touch with my decisions. Before, I let others tell me what to do. Now, I decide on my own.”

Such self-confidence inspires others to believe in Lovi as well. Sony BMG executives are giving her a vote of confidence in her recently-launched album. They are allowing their prized artist to choose the tracks in her second album, Bloom.

“Unlike my first album four years ago, Bloom doesn’t have teenybopper songs anymore,” Lovi proudly says. “Instead, I’m venturing into pop-classics that are easy to listen to. And since I have a hand in choosing the tracks, this album is a very personal one.”

Fans will see for themselves just what Lovi means when she stages her first major solo concert, Bloom on Oct. 16, 8 p.m. at Music Museum with guests Ogie Alcasid, Dennis Trillo, Jay-R, Jan Nieto and Aljur Abrenica.

The show’s title serves a double purpose. It not only reminds everyone that she has a new album of the same title.

It also announces to all and sundry that Lovi, at 19, is no longer a hesitant, awkward girl. She has transformed into a self-assured adult who feels comfortable in body hugging mini-skirts and other sexy clothes.

Men’s magazine editors are not taking Lovi’s all-woman look sitting down. They have dangled offers for her to pose on the covers of their magazines. But Lovi is not biting. “I can strike sexy magazine poses, but not for men’s publications,” she declares.

Read: The sexy look is okay. But it has its limits. Lovi is drawing the line between becoming every man’s fantasy and giving them just what they want on the glossy pages of a magazine. There’s such a thing as being sexy without turning into a sexy symbol

Lovi has put her foot down. She’s grown into a woman, yes. But this doesn’t mean she’s ready to throw caution to the wind.

The lady knows what she wants. And while Lovi is not exactly telling the whole world about it, she’s showing it in more ways than one. She’s showing it in the way she sings, walks and yes, blooms.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, October 14, 2008

Latest TV Ratings

Narito ang Mega-Manila overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN nu’ng nakaraang weekend:

BIYERNES (Oktubre 10):
SiS 12.7% vs. Boy and Kris 8.1%;
Marimar 21.8% vs. Game Ka Na Ba 15.4%;
Eat Bulaga 25.6% vs. Wowowee 17.7%;
Daisy Siete 19.7% at Una kang Naging Akin 22.6% vs. Ligaw na Bulaklak 16.2%;
Gaano kadalas ang Minsan 25.1% vs. El Cuerpo del Deseo 14.8% at Las Tontas 8.7%;
Gobingo (last episode) 16% vs. Deal or No Deal 18.8%;
24 Oras 32.1% vs. TV Patrol 23.4%;
Codename: Asero 35.1% vs. Dyosa 23.8% at I ♥ Betty La Fea 24.6%;
Dyesebel 37.9% vs. Iisa Pa Lamang 23.9%;
Ako Si Kim Samsoon (finale) 38.2% vs. Kahit Isang Saglit 18.1%;
Survivor Philippines 33.8% vs, Daboy sa ABS CBN 11.6%;
Bubble Gang 21.6% at Saksi 7.9% vs. Bandila 4.5%.

SABADO (Oktubre 11):
Takeshi’s Castle 16.2% vs. Game Ka Na Ba 11.6%;
Eat Bulaga 25.7% vs. Wowowee 18.6%;
Startalk 13.3% vs. Entertainment Live 10.2%;
Wish Ko Lang 15.3% vs. Cinema FPJ 11.9%;
Pinoy Records 17.8% vs. The Singing Bee 19.7%;
Celebrity Duets 24.1% vs. Komiks (Varga) 18.8% at Komiks (Tiny Tony) 21.6%;
Bitoy’s Funniest Video 27.4% vs. Maalaala Mo Kaya 31.4%;
Kapuso Mo Jessica Soho 27.4% at Imbestigador 30.3% vs. Banana Split 21.8%;
Nuts Entertainment 16.6% vs. XXX 15.7% at TV Patrol 7.6%;
Sine Totoo 13.6% vs. Sports Unlimited 3.9%;
Walang Tulugan 5.8%.

LINGGO (Oktubre 12):
Takeshi’s Castle 13.8% vs. Matanglawin 9.3%;
SOP 14.5% vs. ASAP 15.9% at Your Song 14.6%;
Dear Friend 12.5% vs. The Buzz 11%;
Showbiz Central 14.5% vs. The Singing Bee 18%;
Kap’s Amazing Stories 22.7% vs. Goin’ Bulilit 19.1%;
Tok Tok Tok 25.1% vs. Rated K 20.6%;
Mel and Joey 26.5% vs. Sharon 18.3%;
All Star ‘K’ 20.5% vs. TV Patrol 15%;
Ful Haus 17.9% vs. Walang Iwanan 7.6%;
Sunday Night’s Boxoffice 12.1%

Labels:


Continue Reading...

Richard Gomez nabablangko sa game show

As if meron naman siyang nakatagong chi­kas, pero sino ang makapagsasabi, sa tikas ba naman ng isang Richard Gomez ay walang ma­hu­hu­­maling na babae? But Richard will never tell, hindi siya ang tipo. Quiet lang siya. Ito ma­­ra­­­­hil ang da­hilan kung bakit sa kanyang gu­lang ay napakatindi pa rin ng appeal at charisma ni Goma.

Muli, mamamalas ng mga manonood sa TV ang talento ni Richard dahil siya ang host ng pina­­­­kabagong game show ng Kapuso, ang Fa­mily Feud na nagsimula na kahapon, Lunes at mapa­panood araw-araw hanggang Biyernes.

Lubhang masaya ang game show kagabi dahil dalawang celebrity families ang nagharap, ang Yllana at Marquez families.

Katulad nang matagal nang napapanood na original show sa Amerika, dalawang pamilya na may tig-apat na myembro ang mag-uunahang sa­gutin ang seven top answers na nakasaad sa survey na tinanong sa 100 katao. Ang unang pa­mil­­yang sasagot ay depende sa kung sinong team captain ang unang makakapindot ng buzzer. Tama ang sagot kung nakasaad ito sa game board. Mau­unang sumagot ang ama ka­pag bibigyan ng mas mataas na point. Kapag nakatatlong strike o maling sagot, ang kontrol ng laro ay mapupunta sa kabilang pamilya.

Dalawang myembro ng winning family ang mag­­kahiwalay na susubok na sagutin ang limang pinaka-popular na survey. Mananalo sila kapag umabot sa 200 points ang pinagsamang score ng dalawang naglaro para sa jackpot prize. Kapag nabigo sila, mananalo sila ng consolation prize na P50,000 at babalik sa susunod na araw bilang defending champions at aak­yat sa P250,000 ang jackpot prize. Para mas madali n’yong main­tin­di­han ang laro, ma­nood na lang kayo gabi-gabi. Malay n’yo, baka maka­sali pa kayo.

Samantala, inamin ni Goma na kahit matagal na siyang artista ay may mga pagkakataon na naba­blangko siya sa taping ng Family Feud. “It’s a lot different from ac­ting, kailangang mabilis akong mag-react para hindi mawala ang kontrol ko sa sit­was­yon. Dapat din paliging alam ko ang sasa­bihin ko. Mahirap pero ang saya,” sabi niya.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Mo Twister, siniguradong hiwalay na sina Dingdong at Karylle

’Kaloka sa Showbiz Central, pinagpupustahan ang break-up nina Dingdong at Karylle at si Mo Twister, sinigurado pang break na ang dalawa.

Maganda ang comment ni John Lapus na kung hiwalay na sila, ipaalam sa publiko dahil nagmumukhang kontrabida si Marian Rivera na dahilan daw ng hiwalayan ng dalawa.

Guest si Phil Younghusband, ang latest na natanggal sa Celebrity Duets at inaming kaya siya nalungkot dahil he wanted to win.

Love rin niya ang kumanta at sa pagka-out niya sa CD, wala na siyang rason para kumanta pa.

Manghihinayang ang mga bading dahil hindi na matutupad ang promise nitong he’ll strip ’pag nakapasok sa finals.

Sayang din dahil hindi niya nakanta ang favorite Beatles song niyang All I Need is Love.

Si Keempee de Leon naman ang sumalang sa lie detector test at inaming binalak niyang ligawan uli si Pauleen Luna nang makipag-break ang actress kay Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian.

Pero ngayon, sa isang half-Canadian beauty siya nanliligaw.

Maganda ang interview ni Pia Guanio kay Richard Gomez, na inaming sina Sharon Cuneta, Dawn Zulueta at misis niyang si Lucy Torres-Gomez ang three women na nakarelasyon niya na matimbang sa puso niya.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Mau Marcelo inokray ang Pinoy Idol

Feeling ng first Philippine Idol winner na si Mau Marcelo, hindi siya naalagaan nang husto ng Fremantle Media kaya balik Viva Artists Agency (VAA) siya.

Dati nang nasa VAA si Mau, pero nang manalo sa Philippine Idol, kinontrata ng Fremantle Media at in-assign si Sandra Chavez bilang manager niya.

Pero ayon sa singer, parang hindi naman niya naramdamang naasikaso siya.

“Hindi pa tapos ang contract ko pero nagpa-release na po ako dahil wala pong nangyayari sa career ko. “Nasasayangan ako sa mga panahon, sa talent ko at ako po ay breadwinner pa rin, eh, wala po akong pera.

“Wala na pong trabahong ibinibigay sa akin, kaya nag-decide ako lumipat ulit ng Viva,” pahayag ni Mau nang makapanayam ng press sa recent presscon ng VAA Artists sa Viva office.

Prangka ring sinabi ni Mau na naging busy kasi ang dating manager niya kina Sharon Cuneta at KC Concepcion kaya hindi siya naasikaso.

“Kaya, medyo na-disappoint din ako. Three years sana ’yun, eh, two years pa lang sana po ako sa December pero hindi ko na kaya,” say pa ng PI grand champion.

Wala naman daw ipinangako ang Viva sa kanya, pero pakiramdam niya, mas maaalagaan siya ng naturang artists management.

Ipinagtapat din ni Mau na naasar siya nang naiba ang title ng Philippine Idol nang malipat ito sa Siyete at gawing Pinoy Idol.

Siyempre nga naman, parang nabalewala ang effort nila, lalo na nga siya, na hinirang na kauna-unahang champion ng naturang reality show. Ang konsuwelo na lang daw niya, at least, alam ng tao na siya ang una.

Nakaaaliw din ang komento ni Mau na parang hindi raw naramdaman ang Pinoy Idol dahil ang bilis natapos.

“’Yung sa amin, kahit Channel 5 lang, at least tinangkilik talaga,” say pa niya.

Ang pinaka-nakalolokang komento ni Mau ay hindi raw deserving ang nanalong Pinoy Idol na si Gretchen Espina.

Naku, nangangamoy intriga ito!

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, October 13, 2008

Suwerte, bumabalik kay Dennis Trillo

Pihadong matutuwa sina Direk Carlo J. Caparas at Donna Villa dahil ngayon pa lang, inaabangan na ng mga bagets ang obra ng una na Gagambino.

Malapit na itong ipalabas sa GMA Telebabad.

Si Dennis Trillo ang gaganap sa title role na Gagambino.

Mukhang bumabalik ang suwerte kay Dennis mula nang amining break na sila ni Cristine Reyes.

Sunud-sunod kasi ang magaganda niyang projects at kumita pa ang pelikula nila ni Judy Ann Santos, ang Kulam.

Pero, hindi naman namin sinasabing “lasmatik” (as in, malas) ang naging relasyon nila ni Cristine, tsuk!

[via]

Labels:


Continue Reading...

Chris Tiu habulin ng bading at matrona

LALONG nadagdagan ang mga humahanga sa sikat na team captain ng Ateneo de Manila University ngayong nag-champion ang Blue Eagle sa katatapos na UAAP (University Athletic Association of the Philippines).

Aminin man o hindi, this handsome Ateneo Blue Eagle shooting guard was a plus factor why the championship round became a hit lalo na sa kababaihan at maging sa members ng third sex.

Kaya for the sake of those who are requesting for an item about Chris, here’s some basic facts about him na nakalap namin.

He was born July 15, 1985. Chris’ baptismal name is Christopher John Alandy- Dy Tiu. He gra-duated cum laude sa kursong management engineering.

Currently, kumukuha ng second course si Chris sa AdMU ng Bachelor of Science/Master of Applied Mathematics, major in Mathematical Finance, minor in Chinese studies.

Co-host si Chris ni Manny Pacquiao sa Pinoy Records at nabigyan ng chance ng GMA Network to host his own show titled Ripley’s Believe It or Not na napapanood tuwing Lunes ng gabi pagkatapos ng Telebabad Block.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Angelika dela Cruz happily tells wedding engagement to non-showbiz boyfriend

“Nag-propose na! Last two or three weeks ago,” Angelika giggles as she breaks the news about the marriage proposal she got from her boyfriend of three years, Orion Casareo.

In a taped interview with Startalk aired yesterday, October 11, the Lalola actress detailed the night she got engaged to her boyfriend.

“Dinala niya ako sa Southwoods,” Angelika started her long story. “Basta pinaghintay niya [ako], [na-bad trip] niya ako. Pinaghintay niya ako sa kotse. Siyempre, ako, ‘Ano ba naman ‘to?’ di ba? Nakanganga lang ako dito, ‘tapos niyaya niya akong mag-dinner. Siyempre sa dinner medyo nakasimangot na ako, so inis na ako.”

The next scene did not appeal too much to Angelika for she thought that it was just one of their “monthsary” celebrations. She continued, “‘Tapos, pagkaakyat namin sa room—siya, ako, at saka ‘yong friends namin—pagbukas ko ng door, punung-puno ng petals ‘yong floor, ‘tapos, ‘yong bathtub, ‘yong floor, ‘yong bed. ‘Tapos ang daming mga flowers. ‘Tapos may mga Kisses [chocolates] na nakaturo, naka-arrow sa bed.

“Siyempre, tinitingnan ko. ‘Tapos tanga-tanga naman ako, hindi ko napansin ['yong kakaibang Kisses], hindi ko talaga napansin. Siyempre uma-acting ako na parang, wala lang. Kasi ‘yong first na monthsary namin, ganun na niya ako sinuprise. So, para sa akin, nothing new, e.”

The night got more exciting as Orion started his moves to give his marriage proposal to his celebrity girlfriend.

Angelica told Startalk, “‘Tapos sabi niya, ‘Ano, ayaw mo ba kumain ng chocolates?’ Sabi ko, ‘Nagda-diet nga ako, papakainin mo pa ako ng chocolates?’ Nakasimangot talaga ako. [Sabi niya], ‘Tingnan mo naman, tingnan mo naman.’ [Sagot ko], ‘Ayoko.’

“‘Tapos pagtingin ko, mayroon super daming Kisses, naka-heart siya. ‘Tapos sa gitna, mayroong ibang color, kakaiba ‘yong color niya, blue. Siya lang ‘yong blue. ‘Tapos pagtingin ko nakapasok doon ‘yong ring. ‘Ayun, umiyak na ako.”

The newly engaged couple plans to tie the knot on December 4, 2009, which is actually their fourth anniversary as a couple.

“Hindi pa namin sure kung magsi-civil [wedding] muna kami,” Angelika added. “Hindi pa namin pinag-uusapan ‘yon. Ang pinag-uusapan pa lang namin ‘yong next year. Pero ako, anytime.”

Aside from them, Angelika said that her parents were also happy about the good news. In fact, she said, “Happy naman sila. Surprisingly, ang daddy ko, masaya naman siya. Masaya sila for us kasi siyempre matagal na rin kami. ‘Tapos wala naman silang tutol sa kanya [Orion], mabait naman siya.”

Has she thought about her dream wedding already?

Angelika smiled and answered, “Ang dami kong naiisip, e. Kung anu-ano na ang nai-imagine ko, sumasakit na nga ‘yong ulo ko kaka-imagine. Madalas ngayon, nakangiti ako, nakatanga ako, nagde-daydream ako. Ang weird nga, e.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, October 12, 2008

Joseph Bitangcol may bago nang GF

HINDI na-o-offend si Joseph Bitangcol ’pag tinutuksong guwapong version ni Mura. Saka, ’pag napanood kung gaano siya ka-daring sa Walang Kawala, hindi na maiisip si Mura’t hindi nito makakaya ang mga ginawa ni Joseph sa DMV Entertainment movie.

May three kissing scenes sila ni Polo Ravales, may love scene pa at may eksena pang nire-rape siya ni Emilio Garcia.

Lahat ay ginawa ni Joseph para ipakitang may talent siya at seryoso sa career. Ang hindi pa niya kayang gawin sa ngayon ay frontal nudity, but with the right project, right director at right time, baka mapapayag siya sa frontal nudity.

Kahit close friend si Polo at kasosyo sa Stoodio Bar, may ilang factor pa rin kay Joseph nang gawin nila ang maraming kissing scenes. Binalak pa raw nilang dayain ang eksena, pero kinagalitan sila ni Direk Joel Lamangan.

“Ang weird ng feeling na makipaghalikan sa kapwa lalaki at ako pa ang aggressive rito. Sa storycon, gusto ko pang mag-back-out, pero kinausap ako nina Direk Joel at Tito Manny (Valera).”

Sa November 12 na ang regular showing ng pelikulang tiyak na pag-uusapan ng lahat. Sa Nov. 6 ang screening ng Director’s Cut sa UP Film Institute at balak ng mga producer na isali ito sa filmfest sa iba’t ibang parte ng mundo.

’Pag nangyari ito, ’di na lang pang-Pinoy audience sina Polo at Joseph.

Masayang ibinalita ni Joseph na may girlfriend na siya, si Nami Kim, half-Japanese, half-Filipino at half-Korean student ng College of St. Benilde.

Sa sobrang daring niya sa Walang Kawala, malamang hindi niya ito payagang manood ng pelikula.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Richard-KC trip to Paris more than bonding time

WHAT’S the difference between Richard Gutierrez’s trip with KC Concepcion to Greece and the more recent one they had in Vienna? “Sa Greece, trabaho talaga kami to shoot our movie,” he says. “In Vienna, we just attended the premiere night tapos bakasyon na kami at puro pasyal doon then in Paris and Budapest. We had a lot of good time together, talagang quality time. We really enjoyed our bonding moments kasama na ang brother ko, si Raymond.”

They enjoyed their stay in Paris so much. “KC has a lot of friends there dahil dun siya nag-college and she introduced me to them. It so happened na fashion week there at that time and there were Filipino designers around kaya may nakita kaming mga kabababayan. It’s an unforgettable time for us.”

Did he fall in love with KC all the more? “Paris is so beautiful. It’s the city of lights, of love and romance. So ‘yun na lang ‘yun. Let’s just leave it at that na lang for now.”

In Greece, they both bought souvenir necklaces for each other. So what did they buy in Paris this time? “Sorry, guys, but I won’t tell you. Iwan nyo na lang sa amin ‘yun. Pero kapag nakita nyong magkasama at suot namin ‘yun, ‘yun na ‘yon. Abangan nyo na lang.”

Some people don’t believe that they’re still just on the friendship stage but are now really going steady. “Well, as of now, what you see is what you get. Basta kung anong nakikita nyo sa’min, you guys can judge na lang. Para may mystery pa rin.”

But would he say that whatever feelings he and KC have for each other got to a more intense level after their European trip? “Of course. There’s really nothing like traveling together for you to get to know a person better. Talagang nakapag-bonding kami nang husto roon. We had a lot of fun. It’s a great adventure and we enjoyed it so much. We visited a lot of places na talagang very memorable. In one week, we got to three different countries so marami talagang masayang adventures that are all spontaneous and not planned. Pero siyempre, Paris is the most special. If you saw the movie ‘Casablanca’, there’s an unforgettable line there saying ‘We’ll always have Paris’. So ‘yun na ‘yon.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, October 11, 2008

Yasmien Kurdi naglalasing dahil sa selos?

I’m sure hindi totoo ang balitang naglalasing daw si Yasmien Kurdi para makalimutan ang paghihiwalay nila ni JC de Vera.

Nabaling na raw kasi ang pansin ni JC kay Lalola na sinasabi namang may malaking crush sa aktor.

Si Rhian Ramos na naman ba? Eh ano naman kung crush niya si JC?

Hindi naman siguro ibig sabihin na aagawin na niya ito kay Yasmien.

Parang hindi naman ganito si Rhian. Maganda siya para kapusin ng lalaking magmamahal sa kanya and vice versa.

[via]

Labels:


Continue Reading...

GMA Films execs ‘nasabon’ dahil hindi kumita nang malaki si Jolina

TRUE kaya ang tsika sa amin ng isang GMA Films insider?

Na dahil hindi sila sa-tisfied sa result sa box-office ng Italy, medyo nasabon daw ng higher-ups ang executives na hu-mawak ng movie. Na nag-promise na lang daw ang mga nasabon na mas pagagandahin nila ang next project.

True din kaya na ibinigay pa ang Star Cinema na eksampol sa paggawa ng magandang formula at chemistry sa cast dahil proven effective ang tandem nina Richard Guttie-rez at KC Concepcion, pa-ti na rin sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo? Na dapat daw, ganito ang gawin ng executives para mag-klik ang kanilang next project?

Ganu’n? Ibig bang sabihin, hindi magandang gumawa ng formula ang mga taga-GMA Films?

Pero sabi pa sa amin, mabuti na lang daw, ‘yung executives na sina-bon, binanlawan din naman pagkatapos kaya bawi rin,he,he,he!

[via]

Labels:


Continue Reading...

Rhian Ramos - La Lola

Biggest project ni Rhian Ramos ang La Lola na magpi-premiere sa Monday at mapapanood after Dyesebel, kaya may kasamang kaba ang excitement nito.

Ibinuhos daw niya ang lahat ng energy niya para maging successful ang comedy series nila ni JC de Vera.

Isa sa ikinatutuwa ni Rhian sa La Lola ay ang malalapit na location, gaya ng ang pad nila kunwari ni Gary (Keempee de Leon) at sa Linden Suites at ang office niya ay sa Makati.

Challenge naman sa kanya na magaya ang kilos ni Wendell Ramos, kaya bini-video niya ang actor at talagang pinag-aralan ang mga kilos.

Siya na raw ang bagong bida ng primetime ng GMA-7?

“Hindi ko napi-feel ’yun, group effort ang La Lola at ’di lang kina Lalo at Lola ang kuwento. Ang masaya, first time kong mag-comedy at enjoy ako. Of course, kinakabahan ako sa ratings, pero sa napanood ko sa pilot episodes, maganda at nakakatawa siya. Alam kong it will work, pati ang loveteam namin ni JC,” wika ni Rhian.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, October 10, 2008

Polo Ravales at Joseph Bitangcol todo bigay sa kissing scene

Grabe ang mga eksena nina Polo Ravales at Joseph Bitangcol sa indie movie na Walang Kawala.

Sa trailer na napanood namin, aakalain mo talagang lovers sila kaya’t nakumbinsi nga kaming ‘kinarir’ silang pareho ni Direk Joel Lamangan na ma-internalize nila ang roles nila.

We must admit na first time naming nakapanood ng mga lalaking artista (barako talaga) at mga sikat na hunk actor engaging in those steamy and sexy scenes.

Nakakaloka ang kanilang mga halikan, yapusan at kakaibang kuwento ng kanilang love story sa movie.

The fact is, nagulantang kami nang mapanood namin sila doing all those scenes, kaya’t inintriga agad namin si Eric Ramos na siyang nagsulat ng script.

“This is a movie that simply tackles relationships. ‘Yung premise na ‘walang kawala’ works for every character na may intricate connection sa bawat isa.

“Medyo may tragic factor, pero ibang-iba itong na-execute ni Direk Joel. Kailangang mapanood ninyo talaga para masabi ninyong may kalidad ang pelikula,” paliwanag ni Eric.

Matatawag na prem-yado ang grupong nag-produce ng pelikula. Nandiyan si Direk Manny Valera as pro-ducer at may investment din sina direk Joel, Polo, Eric Ramos at talent managers na sina Leo Do-minguez at Arnold Vigafria.

Nagbigay din nang mahusay na suporta sina Jean Garcia, Emilio Garcia, Paolo Rivero, at mga baguhang sina Althea Vega at Marco Morales sa pelikula.

May playdate na itong November 12 sa mga sinehan sa Metro Manila, Cebu at Bacolod.

Habang ang director’s cut nito ay ipapa-labas sa UP Film Institute sa Nob. 6.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Dingdong Dantes, isyu ng hiwalayan lilinawin

Sa Centerstage ang birthday party ng isang kasamahan sa panulat mamayang gabi at inimbitahan niya si Karylle bilang kaibigan at co-owner ng KTV, pero baka hindi ito makadalo.

Sabi ni Karylle sa showbiz writer na si Allan Diones, “Alam mo naman, opera singer na ako at last weekend ng Westside Story, maaga akong matutulog.”

Hindi pa rin napa-oo si Karylle kahit sinabi ni Allan na 7 p.m. ang party para maaga siyang dumating at maaga siyang makauwi.

Ang feeling namin, umiiwas din si Karylle na matanong ng press sa estado ng relasyon nila ngayon ni Dingdong Dantes.

Iwas-pusoy ang actor na pag-usapan ang isyu at pagbalik na lang daw niya from the States siya magsasalita.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Dennis Trillo: "Huwag niyang pakialaman ang hindi kanya"

Aminado si Dennis Trillo na malaking surprise sa kanila ang success ng Mag-ingat Ka sa...Kulam.

Sa hirap daw ng buhay ngayon at sa krisis sa movie industry, nun’g una ay talagang may kaba factor na baka hindi ito maging successful.

“Kaya ganu’n na lang ang saya namin nang mabalitaan naming ganu’n kaganda ’yung performance ng movie, malaki ang kinita, maraming tumangkilik, maraming nanood. Hindi ko ma-explain ’yung feelings ko nu’ng malaman ko at tinext sa akin na P8 million ang first day at tumataas pa hanggang ngayon,” say ni Dennis nang makausap namin sa blowout party ng pelikula.

Tanggap din ng aktor na malaking bagay si Judy Ann Santos kaya naging box-office ang movie at siyempre, ang kanilang direktor na si Jun Lana.

Because of this, feeling niya ay lucky charm niya si Juday.

“Naisip ko ’yun, eh. Kasi sa Aishite Imasu (first movie nila ni Juday shown in 2004), ganu’n din, eh. So, baka nga. Sana masama pa ako sa mga pelikula niya,” pahayag ni Dennis.

Wish ba niya na next movie nila ni Juday, kung sakali, ay medyo love story at may love scenes na?

“Sana, oo, ’di ba? Kung papayag siya, walang problema sa akin. Ako, ready ako sa kahit ano’ng pelikula na maisipan ng Regal para pagtambalin kaming dalawa ulit.”

Naitanong kay Dennis ang tungkol kay Yo Ocampo, bagong boyfriend ni Carlene Aguilar, ina ng anak niyang si Calix Andreas, at aniya, masaya siya para sa dating karelasyon.

Wala bang kurot factor?

“Hindi, wala, wala. Closed book na ’yon, eh. Panibagong chapter ’yon ng buhay niya at siyempre lahat tayo, may karapatang maging masaya sa buhay natin. ’Yun lang ’yon.”

Hiningan din ng reaksyon si Dennis tungkol sa comment diumano ni Yo na hindi na nito kailangang ma-meet pa ang aktor.

“Hindi ko rin naman siya kailangang makilala, eh. Bakit? Wala na, hindi naman natin dapat pinag-uusapan ’yan, hindi natin siya kailangang pag-usapan,” diretsong sagot ni Dennis.

Hindi pa raw talaga sila nag-meet ng guy at inulit niyang “hindi na kailangan.”

Balita ring close ang guy sa anak niyang si Calix, hindi ba siya natatakot na baka maagaw nito ang kanyang posisyon bilang ama?

“Hindi. Kahit ano ang gawin niya, ako pa rin ang tatay. And hindi ko rin naman hahayaang mangyari ’yon, kasi siyempre, kung meron mang isang tao na gusto kong mapalapit sa anak ko, ako ’yon.”

Hindi man daw niya regular na nabibisita si Calix dahil sa hectic schedule, kapag may libreng oras siya, he makes it a point na mapuntahan ang bata.

Nahingan din ng reaksyon ang aktor tungkol sa tsismis na diumano’y may temper problem ang bagong boyfriend ni Carlene at kung hindi ba siya natatakot sa welfare ng kanyang baby.

“Ah talaga? Hindi ko alam ’yon,” ang inisyal niyang reaksyon. “Well, ’wag lang niyang pakitaan ng masama ang anak ko dahil…” aniya, na hindi na itinuloy ang sasabihin.

“Hindi niya puwedeng galawin ’yon (ang baby), huwag niyang pakialaman ang hindi kanya,” seryoso pang sabi ni Dennis.

Birong tanong ng writers, “Si Carlene na lang?”

“’Yun, sa kanya na,” diretsong sagot ni Dennis. “Sa kanya naman talaga, eh,” pagtatapos pa ng aktor.

Anyway, sa ngayon ay wala pa raw siyang bagong girlfriend after Cristine Reyes at kung sakali raw, next time, mas maganda siguro kung non-showbiz na ang kanyang maging karelasyon.

[via]

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites