<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, March 03, 2009

Manager ni Jennylyn Mercado, nahihiya kay Sen. Bong

Last Sunday sa Showbiz Central, humarap si Jennylyn Mercado kasama ang legal counsel niyang si Joji Alonso para klaruhin kung tuloy ba ang pagsasampa nila ng demanda laban sa isang tabloid (not People’s Tonight) na naglabas ng larawan ni Alex Jazz (Jen’s baby) without her permission.

“We sat down for a number of occasions,” panimulang pahayag ni Atty. Alonso, “discussing the advantages and disadvantages (of filing a suit) and nakita namin na it was not worth her while.

“And natapos na ’yung incident and it would have been better for her to move on. Parang hindi na dapat pang pag-aksayahan ng panahon.”

Umayon rin si Jen sa advice sa kanya ng lawyer at ng malalapit sa kanya tulad ng manager niyang si Becky Aguila at nanay na si Lydia Mercado.

Sa bandang huli, hindi na napigilan ni Jen ang mapahagulgol sanhi ng sunud-sunod na pambibira sa kanya sa nasabing tabloid.

“Kasi, para sa akin, masakit ’yon, eh, pero wala akong magagawa dahil hindi ko mapi-please lahat ng tao. At kung gusto nila akong siraan, maiintindihan ko dahil trabaho nila ’yon,” humagulgol na sabi ni Jen.

Ayon naman sa manager ni Jen, sana ay tantanan na ang alaga niya ng nasabing tabloid dahil wala namang katotohanan ang mga paninirang inilalabas ng mga ito tungkol sa young actress.

“Nakakahiya rin sa pamilya ni Sen. Bong dahil nadaramay pa sila rito. Sana tigilan na nila si Jen,” pakiusap ni Tita Becky.

Lumabas kasi sa tabloid na regalo raw ni Sen. Bong ang bahay ni Jen na kesyo mareremata na raw.

Say nga ni Atty Alonso, conflicting ang report dahil kung regalo ito, bakit mareremata?

Anyway, once and for all ay klinaro rin ng young actress na hindi totoong regalo ni Sen. Bong ang bahay at wala ring katotohanang mareremata ito.

Samantala, ayon kay Tita Becky, iyon na ang huling pagkakataon na magsasalita si Jen about the issue.

“Tuldukan na natin ’yan dahil wala namang katotohanan,” she said.

Sa mga darating na araw, magpo-focus na si Jen sa upcoming projects, lalo na ang birthday concert nito sa May 14 and 16 sa Music Museum.

“Happy din siya na mataas ang rating ng Paano Ba Ang Mangarap? nila ni Mark Herras. Malapit na ring i-realease ang coffeetable book niya, kaya abangan nila,” pahayag pa ng manager.

Dapat ay last year pa na-release ang coffeetable book, pero pinagaganda pa kaya nagkaroon ng delay.

“Idaragdag na namin ang baby pictures ni Jen and her biological mom, makikita rin nila. Hinintay pa namin ang tita ni Jen from the U.S. na nagdala ng mga picture,” say pa ni Tita Becky.

Ang nasabing coffeetable book ay matatandaang naglalaman ng nude pictures ni Jen during her pregnancy.

Dito rin makikita nang buung-buo ang anak niya.

“Actually, mas pinaganda pa namin dahil hindi lang pregnancy niya ang laman ngayon kundi buong life story na niya,” say pa ni Tita Becky.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites