<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, February 28, 2009

KC Concepcion at Richard Gutierrez titira sa isang condo

Hindi na nagkikita sina KC Concepcion at Richard Gutierrez dahil parehong busy, sa victory dinner ng GMA Films at Regal Entertainment sa box-office success ng When I Met U na lang uli sila nagkita. Parehong umaasa ang dalawa na muli silang magtatambal, pero depende raw ito sa kanya-kanyang managers.

Hindi nila nakalimutang magpasalamat kay direk Joel Lamangan na director nang nasabing pelikula.

Sa ngayon, sa taping ng Lovers In Paris ang atensyon ni KC at si Richard ay sa taping ng Zorro busy. ‘Katuwa si KC dahil bago magkuwento sa serye nila ni Piolo Pascual ay lumayo muna bilang respeto sa actor.

One week na silang nagti-taping ni Piolo sa Pampanga at sa March naman ang taping nila sa Paris, pero mauuna siyang umalis dahil pupunta siya sa Italy para dumalo sa International Women’s Day dahil siya ang representative ng ‘Pinas.

Bago magtapos ang taon, lilipat na si KC sa unit niya sa isang condo sa The Fort at dahil dito rin nakatira si Richard, posible silang magkita after their respective works. Excited nang lumipat ang dalaga’t naka-box na ang iba niyang gamit, pero hindi napilit sabihin kung magkano ang bili niya sa unit na sariling pera niya ang ibinili, pati mga gamit na iaakyat dito.

May blessings ng family niya ang kanyang pagsosolo at tinapos ang two years na pangakong mag-istay muna siya kasama ang family bago lumipat.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites