<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, June 25, 2009

Aljur Abrenica at Kris Bernal sobra pa sa halikan ang ginawa

Obvious na kung magpapatuloy pa ang pagsa­sama nina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa mga proyekto ng GMA at maski na sa Regal na kung saan ay may gagawin silang pelikula, they will end up more than the super close friends that they are now. Pero baka maging mortal din silang magkaaway na siyang nangyayari sa mga magka- ka-loveteam kapag naghihiwalay na sila.

Kay Aljur mismo nanggaling na nanliligaw nga siya kay Kris pero hindi pa sila ganun kaseryoso. Mas nakatuon ang pansin nila pareho sa kanilang loveteam, kung paano pa nila ito mapapalawak.

“Nakakahiya kung tumagal ang aming pagsa­sama tapos wala kaming natutunan, hindi kami nag-improve. Sa aking parte, I take advantage of every project that we do. Sa Dyesebel, natuto akong mag-drama, sa Zaido, napasabak ako sa action. Dito sa All My Life, araw-araw binabasa ko ang script, para mailagay ko na ang sarili ko sa character na dapat kong gampanan. Hindi na ako si Lito dito na siyang ginampanan ko sa Dapat Ka Bang Mahalin? ako na si Jules, isang dating mayaman pero ngayon ay mahirap na, at mai-in love sa isang babaeng mayaman.

“Kumpara sa Dapat Ka Bang Mahalin, hindi ganun karami ang kissing at love scenes namin ni Kris sa All My Life pero, mas kikiligin ang manonood sa amin dito. Kung kami nga, nadadala. Dun sa presscon namin dapat smack lang ‘yung gagawin namin pero ewan ko ba, na-carried away kami, siguro dahil it was supposed to be a wedding scene na after the vows that we made, kailangang mag-kiss kami but we did more than kiss,” pag-amin ng aktor.

Okay lang naman kay Aljur kung wala pang nangyayari sa panliligaw niya kay Kris, na pinapahirapan pa siya gayung obviously, ay mahal siya nito.

“Ayoko namang mag-presume na mas higit pa rito ang nararamdaman niya. Basta ako masaya kapag kasama ko siya araw-araw. Sa ngayon, pareho na kaming masaya sa aming sitwasyon,” dagdag pa ng aktor na kamakailan lamang ay nalagay sa isang sitwasyon na ikinagulat niya. Isang babae ang nagdemanda sa kanya at sinabing sinamantala niya ang pagiging malapit nito sa kanya.

“Ayaw ko nang mag-elaborate pa, basta sinagot na ng aking abogado ang lahat ng charges. Ang importante, ipinaglaban ko na ang sarili ko sa mga walang katotohanang mga paratang niya. Nun lang kami nagkakilala at marami akong kaibigan na makakapagpatunay nito.

“Kasama ko rin dun ang buong pamilya ko, walang pagkakataon na maganap ‘yung ibinibintang niya,” pagtatanggol niya sa kanyang sarili.

* * *

Overwhelmed naman si Kris Bernal sa nangyayari sa career nila bilang magka-loveteam ni Aljur. Hindi pa man siya nakaka-recover sa success ng kanilang first team-up sa TV na kung saan ni minsan ay hindi nawala sa pangunguna ang kanilang serye. Eto ngayon at may kasunod agad ang kanilang team-up pero nasa early primetime na ang All My Life at may titulo na silang Royal Couple of Afternoon Drama.

Hindi maiwasan ni Kris ang mapaiyak habang pumapasok sila ng bulwagan na kung saan maraming media ang naghihintay sa kanila during the presscon for their newest series.

“Masaya ako, pero at the same time ay kinaka­bahan din dahil papasok ang series pagkatapos ng 24 Oras. Paano kung mabigo ‘yung mga nagtitiwala sa aming tandem, paano kung hindi kami suportahan ng manonood?

“Kuntento na kami sa afternoon slot, pero talagang nakakatakot ‘yung mga nangyayari ngayon. Meron pa kaming titulo na dapat ma-maintain. Hindi madali ito,” paliwanag ni Kris na may karagdagan pang pressure dahil sinasabing sila ang ipangtatapat ng GMA sa tandem nina Kim Chiu at Gerald Anderson ng ABS-CBN.

“This is too much. Ayaw ko munang isipin. I’ll take it one at a time. But I have to thank GMA for their trust, the fans for all their support. At sana hindi magbago ang relationship namin ni Aljur for the longest time. Sana magpatuloy ang blessings namin as a tandem at kahit hindi pa kami ay tinatanggap na kami ng lahat bilang magkapareha. Sa ngayon, we’re more than okay, nakakatakot na baka kapag dinala namin ang aming tandem to a higher level ay may mangyari pa. Kaya okay na muna kaming ganito, super friends,” sabi ni Kris.

[via]

Labels: ,

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

mga baliw kau feeling sikat na sikat! AMP

2:39 PM  
Anonymous Anonymous said...

feeling ko lang, mega manila lang sila sikat. pero nationwide, hindi felt ang kanilang presence. andyan mo kasi makikita sa dami ng endorsements ng isang artista kung talagang sikat sila.

11:03 AM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites