<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, March 02, 2009

JC de Vera nagmistulang ‘alipin’ ng Kapuso

PALAGAY namin, ang maiipit sa labanang Annabelle Rama at GMA-7 executiveWilma Galvante ay si JC de Vera.

Mukhang wala siyang pagpipilian kundi suwa-yin ang kanyang manager na si Annabelle dahil ipatutupad ng Kapuso ang kanilang option na i-extend ng isa pang taon sa ilalim ng pareho ring kundisyon ang kanyang kontrata sa Siyete.

Maliwanag na sa ilalim ng kontratang iyon, ang GMA-7 ang masusunod sa career ni JC, at walang pakialam ang network ano man ang gusto ng artist o ng manager nito. Walang magagawa si Annabelle kundi magngitngit at tiyak na maaapektuhan nito si JC emotionally.

Ang gusto ni Annabelle ay maipahiram si JC sa ABS-CBN bilang leading man ni Judy Ann Santos sa gagawing teleserye ng aktres sa Dos. Dahil sa tingin ni Annabelle ay booster sa career ni JC ang maging leading man ni Juday. At saka gusto sana niyang pagbigyan ang kaibigang si Alfie Lorenzo.

Pero, dahil medyo inis din si Alfie kay Juday ngayon, at saka talagang ipit sila legally, bakit pa nga ba nila pipiliting maipahiram si JC sa ABS-CBN?

Sayang nga lang dahil talagang malaking bagay para kay JC kung makapapasok siya sa kalabang network ng Kapuso. Tutal hindi naman siya nabibigyan ng talagang malaking break sa GMA-7 tulad ng tinatamasa ng anak ni Annabelle na si Richard Gutierrez.

Pero nakagugulat pala ang mga kontrata ngayon. Talaga palang ang mga artista sa ngayon, basta natali sa kontrata, talagang ‘slaves’ ang dating nila. Ni wala silang karapatan na isipin kung ano ang mas makabubuti sa kanila.

Wala silang magagawa kungdi sumunod na lang kung ano man ang kagustuhan ng network para sa kanila.

Palagay namin ay hindi lang napansin ni Annabelle ang provisions na iyan sa contract na pinirmahan nila.

Ang tanong, kung napuna ba niya, kunsintihin kaya niya ang contract kapalit ng malaking talent fee para sa kanyang mga alaga?

[via]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

alam ni annabelle ang lahat ng nilalaman o mga sinasabing provisions na yan sa mga kontrata. meron din naman siyang abogado na sumisilip ng mga kontratang pinipirmahan sa dahilang malaki ang mga pananagutan ng mga nilalaman neto.

nde basta basta ang maging talent manager ng nde nalalaman ang mga ganitong kinasasakupan o nilalaman ng kontrata.

kaya lang ang pagmamataas ng ulo o masamang ugali o kawalan ng diplomasya o professionalism ang kulang sa taong yan.

madals mong nababalitaan ang mga masasagwang pananalita ang lumalabas sa bunganga ng taong yan dba............hehehehehehe

mahusay na aktor si jc at sa palagay ko ay malyo pa ang mararating nya sa showbiz.

11:46 AM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites