<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, March 26, 2009

Katrina Halili kanin ang pinagtripan

Aminado si Katrina Halili na tumaba nga siya. Ang rason: “trip ko lang kumain ng walang limitations. Before kasi hindi ako ku­ma­kain ng rice. Tapos biglang kumain ako ng kanin. Ini-enjoy ko lang,” pag-amin ng sexy actress.

Ten kilos ang nadagdag na timbang sa kanya na nahalata sa kanyang katawan. “Pero nagbabawas na ako,” pahabol niya.

“Pag masaya ka kasi, kumakain ka eh. Pero ngayon, hindi na ako kumakain ng rice. Or kung kakain man ako ng rice, in the morning lang. Saka butil lang, isang kutsara,” kuwento ng sexy actress na natatawa.

“May gym equipments na rin ako sa bahay para madaling pumayat. Bumili rin ako ng bike. Nagbaba-bike ako sa amin,” say pa ni Katrina na so far ay tagumpay naman siya. Nabawasan na ang timbang niya na hindi nagpapa-lipo sa clinic ni Dra. Vicki Belo.

‘Yung tungkol naman sa kanila ni Kris Lawrence, pinanindigan niya na wala silang naging relasyon ng Film-Am singer. “Hindi ko ‘yun matatawag na relationship. Inaamin ko naging inspirasyon namin ang isa’t isa. Nagdadamayan kami at andiyan siya for me. Pero nag-decide kami na pareho na lang muna kaming mag-focus sa career namin,” katuwiran niya.

Eh sino ang mas minahal niya kina Dr. Hayden Kho at Kris? “Sarili ko,” mabilis niyang sagot.

Pero may communication pa sila ni Kris hanggang ngayon.

Sa kaso ni Dr. Hayden, closed na ang issue at nangingiti na lang siya pag tinatanong tungkol sa doctor na naging boyfriend niya ng patago.

Wala pa siyang solo program ngayon sa GMA 7 pero nasa Dear Friend siya at showing pa ang pelikula niyang Sundo starring Robin Padilla for GMA Films. Very short lang ang role niya sa Sundo.

Busy din si Katrina sa pictorial ng kanyang coffee table na nasimulan na nilang gawin. “Nahiligan ko kasing magpa-pictorial. Iba-iba ang concept, pero iisa ang ginamit kong make up artist at stylist. Inaayos ko pa pero kailangan ko munang tapusin ang pictorial.”

Eh bakit siya ang sinisisi na hindi kumita ang One Night Only? “Nandito ako para may patunayan sa madla. Ayoko naman na ganun ang pagkakilala nila sa akin,” katuwiran niya sa mga paninisi sa kanya.

Kahit kaliwa’t kanan naman ang intriga, parang wala namang negative effect. Kaka-launch lang niya as Bench endorser at kinuha siya ng Flawless na kasama sa nagmamay-ari si Dra.Vicki Belo. “Wala naman kasi akong formal contract sa Belo. Saka sa Flawless naman ako talaga dati nagpupunta,” katu­wi­ran niya sa biglang pagkawala niya sa Belo bilang endorser matapos ang kontrobersiya sa kanila nina Hayden at Dra. Belo.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites