<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, March 22, 2009

Kris Bernal, nag-init kay Aljur Abrenica

Malaki ang pasasalamat nina Kris Bernal at Aljur Abrenica na tinangkilik ng viewers ang launching project nilang Dapat Ka Bang Mahalin? dahil mula nang mag-pilot ito hanggang ngayon, maintain ang 20+ ratings nito. Sweet ang dalawa nang ma-interview namin, laging magkadikit, kaya muli naming tinanong kung sila na?

“Nagpaparamdam siya. Sa taping, dinadalhan ako ng food at dinadalaw niya ako sa bahay. Madalas niya akong i-surprise at mahilig magbigay ng kung anu-ano.”

Ayaw mag-comment ni Kris sa isyu kina Aljur at Rich Asuncion at ayaw daw niyang sa kanya manggaling. Kung ano na lang ang sinabi ng kapareha, ‘yun na rin ang sasabihin niya na ibig sabihin, naniniwala siyang nagka-relasyon ang dalawa.

Iniyakan pala ni Kris ang first kissing scene nila ni Aljur sa Dapat… at sobra pa siyang nenerbyos. Nahiya rin siya’t ’di siya good kisser, pero inaming nag-init siya sa eksena. Mula noon, nako-conscious na siya ’pag tinitingnan ni Aljur. It must be love, Kris!

Samantala, birthday ni Aljur sa March 24 at isang Oakley shades ang regalo sa kanya ni Kris. Napansin ni Kris na laging tumitingin ang actor sa Oakley shades ’pag nasa mall siya, eh, kuripot ito sa sarili, kaya bibilhan na lang niya.

Kapalit ito sa worth P31,000 bracelet na gift sa kanya ni Aljur last January. Luka-luka si Kris dahil bago isuot ang Chariol bracelet, inalam muna kung magkano ang presyo at nalula siya sa nalaman.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites