<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, March 26, 2009

Dennis Trillo updates

Last Sunday pansamantala ni Dennis Trillo sa SOP this Sunday dahil ooperahan ang tuhod nito sa first week ng April sa St. Luke’s Medical Center.

Nagkaroon ng ACL o Acute Cruciate Ligament ang tuhod ng actor dala ng injury habang gumagawa ng stunts sa Gagambino.

May napunit sa likod ng tuhod ni Dennis na para gumaling ay kailangang buksan at lagyan ng metal.

Nagpaalam na rin siya sa Bubble Gang at tinapos ang shooting ng indie film na Astig.

Tapos na rin ang taping nila ni Marian Rivera ng Lenten special ng APT Entertainment na Sugat ng Kahapon directed by Mac Alejandre at kasama sina Gardo Versoza at Perla Bautista.

Two weeks ’di puwedeng maglakad si Dennis after his operation at magti-therapy pa siya, aabot ng isang buwan bago siya gumaling.

Tamang-tama naman dahil maghu-Holy Week, kaya wala siyang schedule na maaapektuhan.

Sa kanyang pagbabalik, puwede nang simulan ng actor ang taping ng bago niyang primetime show sa GMA-7 na tila may pagbabago.

Samantala, mapapanood ang Sugat ng Kahapon sa April 11, 7-9 p.m., sa Channel 7.

Pang-apat na pagbibida na ito ni Dennis sa Lenten special dahil una niyang ginawa ang Angel Villa (2004), Sa Kamay ng Diyos (2005) at Unico Hijo (2007).

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites