<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, March 15, 2009

Marian Rivera updates

Aligaga ako kahapon sa presscon ni Marian Rivera dahil kailangan kong humabol sa live airing ng Startalk.

Nasa gitna ako ng pagiging abala nang makatanggap ako ng tawag sa aking cellphone. Ang sey ng aking caller, bothered si DJ Mo dahil sa aking column item kahapon tungkol sa kanilang dalawa ni Arnold Clavio.

Kinumpirma ng aking caller kung true na nagagalit si Arnold kay DJ Mo. Wala akong sinabi na nagagalit si Arnold kay DJ Mo. Ang sabi ko,dapat maghinay-hinay si DJ Mo dahil mabuting tao si Arnold. Mas marami ang magagalit sa kanya kapag ipinagpatuloy niya ang pagtira kay Igan.

Mas tama na gamitin ko ang salitang nagtatampo si Arnold kay DJ Mo dahil nakarating sa kanya ang mga pinag-usapan ni DJ Mo at ng co-host nito sa radio program niya.

Desisyon na ngayon ni DJ Mo kung gagawa siya ng paraan na makausap si Arnold. Kahit pa ang kanyang co-host ang nagalit nang sabihan ito na kamukha niya si Arnold, radio show pa rin ‘yon ni DJ Mo.

* * *

Takang-taka naman si Marian sa mga balita na nag-backslide ito as in may tinarayan siya na fan na gustong magpa-picture sa kanya.

Walang matandaan si Marian na insidente na nagtaray siya. Isang mall show lang ang kanyang pinuntahan at walang tarayan portion na nangyari.

Halos araw-araw ang taping ni Marian para sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Hindi na siya nagkakaroon ng oras na makisalamuha sa fans, maliban sa production staff ng show nila ni Dingdong Dantes.

Napangiti na lang si Marian nang marinig nito ang bago pero lumang isyu tungkol sa kanya. Tanggap niya na hindi mawawala ang mga paninira sa mga artista. Basta ang importante, hindi nangyari ang mga ibinibintang sa kanya.

* * *

May pelikula na gagawin si Marian pero hindi pa niya alam kung kailan sisimulan ang shooting.

Sa pagkakaalam ni Marian, si Vhong Navarro ang makaka-partner niya sa peli­kula na ipo-produce ng Regal Films.

Malamang na umpisahan ang shooting ng pelikula kapag natapos na ang taping ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na mapapanood hanggang May 2009.

Punumpuno ang schedule ni Marian hanggang Holy Week. May duda nga siya na magtatrabaho siya hanggang Holy Week kaya imbes na magbakasyon sa malayong lugar, uuwi na lang si Marian sa Cavite. Aasikasuhin na lang niya ang blessing ng kanyang 12-door apartment na tapos na tapos na ang cons­truction.

* * *

Mula alas-onse ng umaga hanggang ala-una lang ang presscon ko para kay Marian dahil may Startalk ako at may ribbon cutting pa siya sa Glorietta branch ng Karimadon.

Endorser si Marian ng Karimadon. Nadagdagan din ang kanyang mga product endorsement dahil dalawang bagong TV commercial niya ang lalabas bago matapos ang March.

Sa bilang ni Marian, more than twenty na ang kanyang mga product endorsement. Kayod nang kayod si Marian dahil ipinapa-renovate niya ang bagong condo unit na kanyang binili at lilipatan sa susunod na buwan.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites