<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://draft.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, May 14, 2009

Aljur Abrenica muntik idemanda ng breach of contract

Ano itong chika na narinig namin na dapat hanggang July pa ang contract na pi-nirmahan ni Aljur Abrenica para sa Cotton Club underwear pero naloka na lang ang mga may-ari ng natu-rang company nang nalaman nilang pumirma na pala si Aljur sa Bench.

Imbes na magdemanda sila ng breach of contract sa aktor ay napagdesisyunan nilang palitan na lang nila ito ng iba, ora mismo!

At ang napili nga nila ay si Jason Abalos mula sa Dos naman.

At ngayon ay mas pinagyayabang nila ang kanilang bagong celebrity endorser dahil isa Best Actor awardee sa Urian mismo!

At dahil natuto na sila sa nangyari sa kanila kay Aljur ay 2-year contract na ang pinapirmahan nila kay Jason ngayon.

Hindi tulad ni Aljur noon na ayaw mag-pose nang naka-underwear sa billboards, si Jason naman ay willing mag-pose na naka-briefs para sa Cotton Club billboards.

After all, ang tunay na aktor naman ay hindi bini-bigyan ng limitasyon ang kanyang sarili.

Nasubukan na rin ni Ja-son na mag-pose nang sexy sa annual Metro Body issue ng Metro magazine last December kung saan naihanay na rin siya sa sikat na Brazilian-Japanese model na si Akihiro Sato.

Busy ngayon si Jason sa taping ng Kambal Sa Uma kung saan kapareha niya si Shaina Magdayao for the first time.

May dalawa rin siyang indie films na natapos na niyang gawin, ang Rock En Roll na idinirehe ni Quark Henares at ang Handuma-nan kung saan kasama niya si Akihiro.

Nang tanungin namin siya kung sino ang top 5 sexy girls niya sa showbiz, diretso niyang binanggit ang mga pangalan nina Angelica Pa-nganiban, Cristine Reyes, Iya Villana, Anne Curtis at Rhian Ramos na aminado siyang crush niya ngayon.

Ayaw naming isipin na lumaki na ang ulo ngayon ni Aljur dahil nagbibida na siya ngayon sa sarili niyang afternoon teleserye na Dapat Ka Bang Mahalin.

Nagsugal ang Cotton Club na kunin siya July of last year kahit wala pang kinang ang kanyang bituin.

Kaya hindi rin natin masisisi kung sakaling sumama ang loob ng mga taga-Cotton Club nang malaman ng mga ito na pumirma na siya sa ibang kumpanya.

‘Di ba Eugene?

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites