<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, February 17, 2009

Manny Pacquiao magdadrama sa bagong serye

Hindi nakapunta si Manny Pacquiao sa presscon ng Totoy Bato dahil marami siyang inaasikaso sa General Santos City.

Matagal na mawawala si Manny dahil pupunta uli siya sa Amerika para paghandaan ang kanyang laban sa Las Vegas sa May 2009.

Bago mag-goodbye Philippines, tatapusin ni Manny ang lahat ng mga eksena niya sa Totoy Bato. Hindi mahirap tandaan ang name ng karakter ni Manny sa bagong TV show ni Robin Padilla sa GMA 7. Why? Pacman ang pangalan ng boxer na gagampanan niya.

Magdadrama si Manny sa Totoy Bato. Ibang-iba raw ang kanyang role kaya dapat abangan ang serye nila ni Robin. Nagkasama na noon sina Manny at Robin sa isang TV show ng ABS-CBN pero hindi ito masyadong gumawa ng ingay.

* * *

Matagal pa ang laban ni Manny pero pinaghahandaan na ito ng mga pulitiko. May mga kilala ako na pulitiko na nakakundisyon na ang isip na pupunta sila sa Las Vegas sa May para panoorin ang boxing match nina Manny at Ricky Hatton.

Isasama ni Manny sa Amerika ang kanyang mga magulang. Ipinapaayos na ni Manny ang passport at visa ng kanyang tanging ina at tanging ama.

First time na pupunta sa Amerika ang mga magulang ni Manny. Gusto nila siyempreng mapanood ang laban ng kanilang anak sa Las Vegas.

Lalong gaganahan si Manny na pagbutihin ang training. Siyempre, hindi siya papayag na matalo ni Hatton, lalo na kung nanonood ang kanyang mga magulang.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites