<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, January 10, 2009

Rufa Mae Quinto pinatawad na si Hayden

Parang hawig sa personal niyang buhay ang role ni Rufa Mae Quinto sa latest movie na Status: Single.

Sa kuwento, siya si Doris, isang 30-year-old virgin na iniwanan ng boyfriend (played by Mark Bautista).

Lahat ng kaibigan niya, nagsipag-asawa na, samantalang siya, single pa rin. Dahil tumatanda na, gusto na ni Doris na makapag-asawa at ayaw tumandang mag-isa.

In real life, Rufa Mae is still very much single at 30.

Dahil open book naman ang lovelife niya, we all know na marami-rami na rin siyang nakarelasyon. She just called it quits with Bobby Lopez, isang foreigner na based sa Hong Kong.

Kaya naman say niya, malamig ang kanyang Pasko, na sinabayan pa ng intriga sa kanila ni Dr. Hayden Kho, dahilan para mapaiyak siya sa Showbiz Central nang time na sinasagot niya ang issue sa kanila ng doktor.

“Na-bother naman ako kasi nga, Pasko, tapos nag-Bagong Taon, bukod sa mag-isa ka na, malamig na nga ang Pasko mo, siyempre nalulungkot ka rin.

“Biruin mo, ’yung kuya ko, 12 years old na ang anak niya, tapos, ’yung mga sumunod sa akin, parang lahat ng kapatid ko nagsisipag-asawahan na at may mga anak na.”

Naiyak din daw siya dahil lagi na lang siyang nali-link sa kung kani-kanino at itong issue na ito nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden, hindi siya dapat madamay, nadamay-damay siya.

At her age, aminado ang sexy comedienne na gusto na rin niyang lumagay sa tahimik.

As much as possible, ang next boyfriend niya ay ’yun na talaga ang kanyang mapangasawa dahil hindi na nga naman siya bumabata.

If and when the right man comes along, ani Rufa Mae, willing siyang i-give-up ang career kung kinakailangan para magkaroon ng masayang family life.

Sa ngayon, nali-link siya sa isa sa leading men niya sa Status: Single, pero ani P-chi (Rufa Mae’s nickname), ang masasabi lang niya, so far, friends pa lang sila at tingnan na lang daw kung ano ang mangyayari in the future.

“Basta ako kung sino na lang ibigay sa akin ng Diyos, kung sino ang destiny ko, hihintayin ko na lang,” she said.

Tungkol kay Dr. Hayden, nag-sorry na raw ito, kaya forgive and forget na lang.

“Saka, 2009 na, eh. Marami naman akong blessings, kumita ang Desperadas 2, tapos ito nang pre-Valentine movie ko.

“Excited ako. Kesa naman kung anu-ano ang iniisip ko, ’di ba?” sabi ni Rufa Mae.

Ipapalabas na sa January 28 ang Status: Single, co-production ng kanyang On-Q 28 Productions at Viva Films.

Kasama rin sa movie sina Paolo Contis, Rafael Rosell, Jon Avila at Alfred Vargas as her leading men.

It also stars Desiree del Valle, Mylene Dizon, Angelu de Leon at LJ Moreno mula sa direksyon ni Joey Reyes.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites