<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, May 24, 2009

Total ban sa sex videos nina Halili-Kho, iniutos ni Lim

MAHIGPIT na ipinag-utos ni Manila Mayor Alfredo Lim sa lahat ng Manila Police District (MPD) Station Commanders ang direktibang “Total Ban” sa pagbebenta ng Video Compact Discs (VCD) at Digital Video Discs (DVD) ng umano’y sex video ng aktres na si Katrina Halili at ni Dr. Hayden Kho.

Binantaan ni Lim ang lahat ng station commanders na ipapatawag niya ito sa kan-yang opisina sa oras na ma-patunayang may nagbeben-ta ng sex video nina Halili at Kho sa kanilang nasasa-kupang lugar.

Ginawa ni Lim ang nasa-bing kautusan makaraang makatanggap ang kanyang opisina na hayagan umanong ibinebenta sa kalye ang natu-rang sex video sa halagang P150 hanggang P300 na kasa-lukuyang mabiling-mabili.

Ayon kay Lim, mistulang sinasamantala ng nasa likod na pagpapakalat ng nabatid na sex video umano ni Kho at ni Katrina dahil sa “over-pricing” na halaga nito.

Nagpahayag naman ng pagkaawa ang alkalde sa iba pang nakatalik umano si Kho dahil maging sila ay biktima ng mga kumakalat na sex video.

“Kaawa-awa naman ’yung mga babae dahil hindi nila alam na nire-record sila,” ani ng alkalde.

Dagdag pa ni Lim, bukod sa sex video umano nina Halili at Kho, ipagbabawal din sa Maynila ang pagbebenta ng mga pornograpiya at mana-nagot sa batas ang mahuhuli dito.

Samantala, suportado naman ni House Speaker Pros-pero Nograles ang inapelang resolusyon nina Gabriela Representatives Liza Maza at Luz Ilagan na imbestigahan ang pagpapakalat ng naturang sex videos partikular na ang kontrobersyal na sina Halili at Dr. Kho.

Batay sa ipinadalang text message ni Nograles, nais umano niyang magkaroon ng batas na makakatulong sa nagi-ging biktima ng pang-aabuso partikular na ang nangyari kay Halili matapos umanong ipakalat sa publiko ang naga-nap na “intimate moments” umano nila ni Dr. Kho.

Bibigyang prayoridad umano ng Kongreso ang magiging batas dahil maging ang kanilang hanay ay binu-buo ng maraming kababaihan.

“The House will give this top priority especially that there are so many women members of Congress,” paliwanag ni Nograles.

Nauna dito, matatandaang humingi ng tulong si Halili sa Gabriela upang magsampa ng kaso laban kay Kho.

Inaalam nina Maza at Ilagan ang tamang batas na magpaparusa sa mga taong nagre-record ng isang video na walang kaukulang permiso partikular na sa kanilang nakakatalik gayundin sa taong magpapakalat sa publiko ng mga illegal na kopya nito.

Kapwa kinondena ni Maza at Ilagan ang ginawa umanong pagrerekord ni Kho sa kanya umanong nakaka-talik dahil nawawalan ng dignidad at kredibilidad ang mga babaeng nasasangkot umano dito.

“These sex videos have compromised not only the dignity of the victims but the Filipino women in general both locally and at the international level by creating an image that Filipinas are easy game and cheap commodities,” ayon kina Maza at Ilagan.

[via]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

kay miss halili and hayden lang ba yung banned? how about those other women in the videos?

8:54 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites