<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, March 01, 2009

Paglipat ni JC de Vera, not yet sure

Hindi nakasama ni Annabelle Rama si JC de Vera sa presscon kung saan nilinaw nito ang lahat ng isyung may kinaalaman sa aktor at kay Heart Evangelista. Wala si JC dahil may show sa Baguio kasama ang ibang talents ng GMA-7.

Hindi pa masiguro ni Annabelle kung ililipat niya sa ABS-CBN si JC dahil hanggang March 14 pa ang kontrata nito sa GMA Network at sa papasok na linggo, may meeting siya with Atty. Felipe Gozon. Wala pa rin daw offer ang ABS-CBN para kay JC at si Alfie Lorenzo lang ang humihiram sa aktor para sa soap ni Judy Ann Santos.

Sa presscon lang nalaman ni Annabelle na hinihintay na ang paglipat ni JC at isasama siya sa Bandidas na mga babae ang bida at dalawa pang shows ng Channel 2. Inamin din ni Annabelle na bago ang Obra, in-offer kay JC ang male lead ng Rosalinda, pero hindi niya tinanggap dahil hindi ang aktor ang bida at wala raw gagawin kundi sumayaw lang.

“Six years na sa GMA-7 si JC, magaling siyang aktor at mabait na bata, pero hindi siya nabibigyan ng importansya at lahat ng narating niya’y sarili niyang sikap. Wala pa rin siyang lead role, mabuti pa ang mga baguhan, may launching project na,” sabi ni Annabelle.

Nilinaw din ni Annabelle na kaya gusto niyang ilipat sa Dos si JC dahil takot siyang malampasan nito ang kasikatan ng anak na si Richard Gutierrez. On the contrary, natutuwa raw siya na nadagdagan ang leading men ng Channel 7 at sana raw, alagaan ang aktor.

Natuwa si Annabelle na si Geoff Eigenmann ang ipinalit kay JC sa Obra, nagkaroon daw ng trabaho ang aktor dahil kay JC. Dahil hindi na magpapa-interview after last Saturday’s presscon, paano malalaman ang kalalabasan ng meeting ni Annabellee kay Atty. Gozon?

[via]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hay naku ang laki ng ulo!

5:20 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites