<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, April 24, 2009

Jennylyn Mercado sings again

Babalikan ni Jennylyn Mercado ang pagkanta sa kanyang birthday concert na handog din niya sa kanyang fans. Pinamagatang I Am Woman, ito ay gaganapin sa May 14 and 16 sa Music Museum.

Excited si Jennylyn sa kanyang concert dahil bukod sa acting, hilig niya ang singing. Ito nga ang first love niya eh. Pero this time, susubukan din niyang sumayaw na mala-Beyoncé at Britney Spears.

Special guests ni Jennylyn sina Ogie Alcasid at Janno Gibbs, Christian Bautista at Richard Poon, Prince of R&B Jay-R, and fast-rising singers Nico Antonio, Gemma at Jasmine Fitzgerald. Pero ang isa pa sa aabangan ng lahat ay ang partisipasyon ni Mark Herras na may gagawing kakaibang dance number at duet with Jennylyn.

Ayaw munang pag-usapan ni Jennylyn ang mga gagawin niya sa show dahil gusto niyang ma-surprise ang mga manonood nito. Sey pa ng director ng show na si Calvin Neria, “The show is going to be interesting, exciting, and memorable.”

Para kay Jen naman, ito ang deklarasyon niya ng kanyang independence. Alam ng publiko ang lahat nang pinagdadaanan niya.

“That’s why I’m really excited to do this show. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakakanta at nakakapag-perform onstage, so in a way it’s also a challenge for me,” sabi ng aktres.

Ngunit bago mag-concert si Jennylyn, nakatak­dang ilunsad ang kanyang coffeetable book kung saan tampok ang never-before-published photos niya habang siya ay nagdadalang tao hanggang siya ay manganak. Siyempre, meron din silang picture ng kanyang baby na si Alex Jazz.

For tickets, call Music Museum at 721-0635 and 721-6726 or Ticketworld outlets at 891-9999.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites