<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, July 12, 2009

Ara Mina balik-taping sa ‘Bubble Gang’

BUKAS (Lunes) ay balik-taping na si Ara Mina sa programang Bubble Gang ng GMA-7. Na-miss ni Ara ang mga kasamahan sa show like Ogie Alcasid, Michael V., Wendell Ramos at ang production staff nito kaya excited siyang makita ulit ang mga dating kaibigan.

Isang taon at kalahating nawala si Ara sa show dahil gumawa siya ng dalawang afternoon soap sa ABS-CBN.

Nang bumalik siya sa GMA-7, nag-guest agad siya sa Totoy Bato bilang asawa ni Robin Padilla at napasama sa Dapat Ka Bang Mahalin nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Sa naturang afternoon soap, pinatunayan ni Ara ang husay niya bilang kontrabida.

Sa muli niyang pagtuntong sa studio ng Bubble Gang, positibo siyang muling tatanggapin ng kanyang mga dating katrabaho.

“I’m very excited. Ang tagal ko na rin silang hindi nakakatrabaho although nagkikita-kita naman kami paminsan-minsan,” bulalas pa niya.

Kagagaling lang ni Ara sa Amerika para sa ilang series of shows doon at marami ang natuwang fans nang ibalita niya na magte-taping na siya ulit for Bubble Gang. Wish ng kanyang mga supporters na gawin na uling regular ang aktres sa programa.

“Sobrang natuwa sila. Na-miss din daw kasi nila ako,” kuwento pa ng aktres.

Regarding her lovelife, natutuwa si Ara na hindi ito masyadong iniintriga ngayon.

“Puwede naman pala ’yon, eh. Sobrang sarap ng feeling na walang intriga sa lovelife ko. Masarap pala ’pag non-showbiz ang karelasyon mo. Ha-ha-ha,” dagdag pa niya.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites