<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, March 29, 2009

Pambubuking ni Aljur kay Kris ; Parang Maria Clara kung humalik

Inamin ni Aljur Abrenica na nasanay na rin siyang makipaghalikan dahilan sa mga eksena niya sa panghapong teleseryeng Dapat Ka Bang Mahalin? ng GMA 7 na nagtatampok sa tambalan nila ni Kris Bernal, kasama si Ara Mina bilang seducer niya.

When asked kung ano ang feeling niya sa pagkakaro’n ng maraming kissing scenes ’di lamang kay Ara kundi maging kay Kris, sinabi ni Aljur na, “Natuto na rin ako na magaling humalik dahil kay Ara.”

Pero nang tanungin naman siya kung sino kina Ara at Kris ang mas magaling humalik sinabi niyang “Mas magaling si Ara, si Kris parang Maria Clara ang dating. Pero kahit sinong Pinoy ang tanungin mo, mas type nilang mahalikan ang isang Maria Clara.”

Para sa kanyang trabaho, payag ding makipaghalikan sa kapwa niya lalaki si Aljur kapag hinihingi ng kanyang role.

“Pero mas gusto kong makasama sa ganitong eksena ang mga kaibigan ko, tulad nina Mark Herras, Mike Tan at iba pang close friends ko. Para hindi na mahirap ang adjustment. Pero kung talagang hinihingi ng pagkakataon, kahit sinong artistang lalaki pwede na,” sabi ng aktor.

Dinumog nga pala siya ng mga fans nang makita sa opisina ng Travelpros, Inc. sa 5th floor ng Megamall B nung Biyernes ng hapon. Kinuha kasing official endorser si Aljur ng Travelpros, Inc.’s Beauty Holidays Plus, isang incentive based card membership program na ang lahat ng kliyente ng kumpanya ay makapag-iipon ng puntos sa bawat transaksyong gagawin nila at makukuha ang mga katumbas na puntos nito sa produkto, services, discounts na ibinibigay ng mga ka-partner ng Travelpros, Inc. tulad ng Ricky Reyes Salons at Golden Sunset Resort sa Calatagan, Batangas.

Maaaring gamitin ng mga humahawak ng Beauty Holidays Plus card simula ngayong summer. Sa Mayo 28, 16th anniversary ng Travelpros, Inc. at maaaring manalo ang mga cardholders ng overnight accommodations, libreng air ticket at iba pang mahahalagang premyo.

“Ako rin kukuha ng membership card. Bagay ito sa akin at sa trabaho ko, at dahil mahilig akong mag-travel,” sabi ni Aljur na bilang endorser ay talagang kakailanganing bumiyahe para sa promosyon ng kumpanya.

[via]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

DUMARMI NG ENDORSEMENTS NI ALJUR!GALING TALAGA,IT MEANS MARAMI NA TALAGANG NAKAKAPANSIN S AKANYA.GO ALJUR!LOVE NA LOVE KITA.HEHEHE

3:21 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites