<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, June 05, 2009

Jolina Magdangal, Marvin Agustin in Adik Sa`Yo

Finally napapayag din si Jolina Magdangal na mahalikan ni Marvin Agustin sa lips.

Salamat kay Direk Joel Lamangan na nagdirek ng Adik Sa`Yo, ang bagong teleserye na balik-tambalan nina Marvin at Jolens na magsisimula sa Lunes ng GMA Telababad.

“Mas comfortable na kami ngayon ni Jolens kumpara noon bago kami magtambal sa telebisyon. Wala nang ilangan not like before dahil mga bata pa kami,” kuwento ni Marvin

Posibleng kaya manumbalik ang naudlot nilang pagmamahal ngayon magsasama sila uli sa isang teleseryeng?

“Magkaibigan kami ni Jolens. Wala naman imposible sa ngayon. Libre ako at ganoon din siya. Who knows baka kami nga talaga ang itinadhana,” nakangiting sagot ni Marvin.

Samantala, hindi naman nagpakipot si Jolens nang tanungin kung sakaling ligawan siya muli ni Marvin ay mag pag-asa ba ito.

“Si Marvin, hindi naman nagpaparamdam ’yan. Pa-ano ko naman sasagutin ang tanong ninyo. Basta right now, masaya kami dahil muling kami nagkasama sa isang teleserye,” salag ni Jolens.

“Yes, after so many years ngayon lang ako napapayag makipaghalikan kay Mar-vin on screen at may kasama pang bedscene.

“Dati kasi ay kapag may bedscene ay nagkukuwentuhan lang kami Pero sa Adik Sa ’Yo” talagang kissing at bed scene ang ginawa namin.

“Sino ba ang makakatangi at susuway sa utos ng isang dekalidad na director na si Joel Lamangan? Dahil na rin si direk Joel ang director namin kaya ako puma-yag. Alam ko naman na kapag sinabi ni direk ay kailangan talaga,” paliwanag ni Jolens.

Kasama rin sa Adik Sa ’Yo sina Dennis Trillo, Jennica Garcia, Elizabeth Oropeza, Joey Marquez, Chanda Romero, Eugene Domingo, Pauleen Luna, Iwa Motto, John Lapuz, CEs Quezada, Luz Valdez, German Moreno,Benjie Paraz, Chariz Solomon, Mosang, Sandy Talag, Vaness del Moral, Tony Mabesa at Jim Pebangco

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites