<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, March 02, 2009

Carlo Aquino ready na sa hubaran!

Hindi si Carlo Aquino kundi ang maraming naniniwala sa kanyang kakayahan ang nang­hihinayang sa tila nawawalang pagpapahalaga ng GMA 7 sa kanyang kakayahan bilang aktor. Maikli ang role niya sa Totoy Bato. At sa Sine Novela presents Dapat Ka Bang Mahalin na pinagb­ibidahan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal ay hindi ganun ka-importante, kahit pa bestfriend siya ng bida, suporta lang siya nito.

Pero, walang small roles kay Carlo, at dahil mabait naman ang direktor at binibigyan siya ng high­light, pinagbubutihan niya ang kanyang trabaho. Panay ang tanggi niya na hindi man niya sinasadya, tinalbugan niya si Aljur sa kanilang mga eksena?

Kuntento ba siya sa takbo ng kanyang career ngayon?

“Oo naman, hindi naman ako nawawalan ng projects sa GMA. Sino ba naman ako para humindi sa mga dumarating na trabaho? Hindi ako maarteng tao at hindi ako namimili ng roles,” katwiran niya.

Sa ngayon, masaya na siya na nakakapag-date na silang muli ni Maja Salvador, nakakalabas na naman.

“Mas masaya kami ngayon, mas steady ang relasyon namin. Hindi pa naman kami, hindi pa kami ganun ka-seryoso. Dati kasi ang dami-daming mga may ayaw sa akin para sa kanya. Tahimik na sila ngayon. Siguro nakita na nila na hindi naman ako nagloloko,” anang aktor na dinadalaw si Maja at nagdadala pa ng pagkain sa taping nito, kahit pa sa malayong lugar ng Pampanga.

Nasa Viva pa rin si Carlo, alaga siya rito. May inihahandang isang horror movie para sa kanya na kung saan ay makakasama niya si Cristine Reyes.

Gaya ng sinabi niya, hindi siya mapili sa role, puwede siyang tumanggap ng mga daring and mature roles, 20 years old na naman siya. Puwede rin siyang maghubad. Kaya nga madalas siya sa gym bilang paghahanda sa mga ganitong roles.

Set aside muna ang mga singing gigs.

“Pero, hindi ako tumitigil sa paggawa ng mga songs. Busy lang kami pare-pareho sa trabaho ng banda ko, kaya hindi muna kami nagkakasama,” paliwanag niya.

Palabas na ang Dapat Ka Bang Mahalin ngayong araw sa Dramarama sa Hapon ng GMA.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites