<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, March 05, 2009

Sunshine Dizon pumayat

Mukha namang hindi masasayang ang pagpa­papayat ni Sunshine Dizon, bukod sa lumalakas na ang self confidence niya, dumami pa ang mga assignments niya. Bukod sa pelikulang Sundo na dapat sana ay nung Oktubre pa ipinalabas pero marami pa itong pinagdaanan para mas mapa­ganda kung kaya ngayong Marso 18 lamang ito mapapa­nood.

Malaki ang pasasalamat ni Sunshine na ginawa niya ang Sundo. Bukod sa dumami ang kanyang mga kaibigan sapagkat naging magkakaibigan sila ng mga nakasama niya sa movie – Robin Padilla, Hero Angeles, Mark Bautista, Rhian Ramos, Katrina Halili at Glydel Mercado – naramdaman niya na totoong babae siya. Kung dati-rati ay wala siyang inaasahang tulong sa kahit sinumang lalaki na bigyan siya ng upuan o ipagbukas ng pinto, ginawa ito para sa kanya, nang hindi niya hinihingi kay Robin Padilla.

“Dati, kaswal lamang siya sa akin. Parang nag-iba ang lahat nang pumayat ako. Nag-iba ang trato niya at maging ng ibang kasamahan ko sa movie, sa akin. Madalas sinasabi nila na ‘Babae ka pala’ which made me feel good. Nun ko na-appreciate ang ginawa kong pagpapapayat. ‘Yung pagpapa-lipo nung una.

“Mahirap yata yun. Super diet din ako. Until now, ginagawa ko pa ito. Kahit mahirap na little rice na lang ang kinakain ko for breakfast and lunch, plus boiled veggies shrimp. Pero, pag Sunday, Kumakain ako ng gusto ko.

“Kailangan kong i-maintain at i-continue yung diet ko. My part in All About Eve calls for more skin than the usual. Dito more daring na ako. But more than this, I feel good with my new body. Mga nakakasama ko puro payat, nakakahiya naman kung mataba ako.

“Hindi rin ako worried na baka mabastos ako with the role that I’d be playing in a Koreanovela which GMA is adapting in Tagalog, dahil hindi ako tipong bastusin.”

Mauunang mapanood sa TV (March 9) ang All About Eve ni Sunshine with a powerhouse cast composed of Richard Gomez, Eula Valdez , Jean Garcia, Iza Calzado , Alfred Vargas, Mark Anthony Fernandez, Eric Quizon, Celia Rodriguez, Keempee de Leon , Ian de Leon, Ina Raymundo , Angel Aquino, Gabby Eigenmann at Marky Lopez. Direksyon ni Gil Tejada, Jr.

Ang Sundo naman ay nasa sinehan na sa Marso 18. Tungkol ito sa isang retiradong sundalo na naka­tuk­las ng kanyang pambihirang kakayahan na maka­kita ng multo sa paligid ng mga tao na maagang nama­matay.

Makakaiwas sila ng kapatid at kaibigan niya sa isang aksidente sa bus pero malalagay sa kamay niya ang kapalaran at kaligtasan ng mga kasama niya.

Isang horror film ni Toppel Lee ang Sundo.

[via]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Malaki nga pinayata ni Sunshine, nong mapanood ko sya sa All About Eve. Bagay sa kanya. Good luck Shine.

6:01 AM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites