<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, April 03, 2009

Katrina Halili sinundan si Kris sa bar

New look si Katrina Halili nang makita namin sa solo mini-presscon kahapon.
Bumata siya sa bagong hairdo.

Kasabihan nga kasi na kapag ang isang babae ay nagpagupit, ibig sabihin, may major change na nangyari sa kanyang buhay, kaya tinanong namin si Katrina kung bakit siya nagbago ng hairstyle.

“Ah, kung anuman po kasi ang nangyari, gusto kong magsimula nang bago at kalimutan na ’yung mga dating nangyari. Fresh start, new life,” say niya.

Hindi naman siguro kaila sa lahat na nanggaling si Katrina sa napakalaking kontrobersiya at ito ay nang madawit siya sa Dra. Vicki Belo-Dr. Hayden Kho breakup.

Aminado ang young actress na talagang nakaapekto ito nang husto sa buhay at career niya.

“Siyempre po, may consequences din akong dapat harapin sa nagawa ko, pero alam ko namang may prize rin naman for me,” aniya.

Actually, maraming major change sa buhay ni Katrina ngayon at isa na rito ay ang breakup nila ng singer ni Kris Lawrence.

“Pero magkaibigan po kami ngayon. ’Yung sa amin naman po dati, sinasabi ko, inspired ako, inspiration namin ang isa’t isa, may mutual understanding kami. Ganu’n po ’yung nangyari.

“And kaya naman sobrang inspired din ako kasi siyempre, ang dami-rami kong problema, tapos, nandiyan siya para suportahan ako. Kaya lang, after po ng lahat ng nangyari, na-stress ako.

“Nag-gain ako ng weight. Nag-gain ako ng 10 kilos. Na-stress-out ako sa lahat ng problema at para sa akin, ’yung mag-gain ako ng weight, du’n ako maloloka.

“So, parang stop ko muna lahat. Sandali, gusto kong ayusin ang buhay ko. Pero okay naman po kami (ni Kris) ngayon. Sinuportahan niya ako and alam naman niya na ang dami ko ring pinagdaraanan.

“Saka, aminin naman natin na naapektuhan talaga ang trabaho ko, ’yung buhay ko. So, parang gusto ko pong ayusin ang buhay ko na mag-isa. Ayoko munang mandamay ng ibang tao.

“And busy rin naman siya sa work niya, maglalabas din siya ng album niya. Ayoko kasing maging unfair. Kasi nang nag-focus ako sa kanya, siyempre, inspired, tapos, nag-gain ako ng weight.

“Ngayon, gusto ko munang mag-focus sa sarili ko. Gusto kong ayusin ng buhay ko and ayokong maging unfair dahil mawawalan ako ng time sa kanya. Ganu’n kasi ako ’pag naka-focus sa isang bagay, nawawalan ako ng time sa ibang tao.”

Paano tinanggap ni Kris ang desisyon niya?

“Okay naman po, kasi wala naman pong ibang lalaki, trabaho naman po ang dahilan. Saka nakikita niya pa rin ako. ’Yung mga pinsan ko, kasama niya. Kahapon, dineyt niya mga pinsan ko, nag-bar sila, tapos sumunod ako.”

Isa pang major change ay may bago na siyang bahay worth P9M na kabibili lang niya. Sa mga darating na araw, magiging busy siya sa paglilipat at pagpapapayat.

Sa ngayon, “single and hot” daw siya tulad ng tagline ng Bench endorsement.

Gusto raw niyang magsimula ulit dahil ayaw daw niyang mawala sa showbiz na hindi magandang impresyon ang maiiwan sa mga tao. This time, she wants to do it right.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites