<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, June 06, 2009

Jolina Magdangal, Marvin Agustin may bed scene

UMAMIN si Jolina Magdangal sa presscon ng Adik Sa ‘Yo na nagi-entertain na siya ng bagong suitors ngayon.

Sa tingin daw niya’y naka-move on na siya sa bigong relasyon kay Bebong Muñoz, although mutual decision daw ang kanilang paghihiwalay.

Balitang isinauli lahat ni Jolina ang ‘heirloom’ na bigay ni Bebong sa kanya. Katuwiran ni Jolens, ang magmamay-ari ng ‘heirloom’ ay iyong makakatuluyan na ni Bebong.

Samantala, ang masu-gid na manliligaw nga-yon ni Jolens ay isang musically inclined guy. Kaya maganda ang rapport nilang dalawa. Uma-asa ang mga dumalo sa presscon ng Adik sa ’Yo, na pinangungunahan ni-la ni Marvin Agustin, na may kahihinatnang magandang relasyon bet-ween Jolina at ng new suitor niya.

* * *

SA wakas, ang matagal nang minimithi ni Marvin Agustin na maging mature actress si Jolina Mag-dangal ay natupad nang muling magpartner sila bi-lang love team sa bagong soap ng GMA7, ang Adik sa ‘Yo kung saan kasama ng dalawa ang bagong tambalan nina Dennis Trillo at Jennica Garcia.

Ang minimithi ni Marvin noon pa ay makahalikan si Jolens. Aba,ayon kay Marvin, after 13 years nilang magkapartner sa movies at telebisyon, ngayon lang talaga puma-yag na magpahalik sa kanya si Jolens.

Ani Marvin: “At last, nag-mature na si Jolens. Kaya nahalikan ko na rin ang lips niya. ‘Di ‘yon smuck, talagang halikan na. Hindi lang isa, dahil marami kaming kissing scene tapings. Ang siste, ang unang halikan namin ay eksenang naglasingan kami. Pa-reho kaming nakalimot na dalawa. Nangyari ang ‘di nangyari. Mistulang bed scene namin ‘yon,‘di lang halikan.”

Sa totoong buhay, kai-lan kaya muling magkainlaban sina Jolens at Marvin? Kasi, noon ay sinabi ni Marvin na super-close na sila ni Jolens. May pa-nahon daw na mag-MU na sila. Ngayong madalas na ulit magkikita ang dala-wa, three times a week na babaran sa taping, muli kayang umusbong ang pag-ibig nila sa isa’t isa? Lalo pa’t parehong loveless ngayon sina Marvin at Jolens.

Ani Marvin: “Time will tell. Basta hintayin na lang natin. ‘Di naman ako nagbibigay ng timetable sa pag-aasawa ko. Kusa lang dara-ting iyan.”

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites