<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, January 27, 2009

Marian Rivera itutuwid ang mga pagkakamali

Nagsimula sa interview na nauwi sa bull session ang pagharap sa press ni Marian Rivera na malaking tulong dahil alam na niya ngayon ang feelings at sentiments ng press sa kanya.

Maganda rin na tinanggap ng aktres ang kanyang mga pagkakamali at pagkukulang sa press, sa fans at sa co-stars at nangako itong babaguhin ang lahat ng pagkakamali at pagku-kulang niya at kung kina-kailangan niyang humingi ng tawad sa mga na-offend at nasaktan niya ay kan-yang gagawin.

Unang tanong kay Marian ay kung bakit humarap siya sa press na sinagot naman nito in all honesty. Sabi nito: “Unang-una, gusto kong mapalapit sa inyo at makilala ninyo ang totoong Marian. Nitong mga nakaraang mga buwan, sobra akong nasaktan sa mga nasulat tungkol sa akin at kailangan ko namang magpaliwanag. Kung may nasaktan ako, willing akong mag-sorry.”

Apektado ba siya sa mga nega na nasusulat sa kanya?

“Hindi ko sasabihing hindi dahil nasasaktan ako lalo na ang pamilya ko at nangako ako sa kanila na aayusin ko ito. Tao lang ako, hindi ako perfect at aminado akong may mga nagagawa akong pagkakamali at itutuwid ko ‘yun.

“Hindi ko sinasabing babaguhin ko ang sarili ko dahil ito talaga ako, mag-iingat na lang ako at mas bibigyan ng time ang fans at press. Humihingi ako ng pasensya at kung may nasaktan man ako, nagso-sorry ako.”

Binanggit ng press na marami ang nasusupladahan sa kanya at ayaw magpakuha ng picture sa fans at pumayag mang magpa-litrato, laging nagmamadali. Ang sabi naman ni Marian, dahil ‘yun sa hectic niyang schedule at minamadali rin siya ng kanyang mga kasama, but starting today, kakikitaan na siya nang pagbabago.

“Na-realize kong ’di puwede ang ganu’n at ’di lahat ng tao ay maiintindihan ako at dapat pipiliin ko ang mga binibiro ko. Nakita ko ang mali at pagkukulang ko, at least, natuto ako.

“Nagulat ako’t okey naman noong una, pero nagkasunud-sunod ang tira sa akin. Ang sakit at ang hirap. Mas gusto ko mas maraming nagmamahal at nakakaintindi sa akin.”

“Ang problema rin sa akin, transparent ako at ‘di ko alam na bilang artista kailangang maingat ako sa mga sinasabi at ikinikilos ko. Magiging conscious na ako sa mga tao sa paligid ko at kung nagmamadali ako, magso-sorry ako at iiwasan kong wala nang magalit sa akin.”

Naniniwala ba siyang may demolition job sa kanya?

“Ayokong isiping may ganu’n. Gusto ko lang magtrabaho at magpasaya ng tao at happy naman ako sa trabaho ko, until dumating ang sunud-sunod na issue.”

Agree si Marian na nagsimula ang pagka-nega niya sa break-up nina Karylle at Dingdong Dantes dahil siya nga ang sinasabing rason ng paghihiwalay ng dalawa na muli nitong itinanggi. Ang alam din niya, okey sila ni Karylle at nagbabatian sila, pero nang mag-break ito at si Dingdong, naiba na ang sitwasyon.

Speaking of Dingdong, iingay lalo ang tsismis sa kanila’t madalas silang makitang lumalabas. Last Friday, nakita sila sa Oliver’s Sandwich sa Rockwell, kahapon nag-lunch sila sa isang resto sa Serendra bago ang interview sa kanya.

Ano na ang status ng relationship nila ni Dingdong?

“Lumalabas kami, tumatawag siya at nagtatanong kung may lakad ako at kung wala, nagyayayang mag-lunch o dinner. Hindi ko sinasarado ang pinto kay Dingdong dahil lagi kaming magkasama, sa shooting, sa taping, sa shoot ng commercial.

“Open ako sa mangyayari sa amin at wala akong makitang problema dahil pareho kaming single. Lagi kaming magkasama at ’di malabong magkagusto ako sa kanya. Pero, hindi pa time para magka-relasyon kami, kung isasabay namin ‘yun, ang dami pang isyu, kaya enjoy muna kaming lumalabas, kumakain at nag-uusap,” pahayag ni Marian.

Nilinaw din ni Marian na tinapos na niya ang isyu sa kanila ni Karylle at kung magkita sila’y, babatiin niya ito. Ganu’n din si Boy Abunda na nasulat na may issue rin sa kanya. Wala raw siyang galit sa TV host.

Sino ba talaga si Marian?

“Kung ano ang nakikita ninyo, ‘yun ako. Kalog ako, makulit, mapagmahal lalo na sa mga taong mahal sa akin at mahal ako.”

Bago natapos ang interview, kinulit si Marian kung ano ang Christmas gifts nila sa isa’t isa ni Dingdong. Binigyan niya ng Omega watch ang actor at special picture frame naman ang ibinigay nito sa kanya.

Samantala, inamin ni Marian na napi-pressure sila ni Dingdong sa napaagang premiere ng Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang na eere na sa February 2, pero sabi ni Redgyn Alba, ang PUM ng soap, three weeks na silang nagti-taping, maganda ang istorya ng soap at maraming bagong ipapakita sina Marian at Dingdong na magugustuhan ng fans at viewers at naniniwala silang susubaybayan ito.

Ipinagdarasal naman ni Marian na maging maganda ang rating ng bagong soap nila ni Dingdong.

[via]

Labels:

5 Comments:

Anonymous Anonymous said...

KAHIT HUWAG NA PLASTIKADA, ISNABERA, PALENGKERA TOTAL LAOS NA SI MARIAN RIVERA AT SI ANGEL, BEA, KIM NA NGAYON ANG MGA QUEEN SA PRIMETIME BLOCK. AS IN LAOS NA TALAGA SI MARIAN. ANO. FLOP PA ANG MOVIE NYA. NEGA, TRYING HARD. ANGEL LOCSIN IS THE BEST AT SIKAT NA SIKAT ANO/

3:12 PM  
Anonymous Anonymous said...

korek! ramdam na siguro ni Marian na laos na siya kaya ngayon naglakas loob na itutuwid ang pagkakamali niya....pinagalitan siguro ni popoy!hahahaha! buti nga ang ginawa sa kanya nong reporter natauhan ang gaga akala kasi niya luluhod na mga tao sa kanya kasi sikat "daw" siya ..yon pala siya nalang may alam non na sikat siya...hahahahaha!

1:17 PM  
Anonymous Anonymous said...

i think marian is pretty pero pag nag salita sha hindi bagay sa look niya. she cant really act pa.

10:16 AM  
Anonymous Anonymous said...

hahahahaha...
poor marian!
lulubog na kasi yung stardom mo kaya super sorry ka sa press para magawan ka ng maganadang write ups! hahaha
marian, open ur eyes! face the reality! masama tlaga ugali mo!
kung gaano ka kabilis sumikat ganon ka din kabilis babagsak!
wala kapang napapatunayan nagfefeling sikat kana!
kapal pa ng mukha mong tarayan ang mga press people eh yung ibang artista na mas sikat pa sayo sobra respeto at pagbibigay galang nila sa press, aaaayyy!!! sorry! you don't even know how to respect nga pala!
bastos ka nga pala at walang breeding!
hehehee
bye bye to stardom marian!

5:17 AM  
Anonymous Anonymous said...

paulit- ulit nman kau!

dahil ang latest no.1 pa rin siya! bitter!

2:00 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites