<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, May 28, 2009

Ina ni Hayden, iimbestigahan sa droga!

Sa totoo lang, nakakasawa na ang isyu tungkol sa mga sex video ni Hayden Kho, Jr. Nauuya na ako pero kailangang sagutin ang mga paratang ng tanging ina ni Hayden, si Irene Kho na biglang nagbago ang tono ng boses at naging malumanay sa pangalawang interbyu sa kanya ni Karen Davila.

I’m sure, may nagpayo kay Irene na magsalita uli sa TV pero huwag nang magtaray o maghanap ng masisisi dahil negang-nega siya. Naimbyerna ang mga tao sa interbyu kay Irene ng TV Patrol noong Lunes.

Imbes kasi na ihingi ng kapatawaran ang kasalanan na ginawa ng kanyang anak, nagtaray pa siya. Script ko raw ang pag-iyak ni Katrina. Ginamit pa niya ang malaking crucifix at nagbasa pa ng Bible.

Ginamit ba niya ang crucifix at Bible para pagsisihan ni Hayden ang mga kabalbalan na ginawa nito?

* * *

Nagkita kami ni Hayden sa isang bahay sa Makati City noong Huwebes. Ito ‘yung meeting na kasama ang kanyang ina.

Nang makita ko si Hayden, sinabi ko talaga sa kanya na siguro naman, ‘natutuwa ka na ngayon dahil ikaw ang headline ng mga diyaryo!’

Bakit ko ito sinabi kay Hayden? Noong mag-attempt siya na mag-suicide, may nagkuwento sa akin tungkol sa unang reaksiyon ni Hayden nang magising ito. Tinanong daw niya ang isang doktor kung all over the papers na raw ba ang balita na nagtangka siyang magpa­kamatay.

Nang sumagot ang doktor ng “hindi,” parang nadismaya raw si Hayden. Ang ibig sabihin, ganoon siya kahilig sa publicity. Nangyari sa kanya ang kasabihan na “Be careful with what you wish for”. Sobra-sobra ang libreng publicity ngayon ni Hayden, nega nga lang. Wala naman sigurong tao na matutuwa na magkaroon ng mga negatibong publicity ‘noh!

Eh kumusta naman ang madir ni Hayden? Di ba’t tuwang-tuwa siya noong lumabas sa ospital si Hayden? Nagpunta silang mag-anak sa isang coffee shop at naaliw si Irene dahil marami ang bumati at nagpa-picture sa kanyang celebrity doctor na anak?

* * *

Bakit walang nasabi si Irene nang banggitin ko sa meeting namin na insecure pala si Hayden dahil sinasabihan niya noon ang sariling anak na hindi magaling, hindi marunong kumanta at kung anu-anong mga discouragement?

Nawalan ng kumpiyansa sa sarili si Hayden dahil sa nanay niya na parang hindi happy sa kanyang achievements.

Mismong si Dra. Belo ang nagsabi na napagkakamalan na mayabang si Hayden dahil sa tindig nito pero ang totoo, punum-puno siya ng insecurities sa katawan dahil hindi nga bilib sa kanya ang nanay niya.

Pero ano ngayon ang nangyayari? Ang ibang tao ang sinisisi ni Irene sa nangyayari ngayon sa pamilya niya. Pati ako, idinamay niya at pilit na pinakakanta. Kung mahilig ang pamilya niya na kumanta, huwag nila akong idamay dahil hindi ako singer ‘noh!

Hanggang ngayon nga, hindi ko ma-memorize ang Careless Whisper. Hmp!

Ipinapatawag bukas sa PDEA sina Irene at Hayden. Baka naman isisi pa rin nila sa ibang tao ang pagpapatawag sa kanila ng PDEA.

Si Irene ang nagsabi sa national TV na tinuruan ni Katrina na gumamit ng drugs si Hayden. Siya mismo ang nagbigay ng idea sa PDEA para imbestigahan siya at ang kanyang anak. Hindi sana mangyayari ito kung pinakinggan niya ang payo ko na lumabas siya sa TV sa tamang panahon at ihingi niya ng kapatawaran sa publiko ang kasalanan ni Hayden. Hindi ‘yung kung sinu-sino ang sinisisi niya.

[via]

Labels:

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

AGREE! GO MANAY LOLIT!

2:57 PM  
Anonymous Anonymous said...

wha dapat lng para mag kaalaman na kung cno nka drugs!!!

4:33 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites