<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, February 01, 2009

Patagong relasyon nila ni Rhian Ramos inamin ni Mark Herras

‘DI na naitago pa ng GMA Artist Center na si Mark Herras ang eksaktong petsa at buwan ng naudlot nilang relasyon ng Lalola star na si Rhian Ramos.

Tsika ni Mark na walang apat na buwan daw at weeks lang ang itinakbo ng kanilang patagong relasyon nang kulitin namin kamaka-ilan .

“Walang four months ‘yon. Siguro weeks lang. Pero dahil na rin sa naging iba ‘yong ka-loveteam niya, kaya nawalan na kami ng communication, wika ni Mark. “Bukod pa sa ayaw kong manira ng loveteam ng may loveteam kaya ako na rin ‘yong kusang umiwas, ayaw ko kasing ma-pagbintangang kontrabida sa kanila ni JC. “

Nagsimula raw ang romansa sa kanila ni Rhian nang gawin nila ang GMA Films na Italy.

Dito raw na-develop ang closeness nilang dalawa. Pero hindi naman daw nag-bloom dahil na rin sa pareho silang super-busy ni Rhian.

Sa ngayon daw ay namimiss na rin niyang magkaroon ng karelasyon especially ngayong malapit na ang Valentine’s Day. Pero naniniwala raw siya sa hula sa kanya sa SIS na malabo pa rin siyang magkaroon ng seryosong karelasyon ngayon, kaya naman daw mas gusto niyang mag-isa na lang muna at mag-concentrate sa trabaho.

Kaya naman tutok muna si Mark sa muling pagta-tambal nila ni Jennylyn Mercado sa afternoon soap ng GMA-7 na Papano Ba ang Mangarap kung saan mas mature at mas daring na Mark ang mapapanood.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites