<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, April 30, 2009

Manny Pacquiao dinumog ng Pinoy sa 60th floor ng The Hotel sa Las Vegas

NAG-TRAVEL by land lang si Manny Pacquiao, kasama ang asawang si Jinkee, trainer na na si Buboy Fernandez, dating boxer na si Onyok Velasco at ang asawa ni Buboy na si Claire.

Sumakay ang entourage ng Pambansang Kamao sa Lincoln Navigator ni Manny at nag-travel sila ng 300 miles.

Matiwasay namang nakarating ang grupo sa Las Vegas at agad tumuloy sa The Hotel ng Mandalay Bay.

Nang dumating si Manny sa Las Vegas, sinabi nitong 100% na nasa kondisyona ng kanyang katawan para sa fight sa Linggo.

Naka-check-in si Manny ngayon sa 60th floor ng The Hotel. As usual, sabi ng aming source na taga-GMA, paboritong tirahan ni Manny ang The Hotel ng Mandalay kapag may boxing match siya.

Suwerte daw ito sa kanya.

Dahil popular si Manny sa mga Pinoy sa America, dinudumog ang 60th floor ng well-wishers.

Mabait si Manny at pinagbibigyan niya kaya lang kahit sino ka pang ka-importanteng tao sa Pilipinas, hindi ka agad makakapasok sa kuwarto ni Manny para bumati at makipagtsika-han.

Ang guard na naka-assign kay Manny ay isang Amerikano na super-higpit.

Walang pakialam kung sino ka pa.

Ang ginagawa na lang ni Manny ay binibigyan ng ilang minuto ang well-wishers kaya dapat ay grupo-grupo kayo para makaharap niya.

Kahit ang mga taga-GMA-7 na nagku-cover ng event ay hirap ding makausap si Manny.

Kapag malapit na ang laban ni Manny ay hindi na siya humahawak ng telepono.

At ang lalaki niyang secretary ang mahigpit ding tumanggap ng call kaya hindi rin basta-basta makakausap ni Manny.

Kaya mismong ang staff ng GMA-7 ang pumipili para makahingi ng audience kay Manny.

Kung may ilang problemang dapat sagutin ni Manny, ang staff mismo ang aakyat sa 60th floor.

Last year, nakita ng source naming staff ng GMA-7 na pumila rin ang magdyowanoong sina Dr,. Vicky Bello at Dr. Hayden Kho.

Maski matagalan ay pumila rin sila para makausap si Manny.

Sinabi lang sa pila na sila ay sikat na mga cosmetic surgeon sa Pilipinas kaya pinatuloy sila ni Manny at kinausap.

Ibig pagbigyan ni Manny ang lahat ng well-wishers, kaya lang kung sobrang dami na at maaapektuhan ang kanyang pamamahinga at training, at nata-turn down na rin ang ibang mga bisita o kaya ay sinasabihang bumalik na lang.

* * *

SAMANTALA, ang show ni Manny Pacquiao na Pinoy Records ay patuloy na maghahandog sa Sabado ng mga kakaibang kagalingan ng mga Pinoy.

Tampok ang mga beauty title holder na sina Carlene Aguilar at Jennifer Barrientos, gustong maka-iskor ng bagong titulo sa Pinoy Records !

Sino kaya sa kanila ang kokoronahan bilang Ice Queen?

Alamin sa Celebrity Face Off!

Sa larangan ng speedcubing, isang Pinoy ang kilalang-kilala at siya ay si JB Canares, ang ating Bidang Pinoy!

Mga produktong yari sa buhok ang tampok naman sa Gawang Pinoy!

Survivor Philippines cast-off Kiko Rustia, kaka-labanin ang isang unggoy?

Ang kanilang enkuwentro, mapapanood n'yo sa Pinoy Versus Wild Celebrity Edition!

Dalawang babae naman ang maglalaban para maging Ampalaya Queen!

Ilang hilaw na ampalaya kaya ang kaya nilang kainin?

Abangan kung sino ang magwawagi sa Pinoy Extreme!

At sa bisperas ng kanyang laban, alamin ang pinakahuling balita kay Pacman at sa pinakaabangang enkuwentro sa British boxer na si Ricky Hatton!

Walang makapipigil sa pagpapakitang-gilas ng Pinoy!

’Yan ang dapat abangan sa Pinoy Records ngayong Sabado pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.

* * *

BALITA namin sa GMA- 7, ang carrying station ng Solar Sports para sa local television, na in full forcce ang mga executive ng production deparment na pupunta sa Las Vegas para sa fight ni Manny.

Sabi ng aming source noong Sunday pa umalis ang senior program manager na si Ms. Redgie Magno para asikasun ang fight ni Manny para sa coverage.

Last night, nakatakdang umalis din sina Ms. Mari-vin Arayata, VP for Entertainment Comedy, at program managers Bang Arespacochaga at Ali Nokom-Dedicatoria.

Balitang aalis din papuntang Las Vegas ang SVP for Entertainment ng GMA na si Ms. Wilma Galvante.

Talagang alagang-alaga ng network si Manny kaya full-support ng production department sa alinmang laban ni Manny.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites