<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, March 18, 2009

Marian Rivera ibabalik sa programang pambata

Hindi ikinakaila ni Marian Rivera na very comfortable at very close sila ng kanyang Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang co-star na si Dingdong Dantes dahil pangatlong teleserye na nila ito na pinagsasamahan.

Pero kapag tinatanong si Marian kung anong estado na ang relasyon nila ni Dingdong, sinasabi lang nito na lumalabas sila — kumakain sa labas at nanonood ng sine.

Walang pag-amin kung may commitment na sila sa isa’t isa.

Hindi naman siguro magpapalitan ng mga mamahaling Christmas gifts ang dalawa kung bilang magkaibigan lamang ang kanilang turingan.

Suut-suot ni Marian ang diamond-studded tennis bracelet na bigay sa kanya ni Dingdong.

Expensive watch naman ang regalo ni Marian kay Dingdong.

Sabagay, sila mang dalawa ang mag-sweetheart, hindi naman ito magiging problema dahil pareho silang unattached ngayon.

Hindi kasing lakas ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang kumpara sa mga past TV series nila ni Dingdong, ang Marimar at Dyesebel. Hindi ba sila affected ni Dingdong?

“Actually, expected na namin ’yan dahil nawala ang batang audience namin dahil iba ang viewership ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Mature ang audience nito. Pero gusto kasi ng GMA 7 na hindi rin kami ma-associate sa puro pang-bata lamang. Pero yung next project ko, pambata uli,” ani Marian. Hindi nga lamang niya klinaro kung si Dingdong muli ang kanyang makakapareha.

While comfortable siyang katrabaho si Dingdong, aminado si Marian na kailangan din nilang ipareha sa iba para hindi rin sila pagsawaan as a tandem. Sa pagkakaalam namin, ipapahinga muna ang tambalan nina Marian at Dingdong pagkatapos ng serye nila ngayon.

Sa kanyang gagawin, ang isa rito ay ang GMA News & Public Affairs special na Walang Pera na may kinalaman sa global economic crisis at pinagsasamahan nila ni Mike Enriquez at ang Sugat ng Kahapon, ang Lenten presentation (Black Saturday) ng APT Entertainment na mapapanood sa Abril 11 mula alas-7 hanggang alas-9 ng gabi sa GMA 7.

[via]

Labels:

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

duh ..laos ka na marian

11:59 PM  
Anonymous Anonymous said...

wag kang maninira bakit sya ma laos ehh sikat sya kaya marian wag kalang pa epekto isipin mo nalng marami kang fans hindi lang naman sya ang may fans ehh...we love you marian wish more project to comes

1:20 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites