<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, April 29, 2009

Giyerang Annabelle-Wilma abot hanggang sa text

Gaano kaya katutoo ang nasagap naming balita nitong nakaraang Sabado na maraming entertainment writers, na “gaka” o hindi imbitado sa launching ng bagong pabango na ineendorso ni Richard Gutierrez sa Bench, ang nagulat dahil buong puso silang tinanggap sa presscon diumano na pinatawag ni Tita Annabelle Rama.

May umugong na balita raw kasi na may nag-text brigade na nagsasabing iboykot ng mga entertainment writers ang naturang okasyon at ang itinuturong may pakana umano nito ay walang iba kundi si Ms. Wilma Galvante ng GMA-7.

Hindi kami makapaniwala na aabot sa ganito ang hidwaan ng dalawa kung totoo man ito.

Pero sa parte naman ng mga kasamahan naming writers na kabilang sa tinuturing “gaka” ay napabuti dahil sa ngayon ay welcome na sila at hindi itinaboy na pangkaraniwang ginagawa ng PRO o manager na nag-aasikaso sa mga presscon.

Saludo kami kay Tita Annabel dahil sa tapang nito sa paglaban sa mga taong sa tingin niya ay hindi na tama ang ginagawa at sa pakikipaglaban nito para sa karapatan ng kanyang talents at kapamilya.

Ang move na ginawa niya ay maganda rin para nga naman makita niya kung sino talaga ang kanyang kakampi sa hanay ng mga manunulat at magbibigay sa kanya ng suporta.

Hindi naman kaila sa atin na maraming publicists ang GMA-7 lalo’t top executive si Ms. Galvante, kaya marami ang maaaring sumulat ng laban sa mga alaga ni Tita Annabel.

Suwerte nga lang dahil sikat at may hatak sa rating ang mga alaga ni Bisaya kaya siguradong mapo-frozen delights sila.

[via]

Labels:

4 Comments:

Anonymous Anonymous said...

susmaryosep kang writer ka! paano ka nakakatulog ng gabi sa pagbabaliktad mo ng mga istorya? iyong Tita mo ang mahilig magbayad ng reporter at palagay ko bayad na bayad ka na. alam mo may balik ang karma sa mga sinungaling na katulad mo. patawarin ka ng Maykapal sa kasalanan mo. huwag mong ibenta ang kaluluwa mo dahil lang sa konting halaga na bigay ng Tita Anabelle mo. kaluluwa mo ang kapalit niyan. kaya mong kitain ang pera. masarap kumain ng malinis ang pinanggalingan.

1:21 PM  
Anonymous Anonymous said...

Hay mukhang totoo naman ciguro yung wilma mong pangit na masama ang ugali kasi tinatakot ang talents at over the bakod pa gustong sulotin ang talents ni Anabel. Hoy para malaman mo kung may bayad man si Anabel wa ka na paki dun pera nya yun. Ano ka ba gumising ka nga kaya nag layas yung sikat na talents sa gma kasi nga kino control ng pangit na yan.

1:44 PM  
Anonymous Anonymous said...

WHAT? alam lahat ng buong Pilipinas na ang TAYONG DALAWA ang pinakamalaking teleserye this year.

napakamaraming viewers specially sa mega manila and also sa nationwide.

all writers,directors,big boss of abscbn and gma ay no doubt na hanga sila sa galing at dekalibreng teleseryeng ito at witness sila na nilalampaso na ng tayong dalawa ang hottest star ng GMA which is TADYANG and ALL ABOUT EVE.

Pgkatapos this monday wla sa top ten ang taong dalawa.OH my goodness.kelangan bang bayaran ng GMA ang AGB pra nmn hindi langawin ang kanilang HOTTEST STAR kasi last week na nito.

Tayong Dalawa pa rin ang Pinakamalaking Teleserye.sa Mega Manila and Nationwide.

10:04 PM  
Anonymous Anonymous said...

mga nguso magsitigil nga kayo. kala nyo gaganda ng shows nyo papangit at walang kalidad. insekyora. GMA Gaya Mo Abscbn. GMA Gusto Maging Abscbn.

11:47 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites