<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, June 13, 2009

Echo & I had a very peaceful talk — Heart

KAHAPON ay tumulak si Heart Evangelista patungong San Francisco, California, para sa isang promo activity ng GMA Pinoy TV. Kasama niyang bumiyahe ang inang si Cecile Ongpauco at isang matalik na non-showbiz friend.

Isang linggo ring mawawala sa bansa ang aktres at para makasiguro, nagpaturok silang mag-ina ng anti-flu at pneumonia vaccine.

Pagbalik, magse-self-quarantine rin sila gaya ng iba pang nangingibang bansa dahil sa kinatatakutang A H1NI virus.

Isang araw bago umalis, pormal na pumirma si Heart bilang bagong celebrity endorser ng Nisce Skin ’N Face at N2 Derm + clinic.

Sa naturang okasyon, na idinaos sa For Members Only Embassy Club sa The Fort at dinaluhan din ng mag-inang Nisce owners na sina Dra. Edna at Atty. Blaise Nisce, Mommy Cecile at Tita Annabelle Rama (managers ni Heart), naging open ang aktres sa pagkumpirmang nagkaayos na nga sila ng ex-boyfriend na si Jericho Rosales.

Ayon sa kanya, ang chance encounter ay naganap sa isang restaurant sa Serendra kamakailan lamang.

Nagkataon raw na naroon din ang dating manager niyang si Angeli Valenciano (current manager ni Echo) habang nagdi-dinner sila ni Mommy Cecile sa Abe at sinabi ng una na parating at ka-meeting niya ang aktor.

Simpleng “hi” lang daw ang pinakawalan nila ni Echo sa isa’t isa at magalang ding nag-hi ang aktor sa madir niya.

Matapos ’yon, nagkapalitan uli sila ng text at nagkausap din sa telepono para ayusin ang kung anumang gusot na nilikha ng kanilang paghihiwalay as a couple.

“Nagpalit ako ng number, hindi ko alam kung kanino niya hiningi ang number ko. It was a very peaceful talk and at least, wala nang ilang-ilang factor.

“I’ve moved on but I’m not ready to fall in love again. I don’t want anything, I have so much to do sa buhay ko, sa career ko, and I believe na love is a choice,” sey pa ni Heart.

Samantala, isang taong malapit sa aktres ang nagsabi na nangako ito sa parents niya na hindi muna magbo-boyfriend sa loob ng isang taon.

Biro raw tuloy ng mga magulang ni Heart, she should put that in writing para maipanotaryo nila.

Ang balita pa namin, hangga’t maaari ay mas type ni Mommy Cecile ang non-showbiz boyfriend para sa bunsong anak. Someone who is stable, decent at impressionable.

Sa ngayon, mukhang wala silang dapat ipag-alala dahil tipong desidido si Heart to stay single and loveless.

“I want to be beautiful for myself,” mariing dialogue pa ng aktres sa Nisce at N2 Derm + launch, kung saan 15 months ang pinirmahan niyang kontrata bilang endorser.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites