<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, March 06, 2009

Annabelle Rama: No retreat, no surrender

May taping ako kahapon sa SIS kaya hindi ako nakapunta sa presscon nina Annabelle Rama at JC de Vera.

Nabalitaan ko na lang mula sa ibang mga reporter ang mga nakakalokang statement ni Bisaya na “no retreat, no surrender” sa mga eskandalo na kinasasangkutan niya.

May hamon si Bisaya, ipu-pull out nito ang lahat ng kanyang alaga sa GMA 7. Hindi raw siya natatakot sa mga sulat ng abogado ng GMA 7 at lalong hindi siya umuurong sa mga demanda!

* * *

Nagpunta ako sa presscon ng GMA 7 pero hindi napag-usapan ang mga bagong programa nila dahil puro tungkol kay JC ang itinanong ng mga reporter sa GMA executive na si Wilma Galvante.

Ang sey ni Mama Wilma, hindi nakatikim ng harassment o pananakot si JC nang pumasok ito sa kanyang opisina nang magkaroon noon ng story conference ang Obra na SRO Sinema Serye na ang pamagat ngayon.

Eh pinaninindigan ni Annabelle ang kanyang version na tinakut-takot ni Mama Wilma si JC. Ginawa raw ni Mama Wilma kay JC ang ginawa niya noon kay Angel Locsin.

Ang sabi naman ni JC kung ano ang version ng kanyang manager, ganoon din ang kuwento niya.

Base sa mga statement na narinig at nabalitaan ko kahapon, malalim na ang problema nina Bisaya at Mama Wilma kaya pumasok na sa eksena ang mga abogado nila. Nakakaloka ‘huh!

* * *

Naglagare kahapon ang mga entertainment editor at writers. From GMA 7, go sila sa emergency presscon ni Annabelle Rama.

May clearance ni Atty. Felipe Gozon ang presscon kahapon ni Mama Wilma & company. May approval niya ang ginanap na presscon.

Nagsalita kasi si Bisaya na isusumbong niya si Mama Wilma kay Papa Gozon dahil ginamit niya ang resources ng GMA 7 para sa kanyang sariling presscon.

* * *

Kinumpirma ni Mama Wilma na ang baguhang si Carla Abellana ang gaganap na Rosalinda, hindi si Marian Rivera.

The who si Carla? Siya ang anak ng dating matinee idol na si Rey Abellana kay Rhea Reyes na anak ng dating LVN star na si Delia Razon.

May pinagmanahan si Carla dahil galing siya sa angkan ng mga artista. Masuwerte si Carla dahil bida agad siya sa kanyang unang TV show.

* * *

May emote si Bisaya tungkol kay Carla. Ibang Carla ang tinutukoy ko, si Carla Humphries na kahalikan ni Raymond Gutierrez.

Nag-audition pala si Carla para sa Zorro pero hindi siya kasama sa cast. Ang sey ni Bisaya, naitsa-pwera raw si Carla nang malaman ng production staff na siya ang manager.

Wondering si Bisaya sa pagkatsugi ng kanyang alaga sa Zorro. Ano ba raw ang problema kung siya ang manager ng dating Star Magic talent?

[via]

Labels:

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

unti unti ng aalaskahin ng gma yang si annabelle sa pagtsugi ng mga talents nya dahil sa sobrang pagmamalaki ng kumag........hehehehehe

abangan. butata

11:19 PM  
Anonymous Anonymous said...

hay naku,no retreat no surrender pala ha,no id no entry lang pala katapat ni annabelle eh,titigil na rin!wahahaha

10:12 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites