<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, January 08, 2009

Assunta de Rossi bored na sa buhay may asawa

At least umamin na si Assunta de Rossi na bored na siya sa buhay may-asawa. “Kaya nagpupunta ako sa mall, gumigimik, pero no regrets,” pagdidiin naman ng actress na kinuyog kahapon sa presscon ng U Women Can Be So Funny, ang bagong programa sa Q11 na mapapanood Mondays to Fridays, 10: 05 a.m, 2:00 p.m., and 8:30 p.m. (ka-back to back with Camera Cafe). Kasama niya sa nasabing bagong programa sina Candy Pangilinan, Tuesday Vargas at Kalila Aguilus.

Pero wala naman daw pagkakataon na na-attract siya sa ibang lalaki.

“Ang problema ko lang naman kay Jules si Heidi, Bertha at Sofia (mga kotse). Buti na lang at nagagamit ko ang mga kotse niya,” sabi pa niya.

Lumalabas din lately, na after ng hiwalayan nina Beth Tamayo at ang asawa nitong si Johnny Wong, sila ng asawa niyang si Cong. Ledesma ang maghihiwalay o naghiwalay na raw. Ayun sa bali-balita, hindi na asawa ang turing kay Assunta ng kongresista at madalas itong sigaw-sigawan sa harap ng maraming tao at ang the height, nag­hihirap na raw ang actress dahil hindi naman daw binibigyan ng pera ng asawang pulitiko. Eh wala nga naman daw siyang trabaho kaya, wala rin siyang datung. Pero with conviction, inulit lang ni Assunta ang mga sinasabi niya noon na hindi sila hiwalay at mag-asawa pa rin sila at nagsasama.

“Next time na makakarinig kayo ng hiwalayan, ‘wag na kayong maniwala. Maiinis lang kayo sa sa akin dahil pareho pa rin ang isasagot ko. We’re still married and together. Last December lang, nag-celebrate kami ng 6th anniversary namin. Since sa Negros kami inabot, dun na kami nag-celebrate dahil nagpa-party para sa operation ng Ethanol sa Negros,” sabi ni Assunta.

Pero aminado naman si Assunta na walang nagbabawal sa kahit anong gawin niya. “Buhay ko ‘to. Walang pakialaman at ako ang gumagawa ng schedule ko,” sabi ni Assunta.

Tungkol sa hinihintay nilang anak ng kongresista na hindi pa rin mabuo dahil sa kaabalahan ng asawa sa trabaho sa negosyo ng pamilya, ang sabi lang ni Assunta, kung mangyayari, mangyayari na lang. Besides wala pa rin naman daw silang sariling bahay hanggang sa kasalukuyan at nakatira pa rin sila sa condominium ni Cong. Ledesma. “Saan ko naman siya ititira, sa kahon ng sapatos,” sabi ng aktres parang nalilinya sa mga comedy show - Camera Cafe at ito ngang U Women.

At katuwiran niya, kung anuman daw ang mangyari sa kanila ng asawa, hindi siya sa answerable sa kahit kaninong tao except sa Diyos.

Ayos na rin naman siya sa pamilya ng asawa na noon pa nababalitang hindi pa rin siya matanggap, say ni Assunta: “Na-realize na nila kung sino talaga ang kontrabida,” na mukhang hindi naman nagbibiro. Meaning na-realize na ng mga kamag-anak ni Jules na palaban siya at hindi patatalo?

Well, ‘yun ang reading namin.

Pero paano nga ba magkaroon ng asawang tulad ni Congressman Ledesma na hindi lang abala sa pagiging pulitiko kundi abala rin sa negosyo ng pamilya na si Assunta na mismo ang nagsabi na walang panahong magbakasyon. “Siya lang ang puwedeng gumawa ng mga ginagawa niya sa pamilya.”

Anyway, tulad sa Camera Cafe, karamihan sa sketches ay hindi kailangan ng dialogue and rely on their ability to do physical humor, perhaps slapstick or even stunts ang U Women.

[via]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

marahil maraming nagtatanong na kababaihan kung paano naliliogan si assunta kay kules

prang na-karma ang dating kay assunta.....hehehehehehe

4:18 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites