<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, January 06, 2009

Marian Rivera at Dingdong Dantes soap, iniintriga

Kung matutuloy, ngayong Martes na ang first taping day nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, ang bagong soap nila sa GMA-7.

Balik-trabaho ang magka-loveteam pagkatapos ng mahabang bakasyon.

Action-suspense-drama ang genre ng soap at kakailanganin ng role ni Marian na tumalon at tumakbo nang tumakbo.

Malikot at very physical ang role niya, magagawa ba niya ito considering na kagagaling lang ng kanang paa niya?

“Wala munang takbo at talon sa first few episodes and by the time na kukunan na ang mga eksenang ’yon, siguro puwede na ako.

“Alam kong tatalon ako sa azotea at mataas na building. Kaya ko ’yon dahil hindi ako takot sa height, pero ’wag muna sa first episode,” sabi nito.

Inalam namin kay Marian kung ano ang Christmas gift niya sa sarili?

“Shoes” ang sagot nito, pero hindi na sinabi ang brand at baka maging isyu pa raw.

Kapag nakita namin siya, titingnan na lang namin ang brand ng suot niyang sapatos.

Samantala, ano kaya ang masasabi ni Direk Carlo J. Caparas at ng Channel 7 sa sinasabing kopya ang istorya ng Ang Babaing… sa Mr. & Mrs. Smith nina Brad Pitt at Angelina Jolie?

Ang alam namin, matagal na itong sinulat ni Direk Carlo at matagal nang ginawang pelikula na pinagbidahan pa nina Vivian Velez and the late Eddie Rodriguez.

[via]

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites