<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, March 12, 2009

Katrina nag-volunteer maging alalay ni Sunshine

Gaya nina Rhian Ramos at Sunshine Dizon, naka­tikim din ng special treatment si Katrina Halili kay Robin Padilla sa shooting ng Sundo.

Asikaso ng actor ang pagkain niya at ‘pag ginusto niyang umupo, agad may upuang nakahanda para sa kanya.

Nakahanap din ng friend si Katrina sa katauhan ni Sunshine. “Ate” ang tawag niya sa actress na three years older sa kanya at pati respective mothers nila ay naging friends.

Kumakain sila sa labas at sabay nag-i-exercise at gumagawa ng kakikayan ng mga babae. Kung dati si Sunshine ang tinulungang pumayat ni Katrina, ngayon ay si Sunshine ang umaalalay para pumayat si Katrina dahil tumaba ito at lumaki ang balakang.

Dahil walang gagawin at tapos na ang taping ng Karibal ng Dear Friend na isa sa mga bida si Katrina, nag-volunteer itong maging P.A. ni Sunshine sa pagpunta nito sa Singapore para sa taping ng All About Eve.

Excited na sina Katrina at Sunshine sa premiere night ng Sundo sa March 17 dahil first time nilang mapapanood ng buo ang action-horror movie na naging daan para sila’y maging close. Manggagaling si Katrina sa promo ng movie sa Davao at si Sunshine ay sa Singapore.

Samantala, sa balitang nagkabalikan na sina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, maiksing “I’m happy for them” lang ang nasabi ni Katrina at ‘di na nagsalita.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites