<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, January 10, 2009

KC Concepcion at Richard Gutierrez, movie presscon

Matutuloy na today ang first presscon nina KC Concepcion at Richard Gutierrez para sa pelikulang When I Met U bago sila pumunta ng Coron, Palawan para mag-shooting.

Maraming kuwento ang dalawa, lalo na si KC, sa first movie niya with Regal Entertainment and GMA Films and with Direk Joel Lamangan.

“Maganda ang ginawa naming workshop na parang actors’ studio with Direk Joel. Itinuro niya ang nuances na bagay sa aming characters.

“Nagbigay pa siya ng assignment, character sketch at kailangang basahin ang script at binasa ko talaga,” kuwento ni KC.

Matagal na raw niyang naririnig na strict director si Direk Joel, na nambabato ng script at bawal ang ma-late sa shooting.

Kahit ganu’n ang kanyang mga narinig, na-excite siya dahil alam niyang kahit ano ang mangyari ay may matututunan siya.

Samantala, nakakaintriga ang pahayag ni KC sa isang lifestyle magazine na ang break-up nila ni Lino Cayetano ay hindi biggest heartbreak sa kanya.

Sabi nito: “What really hurt was the first (one). That’s the worst kind of breakup, because it was forced.”

Hindi tinukoy ni KC kung sino ang nakarelasyon niya, pero 18 years old siya that time at forbidden love ang nangyari sa kanila.

Susubukan naming tanungin ang dalaga tungkol dito’t inamin na rin naman niya.

Tingnan natin kung tama ang iniisip namin sa identity ng guy na ’yon na isa ring celebrity but from different field.

Siyanga pala, may pakulo ang When I Met U producers na sina Mother Lily Monteverde at Annette Abrogar. Bago ang presscon proper sa Imperial Palace Suites, may red carpet event na magaganap, kung saan puwedeng makasalamuha ng kanilang fans sina Richard at KC.

Kaya sa mga gustong makita ang inyong mga idolo in person, sugod na sa naturang venue bago mag-7:30 mamayang gabi.

[via]>

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites