<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, March 18, 2009

Richard Gutierrez kakausapin si Wilma Galvante

Enjoy ang press sa interview kay Eddie Gutierrez sa presscon ng Zorro, kung saan ginagampanan niya ang role ni Gobernador Luis Aragon. Masaya itong napasama sa isa sa pinakamalaking project ng GMA 7 at mga anak na sina Richard Gutierrez at Elvis Gutierrez.

Kasama na siya sa cast, pero nagugulat pa rin si Eddie sa malaking effort ng network para mapaganda ng husto ang series na magpi-premiere sa March 23, at sa direksyon nina Mark Reyes at Dominic Zapata.

“I like the show, maganda. Pati location namin, ang ganda. Bagay sa akin ang role ko at naa-appreciate ko ang staff na ayaw nila akong mahirapan ng husto. Inuuna nila ang mga eksena ko para hindi ako mapuyat,” kuwento ni Eddie.

Ang ikinatuwa ng press ay nang ipa-describe kay Eddie ang misis niyang si Annabelle Rama dahil ang isinagot ay “what you see, is what you get.”

Nang pag-reaking sa “word war” nina Annabelle at SVP for entertainment TV ng Channel 7 na si Wilma Galvante ang itinanong, sabi ni Eddie, nagulat siya’t paggising niya’y may gulo na sa dala­wa, pero umaasang magkakaayos din ang dalawa.

* * *

Hindi kami magugulat kung isang araw mabalitaang nakipagkita si Richard Gutierrez kay Ms. Galvante dahil sa presscon ng Zorro, hinanap niya ito at may sasabihin daw siya sa kanyang “Tita Wilma.”

Nang tanungin ng press kung ano ang sasa­bihin niya ’pag nagkausap sila, hindi sinabi ni Richard. Pangit daw kung mauunang malaman ng press kesa kay Ms. Wilma ang gusto niyang iparating. Ang na-share lang nito sa mga reporter, nagpapasalamat siya kay Ms. Wilma dahil alam niyang ito ang nagpursigeng makuha ang rights ng Zorro para pagbidahan niya.

Malaki rin ang pasasalamat niya kay Atty. Felipe Gozon, Atty. Jimmy Duavit at sa buong mana­gement ng network na ipagkatiwala sa kanya ang isang malaki, magastos at nakalululang project. Nangako si Richard na hindi idi-disappoint ang management at ang mga viewers. Three seasons ang itatakbo ng Zorro or 39 weeks at posible pang ma-extend.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites