<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, April 02, 2009

Annabelle ’di uurong kay Wilma!

AKALA namin ay tapos na ang sigalot na namagitan kina Wilma Galvante (GMA-7 SVP for Entertainment) at Annabelle Rama. Hindi pa pala.

Tahimik na sinampahan ng P7-million libel suit ni Wilma si Annabelle kamakailan dahil umano sa masasakit na salitang pinagsasabi nito laban sa kanya nu’ng kasagsagan ng isyu ng pagre-renew ng kontrata ni JC de Vera sa GMA-7.

Ayon sa nasagap namin, last March 17 pa isinampa ang kaso sa Quezon City Regional Trial Court, pero nu’ng Lunes lang ito nalaman ni Annabelle.

Nakasaad sa charge sheet ang hinihinging P5 million moral damages, P1.5 million exemplary damages at P500,000 na legal fees.

Sa totoo lang, matagal nang hinihintay ni Annabelle ang pagsasampa ng kaso ni Wilma. Late man niyang nalaman ang pagkakatuloy nito’y matagal na niyang inasahan na kakasuhan nga siya ni Wilma.

Gaya nga ng sabi niya, hindi siya uurong sa anumang laban. Paulit-ulit nang dialogue ni Annabelle nu’ng kasagsagan ng kontrobersiya na sanay siya sa demanda’t hindi siya natatakot kay Wilma.

* * *

NAALIW kami kay Wilma Doesnt nang tumawag ito at magpanggap na mamasukang katulong sa isang segment ng The Sweet Life ng QTV 11, Monday to Friday, 5 p.m.

Tinarayan kasi siya ng kausap sa phone at sinabihang ayaw makipag-usap sa taong hindi kakilala.

Nabigla at natawa rin ang co-host na si Lucy Torres habang nakikipag-usap sa phone si Wilma.

Mamaya sa TSL, ang mag-amang Ricardo Cepeda at Saachi ang magge-guest at magkukuwento ng tungkol sa kanilang bonding activities at secrets.

Magsasalita naman si Lovi kung bakit siya nananatiling Daddy’s Girl. Ikukuwento niya ang magagandang araw with late father, Fernando Poe Jr.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites