<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, April 21, 2009

JC kumikita kahit walang trabaho

Tamang-tama, naabutan namin ni Jerry Olea (enter­tain­ment editor of Abante Tonite) sina Rufa Mae Quinto at Tita Annabelle Rama sa wake ng mo­ther ng kasama sa pa­nu­lat na si Jun Lalin sa St. Peter last Sunday night.

Magandang tsikahin ang dalawa dahil parehong may issue.

Si Tita Annabelle, Sunday afternoon ay napanood ko sa Showbiz Central (SC) tungkol sa isinampa ng anak niyang si Richard na P25-million libel case laban sa Philippine Entertainment Portal (PEP), isang online showbiz news provider, matapos sagutin ng abo­gado ng nasabing showbiz website ang cease and desist letter ng abogado ni Richard na kung ayaw nilang ma-feature, dapat hindi na lang mag-artista si Richard.

Talagang mainit ang dugo ni Tita Annabelle sa issue na ang pinag-ugatan ay ang istorya na nabasa sa PEP kamakailan na umano’y tutukan ng baril sa party ni direk Mark Reyes sa pagitan nina Richard at Michael Flores na nauna nang itinanggi ng mga sangkot.

Pero bago pala siya sumalang sa nasabing interview ng SC, rehearsed na ni Tita Annabelle ang sagot niya sa issue tungkol kay Ms. Wilma Galvante, executive vice president for entertainment ng GMA 7, na kinasuhan siya (nagsampa siya ng kontra-demanda kelan lang). Pero nang malaman ni Raymond, isa sa mga hosts ng SC, na guest siya sa programang hino-host niya, pinag-practice agad nito ang kanyang nanay ng mga sasabihin sa bahay nila umaga pa lang.

“Mom guest ka pala sa SC. Mom, no, not in my show,” pakiusap daw ng kambal ni Raymond.

“Hindi niya talaga ako tinigilan. Panay ang pakiusap niya,” nangingiting kuwento ni Tita Annabelle kaya na­gulat si Jerry na hindi na nagsalita ang nanay nina Ruffa ng tungkol sa GMA 7 executive. Hanggang sa sumalang daw siya sa SC, nasa tabi lang si Raymond at panay ang pakiusap.

Kaya lang hindi pa rin nakontrol ni Bisaya ang magsalita ng kahit konti sa nagdemanda at idinemanda niyang ehekutibo ng Kapuso Network.

Naisingit niya kahit hindi tinatanong ng host na si Ms. Pia Guanio. Sagot ni Pia: “’Di ba tita nasa korte na yun?” Pero nagawan ng paraan ni Tita Annabelle na halatang pigil na pigil.

“Kahit si Pia hindi makapagsalita, yung staff nagsa-sign na parang okay na. Si Raymond, nasa may tabi ko,” kuwento pa ng misis ni Eddie Gutierrez.

True na kontrolado na siya sa nasabing interview at na-focus ang interview sa kaso sa PEP kasama ang kanyang dalawang abogado.

Kaya pagdating niya nga sa wake, medyo nasa fighting mood pa si Tita Annabelle.

Marami na rin daw nagtatawagan sa kanya dahil may panawagan siya sa nasabing programa sa mga kapwa niya Bisaya. “Meron akong gagawin. Pero ayoko munang sabihin kung ano,” sagot niya nang tsikahin kung ano yung sinabi niyang puwede siyang tawagan ng mga kababayan niya.

Clue? Ayaw niya pa rin. Hindi siya actually napilit. “Basta, maghintay na lang kayo,” sabi pa ni Bisaya (kilalang tawag sa kanya ng kanyang mga kaibigan).

Hmmm. Ano kaya yun?

Anyway, hindi pa natatagalan ang tsikahan portion namin, dumating si JC de Vera na witness niya sa isinampang kaso sa GMA 7 executive.

Wala pa ring show si JC, pero sabi ng manager niyang si Tita Annabelle, magsisimula na ang taping ng alagang aktor para sa Ngayon at Kailanman kasama si Heart Evangelista para sa afternoon timeslot. Next month na ang start ng dalawa niyang alaga. Pero kahit naman pala walang trabaho si JC, may kita siya sa GMA 7. Guaranteed contract pala ang aktor sa Kapuso Network. Yup, wala man siyang ginagawang show, tuloy naman ang kita niya.

Mga hanggang this year pa ang nasabing kontrata kaya naiinip man siya dahil walang pinagkakaabalahan, may dumarating pa rin naman siyang grasya.

Laglag sa affidavit ni JC ang ibang executive ng GMA 7 na kanyang mother studio. Pero hindi naman daw siya nagsinungaling sa sinabi niya sa nasabing sinumpaang salaysay para sa demanda ng kanyang manager.

Anyway, dagdag ng kanyang manager: “Tinanong ko naman sila (GMA 7 people) kung may ibibigay pa silang programa kay JC. Kasi sabi ko kung wala, ipapahiram ko muna si JC sa kabila. ’Pag meron na, saka na lang uli babalik. Sabi nila, meron na. May storyconference na,” kuwento pa ni Tita Annabelle kaharap si JC.

Asked ko rin nga pala sa nasabing tsikahan na sa dalawang magkasunod na kaso – Richard against PEP and Annabelle against Ms. Galvante (kontra-demanda), gumastos pala sila ng muntik nang umabot sa isang milyon (sa filing fee) sa dalawang kaso. Sa P25 million damages against PEP, P570,000 ang ibinayad nila, habang P300,000 sa isinampa niyang kaso.

Walang planong makipag-ayos si Tita Annabelle sa dalawang kaso dahil hindi raw siya magsasawang pumunta sa korte.

Ay bukas ko na lang ikukuwento ang tungkol sa tsikahan namin ni Rufa Mae tungkol sa kanyang pinagagawang bahay.

Pero hindi pa pala sila nagkakaayos ni DJ Mo Twister na co-host niya sa Showbiz Central. In fact, last Sunday, lahat ng mga kasama niya sa programa, binati niya except for Mo.

“Marami na kasi siyang ginawa sa akin noon. Pero hindi lang ako kumikibo. This time parang feeling ko, tama na,” sabi ng sexy actress.

Actually, kay Mo naman talaga nanggaling ang insinuation na nagkaroon din ng something between Dr. Hayden Kho and Rufa Mae na sobrang ikinainis niya (sexy actress).

At kung nakikita n’yo man silang magkasama sa isang frame sa SC, off cam ded­mahan talaga sila. Walang kibuan… as in.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites