<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, June 05, 2009

Moymoy Palaboy handang tumestigo

HANGGANG sa isinusulat ang item na ito ay hindi pa rin nagpapa-interview si Aljur Abrenica kaugnay ng reklamong acts of lasciviousness na inihain laban sa kanya ng isang 15-year-old non-showbiz girl sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon sa isang source, sa ngayo’y walang balak magsalita si Aljur dahil nakasisiguro itong wala siyang kahalayang ginawa sa babaing nag-aakusa sa kanya.

Nagkakilala si Aljur at ang menor de edad na babae sa pamamagitan ng common friend na si Moymoy (ng Moymoy Palaboy tandem) nang sabay na magbakasyon sa Puerto Galera nu’ng Mahal na Araw.

Base sa kuwento ni Moymoy sa source ng People’s Tonight, handa siyang tumestigo na walang pambabastos na naganap sa pagitan ni Aljur at ng non-showbiz girl.

Lagi raw silang magkakasama sa Puerto Galera, kaya kung may nangyari mang kalaswaan, hindi ito makaliligtas sa paningin niya at ng iba pa nilang mga kasama.

Bukod kay Moymoy, suportado raw at handa ring tumestigo para kay Aljur ang dalawang miyembro ng Mocha na sinasabing kasa-kasama rin ng grupo nu’ng mga panahong iyon.

“Mga 20 katao pa ang puwedeng tumestigo para kay Aljur,” ang sey pa raw ni Moymoy sa People’s Tonight source.

Napaka-gentleman daw ng actor sa loob ng dalawang araw (Biyernes Santo at Sabado de Gloria) na pananatili nila roon at ang non-showbiz girl pa ang napansin nilang dikit nang dikit dito.

The only time raw na nakita nilang hinawakan ni Aljur ang babae ay nu’ng humiling ito na magpa-picture kasama siya at nu’ng minsang naglalakad sa beach front at inalalayan siya.

Sa totoo lang, anang source, mas maraming dapat sagutin ang accuser ni Aljur dahil sa mga naglalabasang issue lately.

Una na rito ay kung bakit sa edad na kinse, nagtatrabaho na siya bilang promodizer ng isang brand ng beverage.

Pangalawa, kailangang patunayan ng kampo ng non-showbiz girl na hindi gimmick o panggagamit sa aktor ang pag-iingay na ginagawa para makapasok ito sa show business.

Pangatlo, kung totoong nu’ng unang gabi pa lamang ay nakaramdam na siya ng hindi kanais-nais, bakit sumama pa siya sa grupo nina Aljur nu’ng sumunod na gabi?

At pang-apat, kung totoong apektado siya sa nangyari’t wala na siyang ginawa kung hindi ang umiyak mula nu’ng Holy Week, paano nangyaring tinext pa niya diumano si Moymoy para sabihing nasa isang audition siya sa GMA-7?

Ayon pa sa source, tiwala siyang inosente si Aljur sa ipinaparatang dito. Malungkot lang dahil maging ang mga magulang ng aktor ay apektado na sa walang katotohanang bintang sa anak nila.

Kasalukuyan daw silang nakikipag-usap sa kanilang abogado para pag-aralan kung ano ang kaukulang kaso na maaari nilang isampa laban sa “naninira” sa anak na aktor.

Si Atty. June Ambrosio, kilala sa pagpoprotekta sa karapatan ng mga kabataan at kababaihan, ang tumatayong legal counsel ni Aljur ngayon.

Sa opisyal na pahayag na ipinadala ni Atty. Ambrosio sa media kahapon, sinabi nitong: “Based on the information gathered so far, the controversy involving Aljur Abrenica and the complainant appears to be a case of a misunderstanding between two teenagers, nothing remotely romantic or sexually predatory as initially reported.

“Aljur is constantly careful in his dealings with his fans, always upholding the highest standards in gentlemanly behavior, moral values and ethical conduct, as instilled in him by his parents and further honed by his home studio.

“Aljur is flying to the U.S. to fulfill his commitments that had been made long before this controversy.

“Upon his return, he will immediately attend to and clear the matter.”

Ayon sa isang kasamahan sa panulat, may natanguang independence day event si Aljur sa Los Angeles, California.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites